Depinisyon NG Wika
Depinisyon NG Wika
Depinisyon NG Wika
10 katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas - Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay
isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para makabuo ng
makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog -Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-
sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa
pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech organs.
3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog - Sa katangiang ito, ang
mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa
katawagang ito ang dualismo na isang pananagaisag at isang kahulugan.
4. Ang wika ay komunikasyon - Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng
dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa ganitong paraan,
maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon,
layunin, at pangangailangan ng tao.
5. Ang wika ay pantao -Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao
nga sila mismong lumikha at sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao
nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasa
6. Ang wika ay kaugnay ng kultura - Taglay nito ang kultura ng lipunang
pinagmumulan nito. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian,
kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura.
7. Ang wika ay ginagamit - Kailangan itong gamitin na instrumento sa
komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag hindi ginagamit.
8. Ang wika ay natatangi - May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng
dalawang wika na magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng
palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi.
9. Ang wika ay dinamiko - Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa
patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa
mabilis na tkbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.
10. Ang wika ay malikhain - Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng
walang katapusang dami ng pangungusap.