MAPEH 3 - Q2 - Mod7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
GRADE 3
“MAPEH for Life”
Quarter 2 Week 7 Module 7
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
… Performs songs with accurate pitch from beginning to end
including repetitions.

…Observes the characteristics of wild animals by making several


pencil sketches, and painting it later, adding the texture of its skin
covering

…Observes the characteristics of wild animals by making several


pencil sketches, and painting it later, adding the texture of its skin
covering

…Demonstrates good self-management and good-decision


making-skills to prevent common diseases
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa
pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul
na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin

1
UNANG PAGSUBOK

I.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod na linya ng awiting “Mga Alaga Kong
Hayop” ang simulang bahagi?
A. Lumipad, lumipad ang ibon...
B. Bagbagto, bagbagto lambi...
C. Lubi, lubi…
D. Bahay kubo, kahit munti...

2. Alin sa mga sumusunod na linya ang katapusang bahagi ng


awit na “Twinkle, Twinkle Little Star”?
A. Hello nice and sunny morning...
B. that will bring us back to Doe...
C. How I wonder what you are...
D. See saw up and down...

3. Alin linya ang simula ng“Do, Re, Mi Song”


A. I will follow you...
B. Doe a deer a, female deer...
C. Ding, dong, ding, ding, dong, ding...
D. Those are the months of the year...

4. Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa mga mababangis


na hayop?
A. hulihin sila C. barilin sila
B. ibebenta sa mga D. pabayaan sila sa kanilang
mangangaso tirahan

5. Nakakita ka ng isang mabangis na hayop na sugatan, ano ang


iyong gagawin?
A. papatayin ko C. tumawag ng beterinaryo
B. hahayaan nalang mamatay D. lulutuin ko

2
6. Natuklaw ka ng isang ahas, ano ang iyong gagawin?
A. ipasipsip ang dugo mo C. hanapin ang ahas
B. pumunta agad sa malapit D. hayaan na lamang ito
hospital

7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalinisan sa


kapaligiran?
A. Pagtatapon ng basura kahit saan
B. Hinahayaang nakakalat ang mga basura sa daan
C. Pagtatapon ng basura sa kanal
D. Paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi
nabubulok bago itapon sa tamang tapunan

8. Ang mga sumusunod ay kailangan sa pagkakaroon ng


malinis at malusog na kapaligiran MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Malinis at ligtas na tubig at pagkain
B. Malinis na hangin, lupa, at tubig
C. Maruming kanal
D. Serbisyong pangkalusugan at pangkaligtasan

9. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong na


mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran?
A. Tumulong sa paglinis sa kapaligiran
B. Magtapon ng basura kahit saan
C. Hayaang nakakalat ang mga basura sa paligid
D. Utusan ang ibang tao na maglinis ng paligid

II.Panuto: Isulat ang naangkop na sagot sa patlang pumili sa loob


ng kahon.

A. LUGAR C. LEVELS
B. DIREKSYON D. PLANES
10. ______Ito ay tumutukoy sa likuran, unahan, ilalim, ibabaw na
kinatatayuan ng tao at kinalalagyan ng mga bagay

3
11. ______ nagsasabi ng kaugnayan ng katawan sa
kinatatayuan, kagamitan o taas sa espasyo kung ito ba ay
mababa, nasa kalagitnaan, o mataas
12. ______ tumutukoy sa ninanais na patutunguhan ng
galaw/kilos, kung ito ay pataas o pababa, paharap o
patalikod, pakanan o pakaliwa

MUSIKA
Aralin 7: Pagsasagawa ng wastong tono mula
simula hanggang katapusan kabilang ang
pag-uulit

INAASAHAN
1. Naisasagawa nang wasto ang tono mula simula
hanggang katapusan kabilang na ang pag-uulit
2. Naipapakita ang kasiyahan sa mga gawaing
pangmusika.

BALIK-TANAW
Panuto: Awitin ang “Leron – Leron Sinta”. Lapatan ito ng kilos ng
kamay sa pagdama sa melodic contour ng awit.

4
Image Source: http://filipinomusicsheets.blogspot.com/2012/

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Ang awit tulad ng buhay ay may simula at katapusan.
Ganuon din sa musika ito ay mayroon din simula at katapusan.Sa
pag-awit kailangan alam natin ang simula at katapusan nito
upang magkaroon ng kahandaan ang aawit sa pagsisimula at
pagtatapos nito. Gaya ng ating bagong awitin na may Pamagat
na “Ako ay Nagtanim”. Ang simulang bahagi ng awit ay “Ako ay
nagtanim ng kapirasong luya…
Ngayon mga bata alam na ninyo ang simula ng awit, maaari
nyo bang ituro ang katapusan ng awit?

5
Video Source: https://www.youtube.com/watch?v=gfHUc0zAiVE
Tanong:
1. Tungkol saan ang awitin?
2. Ano ang maidudulot sa ating katawan ng pagkain ng gulay?
3. Bakit mahalaga na tayo ay magtanim ng gulay?

GAWAIN
Panuto: Isulat ang simulang bahagi o linya at katapusang bahagi
o linya ng sumusunod na awit. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Ano ang
Ano ang Simulang
Awit Katapusang
Bahagi
Bahagi
a. See- Saw
b. Ako ay
Nagtanim
c. Bagbagto

TANDAAN
Ang tinig ay mahalaga sa paglikha ng tunog. Mayroon
tayong tinig sa pag-awit at tinig sa pagsasalita. Kapag tayo’y

6
umaawit, kinakailangang gawin ito nang may tiwala sa sarili, tama
at maayos.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Panuto: Tukuyin kung ang linya ay simula o katapusan ng awit,
lagyan ng puso kung ang awitin ay simula at smiley kung
katapusan ng awit.

___In the sky and on the


___ See- Saw up and down ground

___Ding, dong, ding, ding, dong, ___Are you sleeping, are you
ding sleeping

___Bag-bag-to, bag-bag-to lam-


bi ___Ka-la-nay,ka-la-nay pu-nay
Google images: http://clipartbarn.com/heart-images-clip-art_5765/

Google images:http://clipart-library.com/smiley-face.html

SINING
ARALIN 7: Pagpipinta ng mababangis na hayop

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Napagmamasdan ang mga katangian ng mababangis
na hayop at sa huli ay naiguguhit at naipipinta ang
mga ito na dama ang tekstura ng kanilang balat.

BALIK-TANAW
Pag-isipan Mo!

7
Gumuhit ka ng isang mabangis na hayop at pagandahin ito gamit
ang pointillism o cross hatch lines. Pagkatapos, sumulat ng mga
pangungusap tungkol sa iyong likha.

Pangalan:____________________Baitang at Pangkat:______________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Ang pagguhit ay isang makabuluhang gawaing-sining
na nagpapakita ng ideya at damdamin ng mga bagay sa ating
paligid. Ito ay mas higit na nagiging makahulugan sa paggamit ng
mga linya, kulay, at tekstura. Napakaraming uri ng pangkulay ang
maaari nating gamitin katulad ng water color, acrylic o poster
paint, uling, dahon, at bulaklak.
Tingnan ang larawan sa ibaba at pagmasdang mabuti ang
balat ng baboy–ramo.
Nakikita mo ba ang mga uri ng linya na ginamit upang
maipadama ang tekstura sa balat nito?

8
Ilagan, Amelia M. et al. (2013), Music, Art, Physical Education and Health-
Ikatlong Baitang, Kagamitang Mag-aaral ,Philippines

GAWAIN
Gawain 1
Maging Malikhain!
Panuto: Buuin ang nawawalang parte ng katawan ng mga
mababangis na hayop at kulayan ang mga ito gamit ang water
color.

https://www.clipart.email/download/14545396.html https://www.clipart.email/download/772193.html

9
https://www.clipart.email/download/14545391.html

Gawain 2
Pagguhit at Pagpipinta ng mababangis na hayop
Mga kagamitan: lapis, oslo paper, water color, brush
Pamamaraan:
1. Iguhit ang isang mabangis na hayop sa oslo paper gamit ang
lapis.
2. Dagdagan ng mga linya ang balat ng hayop upang ito ay
maging higit na makatotohanan.
3. Kulayan gamit ang malamig at mainit na kulay.
4. Lagyan ng pamagat
5. Ibigay sa guro ang iyong natapos.

10
6.

Pangalan:____________________Baitang at
Pangkat:______________

__________________
(Pamagat)

TANDAAN
Isaisip Mo!

Upang higit na mapaganda, ang iyong iginuhit na


larawan, dagdagan ito ng mga linya, kulay, at tekstura.

11
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Pag-isipan Mo!

Panuto: Isulat ang uri ng tekstura ng balat ng sumusunod na hayop


kung ito ba ay magaspang, makinis, matigas, o malambot.

1. 2.

3. 3.

5.

Ilagan, Amelia M. et al. (2013), Music, Art, Physical Education and Health-
Ikatlong Baitang, Kagamitang Mag-aaral ,Philippines

12
EDUKASYONG PANGKATAWAN
Aralin 7: Paghagis at Pagsalo ng Bola

INAASAHAN
Matututunan ng mga mag-aaral ang mga kakayanan sa
paghahagis o pagsalo ng bola, na may kagalakan at
karunungan.

BALIK-TANAW
Ating balikan ang mga ehersisyong inyong natutunan sa
unang markahan. Narito ang mga hakbang na inyong babalik-
balikan.
Pampasiglanggawain (Warm-Up Exercises)
(DepEd - MAPEH in Action 3 by DepEd-Bureau of Elementary Education Curriculum Development Division)

Panuto: Gawin ito sa tulong ng inyong magulang at ihanda ang


sarili.
a. Mag-jog sa kinatatayuan….(8 bilang)
b. Mag-martsa nang hindi uma alis sa lugar…(8 bilang)
c. Gawin ang ehersisyong inhale-exhale.…(10 bilang)
d. Gawin ang head bend

● Tumungo gamit ang suporta ng kamay….(4 bilang)


● Tumingala gamit ang suporta ng kamay….(4 bilang)

13
• Ipaling ang ulo papunta sa kanan gamit ang suporta
ng kamay….(4 bilang)
• Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)
• Ipaling ang ulo papunta sa kaliwa gamit ang suporta
ng kamay….(4 bilang)
• Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)

e. Pagpihit ng ulo (Head Twist)

• Ibaling ang ulo pakanan….(4 bilang)


• Ibalik sa dating posisyon….(4 bilang)
• Ibaling ang ulo pakaliwa….(4 bilang)
• Ibalik sa dating posisyon….(4 bilang)
f. Pagpihit ng mga balikat habang nakababa ang mga
kamay sa tagiliran (Shoulder Circle)
• Igalaw ang balikat papunta sa unahan
habang nakababa ang mga kamay sa
tagiliran….(4 bilang)
• Igalaw ang balikat palikod habang
nakababa ang mga kamay sa tagiliran….(4 bilang)

14
g. Pagpihit ng katawan (Trunk Twist)
• I-angat ang kamay kapantay ng dibdib
habang nakaharap ang palad sa
sahig….(4 bilang)
• Ibaling pakanan ang katawan….(4 bilang)
Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)
• Ibaling pakaliwa ang katawan….(4 bilang)
• Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)

h. Pag-unat ng tuhod
• Tumayo nang tuwid habang ang mga paa
ay magkalayo. Ilagay ang mga kamay sa
hita malapit sa tuhod….(4 bilang)
• Dahan-dahan ibaba ang katawan….(4 bilang)
• Bumalik sa orihinal na posisyon….(4 bilang)

i. Pagpapaikot ng bukong-bukong ng paa


• I-angat ang kanang paa.
• Paikutin ito papunta sa kanan….(4 bilang)
• Paikutin ito papunta sa kaliwa….(4 bilang)
• Ulitin ito sa kaliwang paa.

j. Pasimulang posisyon (Half Knee Bend)


• Mag-inhale habang dahan-dahang inuunat
ang tuhod at dahan-dahang itinataas ang mga braso sa
tagiliran….(8 bilang)
• Mag-exhale habangdahan-dahang ibinabalik ang mga
braso pababa sa dati nitong posisyon.……(8 bilang)
• Ulitin ito ng tatlong beses

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Ang wastong paghagis at pagsalo ng bola sa iba’t ibang


levels at direksiyon ay makatutulong upang mapaunlad ang
kaliksihan, kalambutan, at kasanayan sa paglalaro ng mga
larong bola katulad ng softball, baseball, at basketball

15
GAWAIN

Panuto: Isasagawa mo ngayon ang wastong paraan sa pagsalo


ng bola. Humanap ng kapareha

Paalala: Gawin ito na may patnubay ng magulang


Kagamitan: Bola

“Ibabaw ng ulo na pag pasa ng bola”

 Hawakan ang bola sa itaas ng ulo na ang mga braso ay


bahagyang nakabaluktot.
 Mahigpit na hawakan ang gilid ng bola.
 Paghiwalayin o ikalat ang mga daliri.
 Humakbang sa posisyong stride
 Sundan

“Pantay dib-dib na pag pasa ng bola”

 Gamitin ang mga daliri sa paghawak ng bola.

16
 Ang mga siko ay nakaturo palabras at malapit sa gilid ng
katawan.
 Itulakang bola pa-una na nakababa ang mga hinlalaki.
 Mabilis na pakawalan.

“Ang pantay-dibdib na pagpasa ng bola ay pinakaepektibong


pagpasa; ito ay karaniwang ginagamit kapag malapit ang
distansiya.”

“Patalbog na pagpasa ng bola”

 Hawakan ang bola gamit ang dalawang kamay itapat


ang kamay na may hawak na bola sa dibdib
 Itulak ang bola pababa sa sahig ng katamtaman
patungo sa kapareha.

SAGUTIN:

1. Nasiyahan kaba sa pagsalo at pag pasa ng bola?


2. Napagod kaba sa iyong ginawa?
3. Sa iyong palagay anong mga parte ng iyong katawan
ang nalinang ng pagpasa ng bola?
4. Anong kasanayan sa tatlong gawain ang sa tingin mo
ay madali?
5. Sa anong kasanayan ka nahirapan gawin
6.

17
TANDAAN

Nalilinang ng paghagis ng bola ang kasanayan natin sa


coordinasyon ng mata at kamay. Nililinang din nito ang kalakasan
ng ating mga kalamnan sa braso, kamay at balikat.
Ang pagsalo at pag pasa ng bola ay kakayanan nililinang
para sa mga laro na gumagamit ng bola tulad ng softball,
baseball, volleyball at baseball.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

a. Ibabaw ng ulo na pagpasa ng bola


b. Pantay dibdib na pagpasa ng bola
c. Patalbog na pagpasa ng bola

1. Ito ang kasanayan sa pag pasa na pag hagis ng bola


mula sa dibdib patungo sa sahig papunta sa kalaro.
2. Ang pinaka epektibong uri ng pag pasa ng bola sa
mga laro lalo pa at malapit ang pag papasahan.
3. Ito ang uri ng pag pasa na ihinahagis ang bola mula
sa itaas ng ulo.
4. Sa larong basketball madalas gawin ang uri ng
pagpasa na ito na idinadaan sa ilalim ng dalawang
binti papunta sa kakampi.
5. Sa larong baseball kadalasan ginagamit ang uri ng
pagpasa na ito na nagmumula sa balikat patungo sa
itaas ng ulo upang malakas ang pagkakahagis
patungo sa kakampi.

18
Mga Tala para sa Pagsasagawa
Maging tapat sa pag-sagot. Gawin
ito sa itinakdang oras at araw.

Panuto: Itala ang iyong kakayanan sa mga sumusunod na


Gawain.

Pagtataya:
5 – Pinakamahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
4 – Mahusay na mahusay 1 – Mahina
3 – Mahusay

KASANAYAN SARILING PAGTATAYA PAGTATAYA NG IBA

5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
1 Pantay dibdib na pagpasa
2 Patalbog na pag pasa
3 Pagpasa mula sa itaas ng ulo

19
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN
Aralin 7: Malinis na Kapaligiran Para sa Malusog na
Pamayanan

INAASAHAN
1. Natutukoy ang mga gawain na nakatutulong sa
pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran
2. Nasasabi ang mga paraan upang mapanatili ang
kalinisan ng kapaligiran

BALIK-TANAW
3

Panuto: Magbigay ng tatlong paraan upang maiwasan ang


pagkakaroon ng iba’t ibang sakit.

1._________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2._________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3._________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

20
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Ang ating kapaligiran ay may
malaking epekto sa kalusugan ng
mga mamamayan. Para magkaroon
ng malusog na kapaligiran,
kinakailangan ng mga sumusunod:
1. Malinis na hangin at kapaligiran
2. Malinis at ligtas na tubig at
pagkain
3. Sapat na espasyo ng lugar para
sa mga taong nakatira dito
4. Mga serbisyo sa pamayanan na
nagbibigay ng serbisyong
Photo credits: Clipart Library

pangkaligtasan at pangkalusugan.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga bata, higit


lalo ang mga may edad limang taon pababa ay limang beses na
mas madaling dapuan ng sakit kumpara sa iba kaya nararapat
lamang na mas panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang
maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit.
Ang maduming kapaligiran na may polusyon sa hangin, lupa, at
tubig ay hindi naaangkop sa pagkakaroon ng malusog na
kapaligiran. Ang maduming kapaligiran ay nagiging dahilan ng
pagkakaroon ng iba’t ibang sakit.
Ang malinis at malusog na kapaligiran
ay maaaring mapanatili sa
pamamagitan ng tamang pagtatapon
ng basura tulad ng paghihiwalay ng mga
basura (nabubulok at hindi nabubulok),
tamang lugar ng tapunan at 3R’s-reduce,
reuse, at recycle. Lahat tayo ay
makatutulong upang mapanatiling
malinis ang ating kapaligiran. Ang malinis
na kapaligiran ay susi sa malusog na Photo credits: Dreamstine.com

pamayanan.

21
GAWAIN
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Lagyan ng tsek (/) ang mga
larawan na nagpapakita ng paraan ng paglilinis ng kapaligiran.

TANDAAN

Mapapanatili natin ang malinis na kapaligiran sa


pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura tulad ng
paghihiwalay ng mga basura (nabubulok at hindi nabubulok),
tamang lugar ng tapunan at 3R’s-reduce, reuse, at recycle.
Makatutulong tayo upang mapanatiling malinis ang ating
kapaligiran dahil ang malinis na kapaligiran ay susi sa malusog
na pamayanan.

22
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Basahing at unawain ang pangungusap. Isulat ang salitang
TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagpapanatili
ng kalinisan sa kapaligiran o MALI kung hindi.

__________1. Ang pamilya at mga kapitbahay ni Ana ay tulong-


tulong sa paglilinis ng kani-kanilang bakuran araw-araw.
__________2. Nagtatapon ng basura si Alex sa tamang tapunan.
__________3. Hinahayaan lamang ni Rico na nakakalat ang mga
balat ng kanyang pinagkainan sa daan.
__________4. Sinisiguro ni Joy na inihihiwalay niya ang mga
nabubulok sa hindi nabubulok bago niya ito itapon.
__________5. Nagtatapon si Rene ng basura sa kanal at ilog.

23
Pangalan:_____________________ Baitang at pangkat:_________

REPLEKSIYON SA ARALIN NO. 7


Panuto: Sa kinakaharap natin na pandemya sa
kasalukuyan, ano ang maaari mong gawin upang
makatulong na maging ligtas ang ating kapaligiran sa
anumang sakit?

Photo credits: vectorstock.com

24
PANGWAKAS NA PAGSUSUSLIT

I.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod na linya ng awiting “Mga Alaga Kong
Hayop” ang simulang bahagi?
A. Lumipad, lumipad ang ibon...
B. Bagbagto, bagbagto lambi...
C. Lubi, lubi…
D. Bahay kubo, kahit munti...

2. Alin sa mga sumusunod na linya ang katapusang bahagi ng


awit na “Twinkle, Twinkle Little Star”?
A. Hello nice and sunny morning...
B. that will bring us back to Doe...
C. How I wonder what you are...
D. See saw up and down...

3. Alin linya ang simula ng“Do, Re, Mi Song”


A. I will follow you...
B. Doe a deer a, female deer...
C. Ding, dong, ding, ding, dong, ding...
D. Those are the months of the year...

4. Paano mo ipapakita ang pagmamahal sa mga mababangis


na hayop?
A. hulihin sila C. barilin sila
B. ibebenta sa mga D. pabayaan sila sa kanilang
mangangaso tirahan

5. Nakakita ka ng isang mabangis na hayop na sugatan, ano ang


iyong gagawin?
A. papatayin ko C. tumawag ng beterinaryo
B. hahayaan nalang mamatay D. lulutuin ko

25
6. Natuklaw ka ng isang ahas, ano ang iyong gagawin?

A. ipasipsip ang dugo mo C. hanapin ang ahas


B. pumunta agad sa malapit D. hayaan na lamang ito
Hospital

7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalinisan sa


kapaligiran?
A. Pagtatapon ng basura kahit saan
B. Hinahayaang nakakalat ang mga basura sa daan
C. Pagtatapon ng basura sa kanal
D. Paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi
nabubulok bago itapon sa tamang tapunan

8. Ang mga sumusunod ay kailangan sa pagkakaroon ng


malinis at malusog na kapaligiran MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Malinis at ligtas na tubig at pagkain
B. Malinis na hangin, lupa, at tubig
C. Maruming kanal
D. Serbisyong pangkalusugan at pangkaligtasan

9. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong na


mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran?
A. Tumulong sa paglinis sa kapaligiran
B. Magtapon ng basura kahit saan
C. Hayaang nakakalat ang mga basura sa paligid
D. Utusan ang ibang tao na maglinis ng paligid

II.Panuto: Isulat ang naangkop na sagot sa patlang pumili sa loob


ng kahon.

C. LUGAR C. LEVELS
D. DIREKSYON D. PLANES

26
10. ______Ito ay tumutukoy sa likuran, unahan, ilalim, ibabaw na
kinatatayuan ng tao at kinalalagyan ng mga bagay

11. ______ nagsasabi ng kaugnayan ng katawan sa


kinatatayuan, kagamitan o taas sa espasyo kung ito ba ay
mababa, nasa kalagitnaan, o mataas

12. ______ tumutukoy sa ninanais na patutunguhan ng


galaw/kilos, kung ito ay pataas o pababa, paharap o
patalikod, pakanan o pakaliwa

27
28
UNANG PAGSUBOK PANGWAKAS NA MUSIKA
1. A PAGSUSULIT GAWAIN
2. C 1. A Simulang bahagi
3. B 2. C See- Saw up and down
4. D Ako ay nagtanim
3. B
Bagbagto, bagbagto,
5. C 4. D lambi
6. B 5. C Katapusang Bahagi
7. D 6. B In the sky and on the
ground
8. C 7. D Magandang dalaga
9. A 8. C Kalanay,kalanay punay
10. A 9. A
11. C 10. A
12. B PAG-ALAM SA
11. C
NATUTUHAN
12. B
SINING EDUKASYONG
PAG-ALAM SA PANGKALUSUGAN
NATUTUHAN GAWAIN
1. Matigas EDUKASYONG
2. Makinis PANGKATAWAN
3. Malambot PAG-ALAM SA
4. Malambot NATUTUHAN
5. Magaspang
1. C
PAG-ALAM SA 2. B
NATUTUHAN 3. A
1. TAMA 4. C
2. TAMA 5. A
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN:
A. Aklat
Curriculum Guide in Music 3, DepEd
Learning Materials in Music 3, DepEd
Teacher’s Guide in Music 3, DepEd
Music, Art, Physical Education and Health-Ikatlong Baitang,
Kagamitang ng Mag-aaral sa Tagalog,Unang Edisyon, 2014;
Inilimbag sa Pilipinas ng REX Book Store Inc.
DepEd - MAPEH in Action 3 by DepEd-Bureau of Elementary
Education Curriculum Development Division

Learning Materials in Physical Education 3, DepEd

Learning Materials in Music 3, DepEd


DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grades 1-10 Curriculum
Guide. Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Teachers
Guide. Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 3 Learners
Mateials. Pasig City: Department of Education
The Health Curriculum in Philippine Basic Education

B. Internet

a. https://www.youtube.com/watch?v=gfHUc0zAiVE
b. http://filipinomusicsheets.blogspot.com/2012/
c. http://clipartbarn.com/heart-images-clip-art_5765/
d. http://clipart-library.com/smiley-face.html
b. https://www.clipart.email/download/14545396.html
c. https://www.clipart.email/download/772193.html
d. https://www.clipart.email/download/14545391.html
e. WHO “Preventing Diseases” Accessed June 29, 2020
f. https://www.who.int/quantifying_ehimpacts/publicatio
ns/preventingdisease.pdf?ua=1

29
g. Images and clip arts Accessed June 30, 2020
h. https://www.shutterstock.com
i. https://www.vectorstock.com
j. https://www.clipart-library.com
k. https://www.dreamstine.com
l. https://www.clipartstation.com
m. https://www.webstockreview.net

30
Acknowledgment
DEVELOPMENT TEAM OF THE MODULE
Management Team:
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS

MUSIKA 3
Manunulat: Noemi L. Celis- MT I, Victoria V. Salvania- MT II,
Criszelda A. Nievera, Kenneth A. Teppang
Editor: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagasuri: Ricky Vallejo
Tagaguhit: Victoria V. Salvania – MT II, Criszelda A. Nievera
Tagalapat: NOEMI L. CELIS- MT I, Kenneth A. Teppang
SINING 3
Manunulat: Christie B. Agpaoa – MTII, Mary Grace G. Remotin, Ricardo M.
Jimenez, Kenneth John M. Loria
Editor: Adulfo S. Amit, PSDS
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Ricardo M. Jimenez, Kenneth John M. Loria
Tagalapat: Mary Grace G. Remotin
EDUKASYONG PANGKATAWAN 3
Manunulat: Louella Maricar O. Cheng, Rosa May V. Narag, Annagail Jamorabo
Editor: Eileen Marie C. de Leon
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Louella Maricar O. Cheng
Tagalapat: Louella Maricar O. Cheng
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 3
Manunulat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibados
Editor: Christopher L. Lirio
Tagasuri: Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-in-Charge (MAPEH)
Tagaguhit: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos
Tagalapat: Mary Joy N. Pascual, Jesylyn D. Canindo, Rado A. Balibalos

31

You might also like