Pagsasaling Wika
Pagsasaling Wika
Pagsasaling Wika
PANGKALAHATANG SITWASYON
NG PAGSASALIN SA FILIPINAS
Mario I. Miclat
Sa tiyaga ng mga tagasalin noon, nabubuhay pa natin hanggang ngayon ang kaugalian at
kalinangan ng ating mga ninuno. Mahihinuha rin natin kung papaanong sa pamamagitan ng
pagsasalin ay isang bagong kaharian ng pag-iisip ang nabuksan sa diwa ng mga Filipino 40 taon
na ang nakalipas.
Nabanggit din dito ang ilang ulat ng Komite sa wika at salin sa subkomisyon sa desiminasyong
Pangkultura ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (KWS-NCAA):
Ang pangalawa ay bibliyograpiyang may anotasyon ng mga akdang salin sa iba’t ibang
larangan.
Pinapayaman man ang isang wika ng gawaing pagsasalin sa kabuuan, hindi maitatatwang sa
paghuhulog ng mga tiyak na akda, may nawawala sa salin.
Sa China, nang matalo ito sa Hapon sa digmaan noong 1895, nakita ng mga intsik ang lakas
ng malawakang Westernization na nagawa ng mga hapon. Iminungkahi ni Chang Chih-tung sa
kanyang Exhortation to Learning(1898) na upang mapalakas ang Tsina, kinakailngan imodenisa
ang sistema ng edukasyon.
Sa ulat ng KWS-NCCA, sinasabing walang iisang direksiyon at hindi koordinado ang gawain
ng mg indibidwal at institusyong nagsasasgawa ng salin.
Kawawa ang mga nasyong nabibilang ang pamagat sa mg salin sa sampung mga daliri ng
kamay gayong libo-libo ang klasikal na akda sa literaturang rehiyonal at pandaigdig.
Hindi na dapat maglokohan at magsagawa ng self regulatory sipsipan. Kulang na kulang ang
ginagawang pagsasalin sa bansa.
PAMAMARAAN NG PAGSASALIN
Si Bitoy Camacho at si Julius Caesar, at si Nick at si Will: Ang Kultura sa Likod ng mga
Salita sa Pagsasa-Filipino para sa Entablado
Bienvenido Lumbera
English Tagalog
May bahagyang kaibahang namamagitan sa dalawang salita bagama’t iisa ang katapat na wika sa
Ingles.
Nagiging kritikal ang problema ng katapatan sa orihinal kapag patula ang diyalogo lalo
pa’t si Shakespeare nag makata. Madalas mahirap maunawaan ang salin sa Filipino sa takot na
mapalayo ang salin sadiwa ng orihinal na Ingles.
“ Huwag sisihin mahal na Brutus ang tagasalin; ang sisihin nati’y ang wika natin, na ang mga
ito’y may kani-kaniyang dalahin.” sa isang maundong ilang saglit lamang ang naghihiwalay sa
iba-iabng kultura, ang pagsasalin ay tiyak na hindi na maiiwasang “pagtataksil”. Kailangan
ipagpatuloy ang gawaing ito sa ilalim ng bagong kasabihan, “Pagsasalin, pagkakawil”