4 Komponent Komunikasyon
4 Komponent Komunikasyon
4 Komponent Komunikasyon
TUKUYIN KUNG
TAMA O MAY MALI SA KABUUAN NG PANGUNGUSAP.
1.Sila Jose Manalo at Wally Bayola ay kapwa mahusay magpatawa.
KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
BASAHIN:
”KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO”
Pahina 149-152
*Dell Hathaway Hymes-isang mahusay,kilala at maimpluwensyang
lingguwista at anthropologist na maituturing na higante sa dalawang nabanggit na
larangan.
Tula,maikling kuwento,sanaysay,pagtatanghal,Flip-top,
Pick-up lines,hugot lines,ulat,e-mail,facebook post,blog,diyalogo,
Dula-dulaan,video tape at iba pang awtentikong gawain na
Makatutulong sa paglinang ng kanilang kakayahan sa
pakikipagtalastasan.
APAT NA KOMPONENT O
SANGKAP NG KASANAYANG
KOMUNIKATIBO
Gramatikal - ang komponent na
nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita
upang epektibong makipagtalastasan
gamit ang angkop na mga tuntuning
pang-gramatika.
Mahalagang batid niya ang tuntuning
panggramatika dahil magagamit ang
mga ito sa epektibong pagbuo ng
salita,pangungusap,tamang pagbigkas,
pagbaybay at maging sa pagbibigay
kahulugan sa salita.
Ang Pag-ibig ay parang
gramatika,
kaunting pagkakamali at di na
nagkakaintindihan.”
Sosyo-Lingguwistik -
Ang komponent na nagbibigay-
kakayahan sa nagsasalita upang
magamit ang salitang naaangkop sa
sitwasyon at sa kontekstong sosyal
ng lugar kung saan ginagamit ang
wika.
Diskorsal -
Ang komponent na nagbibigay-
kakayahang magamit ang wikang
binibigkas at wikang ginagamit sa
pagsulat sa makabuluhang paraan upang
maipabatid ang mensahe at maunawaan
din ang tinatanggap na mensahe.
Strategic -
Ang komponent na nagbibigay-
kakayahang magamit ang berbal at hindi
berbal na mga hudyat upang maihatid
nang mas malinaw ang mensahe at
maiwasan o maisaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan o mga puwang (gaps)
sa komunikasyon.
Ayon kay Nelson Mandela, kapag
kinausap mo ang isang tao sa
wikang ginagamit niya ay
mapupunta ito sa
kanyang puso.