WEEK 6 Filipino

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

FILIPINO

WEEK 15 DAY 1
Magpaguhit ng isang pangyayari na nagustuhan sa
kwentong pinakinggan: Ang Kamatis ni Peles.
Ibahagi sa klase ang ginawa.
 
Maaaring gamitin ang
halimbawang panimula na nakasulat dito sa pisara.
Babasahin ko:
Ang iginuhit kong eksena ay nang si Peles ay
_________.
Makikita dito sa larawan ang _____________.
Ang mga gulay na alam ko ay ang
_______.
____, ___ at ____ ang mga gulay
na kinakain ko.
Nakita ko na ang mga gulay na
_________.
Sa araw
na ito, kayo naman ang
magsasalaysay o
magkukuwento. Gagamitin
ninyong gabay ang mga
larawan ng aklat upang
sabihin kung ano ang
nangyari sa bawat pahina.
Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
Ipaskil sa pisara ang pitong larawan na
hango mula sa mga naganap sa Ang
Kamatis ni Peles mula Linggo hanggang
Sabado, na hindi nakaayos ayon
sapagkakasunod-sunod. Bigyan ang
bawat pangkat ng pitong kard kung saan
nakasulat ang mga araw ng linggo: Ilahad
sa klase ang panuto para sa gawain.
Paano mo
napagsunod-sunod
ang mga larawan?
Gaya ng natuklasan ninyo sa inyong bahaginan,
maraming
mga kuwento ang naisulat na at naghihintay na
alamin o buklatin natin sila. Marami tayong
mapupulot na bagong salita, bagong ideya, at
bagong impormasyon mula sa mga libro.
Sana’y magpatuloy tayong lahat sa
pagtuklas ng mga bagong kuwento at
babasahin.
Takda:
Magpakuwento sa
inyong nanay o tatay ng isang kuwento
na ikinuwento rin sa kanila ng kanilang
magulang. Tanungin ang inyong
magulang kung ano ang nagustuhan nila
tungkol sa kuwentong ito noong bata pa
sila.
FILIPINO
WEEK 15 DAY 2
Pag-usapan sa bahaginan ang itinakdang gawain sa
pagtatapos kahapon. Ipalahad sa ilang mag-aaral ang
pamagat at buod ng ikinuwento sa kanila ng kanilang
magulang. Maaari nilang gamitin
ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:
Ang pamagat ng ikinuwento sa akin ng aking magulang
ay ________. Tungkol ito sa ________.Isang bagay na
ginagawa ng aking magulang para sa aking
kalusugan ay __________.
Gamiting lunsaran ang awiting “Paa, Tuhod, Balikat, Ulo”
sa
pagtalakay ng konsepto ng kailanan ng pangngalan.
Itanong at sabihin: Tungkol saan ang mga salita sa inawit
nating
kanta? Tama, tungkol sa mga bahagi ng ating katawan.
Ano-ano pa
ang ibang bahagi ng ating katawan?
Pansinin natin ang mga bahagi ng ating
katawan na
nakalista. Ano-ano dito ang nag-iisa
lamang?
Ano naman ang tig-dalawa?
Aling bahagi ng ating katawan ang higit
pa sa
dalawa ang bilang?
Gamitin ang ilang larawan mula sa
aklat na Ang Kamatis ni Peles sa
pagpapatukoy sa mga mag-aaral sa
bilang ng mga bagay at kung
ang o ang mga ang dapat gamitin
para sa mga salitang ito.
Kailan ginagamit ang
katagang ang at ang mga?
Tingnan ang mga larawan. Isulat kung ang o ang
mga ang katagang maaaring gamitin sa pagtukoy
nito.
FILIPINO
WEEK 15 DAY 3
Alin sa mga bahagi ng
katawan na ito ang
dapat gamitan ng ang?
Bakit? Alin naman ang
dapat gamitan ng
ang mga? Bakit?
Tumawag ng tatlong mag-
aaral na magpapakita ng
ilang bagay
mula sa kanilang bag at
maglalahad tungkol dito
gamit ang ang o ang mga.
Ngayong araw na ito
kikilalanin natin ang
mga tunog na
bumubuo sa salita.
Gamitin ang ilang salita
mula sa kanta sa pagsanay
sa kakayanan ng
mga bata sa pagkilala ng
mga tunog na bumubuo sa
mga ito.
Mula sa pagtutukoy ng tunog at letra na
bumubuo sa mga salita, gabayan ang mga
mag-aaral sa pagbaybay ng mga salitang ito
gamit
ang mga kard ng bawat letra at ang pocket
chart.
 
Hayaang magbuo ng mga salita ang mga
bata gamit ang iba’t ibang tunog na nasa
pocket chart.
Paano tayo nakabubuo ng
salita?
Tandaan: Nabbuo ang mga
salita sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga
titik o tunog nito.
Makinig sa guro. Isulat ang
salitang mabubuo sa mga
tunog na ididikta ng guro.
 
/b/ /a/ /l/ /i/ /t/ /a/
_______________
FILIPINO
WEEK 15 DAY 4
Tulungan ang mga mag-aaral na maglahad
tungkol sa mga aktibidad o gawain na
ginagawa nila upang maging malusog.
 
Isang bagay na ginagawa ko upang maging
malusog
ay ___________.
Palalimin ang pag-unawa ng
mga mag-aaral tungkol sa
kamatis sa pamamagitan ng
maikling “ulat-radyo.” Ihanda
ang mga bata para sa pakikinig.
Anu-ano ang narinig niyong
mga pangngalan ng tao, bagay
o
lugar mula sa ulat.
Ipantig ang mga salitang
napakinggan sa ulat radio gaya
ng ka-ma-tis.
 
Tandaan :
Ang salita ay pinapantig kung
paano ito binasa.
Pantigin ang mga sumusunod na
salita:
 
Gulay
Kalabasa
labanos
FILIPINO
WEEK 15 DAY 5
Awitin ang kantang “Sampung
mga Daliri.” Hikayatin ang mga
mag-aaral sa sumali sa
pagkanta.
Ano ang
mga bagay na dapat gawin
upang maging malinis o
malusog ang mga daliri, mga
mata, mga tainga, ilong, o
ngipin.?
Sa pagtatapos ng pagbasa, tingnan kung
natandaan ng mga
mag-aaral ang mga pangyayari sa loob ng
isang linggo. Maaaring
balikan at ipakita ang mga akmang bahagi
ng libro upang
matulungan ang mga bata sa pagsagot.
Sabihin kung isa, dalawa, o marami ang
bilang ng ibibigay kong
salita :
mata, ilong,
paa, bibig, leeg, buhok, daliri, tainga,
tuhod.
Sabihin kung ang o ang mga ang dapat
gamitin bago ang
sumusunod na salita :

mata, ilong, paa, bibig, leeg, buhok,


daliri, tainga, tuhod.
Pantigin ang sasabihin kong salita:

kamatis, bitamina, malusog, pag-aaral,


buto,
balat, ngipin.
Sabihin ang tunog at letra na bumubuo
sa sasabihin kong pantig

ka, tis, pa, les,


bu, wen, ma, sog, lu, ni, ku, to.

You might also like