Aralin 2 Deskriptibo 2023
Aralin 2 Deskriptibo 2023
Aralin 2 Deskriptibo 2023
Ikalawang linggo
0
ALAMIN
Naranasan mo na bang sumulat ng tekstong deskriptibo o
kahit anong teksto na ito? Ano-ano ang mga isinasaalang-alang
mo sa tuwing ikaw ay nagsusulat ng awtput bilang pagsasanay
sa makrong kasanayang pagsulat? Maaaring alam mo ang mga
angkop na salitang gagamitin sa paglalarawan maging sa
panghihikayat at iba pa, ang tanong sapat na ba ito upang
makabuo ka ng maayos na sulatin?
Sa bahaging ito ng modyul, matutulungan ka nito
para mapahusay at mapaganda pa lalo ang kakayahan
mo sa pagsulat sa paggamit ng mga cohesive devices.
Pamilyar na ba ito sa iyo? Maaaring naituro na ito sa
iyo at upang manumbalik sa iyong alaala ang tungkol
dito sasamahan kitang alamin.
Pamantayang Pangnilalaman:
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig.
Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling
halimbawang teksto (F11WG-IIIc-90)
1
TUKLASIN
Ang Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang
larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay
parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng
larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita
ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo. Mga
pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o
galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa. Mula sa epektibong paglalarawan
ay halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o
mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan
kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.
Bagama’t mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang
ginagamit na mga salita sa pagbuo ng tekstong deskriptibo,
madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan
tulad ng paggamit ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng
mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng pagtutulad,
pagwawangis, pagsasatao, at iba pa.
Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong
Deskriptibo
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong
deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto. Ang
paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay lagging
kabahagi ng iba pang uri ng teksto particular ang tekstong
naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan,
ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba
pa. Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na
pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong persuwesib, o
paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos
ang isang bagay para sa tekstong prosiyural. Bibihirang magamit
ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng
teksto.
2
Gamit ng Cohesive Devices o Kaohesyong Gramatikal sa
Pagsulat ng Tekstong Desjriptibo
Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong
deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto o kaya’y
maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin,
kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong
gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas
malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay
na
pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay
binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t
kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang
higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi
nito.
Ang limang (5) pangunahing cohesive o kohesyong
gramatikal
1. Reperensiya (Reference) -Ito ang paggamit ng mga salitang
maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap. Tinutukoy nito ang anapora at
katapora.
Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa
hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan na
binanggit sa pangungusap o talata.
Halimbawa
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging
mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na
nasa unang pangungusap, Kailangang balikan ang unang
pangungusap upang malaman ang tinutuloy ng panghalip na Ito.)
Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa
unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan na
binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.
Halimbawa:
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa
umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti
3
at maiinit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi
sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso
at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-
iisang taon pa lamang.
(Ang siya ay unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang
bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng
siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)
4
5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang s a l i t a n g g i n a g a m i t s a
t e k s t o upang magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri
ito.
a. Reiterasyon - kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng
ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o
repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-
kahulugan.
(1) Pag-uulit o repetisyon
Hal. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan.
Ang batang ito ay nagtatrabaho na sa
murang gulang pa lang.
(2) Pag-iisa-isa
Hal. Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga
gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at
ampalaya.
(3) Pagbibigay-kahulugan
Hal. Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa
mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang
pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
5
pagkakalarawan dito. Hindi sapat na sabihing “Ang aking
kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig magsuot
ng pantalaong maong at putting kamiseta.”
Ang ganitong paglalarawan, bagama’t tama ang mga detalye
ay hindi magmamarka sa isipan at pandama ng mambabasa.
Katunayan, kung sakali’t isang suspek na pinaghahanap ng mga
pulis ang inilalarawan ay mahihirapan silang maghanap siya
gamit lang ang naunang paglalarawan. Kulang na kulang ito sa
mga tiyak at magmamarkang katangian. Ang mga halimbawang
salitang maliit, matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang
paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng mabisang
imahen sa isipan ng mambabasa. Samakatwid, mahalagang
maging mabisa ang paglalarawan sa tauhan. Iyon bang halos
nabubuo sa isipan ang mambabasa ang anyo, gayak, amoy,
kulay, at iba pang katangian ng tauhan gamit ang pinakaangkop
na mga pang-uri. Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para mas
magmarka ang mga katangiang taglay niya tulad halimbawa ng
kung paano siya ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita, at
iba pa.
Sinasabing ang pinakamahusay na tauhan ay yaong
nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda kundi sa puso at isipan
ng mambabasa kaya naman kahit sila’y produkto lang ng
mayamang imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta
nakalilimutan.
Halimbawa ng paglalarawan
6
Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng
paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas
na anyo o katangian ito ay nakapokus, ang binibigyang-diin
dito’y ang kanyang damdamin o emosyon taglay.
Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng
tauhan sapagkat ito ang nagbibigay dahilan kung bakit
nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa. Makatutulong maka
konekta ang mambabasa sa tauhan kung sa halip na ilarawan
lang ng manunulat ang damdamin ng tauhan mula sa malayo ay
mismong ang tauhan ang magsaad ng emosyong nararamdaman
niya.
Mga ilang paraan ng paglalarawan sa damdamin o
emosyon nang hindi na malayo at konektado pa rin sa
tauhan:
▪ Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan.
Maaaninag ng mambabasa mula sa aktuwal na
nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay
nito.
Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo.
Nagdidilim na ang kanyang paningin at nanlalambot na ang
mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang
araw nap ala nang huling masayaran ng pagkain ang
nanunuyo niyang mga labi.
▪ Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipakikita sa sinasabi o
iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming taglay niya.
Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang
pagsingit sa pila ng babae ay maaari itong gamitan ng
sumusunod na diyalogo:
“Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito
kaya dapat lang na sa hulihan kayo pumila!”
▪ Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng
pagsasaad sa ginawa ng tauhan, minsa’y higit pang
nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong
naghahari sa kanyang puso at isipan.
Halimbawa: “Umalis ka na!” ang mariing sabi ni Aling Lena
sa asawa habang tiim-bagang na nakatingin sa malayo
7
upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit
bumalong mula sa kanyang mga mata.
▪ Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita. Ang
mga tayutay at matatalinghagang pananalita ay hindi lang
nagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog sa tula kundi
gayundin sa prosa.
Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandal
sa kanyang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa
kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang
Berta.
Halimbawa ng paglalarawan
May kumurot sa kong
sa aking laman. Pilit damdamin o emosyon
nilunok ang panunuyong
ng
mga tauhan.
aking bibig. Saka ako napabuntonghininga. Nararamdam kong may
nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon ko lamang nadamang
kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati ko nang napapasok ang
kapirasong pook na ito.
Mula sa “Dayuhan”
Ni Buenaventura S. Medina
Paglalarawan sa Tauhan
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan
nang tama ang lugar o panahon kung kailan at saan nagana
pang akda sa paraang makagagayak sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan ng mahusay na paglalarawan sa tagpuan
madarama ng mambabasa ang diwa ng akda.
Maaring ilarawan ang tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos
ng tauhan sa kapaligirang ito. Kung ang tagpuan halimbawa ay
isang munting barong-barong sa tambakan maaaring itanong
ang sumusunod para sa isang mabisang paglalarawan.
▪ Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito?
Marumi, luma, kinakalawang, gumigiray, nagkalat ang
nakaririmarim na basura, naglipana ang mga langaw, mga
mangangalakal ng basurang nakasuot ng tagpi-tagping
balos basahan na, may taglay ang nakapanlulumong
kahirapan at kapangitan.
▪ Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? Sigaw ng mga
inang hindi magkamayaw sa mga Gawain, iyakan ng mga
batang gutom at di pa nakapag-almusal, ingay ng mga trak
8
na nagdadala ng basura, hugos ng basurang ibinabagsak sa
tambakan, busina ng mga sasakyan sa di kalayuang
kalsada, tawanan ng mga mirong nag-iinuman sa kalapit na
tindahan.
▪ Anong amoy ang namamayani? Masangsang na amoy ng
nabubulok na basura, amoy ng usok na nagmumula sa
bunton ng mga basura, amoy ng pawis ng mga basurerong
bilad sa araw, amoy ng tuyong iniihaw sa kalan.
▪ Ano ang pakiramdam sa lugar na ito? Mainit o
maalinsangan, gutom, nakapanlalagkit na pawis at
alikabok, hindi komportble, nakaririmarim o nakadidiring
bagay sa paligid, kawalan ng pag-asa.
▪ Ano ang lasa ng mga pagkain dito? Pagpag na manok na
nagsisimula nang mapanis kaya’t maasim na, masebo at
matabang na karne mula sa karinderyang nilalangaw.
Sa tuwing itatayo ko ang krisman tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang
lagging may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta palamuti,
‘yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay magagandang
PAGYAMANIN
bulaklak naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri, “Ang
ganda!” Ang may pagkamanghang sabi ng bawat nakakakita. Malalaki at makikintab na pulang
Pagsasanay
bola, malalaki at1
magagandang pulang poinsettia… ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin?
Natutukoy ang cohesive devices na ginamit sa Mula sa “Ang AKing Krismas Tri”
teksto. Isulat kung
Ni Mary Grace Del Rosario
Anapora o Katapora ang tinutukoy ng mga panghalip na nakas
Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang tektong deskriptibo gamit ang mga
cohesive devices sa pamamagitan ng isang Travel Brochure.
Lapatan ng pamagat. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa
iyong susulating tekstong deskriptibo. Gawin at isulat sa isang
oslo paper o short bond paper.
Batayan sa pagsulat
ng teksto:
1. Ang mga larawan ng mga lugar ay matatagpuan sa rehiyon.
Halimbawa: Mga lugar sa Hilagang Samar o Eastern Visayas
na iyong napuntahan.
2. Ang layunin sa pagbuo at pagsulat mo ng
travel brochure.
3. Kinakailangang Obhetibo at Subhetibo ang katangian ng
paglalarawan. Muling silipin ang bahagi ng BALIKAN ng modyul
na ito.
10