Tekstong Naratibo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

TEKSTONG NARATIBO/NAGSASALAYSAY

LAYUNIN
1.Natutukoy ang kahulugan at katangian
ng mahalagang salitang ginamit ng
tekstong naratibo.
2.Naibabahagi ang katangian at kalikasan
ng tekstong naratibo.
3.Nakasusulat ng ilang halimbawa ng
tekstong tekstong naratibo.
Saglit nating balikan ang paksa na natutunan mo mula sa Modyul 3: Tekstong Persuweysib. May ilang
halimbawa ng mga patalastas sa ibaba. Tukuyin kung anong propaganda device ang ginamit.

1. “Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ.” – Grace


Poe _________
 
2. Ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras,
mura na, masarap pa. (Ngunit hindi nito sinasabing kakaunti lang ang
sustansiyang taglay, maraming tagong asin at kung araw-arawin itong kakainin
ay maaaring magdulot ng sakit.
Buong bayan ay nagpeso padala na. 3.
5. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalaysay ng
mga pangyayari sa anyong komiks?
TEKSTONG NARATIBO
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng
mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang
lugar at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na
pagkasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan.
MGA LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO:
1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na
pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o
nakapagbibigay-aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.
TEKSTONG NARATIBO
MGA HALIMBAWA:
1. Maikling kuwento
2. Nobela
3. Kuwentong-bayan
4. Mitolohiya
5. Alamat
6. Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng
kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction
PANGKALAHATANG KATANGIANG TAGLAY NG
BAWAT URI NG TEKSTONG NARATIBO

A.May Iba’t Ibang Pananaw O Punto De Vista (Point Of View)


sa Tekstong Naratibo
1.Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga
tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang
nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng
panghalip na ako.
2.Ikalawang Panauhan- dito mistulang kinakausap ng
manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad
ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga
manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
3.Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay
ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit
niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at
nasa labas siya sa mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng
pananaw:
a. Maladiyos na panauhan- nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng
mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya
ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
b. Limitadong panauhan- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
c. Tagapag-obserbang panauhan- hindi niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o
naririnig niyang pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kaniyang isinalaysay.
4.Kombinasyong Pananaw o Paningin- dito ay hindi
lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.
Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan
ang mga pangyayari ay sumasakop ng mas mahabang
panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa
bawat kabanata.
B.May Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad ng
mga Tauhan sa Kanilang Diyalogo, Saloobin, at
Damdamin sa Tekstong Naratibo
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - ang tauhan ay
direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng
panipi.
Hal: “Donato, kakain na ,Anak,” tawag ni Aling
Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at
hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kanyang kinalalagyan, “Aba’y kayganda naman nireng
ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?

B.May Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad ng
mga Tauhan sa Kanilang Diyalogo, Saloobin, at
Damdamin sa Tekstong Naratibo
2. Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag – ang
tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o
nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Hal: Tinatawag ni Aling Guada ang anak dahil
kakain habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng
anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak
niya.
C.May Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo

 Tauhan - ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong


naratibo ang pangangailangan lamang ang maaaring
magtakda nito.
 
 Paraan Sa Pagpapakilala Ng Tauhan
Expository - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o
maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at
Dramatiko - kusang mabubunyag ang karakter dahil sa
kaniyang pagkilos o pagpapahayag
Karaniwang Tauhan
Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga pangayayari sa kuwento simula
hanggang sa katapusan
Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan
Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan
Ang May-akda - sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.

 Dalawang Uri ng Tauhan ayon kay E. M., Froster


Tauhang Bilog (Round Character)- Isang tauhang may multi-dimensiyonal o
maraming saklaw ang personalidad.
o Tauhang Lapad (Flat Character) - tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang
katangiang madaling matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon - tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng mga pangyayari
sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang, takot,
romantikong paligid, matinding pagod, kalungkutan at iba pa.
3. Banghay - maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong
naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
 Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo
Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakilala ang mga tauhan, tagpuan, at
tema (orientation or introduction)
Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular na ang
pangunahing tauhan (problem)
Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng
tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang kasukdulan (climax)
Pababang pangyayari na humantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
 Anachrony O Mga Pagsasalaysay Na Hindi Nakaayos Sa Tamang Pagkakasunod-Sunod
Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Prolepsis (Flash-forward) - dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap.
Ellipsis- may mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

4. Paksa o Tema - sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo

You might also like