Deskripsyon NG Kurso
Deskripsyon NG Kurso
Deskripsyon NG Kurso
Ang kursong FIL 44 at FIL 4.1 ay bahagi sa mga kolehiyo/paaralan saklaw ang anyong pangmadla at
pampanitikan lalo na ang mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham. Ilang
kolehiyo/paaralan ay ginagawang elektib ang mga kursong nabanggit.
Ang kursong ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga prinsipyo at proseso ng masining na pagpapahayag sa
Filipino. Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at kahusayan sa
pagdidiskursong pasulat at pasalita tungkol sa mga paksang pangkomunidad, pambansa at pandaidig.
Pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng panitikang Filipino sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas mula sa simula
hanggang sa kasalukuyan.
Tumatalakay ito sa mga teorya, simulain, mga metodo ng pagtuturo at mga uri/pamamaraan sa
pagtataya ng mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita na gumagamit ng iba’t ibang uri ng diskors at
gawain.
Tumatalakay ito sa mga teorya, simulain, mga metodo ng pagtuturo at mga uri/pamamaraan sa
pagtataya ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat na gumagamit ng iba’t ibang uri ng diskors at
gawain.
Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga teorya, simulain at teknik sa pagsasalin ng mga tekstong literari at di-
literari.
Sumasaklaw sa mga batayang kaalaman sa mga lawak, uri at metodo ng pananaliksik sa wika at
panitikan, na maglulundo sa paghahanda at paghahanap ng isang sulating pananaliksik (research report).
Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga pangunahing akda sa mga rehiyonal na wika. Maaaring orihinal o salin
sa Filipino ang mga tekstong susuriin at pahahalagang kultural.
Sumasaklaw sa pag-aaral ar pagsusuri ng iba’t ibang kulturang popular, e.g. pelikula, muskila, komiks at
pahayagan, mga programang panradyo, pantelebisyon na nakakaimpluwensya sa paghubog ng sariling
katalinuhan at identidad.
Pag-aaral ng mga teorya at pamamaraan ng pagsuri ng literatura tulad ng mga pananaw na sosyolohikal,
sikolohikal, arketipal, feminismo, marxismo, at iba pa lalong-lalo na ang mga hinalaw ng mga kritikong
sina Virgilio Almario, Isagani Cruz, Soledad Reyes, Salvador Lopez, Bienvenido Lumbera, Edna Manlapaz.
Layunin ng kurso na matutuhan ng estudyante kung paano magbasa ng mga tekstong panliteratura.
Pag-aaral ng iba-ibang paraan sa malikhaing pagsulat ng iba’t ibang uri ng tula, kumbensyonal at
makabago, maikling kwento, sanaysay at isa hanggang tatlong yugtong dula sa pamamagitan ng
paggamit ng mga kilalang modelo at halimbawa.
FIL 303-Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan (Teaching Strategies of Language and
Literature)
Pag-aaral ng iba’t ibang makabagong pamamaraan at estratehiya tulad ng paggamit ng dula, tula,
maikling kwento, awit, komiks, mga laro, larawan, pelikula at marami pang iba para sa kaiga-igayang
pagtuto ng wika at panitikan. Layunin ng kursong ito na gawing madali para sa guro ang pagtuturo at
gawing mas makahulugan naman para sa mga estudyante ang bawat leksyon dahil ito ay nakatutok sa
kanilang pansarili o di kaya ay pangkatang gawain.
Pag-aaral sa mga kasaysayan, simulain ng Filipino mula sa panahon ng Hapon hanggang sa kasalukuyan.
Introduksyon ng mga sangkap o elemento ng teatro, ang iba’t ibang gamit nito at ang mga
mahahalagang konsiderasyon ng isang manunulat ng dula, ng direktor, ng mga artista at manonood para
sa isang makabuluhang karanasan. Bibigyan ng kursong ito ng pagkakataon ang mga estudyanteng
sumulat, mag-direk at umarte sa tanghalan. Tuturuan din sila ng mga krayteryang magagamit sa
pagpuna ng mga dulang pantanghalan.
Paghahambing ng iba’t ibang wika sa iba’t ibang rehiyon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Pagbasa at pagsuri sa maraming tulang likha ng mga makata sa iba’t ibang panahon at iba’t ibang anyo,
tulad ng epiko, liriko, pasalaysay at madulain. Layunin ng kursong matutuhan ng estudyante kung paano
magbasa ng mga tula sa konteksto ng kasaysayan ng panulaan.
Pagbasa at pagsuri ng maraming kathlang likha sa iba’t ibang panahon at iba’t ibang anyo, tulad ng
alamat, epiko, maikling kwento, nobela, dulang pampelikula. Layunin ng kurso na matutuhan ng
estudyante kung paano magbasa ng mga tekstong may kwento sa konteksto ng kasaysayan ng katha.
Ipakikita sa kursong ito kung papaano ang paggawa ng pahayagan, magasin, komiks, pitak pampaaralan
at iba pang pangngangailangan ng isang mamahayag.
Ipakikita sa kursong ito ang iba’t ibang uri at bahagi kung saan ang pelikula ay inilalarawan. Malalaman
din dito kung papaano ang pagkuha ng anggulo ng pelikula.
Kasabay ng mga makikitang pagkatulad at di-pagkatulad kinakailangan ang mga pagsasalin sa wikang
Filipino ang mga salitang naiiba, upang ang mga guro at iba pang mga tauhan na may kaugnayan sa
edukasyon ay maaring makagawa ng mga kagamitang pampagtuturo sa wikang pambansa.
Tangka sa kursong ito na tulungan ang mga mag-aaral na di-Tagalog sa pag-unawa sa ponolohiya ng
Filipino sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga aspektong ponetika, morpolohiya at sintaksis na wika.
Pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas ayon sa panitikan nito, mula sa mga sinaunang epiko hanggang sa
mga akdang nagwagi sa Palanca Awards at National Book Awards.
Upang maunawaan ng mga mag-aaral ang mga katangian at kagandahan ng poklore ng Pilipinas mula sa
kanununuan.
Ang simula at pag-unlad ng wikang Tagalog at pinagmulan ng mga salita. Mga ponema, mga tunog ng
mga titik, mga morpema, semantika at pagsusuri ng mga salita ng iba’t ibang wikain, paghahambing at
pag-iiba ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.
Mga Cognates
Ang wikang Filipino ay ituturo bilang wika sa pakikipagtalastasan sa mga pook na di-Tagalog. Iba’t iba at
payak ang mga pamamaraan sa pagtuturo sa dahilan na ang Filipino ay may malaking kaugnayan sa mga
pangunahing wika sa Pilipinas.
Upang maipamalas sa mga estudyante ang kahalagahan ng iba’t ibang literatura mula sa unang rehiyon
hanggang sa ARMM. Upang matiyak din ang kahulugan ng mga ito.
Pag-aaralan ang simulain ng sanaysay at kayarian nito. Tatalakayin ang iba’t ibang uri ng sanaysay at
debate; biglaan at inihandang pagsasalita, gayundin ang bigkas sa pagtatalo.
Kasanayan sa dulang Filipino. Mula sa awit, kurido, duplo, iisahing yugtong mga dulang panteatro,
panradyo, puting tabing at pantelebisyon. Pag-aaral at pagsusuri ng mga piling dulang nagwagi sa iba’t
ibang patimpalak-pagsasanay sa pagdirek, pag-akto at pagtatanghal.
Pag-aaral ng mga paraan at pamaraan ng pagtuturo ng Filipino at sa Filipino bilang una at ikalawang
wika: pag-aaral at paghahanda ng banghay ng pagtuturo at iba pang kagamitang pampagtuturo at
kagamitang pangkurikulum sa mababa at mataas na paaralan.
FIL 509-Anekdota, Epiko, Alamat at Awiting Bayan ng Iba’t ibang Rehiyon (Anecdotes, Epics, Legends
and Folksong of the different Regions)
Maunawaan at matutuhan ang mga kani-kanilang anekdota, epiko, alamat at awiting bayan ng iba’t
ibang rehiyon upang sa ganoon di-malilimutan ito ng mga tao.
Tumutukoy sa mas malalim at mas mabisang pagbasa at pagsusuri ng mga obra maestrang Pilipino na
itinuturo sa hayskul, i.e. Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, El Filibusterismo at iba pa
tungo sa ganap na pagpapahalaga ng mga ito.
FIL 39-Bilinggwalismo