Tekstong Impormatibo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 58

Gawain: ANONG NASa ISIP MO?

Panuto:
Magtala ng mga bagay na madalas mong
ipinopost o isini-share sa facebook, twitter
o iba pang social media platform. Isulat mo
ang iyong sagot sa kwaderno.
Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t- ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik

Tekstong Impormatibo

Inihanda ni: Bb. Cindy P. Cañon, LPT


LAYUNIN NG ARALIN NA ITO AY:
• Natutukoy ang kahulugan at kalikasan ng tekstong
impormatibo.

• Nakasusulat ng halimbawa ng uri ng tekstong impormatibo sa


pamamagitan ng angkop na datos upang mapaunlad ang
sariling teskstong isinulat
• Nabibigyang-halaga ang mga impormasyong ukol sa nabasang
teksto mula sa aklat, internet at social media . .
Ano ang tekstong Impormatibo?
Ang TEKSTONG IMPORMATIBO na kung minsan ay
tinatawag ding ekspositori, ay mga babasahin at
akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at
paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop,
o pangyayari.

Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’


‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano’.
Ano ang tekstong Impormatibo?
• Pawang impormasyon at katotohanan
lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at
hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin,
nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa
katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito
masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra
sa paksa.
PagkILALA SA KATOTOHANAN AT
KATOTOHANAN- Mga pahayag na maaaring mapatunayan o
OPINYON
mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan,
pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.

OPINYON- mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o


ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.
Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng
“sa opinyon ko,” “para sa akin,” “gusto ko,” o sa “tingin ko.”
Ano ang tekstong Impormatibo?
• Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong
impormatibo ay biyograpiya, mga
impormasyon na matatagpuan sa
diskyunaryo, encyclopedia, o almanac,
papel- pananaliksik sa mga journal,
siyentipikong ulat, at mga balita sa
dyaryo at mga magasin gayundin sa
iba’t-ibang web site sa Internet.
tekstong Impormatibo
Upang mas madaling maunawaan ang anomang tekstong
impormatibo, kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t
ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na
mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon katulad ng:

• Talaan ng nilalaman
• Indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo,
• Mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng
palatandaan para sa mga larawan ,graph, at talahanayan.
Tanong ko lang?

• Sa ano-anong pagkakataon ng inyong


buhay mahalaga ang mga kaalamang
naihahatid ng ganitong uri ng teksto?
ELEMENTO NG TEKSTONG
1. Layunin ng may Akda
IMPORMATIBO
2. Pangunahing Ideya
3. Pantulong na kaisipan
4. Mga estilo sa pagsulat,
kagamitan/sangguniang magtatampok sa
mga bagay na binibigyang-diin.
ELEMENTO NG TEKSTONG
1. Layunin ng may Akda
IMPORMATIBO
 Magkaiba-iba ang layunin ng may akda sa pagsulat
niya ng isang tekstong impormatibo.
• Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang
kaalaman ukol sa sa isang paksa, maunawaan ang
mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo, o
magsaliksik.
ELEMENTO NG TEKSTONG

2. IMPORMATIBO
Pangunahing Ideya
 Sa tekstong impormatibo dagliang inilalahad ang mga
ideya sa mambabasa.
 Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi-tinawag din itong
organizational markers.
ELEMENTO NG TEKSTONG

3. IMPORMATIBO
Pantulong na kaisipan

 Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na mga


pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong
mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
ELEMENTO NG TEKSTONG
4.
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang
IMPORMATIBO
magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin.

 Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng


mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong
impormatibo ang paggamit ng mga estilo o
kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
ELEMENTO NG TEKSTONG

 Paggamit ngIMPORMATIBO
mga nakalarawang
representasyon

-makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit,


dayagram, tsart, talahayanayan, timeline, at iba pa upang
higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa
mga tekstong impormatibo.
ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa
teksto

-nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang


nakadiin, nakahilis nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi
upang higit na madaling makita o mapansin ang mga
salitang binibigyang-diin sa babasahin..
ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
 Pagsulat ng mga talasanggunian

-karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong


impormatibo ang mga aklat, kagamitan at iba pang
sangguniang ginamit upang higit na mabigyang diin ang
katotohanang naging basehan sa mga impormasyong
taglay nito.
Mga urI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/kasaysayan
• Sa uring ito ng teksto inilalahad ang totoong pangyayaring naganap sa
isang panahon o pagkakataon.
• Ang mga pangyayari ay isinasalaysay basi sa personal na nasaksihan
ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter sa mga
pahayagan.
• O maaari ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi, mula sa
katotohanang nasaksihan at pinatunayan ng iba tulad naman ng
sulating pangkasaysayan o histotical accounts.
Mga urI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/kasaysayan

• Karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o


introduksiyon.
• Mababasa sa bahaging ito ang pinakamahalagang impormasyon tulad
ng kung sino, ano, saan, kailan at paano nangyari ang inilalahad.

• Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng katawan,


at karaniwang nagtatapos sa isang kongklusyon.
Mga urI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
2. Pag-uulat Pang-impormasyon

• Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon


patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundinn sa mga pangyayari sa paligid.

Halimbawa:
Paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga
hayop na malapit nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga
halaman, at iba pa.
Mga urI NG TEKSTONG
3. Pagpapaliwanag IMPORMATIBO
• Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag
kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.

• Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga


impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa
ganitong kalagayan.
Mga urI NG TEKSTONG
3. Pagpapaliwanag IMPORMATIBO
• Karaniwang itong ginagamitan ng mga larawan,
dayagram, o flowchart na may mga kasamang
paliwanag.

• Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at


insekto tulad ng paru-paro.
Tanong ko lang?

• Sa mga uri na ito, alin sa mga ito


ang pinakagustong-gusto mong
basahin, Bakit?
HalImbawa ng tekstong
Cyberbullying
IMPORMATIBO
Ano ang cyberbullyING?
• Cyberbullying ay isa sa uri ng Bullying kung saan ito ay sinasadya at
paulit- ulit na pananakit sa kapwa tao sa pamamagitan ng paggamit ng
makabagong teknolohiya.

• Ito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta,


o pagtataglay ng masamang salita maging sa text o email,
pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan,
video iba pa sa email at social media: pag-bash o pagpo-post ng
mga nakasisira at walang basehang komento.
Ano ang cyberbullyING?
• Paggawa ng peking account na may layuning mapasama
ang isang tao, pag-hack sa account ng iba upang
magamit ang sariling account ng tao at iba pang uri ng
harassment sa pamamagitan ng teknolohiya.

• Ang mga ito ay nagbubunga ng pagkapahiya,


pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging
biktima nito.
Paano Naiiba ang Cyberbullying sa Harapang Pambu-
bully?

• Ang harapang pambu-bully ay nangyayari sa isang lugar


at isang panahaon.

• Samantala, ang Cyberbullying naman ay maaaring


mangyari nang 24/7.
Ano-ano ang epekto ng cyberbullying?

1. Mga Senyales ng depresyon

• Ang sugat sa emosyon ay mas matindi pa kaysa pisikal na sugat.

• Kapag matindi ang emosyonal trauma dahil sa nakasisirang post sa


Internet , ang biktima ay nakararanas ng mga sintomas na
depresyon tulad ng hindi mapaliwanang na kalungkutan, hindi
makatulog, kawalan ng ganang kumain, o minsa’y humahantong sa
pananakit sa sarili. O pag-iisip na wakasan ang sariling buhay.
Ano-ano ang epekto ng cyberbullying?

2. Pag-inom ng alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot

• Ito ay nagiging paraan ng biktima upang makalimot o


magkaroon ng tapang o lakas ng loob na harapin ang bully
at ang mundo.
Ano-ano ang epekto ng cyberbullying?

3. Pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan

• Ito’y isang paraan upang makaiwas sa tanong mga bully.


Ano-ano ang epekto ng cyberbullying?

4. Pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan

• Ang madalas na pagliban at kawalan ng konsentrasyon sa


pag-aaral dahil sa kakaisip sa nangyayaring pambu-bully ay
nagre-resulta sa mababang marka sa paaralan.
Ano-ano ang epekto ng cyberbullying?

5. Pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng mababang self-esteem

• Ang mga alaala ng panunukso o pananakit ay nagdudulot ng


kawalan ng tiwala sa sarili o mababang pagpapahalaga sa.
Ano-ano ang epekto ng cyberbullying?

6. Pagkakaroon ng problema sa kalusugan

• Karaniwan ang mga biktima ng bullying ay nakaranas o


nagsasabing sila ay may sakit tulad karaniwang ubo, sipon,
sakit ng ulo, sakit ng tiyan, at iba.
Ano-ano ang epekto ng cyberbullying?

7. Pagigng biktima rin sa harapang bullying

• Minsan bago pa mangyari o kapag nangyari na ang


cyberbullying, ang biktima ay karaniwang ding nagiging
biktima ng harapang bullying dahil nawawala ang tiwala
niya sa sarili at ang kakayahang gawin ang nararapat upang
maipagtanngol ang kanyang karapatan.
Ano na ba ang sitwasyong ng
cyberbullying sa Pilipinas?
• Ayon sa ulat ng Google
Trends, ang ikaapat sa mga bansa
sa buong mundo kung saan may pinakamaraming
naghahanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying
noong 2013 ay ang Pilipinas.

• Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isa


nang realidad sa ating bansa.
• Sa bansang Amerika ay lumabas na nasa 9% ng mga
mag-aaral sa Grade 6-12 ang nakaranas ng
cyberbullying noong 2010 at 2011 at noong 2013,
tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 – 12 na
nakaranas ng cyberbullying.
Sa Sarbey Na Isinagawa Ng WWW.stopcyberbullying. Org
ang sumusunod ang isinasagawa ng mga nagiging biktima ng cyberbullying

• 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully na.


• 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang komunikasyon
sa bully.
• 34% ang nagsabi sa kaibigan ukol sa pambu-bully.
• 29% ang walang ginawang anuman ukol sa pambu-bully.
• 28% ang nag-sign-offline.
• 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayaring sa kanila.
Tanong ko, sagot mo!
• Batay sa ating tinalakay, ano ang tekstong
impormatibo? Bakit?
• Paano ba natin mas mapagtitibay ang
tekstong impomatibo?


Tanong ko, sagot mo!
• Bakit mahalaga na maging kritikal tayo sa
pagsuri o pagbasa ng teksto o mga
impormasyon?
• Sa paanong paraan magiging mas epektibo
pang maipaparating ng manunulat ng isang
tekstong impormatibo ang mahahalagang
impormasyon sa kanyang mambabasa?
Uri ng tektong impormatibo batay sa
estruktura
1.SANHI AT BUNGA

2.PAGHAHAMBING
3. PAGBIBIGAY-DEPENISYON
4.PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON
SanhI AT BUNGA
•Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung
paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari.
•Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang
malinaw na relasyon sa dalawang bagay at
nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang
mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga).
PAGHAHAMBING
• Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang
nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng
anomang bagay, konsepto, o pangyayari
PAGBIBGAY-DEPINISYON
• Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita,
termino, o konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang
konkretong bagay gaya ng uri ng isang hayop, puno, o kaya
naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarungan,
pagkakapantay-pantay, o pag-ibig. Sa ganitong uri ng tekstong
impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang
denotatibo o konotatibo.
PAGLILISTA NG
KLASIPIKASYON
Ang estrukturang ito naman ay kadalasang
naghahati hati ng isang malaking paksa o ideya sa
iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng
sistema ang pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat
sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at
pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa
ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.
Pag-IsIpan NatIn!
A. Basahin ang tekstong “Pagdodroga” na isang halimbawa ng tekstong
impormatibo na nasa estrukturang Sanhi at Bunga. Itala ang mga tinutukoy
na sanhi at bunga ng pagdodroga na mula sa teksto. Gamit ang kahon sa
ibaba, lumikha ng isang dayagram na magpapakita ng relasyong sanhi at
bunga mula sa teksto. Gumamit ng ibang papel para sa kasagutan.
B. Balikan ang halimbawa ng paghahambing sa aralin na may titulong “Sanaysay
tungkol sa mga kababaihan noon at ngayon”. Itala ang mga pagkakaiba at
pagkakatulad ng kababaihan noon at ngayon. Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba
upang itala ang mga punto ng paghahambing.
C. Balikan ang tekstong nasa estrukturang Paglilista ng Klasipikasyon at gumawa
ng outline o balangkas sa binasang teksto patungkol sa polusyon.

PAMAGAT
I. Pangunahing ideya
a. Pansuportang ideya
b. Pansuportang ideya
c.Pansuportang ideya

II. Pangunahing ideya


a. Pansuportang ideya
b. Pansuportang ideya
c.Pansuportang ideya
3 KAKAYAHAN UPANG UNAWAIN ANG
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulong “Developing ESL/EFL Learner’s
Reading Crisis:”Why Poor Children Fall Behind”, mahalagang hasain ng
isang mahusay na mambabasa ang tatlong kakayahan upang unawain
ang mga tekstong impormatibo.

PAGPAPAGANA NG IMBAK NA KAALAMAN


PAGBUO NG HINUHA
PAGKAKAROON NG MAYAMANG KARANASAN
PAGPAPAGANA NG IMBAK NA
KAALAMAN
Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman
ay may kinalaman sa pag-alala ng mga
salita at konseptong dati nang alam na
ginamit sa teksto upang ipaunawa ang
mga bagong impormasyon sa
mambabasa.
PAGBUO NG
HINUHA
Ang pagbuo ng hinuha naman ay may
kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto
na hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng
pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na
malinaw. Ito ay matalinong paghula ng
maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi
direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto.
PAGKAKAROON NG MAYAMANG
KARANASAN
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mayamang
karanasan sa pagbasa ng iba’t ibang teksto at
pagdanas sa mga ito. Halimbawa, kung ang isang
mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-
unawa sa iba’t ibang uri ng hayop, mas magiging
madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya at
pag-unawa sa iba’t ibang grupo nito batay sa mga
katangiang kaniya nang nasaksihan.
Nagbigay rin ng iba’t ibang estratehiya si Iwai (2007) kung
paanong mahahasa ang mga kakayahang nabanggit.

1.Tinukoy niya ang kahalagahan ng salitang pangtransisyon


gaya ng “una”, “ikalawa”, o “ikatlo”.At kung gumagamit naman
ng salitang kontradiksyon o pagpapalit ng ideya gaya ng
“gayunpaman”, “ngunit”, o “sa isang banda”, kailangang
maunawaan na kasunod nito ang isang ideya na taliwas sa
nauna nang binasa.
2. Ang pagtukoy sa paraan ng organisasyon ng mga
impormasyon sa teksto ay makatutulong din sa malalim na
pag-unawa ng mambabasa. Mahalaga ang kasanayan sa
pagbabalangkas upang makita ang pagkakaayos ng mga ideya
at kung paano binabalangkas ang kabuoan ng teksto.

3. Ang isa pang paraan sa pagpapatalas ng pag-unawa sa mga


tekstong impormatibo ay ang pagpapayaman ng
bokabularyo. Kung iuugnay ng mambabasa ang mga dati nang
alam na salitang hindi pa gaanong nauunawaan sa teksto.
Pagpapalalim na Gawain

Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili mong PAKSA


halimbawa ng tekstong impormatibo. Dahil • Cyberbullying
katotohanan at hindi sarili mo lang o opinyon ang • Depresyon
pagababatayan sa iyong isusulat, mangangailangan ito • Edukasyon ang susi sa
ng pagkuha o pangangalap ng datos upang mapaunlad tagumpay.
• Epekto ng teknolohiya sa
ang tekstong iyong isusulat. Maaari kang mag-isip ng
pag-aaral.
sariling paksang susulatin na ihihingi mo ng pahintulot
• Maagang pagbubuntis
sa iyong guro o maaari kang pumili ng alinman sa mga • Paggamit ng Droga ng mga
paksang nakalahad. Isulat sa isang pirasong malinis na Kabataan.
papel. • Kahirapan
• Pagmahal ng mga bilihin
Gawing gabay ang rubrik sa para pagmamarka.
PUNTOS PAMANTAYAN
50 Ang tekstong impormatibo ay siksik sa mga bagong
kaalamang nakabatay sa mga angkop na datos mula sa
pananaliksik.

40 Ang tekstong impormatibo ay may taglay na mga bagong


kaalamang nakabatay sa mga angkop na datos mula sa
pananaliksik

30 Ang tekstong impormatibo ay may taglay na ilang bagong


kaalamang nakabatay sa ilang mga datos mula sa pananaliksik.

20 Ang teksto ay hindi maituturing na impormatibo dahil wla itong


mga bagong kaalamang taglay at wala ring mga datos na
pinagbataya kundi pawang opinyon lamang.
".
Hindi mahalaga kung gaano kabagal ka
"

magpunta hangga't hindi ka tumitigil


makakarating ka."
- Confucius
Maraming salamat!

You might also like