4th - Modyul 1 - Week 1 F2F

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PAGBASA AT PAGSUSURI NG

IBA'T IBANG TEKSTO TUNGO


SA PANANALIKSIK
Ikaapat na Markahan
Modyul 1: Pagsusuri ng Ilang Halimbawang
Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin,
Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik
Panalangin
Dakilang Dios na aming sinasampalatayanan, pinupuri at niluluwalhati
namin ang Inyong kabutihan at kadakilaan. Itinataas namin ang Inyong
pangalan sa aming kalagitnaan. Nagpapasalamat kami sa patuloy Ninyong
pagkakaloob ng buhay sa amin, sa mga taong ginagamit Ninyo upang
maging mabuti ang lahat ng bagay na aming nararanasan at sa mga
pagpapala na Inyong ipinagkakaloob. Itinataas po namin ang aming gawain
sa araw sa linggong ito, nawa ay Kayo ang manguna at maluwalhati sa
aming pagsasagot sa Modyul. Maghari nawa sa aming puso ang pagiging
tapat at patas. Pagkalooban N'yo rin po kami ng sapat na talino at lakas
upang malampasan ang mga pagsubok na kailangan naming
mapagtagumpayan upang maisaysay ang Inyong kabutihan at kadakilaan.
Ang lahat ng ito ay ibinabalik namin sa Pangalan ng aming Panginoong
Jesu-Kristo. Amen.
Modyul 1: Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino
Batay sa Layunin, Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananliksik (F11PB-IVab-100)
 

Layunin:
 

A.Natutukoy ang kahulugan ng layunin, gamit, metodo at etika ng


pananaliksik
B.Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin at gamit
C.Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
metodo at etika ng pananaliksik
Paunang Pagtataya
Panuto: Pagtapat-tapatin ang kahulugan ng nasa hanay A sa hanay B.
Hanay A Hanay B
A. Pag-aanalisa upang mapag-aralan at mabigyang
1. Pagsusuri ng pananaliksik kasagutan ang problema.
B. Dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo
2. Layunin pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling
paksa
C. Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga
3. Gamit bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-
pakinabang sa mga tao.
D. Nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't ibang
4. Metodo bahagi ng proseso ng pananaliksik.
E. Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng
5. Etika datos at pagsusuri sa piniling paksa.
Gamit ang concept word sa ibaba, magbigay ng mga salitang
may kaugnayan sa salitang “Pananaliksik”.

Pananaliksik
Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino
Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay 2. Gamit - Isinasagawa ang pananaliksik upang
pag-aanalisa upang mapag-aralan at mabigyang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon
kasagutan ang problema. Ito ang prinsipyo na na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay 3. Metodo -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa
ng isang buong pag-aaral. Dito hinihimay ang paksa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang
sa mas maliit na bahagi at maunawaang mainam ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa
bawat detalyeng nakapaloob dito. pamamagitan ng sarbey, interbyu, paggamit ng
Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang
ng mga balangkas sa pagbuo ng isang saliksik. paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng
May apat na bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik: datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa.
1. Layunin - Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng 4. Etika - Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita
pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos ng mga etikal na isyu sa iba't ibang bahagi ng proseso
maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang
Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American
ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang Psychological Association (2003) at ang Center for
layon o nais matamo sa pananaliksik. Tiyak ang Social Research Methods (2006) na maaaring maging
layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa
pakay sa pananaliksik sa paksa. anomang larangan.
LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK
Layunin
Sa bahaging ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan
1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na
ng pananaliksik. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin
pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik.
İsinusulat ito bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano 2. Makatotohanan o maisasagawa
masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng
Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang
alalahaning balikan ang mga layunin at siguruhing natupad o tugon sa mga tanong sa pananaliksik
nagawa nga ang mga ito. Kung hindi nasagot sa kongklusyon ang
mga layunin, maaaring hindi nasunod ang wastong proseso, Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag
lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhin nito. ng proseso:

Paano bumuo ng layunin? Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan,


Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo maipaliwanag, masaliksik, makapagpahayag, maihanay,
pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod
maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag-organisa,
makilala, makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto,
dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo
mailahad, maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa,
ng mga layunin ng pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang magamit/makagamit, makapagsagawa, at makatalakay.
sumusunod:
LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK
Gamit ng Pananaliksik Halimbawa, noong una ay pinupuri ang pagkatuklas
Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga ng paraan upang mapabuti ang produksiyon ng ilang
uri ng pagkain sa pamamagitan ng genetically modifed
bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-
organism o GMO. Ngunit ngayon, iniuugnay sa ilang
pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang bagong
sakit ang pagkonsumo ng mga pagkaing sumailalim sa
lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin modipikasyon o GMO.
ang isang tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng
smartPhone at Internet. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee 2. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang
Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababad sa isang pinagtatalunang isyu. Halimbawa nito ang mga
Internet at paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng bagong tuklas na benepisyo ng marijuana upang
isip at memorya ng isang tao. malunasan ang ilang karamdaman. Sa kabila nito,
marami pa rin ang hindi sumasang-ayon na gawing
legal ang paggamit ng marijuana.
1. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng
bagong interpretasyon ang lumang impormasyon. Maaaring 3. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang
sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o
imbensiyon na may kaugnayan sa dating pananaliksik. ideya. Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral
ang isang umiiral na katotohanan.
LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK

Metodo Etika ng Pananaliksik


Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong
Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:
gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng
pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang 1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa
instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa ng Pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng
pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam o talaan aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa
ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang isang paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig
talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami
bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na
paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga
questionnaire o talatanungan. Kailangang Iaging nasa isip
ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik
ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong
suliranin ng pananaliksik. pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito,
nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik
na may malasakit at iisang layunin.
LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK
Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang
pananaliksik o kaya'y ibahagi sa colloquium o publikasyon,
hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay
kailangan pa ring ipagpaalam at hingín ang permiso ng mga
ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik. tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng
Bago simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o pananaliksik.
eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga
tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng 4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik.
kanilang partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong
maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral.
eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong
sa kabila nito. mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng
3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay
Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa
mangilan-ngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik
impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa
upang ibahagi sa mga kalahokang kinalabasan ng pag-aaral.
kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng
Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o
mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng
iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik,
tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensítibong makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang
paksa. makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na
institusyong pinag-aaralan.
Pagyamanin
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong
sagutang papel ang mga kasunod na tanong.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA:


ISANG PANANALIKSIK

Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia


BS in Psychology

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim
na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa
quantitative method at ginamitan ng non-random convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na
labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang
pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa
mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

Sanggunian: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
http://lpulaguna.edu.ph/wp-content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG- BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf
EPEKTO NG PAGGAMIT NG KOMPYUTER SA AKADEMIK PERPORMANS NG MGA MAG-AARAL
SA TAONG 2014-2015

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kagawaran ng Filipino


St. Bridget College
M.H Del Pilar St. Batangas City

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang bigyang pansin kung gaano kalupit ang epekto ng paglalaro ng mga
kompyuter games, facebook, at sa panonood ng mga videos sa porn site sa kalusugan at pag-aaral ng isang tao upang
maipaliwanag ang kahalagahan ng buhay ng isang tao.
Sa panahon ngayon, mapapansin natin na mas maraming tao, lao na ang mga kabataan na nahuhumaling sa paglalaro ng
mga online game at pagsusurfing sa internet. Kaya napili naming magsagawa ng pananaliksik ay upang makakuha ng
karagdagang datos at kaalaman ukol sa pangyayari ngayon sa ating komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na kumukuha ng IT sa St. Bridget College- Batangas City ukol
sa Epekto ng kompyuter sa akademik performans ng mga mag-aaral sa taong 2014-2015. Kasama rin dito ang mga posibleng
maging kahinatnan ng sobrang paggamit ng internet.
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptib o panlarawang pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay nagtatangkang
ipakita ang isang tumpak na larawan ng mga bagay-bagay sa kasalukuyan. Sa pamamaraaang ito ginagamit ang mga datos na
nagmumula sa mga kasalukuyang ulat, sarbey, at pagmamasid
Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga sumusunod: pananaliksik sa iba’t ibang pahayagan at
aklat, mga sample ng thesis at mga website sa internet.
Sanggunian: Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,
https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_AKADEMIK_PERPORMANS_NG_MGA_MAG_nn
• Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga abstrak
nito? Pangatuwiranan ang sagot.
Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: ____________________________________________________________

2. Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?


Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano kaya ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang ginawang


saliksik?
Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________________
Isaisip-Pagsasanay 2 Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Learning Action Cell
(LAC) session para sa guro na ang paksa ay tungkol sa estilo ng
Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pagkatuto, lalo na sa kinestetik at awditori upang makapagbigay ng
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika angkop na pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo upang mapataas
ng pananaliksik. Punan ang talahanayan na nasa ibaba. Kopyahin ang marka at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral ngayong
at sagutan sa inyong sagutang papel. 21st century.
ABSTRAK Bata, Bata, Paano Ka Matututo?
A. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang sa
ang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikaanim na Paaralang Elementarya ng Kaytitinga, taong panuruan 2015-2016
baitang bilang basehan ng interbensyon at epektibong Ribecca B. Fenol, ANG GURO Ikaapat na Edisyon,Vol.7,2017
pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Mayroon
animnapu't isang (61) respondente ang pananaliksik na ito at
gumamit ng pamaraang palarawang disenyo. Ang resulta ay
nagpapakita na ang pangunahing estilo ng pagkatuto ng mga
mag-aaral na lalaki ay kinestetik na may frequency na 409 0
36.65 na bahagdan, samantalang awditori ang sa mga mag-
aaral na babae na may frequency na 374 0 34.63 na bahagdan.
Ang natamong X2 value na 1.7 ay mas mababa sa 5.99 na
critical value sa 0.05 level of probability table gamit ang
degree of freedom na 2. Ang Null hypothesis na nagsasabing
walang significant relationship o malaking kaugnayan ang
estilo ng pagkatuto ng mga lalaki at babaeng mag-aaral ay
tinanggap.
B. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga
seminar/ pagsasanay at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at
kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.Ang “Plan Pagmamasid: Kahinaan At Kalakasan Ng Mga
disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Correlational Studies Guro Sa
na inilahad sa Input - Process - Output (IPO) na pamamaraan at ang Proseso Ng Pagtuturo Ng Filipino”
metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptib na uri ng pananaliksik o Elpidia B. Bergado, ANG GURO: Saliksik (Bertud
pag-aaral. Mula sa 435 guro sa Filipino mula sa iba't ibang antas, ng Edukador), Vol.5(2015-2016)
kumuha ng walumpung (80) kalahok bilang kinatawan ng
dalawampung bahagdan (20%) ng populasyon upang gamitin sa
pag-aaral.

Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang


naging masusi at napatunayan na may epekto ang seminar at
workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas ng mga kahinaan ng
guro. Sa value ng r na 0.67, naipakita ng istatistiko na mayroong
korelasyon (katamtaman) ang mga baryabol.Tinatayang ang pag-
aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga punongguro at
tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga
kasanayan at pagsasanay para makatulong sa pagtuturo ng mga
gurong Filipino sa elementarya at sekundaryang antas.
Isagawa
Panuto: Maghanap ng isang
halimbawa ng pananaliksik sa
aklat o internet. Gamit ang tseklist
na nasa ibaba ay suriin ang papel-
pananaliksik na nakuha mo kung
gaano kahusay at katibay ang mga
bahagi nito batay sa layunin,
gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔ )
kung ito ay nakasunod sa wastong
paraan ng pagsulat ng pananaliksik
batay sa mga tanong at ekis (❌)
kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Mga GAWAING sasagutan sa
Modyul 1 Linggo 1
• Paunang Pagtataya
• Concept Web
• Pagyamanin
• Isaisip-Pagsasanay 2, A at B
• Isagawa

You might also like