Naratibong Diskurso

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Inihanda ni: REXSON D.

TAGUBA, LPT
ANO ANG
NARATIV
 Ay may layuning magsalaysay o magkuwento ng
mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari.
 Ang batayan nito’y maaaring mga sariling
karanasan, mga pangyayaring napakinggan/narinig,
nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/natunghayan o
nabalitaan.
 Maaari ring magkuwento ng mga pangyayaring
likhang-isip lamang.
MGA KATANGIAN NG
MABUTING NARAYSYON
Ang mabuting pamagat ay panawag pansin ng isang
pasulat na narasyon.
Upang maging mabuti ang iyong pamagat, kailangang
taglayin niyon ang mga sumusunod na katangian:
 Maikli
 Kawili-wili o kapana-panabik
 Nagtatago ng lihim
 Orihinal o hindi palasak
 Hindi katawa-tawa, kung ang komposisyon ay wala
namang layuning magpatawa
 May kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa ng
komposisyon

MAY MABUTING PAMAGAT


MAY MAHALAGANG PAKSA

 Kung gaano kahalaga ang isang narativ na diskors,


gayundin naman ang paksa niyon. Tandaang ang isang
akdang nauukol sa isang walang kwentang paksa ay
nagiging walang kwentang akda.
 Nasa sa istilo at orihinalidad ang buhay ng isang narasyon.
 Kung mahusay ang isang manunulat, ang isang lumang
paksa ay maaari niyang gawing bago.
WASTONG PAGKASUNOD-SUNOD
NG MGA PANGYAYARI
Iba-ibang ayos ng pagkakasunud-sunod ng isang narasyon:
 Karaniwang anyo: Simula-Gitna-Wakas
 Gumagamit ng Flashback o paraang pabalik:
1. Gitna o dakong wakas
2. Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o
pagaalala
3. Wakas
 O kaya’y may ganitong pagkakasunud-sunod:
1. Nagsimula sa wakas
2. Nagbabalik sa tunay na simula
3. Nagtatapos sa tunay na wakas na ginamit sa simula ng
sumulat
 Ito ay nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa.
 Nagsisilbi itong pwersang tumutulak sa mga mambabasa
upang ipagpatuloy ang pagbabasa.
 Ito ay nararapat lamang na maging tiyak at tuwiran.
 “Magsimula sa simula” ang payo ng maraming manunulat.
 Hindi kailangan ng mga maliligoy na introduksyon gaya ng:
 Noong unang panahon…..
 Isang araw, habang….
 Minsan, may isang…..
 Ang kwentong ito ay tungkol sa….
MAY MABUTING WAKAS
 Tulad ng simula, kung gayon, ang wakas ay kinakailangang maging kawili-
wili upang maikintal ang bisa ng narasyon sa mambabasa.
 Iwasan kung gayon ang mga prediktabol na wakas.
 Hangga’t magagawa, lagyan ng twist na makatwiran ang narasyon.
 Iwasan din ang maligoy na wakas, pagkatapus na pagkatapos ng kasukdulan
o klaymaks, kailangang isunod na agad ang wakas.
 Hindi na rin kailangan ng paliwanag sa pagwawakas.
 Iwasan din ang pangangaral sa wakas, hindi na napapanahon ang ganitong
istilo.
 Makabubuti kung ipinahihiwatig ng matalino at maingat na paggamit ang
mga simbolismo at pagpapahiwatig.
HUWAG PO ITAY!
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin
ng aking Itay isang gabi. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan
noon nguni’t maalinsangan ang simoy ng hangin.
Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid.
Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang
noon. Narinig kong kumatok si Itay sa pinto ng aking
kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi
niyang kailangan daw naming mag-usap at nakiusap
siyang papasukin ko siya.
May pag-aalangang binuksan ko ang pinto at siya’y
kagyat na pumasok sa aking silid. Laking gulat ko
nang ipinid niya at susian ang pinto. Kumabog ang
aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na
hinawakan ni Itay ang aking mga kamay. Hinaplus-
haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha.
Pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa
aking mga pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako.
“Itay…huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak.
Utang na loob, Itay!”
Nguni’t parang walang narinig ang aking Itay.
Ipinagpatuloy lamang niya ang kanyang ginagawa.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw
kong makita ang mukha ng aking ama habang
ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.
Mariin ang aking pagpikit. Hindi ko magawang lumuha.
Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang
binabayo ang nakapinid na pinto ng aking kwarto.
Nagpupumilit siyang pagbuksan ng pinto. Garalgal ang
naghuhumiyaw niyang tinig.

“Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili


mong anak! Huwag mong sirain ang kanyang
kinabukasan!”
Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya
pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang
katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili
sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang


aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na
lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking
nakita. Magaling naman palang make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla
pala siya. Ngunit hindi ako nagalit sa kanya, manapa’y
labis akong nagalak sa galing at husay na ipinamalas
niya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo
akong gumanda ngayon.

Niyakap ko si Itay at kapwa napaluha sa labis na


kagalakan.
Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang
matiwasay.
Lovingly yours, Badong
Isulat dito ang inyong mga napansin at obserbasyon at
suri sa seleksyong inyong nabasa.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________________

You might also like