Week 16 Mapeh Day 1 5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

MUSIC

WEEK 16 DAY 1-2


Awitin ang “ Aso, aso” at
sundan ang kilos ng braso
ng guro habang ipinakikita
ang simula at katapusan ng
isang phrase.p.6.
Ngayong araw na ito pag-
aaralan naman natin kung
paano malalaman kung
magkapareho o magkaiba
ang bumubuo sa isang
musical lines.
Balikan ang awiting “Aso,
aso”. Ilang phrase ang
makikita sa awit?
 
Magkatulad at Magkaiba
Narito ang mga salita sa awiting “ Pan de
sal”. Gamit ang iba’t ibang hugis sa
ibaba, kilalanin ang mga phrase na may
mga katulad at magkaibang tono. Iguhit
sa ibabaw ng linya ang wastong hugis
para rito.

_________ Pan de Sal


_________ ’Tig Singkwenta,tig mamiso
_________ Pan de Sal
Anong anyo ang nabuo buhat sa
awit?
Sabihin: Kapag ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga phrase ay
namarkahan na gamit ang iba’t ibang
hugis, tinatawag ang mga itong form
ng isang awit..
Narito ang awiting “Are You sleeping?”
Alamin kung aling phrase ang magkakatulad
at magkakaiba. Markahan ng
____ Are you sleeping,
____ Are you sleeping?
____ Brother John?
____ Brother John?
____ Morning bells are ringing,
____ Morning bells are ringing,
____ Ding ding dong,
____ Ding ding dong
“Isang Hamon sa Kalesa”
Pakinggang mabuti ang awiting “Kalesa”.
Magmartsa sa sariling lugar kasabay ng
kumpas kapag sinimulan ang pag-awit. Sa
tuwing magbabagao ang bahagi ng awit,
ibahin din ang pagkilos upang maipakita
ang panibagong bahagi ng awit
Ano ang tawag sa maliliit
na bahagi na bumubuo
sa isang awit?
Ang mga bahagi ng awit ay
maaaring ulitin. Dapat tandaan
ang mga kilos na ginawa sa una at
ikalawang bahagi. Kapag narinig
na naulit ang isang bahagi,
baguhin ang pagkilos ayon sa
naunang ginawa.
Ipakita kung gaano natutuhan ang aralin sa pamamagitan
ng paglalagay ng /.

Kasanayan Kayang Gawin Hindi pa kaya


1. Nakaririnig at nakakikilala
ng isang karaniwang tono.
2. Nakasusunod sa magkakatulad
at magkakaibang hugis tulad ng
tatsulok o bilog upang maipakita
ang anyo o form ng isang awit.
3. Nakikilala kung kalian
nababago ang tono ng awit
4. Nakasusunod sa phrase ng
isang awit sa pamamagitan ng
paggalaw ng braso.
ARTS
WEEK 16 DAY 3
Pamukaw Siglang Gawain
Awitin ang kulay:
 
Anu-anong kulay ang bumubuo
sa pangunahing kulay?
Anu-ano naman ang
pangalawang kulay?
Magpapikita ng iba’t ibang larawan
na ipininta gamit ang mga natural
na bagay sa paligid.
Alam nyo ba na ang mga gawang
sining na ito ay hindi ginamitan
ng brush. Ito ay ginamitan ng
mga natural na bagay gaya ng
mga ginayat na gulay at prutas,
maliliit na sanga, dahon, tela at
iba pa na nagmula sa paligid.
Anu-anong kulay ang ginamit sa mga
larawan?
Gumamit ba sila ng paint brush?
Pagmasdan ang unang larawan anong bagay
ang nabuo? Anong bagay ang ginamit dito?
Anu-ano ang mga bagay na ginamit nila
upang makabuo ng sariling likhang sining na
hindi ginagamitan ng brush?
Saan nagmula ang mga bagay na ito?
Gawaing Pansining
Ipalabas ang mga gamit sa pagpipinta.
Hayaang lumikha ang mga bata ng sarili
nilang likhang sining gamit ang
inihandang bagay sa paligid tulad ng
mga ibinigay na halimbawa. (banana
stalk, dahon etc.)
Ano ang maaaring
gamitin bukod sa paint
brush sa paggbuo ng
isang likhang sining?
HEALTH
WEEK 16 DAY 4
Kailan mo dapat
hugasan ang iyong mga
kamay?
Ipakita ang larawan ng isang bata na nakalusong sa
baha.
Tingnan si Biboy. Naglalaro siya sa baha. Ang dumi-
dumi niya.
Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos maglaro?
Dapat bang maglaro si Biboy sa tubig-baha? Bakit?
Kapag naghuhugas ng
ating mga paa tayo ay
gumagamit ng tubig at
sabon.
 
Tandaan: Maghugas ng
mga paa kapag ito ay
marumi.
Pangkatang
Pagpapakitang Kilos ng
wastong paghuhugas ng
paa.
Takda:
Ugaliing maghugas ng paa kapag
marumi ang mga ito.
Bakatin ang mga paa sa puting papel.
Isulat sa ilalim ng guhit.
Huhugasan ko ang aking mga paa
kapag marumi.
PE
WEEK 16 DAY 5
Awit: Ako ay May Ulo
(Bigyan ng angkop na
galaw o kilos)
Naikikilos mo ba ang iyong mga
binti?
Naikikilos mo rin ba ang iyong
mga tuhod?
Paano mo ikinikilos ang iyong
mga binti?
Paano mo ikinikilos ang iyong
mga tuhod?
Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)
Pag-indayog ng mga binti.
Panimulang Ayos:
Tumayo sa isang paa lamang.
Iindayog ang kanang binti sa unahan
Iindayog uli sag awing likuran.
Ituloy sa harapan sag awing kaliwa, kanan at
kaliwa
Balik sa panimulang ayos
Uliting lahat gamit naman ang kaliwang binti.
Luksong-Taas ang mga Tuhod
Panimulang Ayos
Tumayo na magkatabi ang mga paa.
Lumukso sa kaliwang paa na
itinataas naman ang kaliwang tuhod
Magsimula naman sa kanang paa.
Ulitin ang( a-b)
Pangkatang
Pagpapakitang Kilos
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri
ng pag-eehersisyo sa ating katawan?
Tandaan:
Ang magandang ehersisyo sa mga binti ay ang
pag-indayog nito.
Ang ehersisyong ito ay medaling nagagawa ng
mga bata.
Ang luksong-taas ang mga tuhod ay isang pag-
ehersisyo ng mga tuhod.
Ang ating mga tuhod ay lumalakas.
Iguhit ang mga Gawain:
Gawain Larawan
Pag-indayog ng
kanang binti
Paglukso sa
Kaliwang paa
Pag-indayog ng
Kaliwang binti.
Paglukso sa
Kanang paa.
Pag-indayog sa
gawing likuran.

You might also like