Filipino para Sa Natatanging Gamit

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

Mga batayang kaalaman

sa Wika
(kahulugan)

Calub, Jenette Ann


BSE- Filipino 3
PAKIKIPAGTALASTASAN

MIDYUM NG
KOMUNIKASYON WIKA KALULUWA NG
BANSA

PROSESO NG
PAGPAPADALA
AT PAGTANGGAP
NG MENSAHE
• Ang wika ay mga simbolong salita
ng mga kaisipan at saloobin.

• Ito ay isang behikulo o paraan ng


paghahatid ng ideya o palagay sa
tulong ng mga salita na maaaring
pasalita o pasulat.
• Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Henry Gleason (1999)

• Ang wika ay proseso ng pagpapadala at


pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaring berbal o di -berbal.
Rolando Bernales (2002)
• Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
Mangahis (2005)

• Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang


pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng
mga tao.
Pamela Constantino at Galileo Zafra (2000)
• Ang wika ang sumasalamin sa mga mithiin,
lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin,
pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad,
paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
Alfonso Santiago (2003)

• Ang wika ay lawas ng mga salita at Sistema ng


paggamit sa mga ito na laganap sa isang
sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura
at pook na tinatahanan.
UP Diksyunaryong Filipino (2001)
• Ang wika ay parang hininga. Gumagamit tayo ng wika
upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
Bienvenido Lumbera (2007)

•  ‘Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat.


Isang kahulugan, taguan, imabakan o deposito ng
kaalaman sa bansa.’
San Buenaventura (1985) 

• Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha


nito.
Whitehead
• 'Ang wika ay masistemang estruktura ng sinasalitang
tunog at pagsasaayos nito sa paraang arbitraryo upang
makamit sa interpersonal na pakikipagkomunikasyon at
ang makabuluhang pagsasama-sama ng mga bagay,
pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan.’
Caroll (1973) 

• ‘Ang wika ay binubuo ng mga payak na salitang nalilikha


dahil sa pagtugon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang
kalikasan ng sistemang panlinggwistika ng bawat wika ay
di lamang instrumento sa pagpapahayag ng saloobin at
kaisipan kundi tagahubog din ng mga ideya na
nagsisilbing gabay para sa mga gawaing pangkaisipan.’  
Benjamin Lee Whorf 
•'Ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika.
Ginagamit niya ang wika bilang kasangkapan sa
sosyalisasyon na kung walang wika, walang iiral na
relasyong sosyal. Gumagamit ang mga tao ng mga
simbolismo upang makipag-ugnayan sa iba na nagbubunga
ng pagkakaroon ng solidaridad at pagkakaisa ng mga
tagapagsalita ng naturang wika.’
 Sapir 

•‘Ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay-


kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga bahagi ng
katawan sa pagsasalita upang makamit aang layuning
makaunawa at maunawaan ng iba.’
•Tumungan (1997) 
• ‘Ang wika ay maituturing na behikulo ng
pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento
rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.’
Constantino 

• ‘Nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa


sistema ang wika na nakikipaginteraksyon.
Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang
bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa
itong kasanayang panlipunan at makatao.’
Hymes (1972) 
•  Ang wika ay maaaring humubog ng ating
pananaw pandaigdig (world view). Kung
titingnan ang wika bilang isang ideolohiya,
maaaring magkaroon ng iba’t ibang
pagpapakahulugan, pagtingin, pag-unawa at
karanasan dahil may kani-kaniyang posisyon at
papel ang indibidwal sa lipunang kanyang
ginagalawan at kinabibilangan.
SANGGUNIAN:
• Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino Dolores R. Taylan et .al (akda) Aurora E.
Batnag (Koordineytor)

• https://www.slideshare.net/thaddeussoria/
kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika
Katuturan ng wika
Camino, Aliza Grace R.
Sumasalamin ito sa kultura at
panahong kanyang kinabibilangan
Ang wika ay sagisag ng
pambansang pagkakakilanlan.
Ito ay ginagamit sa
komunikasyon at
pakikipagtalastasan
Ito ay nagbubuklod sa
bawat tao maging sa ibang
lahi.
Sumasalamin at
nagpapaunlad sa kultura ng
isang bansa
Katangian ng Wika
Carloman, Lorephil P.
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas
 ito ay isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para
makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala,
pangungusap at panayam.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog


 Sa pamamagitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman ang
emosyon at kahulugan ng salita. Sa intonasyon nababatid ang
dagdag na kahulugan ng tao sa isang salita.
3. Ang wika ay arbitraryo
 Sumasalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa
ilang lugar. Napagkakasunduan ng mga mamamayan ang
pangunahing wikang gagamitin nila. 
Halimbawa:
• Bahay – Kapag mula sa pamayanang Tagalog
• Balay – Kung mula sa pamayanang Bisaya
• Bay – Kung mula sa pamayanan ng mga Tausug
• Casa – Kung Chavacano naman ang sinasalitang wika
4. Ang wika ay buhay at dinamiko.
 Ang wika ay nadaragdagan ng bagong bokabularyo
habang lumilipas ang panahon.
 Sa pag-unlad ng teknolohiya, unti-unting naging
makabago ang paraan ng pakikipag-usap na tinatawag na
komunikasyon sa kontemporaryong panahon. Bunga nito ang
pagbabago ng kahulugan ng isang salita. Mas lumalawak ang
bokabularyo ng mga tao dahil sa mga bagong ideyang
nabubuksan at natutuklasan sa pagbabago ng henerasyon.
Halimbawa:
Bahagi ng social media
Wall Dingding; bakod account kung saan maaaring
mag-post ang mga kaibigan
Isang uri ng operating
Windows Mga bintana
system ng mga kompiyuter
Inilalagay sa isang
cellphone upang
Load Pasanin makapagpadala ng mensahe
at makagawa o makakuha
ng datos
5. Ang wika ay nanghihiram
 Ang wikang Filipino ay salamin ng wikang
nanghihiram. Magkakahalo ang mga salitang Kastila,
English, Arabe, at iba pang Austronesian na salita.
Siyempre kabilang dito ang mga likas na wika tulad ng
Tagalog, Waray, at ibang lokal na wika.
6. Ang wika ay sumasalamin sa kultura
 Nagkakaiba-iba ang wika dahil sa iba-ibang kultura.
 Iniuugnay nila ang mga salita sa kultura sa mga tao at
lugar para manatili ito sa kanilang isip, na kalaunan ay
tuluyang nagiging pagkakakilanlan ng nito para sa
nakararami.
Halimbawa:
• Ang salitang VINTA ay naiuugnay sa Zamboanga City
• Ang PANAGBENGA FESTIVAL ay naging tanyag sa buong
Pilipinas kahit hindi naman lahat ay nagsasalita ng wikang
Kankanaey.
7. Ang wika ay makapangyarihan.
 Makapangyarihan ang salita at wika. Kung
nagagamit ito sa pakikipag-usap sa kapuwa, kaya rin
nitong tuligsain ang isang masamang gawi. 
ANG FILIPINO BILANG
WIKANG PANTURO
INIHANDA NI:
BARGO, MERASOL JOY C.
Wikang opisyal na
ginagamit sa pormal
na edukasyon.
Multilingguwal
Bilingguwal

Monolingguwal
Monolingual
Ang itinatag na pambansang sistema ng edukasyon ng
mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay
monolingguwal.

Sa sirkular noong 3 MAYO 1940, iniatas ni Direktor


Celedonio Salvaador ng Kawanihan ng Edukasyon ang
pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na
asignatura sa Ikaapat na Taon sa paaralang sekundarya.
Bilingual
Sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal, 1974. Pinagtibay
ni Pangulong Ferdinand Marcos ang mga asignatura sa
elementarya at sekundarya ay hinati upang ang isang
pangkat ay ituro sa Filipino at ang isang pangkat ay ituro
sa Ingles.
Multilingguwal
Sa ilalim ng MTB-MLE 2012, naging dagdag na
wikang panturo sa antas na k-3 ang ibang mga wikang
katutubo (19 sa kasalukuyan, kasama ang tagalog)
Ayon sa paniniwala ni Vivencio Jose, wikang
Filipino ang dapat na gamiting midyum sa
pagtuturo sapagkat masmadaling matututo ang
mga mag-aaral kung ang wikang kanilang
nauunawaan ang gagamitin ng guro sa
pagtuturo.
Ang wika ay palatandaan ng pagkakaroon
ng identidad ng isang bayan. Ang wika
pagginamit sa edukasyon ay nakatutulong
sa pagpapalalim sa ideya ng pagmamahal
sa bayan pagpapahalaga sa kasaysayan.
-Bienvenido
Lumbera
Ayon sa iilang guro sa matematika, kung
dumating ang pagkakataong di maunawaan ng
mga mag-aarall ang kanilang itinuturo sa
wikang ingles, ito y ipinaliliwanag nila sa
Filipino. (Maxima Acelajado)
“ Kailangan natin matutunan ang wikang Ingles para
kumunekta sa mga banyaga pero wag lamang sana
nating kakalimutan kung saan tayo nagmula at kung
ano ang ating wika ”
Bargo,
Merasol Joy C.

You might also like