W5 Talumpati

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MIL 12 – Module 1 1

PANGALAN: ___________________________________________ BAITANG AT PANGKAT: ______________

S.Y.: 2020-2021 MARKAHAN: __2__ MODYUL: __2__ LINGGO: _1__

BHC Educational Institution Inc.


Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

Ikalawang Markahan

2 Unang Linggo
Leksyon 1
Akademikong Pagsulat

Layunin:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin.
2. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.
3. Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.

Modyul 2 ||Leksyon 1

Kasama ng pagbuo ng akademikong sulatin ang


paglikha ng isang maayos na talumpati. Sa
markahang ito, ating pag-aaralan ang natitirang
mga akademikong sulatin at talumpati.

 uri ng sining
 naipapakita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat
 Kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa madla

1. Biglaang Talumpati (Impromptu) – ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.


Kaagad binibigay sa oras ng pagsasalita.

2. Maluwag (Extemporaneous) – nabibigyan ng ilang minuto ang tagapagsalita para sa


pagbuo ng ipahahayag na kaisipan

3. Manuskrito – talumpating ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa


pagsasaliksik

4. Isinaulong Talumpati – mahusay na pinag-aralan at hinabi nang maayos bago


bigkasin. Ito ay sinasaulo.

BHC Educational Institution Inc. SY 2020-2021


Villanueva, Jake A.
MIL 12 – Module 1 2

1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran – layunin nitong ipabatid


ang tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari. Halimbawa: panayam at
pagbibigay ulat (SONA).

2. Talumpating Panlibang – layuning magbigay kasiyahan. Madalas ginagawa sa


salusalo, pagtitipong sosyal at mga pulong ng mga samahan

3. Talumpating Pampasigla – layuning makapagbigay inspirasyon. Karaniwang


isinasagawa sa pagtatapos ng pag-aaral, pagdiriwang ng anibersaryo, at iba
pang pagdiriwang na kagaya ng mga nabanggit.

4. Talumpating Panghikayat – may layuning hikayatin ang mga tagapakinig na


tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati. Halimbawa: sermon sa simbahan,
kampanya ng mga politico, talumpati sa kongreso, at maging talumpati ng
abogado.

5. Talumpati ng Pagbibigay-galang – layunin nitong tanggapin ang bagong kasapi


ng samahan.

6. Talumpati ng Papuri – layunin nitong magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa


isang tao o samahan.

-
1. Uri ng mga Tagapakinig
2. Tema o Paksang Tatalakayin
3. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
4. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati

URI NG MGA TAGAPAKINIG


1. Ang edad o gulang ng mga tagapakinig – Iakma ang nilalaman ng paksa at maging ang
wikang gagamitin.

2. Ang bilang ng mga tagapakinig – Mapaghahandaan ito kung batid ang dami ng makikinig

3. Kasarian – madalas magkaiba ang interes, karanasan at kaalaman ng kalalakihan at


kababaihan.

4. Edukasyon o antas sa lipunan – mahalaga ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan


ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa

5. Mga saloobin o dati nang alam ng mga tagapakinig – dapat mabatid kung gaano na
kalawak ang kalaaman at karanasan ng mga tagapakinig

BHC Educational Institution Inc. SY 2020-2021


Villanueva, Jake A.
MIL 12 – Module 1 3

TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN


1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin – mangalap ng impormasyon:
ensayklopedia, interbyum aklat, pahayagan, dyornal.

2. Pagbuo ng Tesis – pangunahing ideya sa talumpati

3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto – mahalagang mahimay o matukoy ang


mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin

HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI


1. Kronolohikal na Hulwaran – ang nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkasunod-
sunod ng pangyayari o panahon.

2. Topikal na Hulwaran – Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay
mainam itong gamitin.

3. Hulwarang Problema-Solusyon – Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang


pagkakahabi ng talumpati: paglalahad ng suliranin at pagtatalakay ng solusyon

KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI


1. Introduksyon – kunin ang interes at atensyon

2. Diskusyon o katawan – kailangang taglayin ang: kawastuhan, kalinawan at kaakit-akit

3. Katapusan o kongklusyon – dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong


inilahad

4. Haba ng talumpati – malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa


inilaang oras

HALIMBAWA

BHC Educational Institution Inc. SY 2020-2021


Villanueva, Jake A.
MIL 12 – Module 1 4

Modyul 2 ||Leksyun 1

Ang bahaging ito ay kailangan maihiwalay sa buong modyul at ipasa sa araw ng koleksyon.
Sagutin ang mga Gawain sapagkat magiging bahagi ito ng inyong grado.

PANGALAN: _____________________________________________ PANGKAT: ____________________


PETSA: _________________ ISKOR: ____________
Panuto: Sagutin kung ano ang tinutukoy o tinatanong sa bawat bilang. Isulat ang iyong mga sagot sa
espasyong inilaan (5 puntos).
1. Si Gracie ay inimbitahang magbigay ng talumpati. Ipinaalam ito sa kanya ilang araw bago
ang pagdiriwang. Aling uri ng talumpati ayon sa pagbigkas ang ginamit niya?
2. Si Daisy ay biglaang tinawag sa entablado upang magbigay ng talumpati. Aling uri ng
talumpati ayon sa pagbigkas ang ginamit niya?
3. Si Russel ay biglaang tinawag din sa entablado ngunit nabigyan siya ng ilang minute upang
maghanda sa kanyang talumpati. Aling uri ng talumpati ayon sa pagbigkas ang ginamit niya?
4. Si Jackie ay naimbitahan na magbigay ng talumpati at kanyang isinaalang-alang ang interes
ng henerasyong kanyang magiging panauhin. Alin ang kanyang isinaalang-alang?
5. Layunin ng talumpati na ito ang magbigay pugay sa isang tao o samahan.

1
2
3
4
5

Panuto: Gumawa ng isang balangkas ng isang talumpati ukol sa paksang: Aktibismo (activism) sa
Panahon ng Ngayon. Gamitin ang espasyong inilaan para sa inyong balangkas.

Pamantayan Laman – 8 Organisasyon – 6 Mekaniks – 6 Kabuoan – 20 puntos

NOTE: Isang pangungusap lamang (sentence outline) o paksa (topic outline) ang isusulat

A. Introduksyon:

1. Tesis:

B. Katawan

1. Argumento 1
2. Argumento 2
3. Argumento 3

C. Konklusyon

BHC Educational Institution Inc. SY 2020-2021


Villanueva, Jake A.

You might also like