TEORYA

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SA FILIPINO IBAT IBANG TEORYA SA PANUNURING PAMPANITIKAN A.

MORALISTIKO - sa teoryang ito, pinahahalagahan ng tauhan ang kanyang kinagisnan at paniniwala, tradisyon at kultura, hindi dahil sa ito ang kanyang kagustuhan, kundi naaayon ito sa tama at nararapat. B. HUMANISMO - Ang pokus ay ang TAO/ Tao ang SENTRO ng daigdig at ang panginoon ng kanyang kapalaran. Malaya siyang makapag-isip, makapagpapahayag at nakakilos/ malayang nagpapasya, lumilikha ng sariling kapalaran. - PANANAW NG TEORYA: 1. TAO at ang kanyang SALOOBIN at damdamin qng pangunahing paksa. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan. C. SOSYOLOHIKAL - Ang panitikan ay hindi hiwalay sa LIPUNAN. Itoy aktibong nakibahagi sa komunidad na maaari nyang maimpluwensyahan o SIYA ang maimpluwensyahan nito. - Ang isang akda ay hindi basta likha ng isang tao kundi ng isang manunulat na saksi sa isang TIYAK NA PANAHON o LUGAR. - 2 PARAAN NG PAGTINGIN (APPROACH) SA PANITIKAN 1. Suriin ang tauhan sa kalagayan nya sa lipunan at pananaw nito sa tradisyon, pamantayan at tungkulin. 2. Ang panitikan bilang salamin ng kapaligirang panlipunan sa kanyang panahon ( social environment ) D. NATURALISMO - Gumagamit ng tauhang may dahilan ang mga ambisyon, katapangan at katotohanan. Tinatangka ng pananaw na ito na maglarawan ng simpleng tauhan na may di-mapigil na damdamin. - PANANAW SA TEORYA 1. Ang buhay ay tila mabangis at masalimuot.

2. Pinakikita ang kasuklam-suklam na detalye sa akda 3. Ang tauhan ay PESIMISTA 4. Simple ang tauhan na may di-mapigil na damdamin na nagmula sa karaniwang marumi o mapaniil na lugar (slum) E. EKSISTENSYALISMO Personal ang batayan ng tao TAO vs. LIPUNAN vs. MUNDO PANANAW SA TEORYA: 1. Malaya ang tao 2. Responsable ang tao 3. Walang makapagsasabi kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas ng pinag-uusapan.

F. SIKOLOHIKAL - binibigyan diin ang asal at pag-uugali ng particular na tauhan sa isang akda - sinusuri kung bakit ang isang tauhan ay kumikilos batay sa kanyang motibo at kaugnayan nito sa kanyang pasya, gawi at paniniwala. G. ROMANTISISMO - mas namamayani sa halip na pag-iisip at kumikilala sa tunay na pangyayari. Ang damdamin ang makapangyayari sa pagpapasya nito sa pagiging mabuti o masama ng isang kilos o gawa. H. KLASISISMO - ( KLASIKO) aristokratiko ang pananaw na ito. Naniniwala ang teoryang ito na ang tauhan ay nabibilang sa mararangal na pangkat ng lipunan. Pinalalagay ng ilang tao na kilala at bantog, dakila sa kasaysayan lamang ang dapat na maging paksa ng panitikan Maingat, matipid sa salita sa pagpapahayag ng damdamin.

I. FEMINISMO - Ang teoryang ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng sistemang

patriyarkal sa kababaihan na higit na malakas ang lalaki kaysa babae: - PANANAW SA TEORYA: 1. Mawala ang de-kahong imaheng ibinigay sa babae 2. Inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa matapat na pamamaraan. J. MARXISMO - (MARXISM) Sinisuri hindi lamang ang kultura kundi pati aspeto ng pulitika, ekonomiya, at pilisopiya. - Ang impluwensya ng karahasan sa lipunan - Ganap na paraan sa pag-iimbestiga sa karanasan ng mga tao - (mahalaga at pina-iiral ay paninindigan at pinaniniwalaan, kahit ito ay magdala sa karahasan at kamatayan) K. BAYOGRAPIKAL - Ang kaugnayan ng may-akda sa kanyang akda. Nalkatuon sa lantad na pagbubunyag sa ilang bahagi ng buhay ng manunulat na nakadaragdag sa kagandahan at kaisipan nito. Sinasalamin ng akda ang katauhan ng manunulat.

3. Pagsusuri sa akda batay sa tema o paksa, gamit ng wika, tayutay, pahiwatig at iba pang elemento. N. DEKONSTRUKSYON - Tinatawag ding post instrukturalismo - Nakatuon ang kamalayan sa istruktura ng kamalayan ng tao. Hindi lamang wika ang dapat busisiin kundi ang realidad o pilosopiya nito sa kamalayan ng manunulat ngunit oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.

L. IMAHISMO - Ang imahen o larawang nagsasabi ng kahulugan ng mga bahagi ng tula. - Ang mambabasay mahihikayat bumuo ng mga imahen, habang binabasa ang tula batay sa kanyang pag-unawa M. PORMALISMO - Nakapokus sa ISTRUKTURA ng isang akda. - PANANAW sa TEORYA 1. Ang teksto mismo ang dapat suriin 2. Ang porma at nilalaman ng akda ang nagbibigay kahulugan ditto.

You might also like