Panitikan K.pop

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Panimula:

Nagbabago ang pamamaraan kung papaano pinapalaganap ang panitikan batay sa


teknolohiyang natutuklasan at ginagamit ng tao. Ang pagsulpot ng internet ay nagpabilis
sa pagpapalaganap ng mga akda ngunit nasagasaan naman nito ang pagrespeto sa
intellectual property right (IPR) o karapatang pag-aari ng isang may-akda, manunulat o
kompositor o prodyuser ng isang pelikula. Sapagkat mabilis nang madownload,
nagsulputan din ang iba pang popular na makabagong panitikan tulad ng mga pick-up
lines, internet meme, videos at iba pang libangan ng mga kabataan. Sa pagkakatong ito
ay mahalagang makita ng guro ng wika at panitikan ang papel ng kalagayang ito sa
pagtataguyod ng wika at panitikang Filipino. Ang paglaganap ng kulturang popular ay
maaaring makatulong nang malaki o makapangwasak sa pagtuturo ng guro depende sa
kung papaano gagamitin ang mga makabagong teknolohiya. Higit na mainam na
matuklasan ng guro kung papaano higit na mapapakinabangan ang mga ito sa
pagpapatalas ng kritikal na isip ng mga mag-aaral upang mahubog sila bilang
responsableng mamamayan ng ating bansa.
I.

Mga Batayang Kaalaman


Ang Kultura ay tumutukoy sa:
- aktibidad ng sangkatauhan
- "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano
gawin ang mga bagay-bagay
- ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang
mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at
iba pa.
- Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling
pantao, at tinatawag ding mataas na kalinangan
- Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na
nakabatay sa kakayahan para sa masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng
pakikipagkapwa
- Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin,
at mga gawain na nagbibigay ng katangian sa isang institusyon o
panimulaan, organisasyon, o pangkat.

Samakatuwid ang Kultura, ang tawag sa pangkalahatang kaalaman at


kaugalian ng isang lahi na nagpapasalin-salin sa bawat henerasyon.
Gamit ang wika, ang kultura ay napayayabong sa pamamagitan ng panitikan
na siyang salamin ng lipunan.
Kahulugan ng Panitikan Ayon sa Ibat ibang Awtoridad

Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagaybagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa
kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.

Webster- anumang bagay raw na naisasatik basta may kaugnayan sa


pag-iisip at damdamin ng tao maging ito'y totoo, kathang isip o
bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan.

Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga


mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip,
pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at
masining na mga pahayag.
- lumilinang ng nasyonalismo
- nag-iingat ng karanasan , tradisyon
- at kagandahan ng kultura

Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang


tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin
ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap
upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

Ayon kay Soledad Reyes (1994) mahigpit ang paniniwala ng mga kritiko na
ang panitikan ay nakaugnay sa buhay sa ibat ibang paraan.Hindi
maihihiwalay ang akda sa mga institusyong panlipunan at sa mga
pangyayaring nagaganap sa isang tiyak na panahon.
Mula naman kay Dr. Bienvenido Lumbera (2007) , ipinahayag niya na:
Tunay na sa ating panahon, lalo na sa mga taga-siyudad na may mataas na
pinag-aralan, ang mga [tulang-bayan ay] malalabong larawan na lamang ng
sinaunang lipunang agricultural. Ngunit ang damdaming pumipintig sa likod
ng mga larawang iyan ay higit na makatotohanan at matapat kaysa sa
emosyong pilit na binibigyan-buhay ng mga Kupido, puso at bulaklak na
kumbensyonal na palamuti ng mga Valentine card. Ibig sabihin, binago
lamang ng kulturang popular ang pamamaraan ng pagpapahayag ngunit
nanatili ang damdamin at intensyon sa paglikha ng anumang akda.
Ayon naman kay Rolando Tolentino (2004) ang kulturang popular ay :
1. Hindi nanggaling sa ordinaryong tao kundi ibinaba sa tao.

2. Urban ang sentro at nagmula sa mga lungsod at mula sa mga


makapangyarihang bansa
3. Sa kasaysayan ay ipinasok ng mga kolonisador upang gamitin sa
pagpapasunod at pagpapatibay ng pananakop ( pasyon, senakulo, awit,
korido)
4. Sa kasalukuyan ay ginagamit hindi lang para mapanatili ang pulitikal na
kapangyarihan ng elite kundi ang ekonomikong aspekto nito
5. Larangan ng tunggalian sa pagitan ng nasa itaas at nasa ibaba
6. Bahagi ng produksyon ng kaalaman (ano, sino at paano)
II. Kulturang Popular
Ayon sa Moralistiko/Didaktikong Oryentasyon:
sinusukat ang kultura sa moralidad at kamalayan ng manonood/mambabasa
Ang pananaw na mga ito ay nakasaalang-alang lamang sa mga nagawa na ng
Kanluran (ang mga Klasiko)
Ayon sa Oryentasyon ng Kanluran:
itinuturing ang sariling manipestasyon ng kultura bilang bakya, baduy at basura
Sa pagsusuri, ang kultura sa iilan ay pareho lang ng kultura ng nakararami.
ang namamayaning kultura ay ang kulturang nauunawaan ng nakararaming
mamamayan.
nararapat na marahil nating itiwalag ang sarili sa mga isteryutipo panahon
na upang pagtuunan natin ng pansin ang makapangyarihang impluwensiya ng
mga
artipak
o
mga
nilikha
o
ginawa
ng
kapwa-Pilipinong
manlilikgha/manunulat
Mga Nakaugnay sa Konsepto ng Kultura
Pagpasok ng teknolohiya
Ugnayan ng bumibili at ng may-akda
Pag-unawa sa karanasan
Sa madaling salita, anumang pagsusuri ang gagawin sa kultura ay
kinakailangang nakasandig sa malawakang pag-unawa sa konteksto ng
kongkretong manipestasyon sa mga pelikula, radyo, komiks, atbp.
Ano Ang Kulturang Popular?
Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para
malaman kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon,
napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at
magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at
idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso?
Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig
sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para
maramdaman ang pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang
popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang
kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga
kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang
nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap.
Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa.
Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang
tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang
kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.
Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? Saan ba ito galing?
ang

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito


mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante


Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang
pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang
buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari
rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng
tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone, camera, at iba
pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong ginagawa ng mga
negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang produktong ito ay
siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular kinalaunan.
2. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal
at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal
at kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit
at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.
3. Pangmasa o komersyal na kultura
Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga
mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass
production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga
kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga.
4. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao
--maaaring ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito
ng mga tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na
pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na
pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na
tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano
man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda,
nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa
ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil
walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas
napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating
kultura.
6. Pagkalusaw ng mga hangganan
Sa tumitinding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at
sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa
para magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas
at mababang kultura, ang sariling kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng
kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.
Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao.
Sa kabilang banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang
ito. Ngunit dapat natin isaisip na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago
kaya marapat lang na panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at
sariling atin. Hindi dapat natin ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang
nagbibigay depenisyon sa kasalukuyang panahon.
Kulturang Populat at Iba pa (Isang Blog)
Bakit nga ba mahilig makiuso ang mga Pilipino? Sinasadya ba nila ito o hindi talaga nila
maiwasan ang ugaling ito?
Bago pa ang lahat, sinu-sino ba ang nasasangkot sa kulturang popular? Ang kulturang
popular ay para sa masa: sa mga babaet lalaki, baklat tomboy, mayaman at mahirap,
matanda at bata, at iba pa. Ngunit ano ba ang kulturang popular? Ayon kay Rolando
Tolentino, ang kulturang popular ay hindi lang simpleng nakikiuso kung hindi ito ay
isang tereyn ng tunggalian. Dito mahahanap ang ibat ibang value systems ng masa at
maging ang mga negosyante.
Binanggit ni Tolentino na isa sa mga katangian ng kulturang popular ang kakayahan
nitong lumikha ng kita. Isa sa mga nakikinabang sa kulturang popular ay ang mga
negosyante. Nagiging isang kagamitan o commodity ang kulturang popular para sa
karamihan dahil hindi na kinakailangan humanap ng mga paraan para alukin ang masa.
Ang masa mismo ang gumagawa ng mga paraan para lumaganap ang ano mang
bagay o produkto. Dito nangingibabaw ang kahalagaan ng teknolohiya sa kulturang
popular. Nagiging daan ang kulturang teknolohiya para sa epektibong sirkulasyon ng

produkto, maging print, broadcast, internet at iba pa. Sa ganitong pamamaraan, habang
napapadali at gumiginhawa ang buhay ng mga negosyante, nasisiyahan naman ang
masa. Marahil may ibang klaseng saya ang nadudulot ng masa sa pagiging bahagi ng
kulturang popular, hindi nila namamalayan na sila ay gumaganap na instrumento para
sa mga negosyante.
Datapwat, ang masa ang may kapangyarihan rin dahil sa kanila rin umiikot ang mga
serbisyo at produkto na inaalok ng mga negosyante. Binabase sa mga hilig at
pangangailangan ang mga produkto at serbisyo na inilalabas sa merkado. Naghahanap
at gumagawa ng paraan ang mga negosyante upang bumagay ang kanilang mga
produkto sa ibat ibang pangkat ng lipunan. Dito lumalabas ang konsepto ni Tolentino
na ang kulturang popular ay isang middleground. May negosasyon na nagaganap sa
pagitan ng masa at ng mga negosyante. Hindi man aktuwal na negosasyon ang
nagaganap kung hindi ang pagtanggap sa mga produkto na ipinahihiwatig sa masa.
Kinakailangan ring tandaan na sa kabila ng kasiyahan na ibinibigay ng mga produkto,
may sakit din na naidudulot ang kultrang popular. Marami ang kinakailangang
isakripisyo ng mga mamimili para lang matamo nila ang mga pinapangarap na mga
bagay-bagay. Handa silang masaktan dahil gusto nila makiuso sa uso na nagging uso
dahil sa masa. Ito ang ideya ng sado-masokismo na isang katangian ng kulturang
popular.
Laging may sentrong pinapanggalingan ang kulturang popular. Madalas ang sentro ay
maaring mga ulong-bayan, mga pangunahing lungsod, at mga sentro ng
kosmopolitanismo at urbanidad. Kung ano ang nagaganap sa sentro ay sinusundan ng
mga periphery. Para itong nakakahawang sakit na hindi natin maiwasan.
Sa pangkahalatang pananaw, ang kulturang popular ang realidad ng masa. Lahat ng
ating kinikilos ay nakabase sa kulturang ginagalawan natin. Kahit may mga ibat ibang
mga pag-uuri sa lipunan at may sari-sariling paniniwala, hindi natin maiiwasan at
matataguan ang kulturang popular lalo na sa panahon ngayon kung saan tayo ay nasa
teknolihiyang era. Kahit hindi natin aminin, lahat tayo ay tumutulong sa pag-usbong ng
kulturang popular. Kahit mahalin natin or kasuklaman ang isang ideya, lalo nating
itinataguyod ang produkto sa pamamagitan ng pagtatanggap sa ating kultura.

Ang Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo


Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at
pinapalaganap mula sa sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay
patungo sa kamalayang naghahari ang makabago, mapusok, marangya at
makapangyarihan. Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo,
pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng tao na namulat sa mabilisang
pagbabago sa isang sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat
tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Paano? Dapat munang isaalang-

alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni Tolentino


na:
Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay
naipapalaganap. Kinakailangan ng mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao.
Ang teknolohiyang ito ay maaaring mediaprint, broadcast, film, computer at iba pa.
Ito ay maaaring domestikong teknolohiya tulad ng telebisyonIto ay maaaring kultural
na teknolohiyatulad ng edukasyon at sining (2001: 7).
Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado ay mahahalagang
sangkap sa komersyo ng isang bansa. Napasimulan ang lahat ng ito sa pagpasok ng
mga Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang sa negosyong pambansa ng
Pilipinas sa panahon ng Komonwelt at Unang Republika, partikular ang pagbibigay
pantay-karapatan sa mga Amerikano sa negosyo at kalakalan sa panunungkulan ni
dating pangulong Manuel Roxas. Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring
panlipunan ay umikot (at umiikot hanggang ngayon) sa namumuhunan, sa mga
negosyanteng may salapi. Kung kayat ang teknokrasya ay ginamit para mapanatili pa
lalo ang sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng mga kapitalista. Ang
pagbubukas ng pinto sa mga bagong teknolohiya ang naging dahilan kung kayat ang
pagnanasa ng lahat sa uso at makabago ay bigla-biglang natutugunan. At dahil na rin
dito naging mahusay na kasangkapan ang teknolohiya upang lumikha ng artipisyal na
pagnanasa, hilig at fanstasya. Ikinumpol ang produksyon sa pamamagitan ng
teknolohiya para sa higit na nakakaraming taoang masa. Ayon kay Teresita Maceda
(Lagda 1999) binaha ng mga produktong buhat sa Amerikanong kulturang popular ang
Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa Amerikanisasyon ang masa kahit
na hindi sila natutong lahat ng Ingles o nakapag-aral.
Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang
bumubuo ritor: ang unay kultura at ikalaway popular. Ang kultura ay isang
pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao. Culture is both the arts and the
values, norms and symbolic goods of everyday life. While culture is concerned with
tradition and social reproduction, it is also a matter of creativity and change (Barker,
2000: 35).
Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang
kahulugan ito. Ang kultura ay masasabing mayroong reflexibong kahulugan na
maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na sumasanga-sanga sa usapin
ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang
kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa mga
kilos at bagay-bagay na likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: Ito ay tumutukoy sa
afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan(H)alimbawa ang
hindi namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na
ugnayan dahil sa parehong balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa
radyo tungkol sa mga pamabansang isyu (2001: 4-5).

Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang
pang-uri na nangangahulugang kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.
(1983: 87, salin). Numerikal din ang isang pakahulugan ng popular. Popular ang isang
bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang
lumilikha ng bilang. Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao
mula sa salitang populus (people sa Ingles) sa wikang Latin.
Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang
popular ay unang lumitaw at naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa
Europa bilang kabaligtaran ng mataas na Kultura (may empasis sa malaking K). Kultura
ito ng namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan. Ang
produkto ng Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang
masa ay bakya at mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni
Chris Baker dito: A variant of high-low cultural boundary, and one which reproduces
theinferiority of the popular, is that which decries commodity-based culture as
inauthentic, manipulative and unsatisfaying (2000: 44).
Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular?
Sinasabing ang gumagawa o sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga
transnasyunal at translokal na kapitalista. Wala ng geopolitikal na hangganan ang
pagpasok ng makabagong musika, literatura, pagkain, damit, kaisipan, ideolohiya at
marami pang iba. May rasyonalisasyon ng pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao
na naiimpluwensiyahan ng mga bagay o komoditi mula sa labas. Humahatak ito sa
pangkalahatan na sumanib at makiuso at nagiging pananda ng kasikatan sa panloob na
geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990). Kay Lumbera (1997) usapin ng loob at
labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na kaiba sa pambansa o folk na
kulturang nasa loob ng bansa. Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay
pumasok na sa sensibilidad, pagpapahalaga, kaugalian ng mga tao. Matatawag natin
itong kultura ng kamalayang popular na mas matindi pa sa pisikal na pagtangkilik
lamang ng produkto. Kapag napasok na ang kamalayan, nagiging bahagi na ng
kalooban ang mula sa labas.
Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga komukonsumong
masa. Sa ganitong sitwasyon pinaniniwalaang ang kulturang popular ay maiintindihan,
hindi sa yugto ng produksyon ng mga produkto, bagkus sa pagkonsumo nito.

Kalagayan ng Panitikang Popular sa Kasalukuyan


Ayon kay Virgilio S. Almario (2013) may sigla ngayon ang araling kultural lalo na sa
larang ng kulturang popular. Ngunit nakapaghihinala kung nasulyapan man lamang ng
mga kabataang iskolar ang mga pag-aaral.
Mahalaga sa mga guro kung ganoon na huwag lamang panatilihing ang panitikan at
kulturang popular ay pang-aliw bagkos dapat maging bahagi ng pagtatangkang imulat

ang kabataan bilang makabayang kabataang pag-asa ng bayan. Ang pagpasa sa


Licensure Examination for Teachers (LET) ay pintuan pa lamang patungo sa mas
mabigat na papel na tatahakin ng bawat guro ng wika at panitikan. Sa panahong ito na
ang social media ang panitikan ng mga kabataan, isang malaking hamon kung papaano
natin magagamit ang kalagayang ito upang himukin ang mga kabataan na magmasid,
magsuri at manaliksik sa lipunan upang sa hinaharap ay mabawasan na ang
magtatanong kung bakit palaging nakaupo si Apolinario Mabini. (Malabanan, 2015)

You might also like