Ang Apat Na Makrong Kasanayang Pangwika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANG APAT NA MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA

Ang apat na makrong kasanayang pangwika na dapatmapaunlad ng bawat


Pilipinosa kasanayang pakikipagtalamitan ay ang 1) Pakikinig 2) Pagbasa 3)
Pagsulat at 4)Pakikinig.

1.PAKIKINIG -Tinatayang mga 45% ng panahon ng isang tao ay inuukol sa


pakikinig,ngunit hindi lahat ng naririnig ay dapat tanggapin, kailangang
matutong magsuri ng mga bagay na naririnig. Ang isang tagapakinig ay
madaling umunawa ng mensahe kung kaya’t nagkakaroon siya ng
pagkakataon na mag-isip at magdagdag pa ng mga bagong kaisipan mula sa
kaniyang mga naririnig.

Sa apat na kasanayang pangwika, ang pakikinig ang may pinakamalaking


panahon na inuukol ng isang tao. Pagkagising pa lamang , bukas na ang
ating damdam(sense) ng pakikinig, sa ayaw o sa gusto natin papasok lahat
sa ating pandinig ang masasagap sa labas tulad ng ingay, tunog, musika,
salita, hudyat, at iba pa. Ang pakikinig ay isang masalimuot at maikling
kasanayan. Ito’y dumaraan saganitong proseso:

a.) Tatanggapin ang mensahe


b.) Pagtutuunan ng atensyon ang tinanggap na mensahe
c.) Bibigyan ng kahulugan ang mensahe
d.) Tatandaan ang mensahe
e.) Tutugon sa mensahe

a) Tatanggapin ang Mensahe

Upang maging mabisa ang pakikinig, ihanda muna ang sarili sa pakikinig sa
pamamagiatan ng inyong mga malinis na tainga. Walang kahulugan ang
anumang tunog o mensahe na manggagaling sa labas kung hindi ito
handang tanggapin.

b) Pagtutuunan ng atensyon ang tinanggap na mensahe

Matapos tanggapin ang mensahe, pagtuunan ito ng buong atensyon, huwag


ibaling sa ibang bagay o tunog ang inyong pansin, sapagkat makakasira ito
ng pokus ng atensyon sa pinapakinggan, kundiman ay mababawasan ang
pagkaunawa. Malaking bagay din sa pakikinig ang kapaligiran. Kung
maingay at magulo, tiyak na makasisira ito ng atensyon sa pakikinig
c) Bibigyan ng kahulugan ang mensahe

Makabubuti sa isang tagapakinig na mgakaroon ng mayamang talasalitaan


(wordcapacity) upang madali niyang mabigyan ng tumpak na kahulugan ang
anumang tunog o mensaheng naririnig. Marami ang nagkakamali ng akala
sa narinig lamang. Madalas na dito nagsisimula ang di- pagkakaunawaan na
nagtatapos ng masaklap na pangyayari . Maging positibo sa pagbibigay ng
kahulugan sa mensahe upang maiwasan ang masamang pagtugon sa
mensahe.

d) Tatandaan ang mensahe

Hindi lahat ng maririnig ay matatandaan. Imposible ito sapagakat hindi tayo


makina natulad ng isang tape recorder. Ang mahalaga at may kahulugan
lamang sa atin ang dapat tandaan, upang maiwasan ang pagkalito sa
mensaheng narinig . makabubuti ang magtala, sapagkat makatutulong ito sa
pag-alaala ng naririnig.

e) Tutugon sa mensahe

Ang pagtugon sa mensahe ang batayang sukatan ng ating kasanayan sa


mabisang pakikinig. Kapag ang pagtugon sa mensahe ay nagbubunga ng
mabuti, mabisa ang nangyaring pakikinig ngunit kung nagbubunga ng di-
mabuti, Tiyak na may mali sa ginawang pakikinig.

ILANG KASANAYAN SA PAKIKINIG

1. IMPORMAL NA PAKIKINIG
A.Paglalagom

Malilinang ang kasanayan sa pakikinig sa isang mag-aaral kung mula sa


isang na pakinggang kwento, panayam, talumpati at iba pang katulad nito
ay makapagbibigay siya ng kasiya-siayang lagom nito.

B.Paggawa ng Balangakas

Makatutulong sa masisitemang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral


kung sila ay pagagawain ng isang balangkas mula sa narinig na talumpati o
panayam. Ang balangkas ng isang teksto ay maaring gawing papaksa o
pangungusap. Magagawa ang balangkas sa pamaamgitan ng mga titik at
tambilang. Tandaan na ang mga mahahalagang kaisipan lamang ang dapat
isama sa balangkas.
Halimbawa:

I.

A.

1.
2.
3.
4.
5.

B.
1.
2.
3.

II

A
B

1.

a)
b)

2.
3.

C. Pagtatala

Ang kasanayan sa pakikinig ay mapapaunlad kung gagamit ng


pagatatala habang nakikinig sa isang panayam o talumpati. Malilinang ang
kakayahan ng isang mag-aaral o tagapakinig sa pagpili ng mahahalagang
puntos sa sinsabi ng nagsasalita, maihihiwalay niya ang may halaga
at walang kawalang kaisipan sa pamamagitan ng pagtatala mula sa
kaniyang naririnig. Tandaan, di dapat itala ang lahat ng naririnig sa isang
panayam. Sapagkat lalong hindi niya mauunawaan ang mensahe
ng nagsasalita. Maari naming gumamit ngpagdadaglat o pagpapaikli ng
salita upang mapadali ang pagtatala.
D. Pag-alaala o Pagsusunod- sunod ng mga Pangyayari

Masususkat din ang kasanayan sa pakikinig kung ipasasalaysay sa


tagapakinig nang may tumpak na pagkakasunod ng mga pangyayari ang
binidang kwento. Malilinang din dito ang alaala ng nakikinig.

2. MAPANURING PAKIKINIG – ito ay hindi lamang pag-uulit ng narinig


kundi paghahanap ng mahalagang mensahe mula sa pinakinggang awit o
anumang akdang pamapanitikan; gayundin ay pagbibigay ng puna sa
pagkakatulad at pagkakaiba.

3. PAGHUSGANG PAKIKINIG - marahil, ito na ang mapanuring antas ng


pakikinig, sapagkat hindi lamang pag-uulit ng narinig; pagkuha ng mensahe
sa akdang napakinggan; kundi magbibigay pa ng reaksyon sa narinig na
komentaryo o panayam. Ang kasanayang ito ng pakikinig ay maaring
makapagbigay din ng pagtataya sa mga pangyayari mula sa narinig na
pagsasalaysay.

4. PAKIKINIG PARA MAGPAHALAGA - ito ay isang mapanuri o kritikal na


pakikinig,sapagkat kailangang mag-isip at damhin ang mensaheng narinig
mula sa isang akdang pampanitikan tulad ng isang tula, upang mabigyan
niya ito ng pagpapahalaga.

Gawain Bilang 1

A. Magbigay ng mga kaaya-ayang pook, kung saan makapag-uukol


tayo ng mabisang pakikinig.
B. Anong mga oras ka maaring mag-uukol ng mabisang pakikinig?
Bakit?
C. Gumawa ng isang panayam na narinig sa loob ng klase.
D. Makinig ng isang komentaryo o isyu sa radio o TV at bigyan ng
reaksyon.

MGA SALIK NA NAKAKABISA SA MABUTING PAKIKINIG

1.Oras - may mga taong nagtatakda ng oras sa pakikinig. May mga


oras na ayaw nating makinig o kung tayo ay nagugutom.

2.Daluyan - maipapahatid natin ang mensahe sa iba’t ibang paraan,


maaring hatinig,internet, fax, atb, ngunit hanggat maari mabisa parin ang
personal na paghahatid ng mensahe.
3.Gulang - piliin ang mga salita o paksang ipararating sa kausap ayon
sa kaniyang gulang. Baka hindi makuha ang mensahe ng matanda sa bata o
mensahe ng bata sa matanda.

4.Kasarian - may mga mensaheng nababagay lamang sa mga babae


at mayroon namang naangkop lamang sa mga lalake.

5.Kailangan - mahalagang isaalang-alang ang kalinangan ng kausap


upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan.

6.Konseptong pansarili - magiging mabisa ang pakikinig kung ang


naghahatid ng mensahe ay katulad ng mag-iisip o paniniwala ng
tumataggap.

2. PAGBABASA -Malaking kapakinabamgan ang makukuha sa pagbasa.


Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, kalibangan, pagkatuto at mga
karanasang maaring mangyari sa tunay na buhay. Sa pagbabasa hindi sapat
na may kakayahan sa mabilis na pagbasa, ang mahalaga ay pagtugon ng
isipan sa binabasa maging ang paksang binabasa ay pangkalibangan o
pangkaalaman.

Ang isang taong mapagbasa ay higit ang nalalaman kaysa sa madalang magbasa
o hindi nagbabasa. Dapat tandaan na…

Gawain Bilang 2

A. Magsaliksik ng mga sulatin sa aklatan at isulat ang buod nito


B. Sumulat ng balangkas ng isang sulatin.

3. PAGSASALITA

Ang Mabisang Pagsasalita

Isa sa mahalagang prinsipyong natutunan natin sa pagtuturo ng wika ay “ang


wika ay pagsasalita at hindi pagsususlat. Ang wikang isinusulat ay paglalarawan
lamangng wikang sinasalita.”
Napakahalaga sa isang tao ang maging mahusay sa pagsasalita. Siya ay
kinalulugdan at kinawiwilihang pakinggan. Sa pamamagitan ng pagsasalita
ng kuro-kuro, maisasalaysay ang kaniyang karanasan at makapagpamana
ng karungan sa mga susunod na salinlahi. Gumugol tayo ng mga 30% n
gating panahon sa pagsasalita. Ang pagtatagumpay ng tao sa kaniyang hangarin
sa buhay ay nakasalalay sa kaniyang kakayahang magsalita sa paraang mabisa,
maypang-akit at kapanipaniwala.Magagamit niya ito sa pkikipag-usap, pag-
uulat, siyang nakadarama ng katuparan ng kaniyang pagkatao sapagkat
naipahayag niya ng lubos ang kaniyang pagbabalita, pagtatalumpati,
pakikipagtalo, pakikipanayam at pakikipagtalakayan. Higit damdamin,
naisalin ang kaniyang kaalaman sa pinakamadali at tiyak na paraan.

Upang matamo ang kabisaan sa pagsasalita kailangang magtaglay


ng:

1. Malawak na kaalaman - lumalawak ang kaalaman sa pamamagitan


ng pagmamasid. Ang taong mapagmasid ay maraming nakikita na
matiyaga hindi napapansin ng iba. Ang tunay na mapagmasid ay may
kasamang pagpapakahulugan sa mga napapansin at nakikita. Maging palabasa.
Ang tumpak na pagbabasa ay may kasamang pag-uuri at pagtitimbang-
timbang. Napakahalaga nito para sa ikauunlad ng ating kaalaman.
Isama na rin natin ang pag-aaral. Sa pag-aaral lagi at laging may mga
bagong kaalaman maging lamang.

2. Tiwala sa Sarili - mahihiwatigan sa maluwag na kilos ay galaw ng


mga bisig, matuwid na tingin sa nakikinig.

3. Kasanayan - Sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita, ang


isang angkop na istratehiya ay pagtatalumpati. Sadyang ginawa ng
talumpati para bigkasin , at bago bumigkas ng talumpati, inaasahang
taglay ng mahusay na mananalumpati ang malawak na kaalaman,
tiwala sa sarili, mayamang talasalitaan at kasanayan.Ang pagtatalumpati
ay isang mabisa at kalugod-lugod na paraan ng pagbigkas. Ang kaalaman
sa wastong pagtatalumpati ay mahalaga sa wastong pagtatamo ng
higit na pagkilala sa sariling kakayahan at pagpapaunlad
ngpakikitungo sa iba.

 Ayon kay Alejandro (1970), kung walang kaalaman ang talumpati


ay hungkag, kung walang tiwalasa sarili hindi maipaparating ng
malinaw sa publiko ang mensahe ng kaniyang talumpati
dahil pautal-utal sa pagsasalita.

Kasama pa rin sa pagtatalumpati ang kahasaan sa


talasalitaan,kapanipaniwala ang isang mananalumpati na may mayamang
talasalitaan sa kaniyang pagpapahayag sapagkat naibabagay ang
kaniyang mga ginagamit nasalita sa publiko. Tungkol naman sa
kasanayan sa pagsasalita, malilinang ang mga ito sa paglalapat sa
mga bahagi ng talumpati .
1. Pambungad - ito ang bahagi na kung saan ay tinatawag ang
pansin ng mga tagapakinig. Sa bahagi ring ito inihahanda ang madla
upang ibigay ng buo nilang kosentrasyon sa pakikinig.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng isang
anekdota,o ng isang maikling pangyayari na sukat tumawag ng
pansin sa publiko. Ang ibang mananalumpati ay nagpapatawa
sa bahaging ito upang maging masigla at buhay ang
mga tagapakinig.

2. Paglalahad - ang bahaging ito ang pinakakakatawan ng


talumpati.Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa
sa paksangtinatalakay. May layunin itong magpaliwanag.3.

3. Paninindigan - dito ipinapakita ng nagtatalumpati ang kaniyang


pangangatwiran hinggil sa isyu. May layuning itong
humikayat o magpaniwala sa mga nakikinig.

4. Pamimitawan - ito ang wakas ng talumpati. ang


pagwawakas ay kailangang maging masining upang mag-
iwan ng kakintalan sa isipanng mga tagapakinig.

Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

A. Talumpating Lumilibang

Binibigkas ang talumpating ito sa mga salu-salo, o mga pagdiriwang.


Karaniwang binibigkas ito pagkatapos ng kainan upang mabigyang
kasiyahan angmga tagapakinig.

B. Talumpating Nagpapabatid

Karaniwang binibigkas ang talumpating ito sa mga panayam. May


layuning magbigay ng mga bagong kaalaman sa mga tagapakinig ang
talumpating ito.

C. Talumpating Pampasigla

Ito ang talumpating pumupukaw at humahamon sa isipan ng


tagapakinig. Pinasisigla ang isip at damdamin ng tagapakinig sa uring ito.
Binibigkas ang talumpating ito sa mga pagtatapos, mga anibersaryo o
pagtatalaga sa pamunuan ng isang samahan o kaisipan.
D. Talumpating Humihikayat

Ang talumpating ito ay maririnig sa mga sermon sa simbahan,


kampanya ng mga kandidato, sa pakikipagtalo at sa mga manananggol sa
harap ng hukuman.

E. Talumpating Manunuri

Kabilang sa ganitong uri ng talumpati, ang talumpati ng parangal,


talumpati ng paghahandog at talumpati ng pasasalamat.

Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Pamamaraan

A. Daglian - ito ay hindi pinaghahandaan. Biglaan ang pasabi sa nahirang na


magbigay ng talumpati.

B. Maluwag - Sa uring ito ng talumpati ay may maikling panahon na


ibinigay sa mananalumpati. May panahon siyang mag-isip ng sasabihin
at panahong mapag-aralan ang publiko. Hindi isinusulat at hindi rin
isinasaulo ang mga sasabihin sa ganitong uri ng talumpati.

C. Pinaghandaan - ito ang uri ng talumpati na isinulat at binabasa sa


harap ng publiko.Karaniwang ganito ang mga talumpati ng mataas na
tao upang makatiyak sila ng kanilang sinasabi sa publiko. May mga
kasangkapan naman ang nagsasalita para higit na mabisa ang pagsasalita.

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

A. Tindig

1. Tumayo ng matuwid ngunit di naman katigasan ang pagtayo. Ang


dalawang paa ay bahagyang paghiwalayin na nauuna nang bahagya
ang isa sa ikalwa nang sa gayon ang bigat ng katawan ay nakapatong
sa isang paa.

2. Pagpalit palitin ang bigat ng katawan sa bawat pagpapalit ng paksa,


maaring saglit na pagpalit, paurong na

3. ang padakong kanan at kaliwa. Kumilos ng papalapit sa madla kapag


mahalaga ang buod na tinatalakay at paurong ang kilos kung ang
ipinapahayag ay di-lubos namahalaga.
4. Iwasan maging estatwa sa pagtindig.

5. Iwasan ang matagl na pghinto sa pagbigkas ng talumpati.

6. Ang pagkatao ng isang mananalumpati ay masusuri sa kaniyang


pagtayo sa tanghalan.

B. Tinig
1.

You might also like