Kaalamang Bayan

You are on page 1of 13

Mga Kaalamang- Bayan:

Tulang/Awiting Panudyo,
Tugmang de-Gulong,
Bugtong at Palaisipan
Balikan
1. Ang /saYA/ ng mukha ni Charlene dahil nakakita siya ng bagong /SAya/.
/saYA/ - ________
Ligaya
/SAya/ - ________
Palda
2. Hindi / bawal ang tumawid sa tulay.
Paliwanag : ____________________________________
Ipinagbabawal ang pagtawid

02/24/2023 PRESENTATION TITLE 2


KAALAMANG-BAYAN
Maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang tula sa
kulturang Pilipino. Batay sa kasaysayan, ang mga unang
Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang
kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang
maanyong paraan. Katunayan, ang mga salawikain at
kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga
Pilipino noong unang Panahon. Ang pagkakaroon ng diwang
makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro
Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at
katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung
bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang
panudyo, tugmang de- gulong, bugtong, at palaisipan, at iba
pang kaalamang bayan”.
02/24/2023 PRESENTATION TITLE 3
Mga Uri ng Kaalamang Bayan
1. Tulang/Awiting Panudyo- Ito ay isang
uri ng akdang patula na kadalasan ang
layunin ay manlibak, manukso o mang-
uyam. Ito ay kalimitang may himig na
nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag
na Pagbibirong Patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
Pedro Panduko, matakaw sa tuyo.
Mga Uri ng Kaalamang Bayan
2. Tugmang de-Gulong- Ito ay ang mga
paalala o babala na kalimitang makikita sa
mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang
naipaparating ang mensaheng may
kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng
mga pasahero.
Halimbawa:
Ang di magbayad mula sa pinanggalingan
ay di makababa sa paroroonan.
Mga Uri ng Kaalamang Bayan
3. Bugtong – Ito ay isang
pahulaan na sa pamamagitan ng
paglalarawan. Binibigkas ito nang
patula at kalimitang maiksi
lamang.
Halimbawa:
Gumagapang pa ang ina, umuupo
na ang anak. (Sagot: Kalabasa)
Mga Uri ng Kaalamang Bayan
4. Palaisipan – ay nasa anyong
tuluyan. Layunin nito ang pukawin at
pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang lugar.
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang
baboy si Mang Juan. Lumundag ang
isa. Ilan ang natira?
(Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang
naman ang baboy at hindi umalis.)
Alam mo ba?
• Ang Tulang panudyo ay kalimitang may himig na
nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong
Patula.
• Ang Tugmang de-Gulong ay maaaring nasa anyong
salawikain, kasabihan o maikling tula.
• Bugtong ay karaniwang nilalaro sa lamay upang
mabigay aliw sa mga namatayan ngunit nang lumaon
ay kinagiliwan na ring laruin kapag may mga handaan
o pistahan.
• Palaisipan ay isa sa mga paboritong pampalipas oras n
gating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na
ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at
kanilang ipinamana ito sa kanilang mga apo
Tungkol saan ang
mga tulang
panudyo sa itaas?
Maiinis nga kaya
ang makaririnig o
pagsasabihan ng
mga nasabing
tula?
Ano ang kahulugan
ng mga tulang de-
gulong na iyong
nabasa? Bigyan ng
pagpapaliwanag ang
bawat isa.
Bugtong/Palaisipan
1. Dalawang batong itim, malayo ang
nararating.
Sagot: Mga mata
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
3. Isang pamalu-palo, libot na libot ng
ginto.
Sagot: Mais
Thank you

You might also like