Mapeh 3 Week 6

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 79

M AP E H 3

WEEK 6
DAY 1
MUSIC
PAGKANTA NANG MAY
KUMPIYANSA SA
SARILI
BALIK ARAL

Panuto: Suriin ang sumusunod na musical


line. Isulat ang (M) magkatulad,
(P)magkapareho o (MK) magkaiba batay sa
kinalalagyan ng mga nota at pahinga sa bawat
sukat sa sagutang papel.
Naranasan mo na bang
kumanta sa harap ng
madla? Paano isinasagawa
ang pag-awit nang
napakahusay?
Ating alamin ang mga
mahahalagang bagay na
dapat tandan kapag tayo ay
await sa harap ng
maraming tao.
Mayroong mahahalagang bagay na dapat nating isa
alang alang kapag tayo ay aawit sa harap ng maraming
tao.
Pag-aralan ang mga sumusunod:
1. Pumili ng awiting akma sa iyong boses at isaulo ito.
2. Mag-ensayo nang maigi bago ang pagtatanghal.
https://www.youtube.com/watch?v=YCLyAmXtpfY
3. Unawain ang kahulugan at bigyang
emosiyon ang awitin sa pamamagitan ng mga
kilos at ekspresiyon ng mukha habang
umaawit.
4. Sa oras ng pagtatanghal, magsuot ng damit
na akma sa awitin, mag-ayos ng sarili at mag-
inat ng vocal cord at katawan at bigyang
pokus ang awitin habang kumakanta. Maging
masaya sa ginagawa.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mga
mahahalagang kilos upang maging
mahusay na mang-aawit sa isang pagtatanghal?
Alam mo na ba ang mga dapat mong isaalang-alang
kapag ikaw ay kakanta?
Panuto: Basahin ang maikling tula. Sagutan ang mga
katanungan pagkatapos nito. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
Si Bertang Biritera
ni Johnna D. Mamaril
Si Berta ay batang mahilig kumanta.
Birit nang birit kahit saang banda.
Mataas na tono di kayang abutin,
ilit kumakanta ng di bagay na awitin.
Ngunit isang ale na mahiwaga,
Tinulungan siyang pumili ng akmang kanta.
Nag-ensayo tuwing umaga,
Hanggang naging napakagaling sa kantahan si
Berta!
1. Ano ang hilig na gawin ni Berta?
a. Maglaro b. sumayaw
c. kumanta d. mamasyal
2. Bakit hindi kayang abutin ni Berta ang mga tono ng
awitin?
a. Paos kasi si Berta.
b. Kulang sa ensayo si Berta.
c. Hindi akma ang awitin sa kanyang boses.
d. Nagagalit si Nanay sa kaniya habang siya ay kumakanta.
3. Paano mapapaunlad ang pagkanta ni Berta?
a. Bumirit nang bumirit araw-araw.
b. Magpatulong siya sa babaeng maganda.
c. Pumili ng akmang kanta sa kanyang boses.
d. Maglublob sa ilalim ng tubig habang kumakanta.
4. Alin sa sumusunod ang ginawa ng ale kay Berta
upang gumaling sa pagkanta?
a. Pinatulog nang maaga si Berta.
b. Hindi pinapakain ng matatamis si Berta.
c. Pinainom ito ng mahiwagang gamot sa pagkanta.
d. Tinuruan ng tamang pamamaraan sa pagkanta si
Berta.
5. Anong taglay na kakayahan ni Berta kahit di
pa ito naturuan
ng tamang pagkanta?

a. Malikhain c. Masunurin
b. Mahiyain d. Kumpiyansa sa sarili
Paano ba maipapakita ng
isang mang-aawit ang
kaniyang kumpiyansa sa
sarili habang kumakanta sa
harap ng maraming tao?
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa mga katanungan
sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na larawan ang nakatutulong upang
mapangalagaan ang iyong kakayahan sa pag-awit?
2. Isa sa mga gawain ang nakatutulong
upang mapaunlad ang saklaw ng boses sa
pagkanta. Pumili ng isa.

a. Bumirit nang matagal.


b. Sumayaw nang sumayaw.
c. Mag-ehersisyo tuwing umaga.
d. Huwag kumain ng marami.
3. Anong paghahanda ang dapat gawin ni Myrna
sa kaniyang pagtatanghal sa selebrasiyon sa
Buwan ng Wika?
a. Pumili ng kanta na uso at gusto ni Myrna.
b. Pumili ng kantang pinasikat sa ibang bayan.
c. Pumili ng awitin tungkol sa pagmamahalan ng
magsing-irog.
d. Pumili ng awiting Pilipino na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa bayan.
4. Kakanta si Niko ng makabayang awitin. Alin
sa sumusunod na kasuotan ang nababagay dito?
5. Paano ba malalaman kung ang isang mang-
aawit ay may kumpiyansa sa sarili habang
kumakanta?
a. Sumisigaw habang kumakanta.
b. Nanginginig ang boses habang kumakanta.
c. Di halos makatingin sa mga taong nakapaligid
sa kaniya.
d. Nasa tono, mayroong tamang ekspresiyon at
pokus sa pagkanta.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
M AP E H 3
WEEK 6
DAY 2
arts
PAGPINTA NG
STILL LIFE
BALIK ARAL

Ano ang ibig sabihin


ng pagpipinta ng still
life?
Halimbawa ng still life drawing.
Ano ang napansin mo sa
larawan?
Kaya mo bang gumuhit ng tulad
nito?
Ang Still Life na pagpipinta ay nagpapakita
ng bagong pananaw sa mga ordinaryong
bagay na nasa ating paligid. Ang mga bagay
katulad ng prutas, bulaklak, at sanga ng
kahoy ay iilan sa mga halimbawa ng iipinta
sa Still Life. Ito ay nakalagay o nakahanay
sa magandang pagkakayos, o
pagpakakapatungpatong o block.
Pagpinta ng Still Life Base sa Imahinasyon

Magpinta ng isang Still Life gamit ang iba’t ibang


mga prutas na paboritong kainin ng iyong pamilya.
Ayusin ang mga ito sa isang lalagyang mayroon kayo
sa inyong bahay. Kulayan din ang mga ito upang
kaaya-ayang tingnan.
Gayahin at iguhit sa isang maliit na
illustration board ang larawang iyong
nakikita. Kulayan at bigyang buhay ito
gamit ang water color (Primary at
Secondary Colors).
Paano ang pagpipinta ng
still life?
Gawain 1: Pagpinta ng Still Life base sa tulang
binasa.
Magpinta ng isang Still Life gamit ang iba’t ibang
mga prutas na nabanggit sa tula. Lagyan ng kulay
ang iyong likha upang mas bigyang buhay ito.
Gamitin ang rubrik sa ibaba upang bigyang puntos
ang iyong naipintang larawan.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
M AP E H 3
WEEK 6
DAY 3
P. E.
MOVEMENTS
IN PLANES
BALIK ARAL

Panuto: Isulat ang tsek (/) sa patlang


kung ang ipinapakita sa larawan ay
tama at ekis (x) naman kung ito ay
mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
Alam moba kung ano
ito?
Saan ito ginagamit?
Nilalaro mo rin ba ito?
Alam mo bang maaaring gamitin ang laso,
lubid, hula hoop, tela o scarf at bola sa pag-
eehersisyo at paglalaro? Alam mo bang
napapalakas nito ang ating katawan at
napapatalas ang ating isipan sa paggamit nito sa
iba’tibang direksiyon, lokasyon, planes at antas?
Ang paggalaw sa iyong espasyo ay
mapapaunlad sa pamamagitan ng pagsasagawa
ng mga kilos sa planes. Ang tatlong uri ng
planes ay ang frontal plane, horizontal plane at
ang sagittal plane. Masusukat sa araling ito ang
iyong pokus o focus sa pagsasagawa ng mga
kilos sa iyong sarili o mas malawak na espasyo
sa nasabing aspeto.
Ang mga kilos na iyong natutunan sa nakaraang
leksyon ay mapapaunlad sa pamamagitan ng
pagsasagawa nito sa tatlong uri ng planes. Ang
mga non-locomotor at locomotor na kilos tulad
ng paglakad, pagtakbo, paglukso-lukso at iba pa
ay ang mga isinasagawang kilos sa nasabing
planes.
Subukin natin kung kaya mo bang gawin ang
sumusunod na kilos sa ibaba habang inaawit ang “Lero-
Leron Sinta”.

a. Mag hula hoop sa sariling lugar at gawin ito sa loob ng


labinganim na bilang o 16 counts.
b. Ilagay sa tagiliran o sideward position ang hula
hoop/laso/lubid habang habang iniikot ito gamit ang iyong
kanan o kaliwang kamay sa loob ng labing-anim na bilang.
c. Ilagay o isuot ang hula hoop/ laso/lubid sa
leeg o baywang habang lumulundag hanggang
sa makabuo ng walong bilang.
d. Ulitin mula A hanggang C gawin ito sa
sampung bilang.
Paalalahanan ang mga mag-aaral tungkol sa
mga pakinabang ng pagsasagwa ng mga
kilos sa leksyon na ito:
1. Nagiging malakas ang katawan at isipan;
2. Nagkakaroon ng balanse(balance) at
pang-unawa sa pagsunod ng direksiyon
(direction);
3. Mapapalakas ang tiwala sa sarili;
4. Binabawasan ang stress.
Gawin ang sumusunod na kilos na isinasaad sa
pangungusap sa loob ng labing walong bilang habang
inaawit ang “Leron Leron Sinta”.
Pumili ng isang kagamitan na makikita sa inyong tahanan
(hula hoop, lubid (rope), ribbon (laso), scarf o tela).
1. Ilagay ang hula hoop o ang napiling kagamitan sa iyong
dalawang kamay sa paharap na posisyon o front position at
paikutin ito sa loob ng labing anim na bilang.
Ano ang natutunan mo sa
aralin natin ngayon?
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong
upang mabuo ang kilos na isinasaad sa pangungusap.
Isulat ang sagot sa malinis na papel.
1. Ang pag-ikot ng baywang o paggamit ng hula hoop
panahon sa paglalaro at pag-eehersisyo ay nakapaloob
sa (frontal palane, horizontal plane)?
2. Si Juan ay mahilig sa jumping jack/s sa panahon
ng paglalaro at pag-eehersisyo. Ang jumping jack/s
ay isang kilos na nakapaloob sa (frontal plane,
sagittal plane)?
3. Ang (pag-unat ng baywang, pagtakbo) ay isang
kilos na maaaring gawin sa saggital plane.
4. Ang (frontal plane, horizontal plane) ay ang
imaginary division ug paghati ng katawan sa pahalang
na aksis o horizontal axis nito sa ibabaw at ilalim ng
katawan o top at bottom.
5. Ang (sagittal plane, frontal plane) ay ang imaginary
division ng katawan sa patayong aksis o vertical axis
nito sa kanan-kaliwa o pakanan-pakaliwa.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
M AP E H 3
WEEK 6
DAY 4
health
ANG KAHALAGAHAN
NG TAMANG
KALINISAN
BALIK ARAL

Paano maiiwasan ang mga


karaniwang sakit?
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.
Ano-ano ang kanilang ginagawa?
Bakit kailangan nila itong gawin sa
kanilang sarili?
Tama ba ang kanilang ginagawa?
Bakit?
Ang mga larawan na iyan ay
nagpapakita ng mga paraan
sa pangangalaga ng tamang
kalinisan sa ating katawan upang
maging malusog at malinis ang
ating pangangatawan.
Ang tamang kalinisan ay mahalaga sa bawat araw
nating ginagawa sa ating buhay. May mga paraan na
dapat sundin kung tayo ay naglilinis sa ating
katawan o sa mga pagkaing kinakain natin araw-
araw. Narito ang mga dahilan kung bakit
mahalagang maging malinis tayo sa ating katawan at
pataasin ang resistensya.
1. Makakaiwas tayo sa pagkakaroon ng sakit.
2. Maiiwasan natin ang pagkakalat ng sakit sa ating
kapwa.
3. Mas lalong dadami ang ating kaibigan at kalaro.
4. Magiging kaaya-aya sa paningin ng kapwa.
5. Magiging positibo, masigla at masaya tayo sa pang
arawaraw na buhay.
6. Mas aktibo at masigla sa pag-aaral.
Upang makamtan ang benepisyo ng mabuti at maayos
na kalusugan, narito ang ilang bagay na dapat
ginagawa ng batang katulad mo.
Maligo araw-araw at siguraduhin na malinis ang
bawat parte ng ating katawan.
Sa pagluluto ng pagkain kailangan linising mabuti
ang pinamiling pagkain bago ito lulutuin para
maiwasan ang dalang mikrobyo nito.
 Kailangan pagkumakain huhugasang
mabuti ang mga kamay na gamit rin ang
sabon at kuskusin ang mga daliri para
matanggal ang mikrobyo. Maghugas tayo ng
kamay bago at pagkatapos kumain at
pagkatapos gumamit ng banyo. Maghugas
din kamay pagkatapos nating hawakan ang
ating mga halagang hayop.
 Magtakip tayo ng ating bibig at
tumalikod kung tayo ay babahing.
 Magsisipilyo ng ngipin dalawang
beses kada araw. Gawin ito pagkatapos
kumain ng agahan at bago matulog.
Marahan ding sipilyuhin ang dila.
 Sa paglilinis ng kuko kailangan gumamit ng nail
cutter. Ang maikling kuko ay mas madaling linisin
at hugasan.
 Kumain ng gulay, prutas at iba pang
masustansyang pagkain.
 Mag-ehersisyo araw-araw.
 Magsuot rin ng mga malilinis na damit at palitan
ito arawaraw upang ang katawan ay maging
malinis at mabango.
Mahalaga na maging tama ang paglilinis ng
ating pangangatawan at maging malakas
ang ating resistensiya upang malabanan
ang iba’t ibang sakit na maaaring dumapo
sa ating katawan. Ang kalusugan ay
kayamanan na dapat pangalagaan at
bigyang halaga upang makapamuhay nang
masagana.
Suriin ang kagamitang pangkalusugan. Pagtapat-
tapatin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Bakit mahalagang
maging
malinis tayo sa ating
katawan at pataasin ang
resistensya?
Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong papel.
1. Bakit mahalagang maging tama ang paglilinis ng
ating pangangagatawan?
a. para maging isang matalinong mag-aaral
b. para maging tanyag sa buong klase
c. para maging isang maganda
d. para malabanan ang iba’t ibang sakit na maaaring
dumapo sa ating katawan
2. Ano ang iyong gagamitin sa paglilinis ng kuko?
a. nail cutter b. sipilyo
c. Tuwalya d. suklay
3. Ilang beses tayo magsisipilyo ng ngipin?
a. limang beses kada araw
b. isang beses kada araw
c. sampung beses kada araw
d. dalawang beses kada araw
4. Ano ang mainam gawin kung may ubo at
sipon?
a. kumain ng tinapay.
b. maglaro sa labas ng bahay.
c. buong araw matulog.
d. magtakip tayo ng ating bibig at tumalikod
kung tayo
ay babahing.
5. Bakit kailangan linisin ang pinamiling pagkain
bago ito lulutuin?
a. para maganda tingnan ang mga pagkain
b. para masarap kainin
c. para maiwasan ang dalang mikrobyo nito
d. para maging masaya at masigla
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like