Mga Halimbawa Sa Diskurso
Mga Halimbawa Sa Diskurso
Mga Halimbawa Sa Diskurso
DESKRIPTIB
A. KARANIWANG DESKRIPSYON
B. MASINING NA DESKRIPSYON
Ang pagiging kawal, o pagiging kadre, ay pagiging isang bitak ng bato, pagiging
isang bloke ng semento sa itinatayong pundasyon ng pagbabago. Isang pares ng
braso’t kamao sa walang mukhang digma. Isang buhay. Isang kulumpon ng buto. Baril
man o salita ang hawak mo, mag-isa kang tatakunton sa masukal na gubat ng pag-
alam. Mag-isa mong tatawirin ang ibabaw ng bangin, ang madulas na tulay na kawayan,
at mag-isa kang mahuhulog, mag-isang lalangoy, aahon , aakyat sa kabilang pampang.
Mag-isa kang haharap, makikipagtunggali sa panganib. Ano man ang iyong
kahihinatnan, matitipak ka ba, o mananatiling nakatayo, walang kamay na sasalo sa iyo,
walang ulo, balikat, katawan na tatakip o manangot para sa iyo. Sa katapusan ay mag-
isa mong ipaglalaban ang buhay mo. Sa katapusan, ang lahat, ano man ang kanilang
adhika, ay mag-isang makikipagdigma at mag-isang mamamatay.
NARATIB
Iba’t ibang Uri ng Naratib
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon ngunit
maalinsangan ang simoy ng hangin.
Nagsusuklay ako sa loob ng akin silid. Katatapos ko pa lamang maligo at
nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa pinto ng aking
kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya, sinabi niyang kailangan daw naming
mag-usap at nakiusap siyang papasukin ko siya.
May pag-aalinlangang binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok
sa aking silid, laking gulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Kumabog ang
aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabiis na hinawakan ni Itay ang aking
mga kamay. Hinaplus-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan
niya ang kanyang daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi at sa aking mga labi.
Napasigaw ako.
“Itay., huwag po! Huwag po Itay! Ako’y inyong anak! Utang na loob, Itay!”
Ngunit parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy lamang niya ang
kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw .kong
makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang
ginagawa sa akin. Mariin ang aking pagkakapikit. Hindi ko magawang lumuha.
Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw siya habang binabayo ang nakapinid
na pinto ng aking kwarto. Nagpupumilit siyang pagbuksan ng pinto. Garalgal ang
naghuhumiyaw niyang tinig.
“Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa sarili mong anak! Huwag
mong sirain ang kanyang kinabukasan!”
Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin siya pianakinggan ni Itay.
Nananatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang
aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.
Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap niya
ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa
aking nakita. Magaling naman pala mag-make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi
ako nagalit sa kanya, manapa’y labis akong nagalak sa galing at husay na
ipinamalas niya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong
gumanda ngayon.
Niyakap ko si Itay at kapwa kami napaluha sa labis na kagalakan.
Masaya na kami ngayon at nabubuhay ng matiwasay.
Lovingly yours,
BADONG
*Halaw sa isang e-mail na aking natanggap. RAB
EKSPOSITORI
SANAYSAY
Kahalagahan ng Edukasyon
Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung
anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay. at lagi tayo sasandal
sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga ginagawa dahil walang imposible sa kanya
kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.
Mula sa Edukasyon.wordpress.com
PAGLALAHAD NG PROSESO
AKADEMIKONG PAGSULAT
Sa paksang ito, ating aalamin kung ano-ano ang mga proseso ng akademikong
pagsulat at ang mga halimbawa nito.
Ang akademikong pagsulat ay isa sa mga mahalagang bagay na kailangan
nating malamang gawin lalo na kung ikaw ay isang estudyante. Ito rin ay mahalaga
dahil sa pamamagitan ng akademikong pagsulat, mabibigyan solusyon ang mga isyung
panlipunan.
Pero bago paman tayo sumulat ng isang akademikong sulatin, kailangan nating
pumili ng paksa, lumikha ng mga ideya, at bumuo ng detalye galing sa pangunahing
ideya natin. Kung ikaw ay isang estudyante, dadaan sa draft at pagtanggap ng
kritisismo galing sa mga guro mo ang iyong paksa.
Pagkatapos nito, puwede mo nang i-rerebisa ang paksa. Susunod, kailangan
mong gawin ang paglalathala. Kabilang dito ang paglagay ng komposisyon o sulatin.
Mula sa - https://philnews.ph/2020/10/06/proseso-ng-akademikong-pagsulat-
%E2%80%8B-proseso-at-halimbawa-nito/
ARGUMENTATIB
A. Pabuod na Pangangatwiran
B. Pasaklaw na Pangangatwiran
Hindi dapat ipagbawal ang distribusyon ng nobelang Da Vinci Code at ang
eksibisyon ng pelikulang bersyon nito. Taliwas ang hakbang na ito sa probisyon ng
ating Saligang Batas na pumoprotekta sa kalayaan sa artistic na pagpapahayag.
Labag din ito sa karapatan ng mga mamamayang pumili. Sabihin na nating ang
nobela/pelikula ay may mga sensitibong ideya/eksena. Ngunit kailanganag hayaan
ang mga mamamayan ang pumili kung babasahin/ panonoorin nila ito at hayaang sil
ang magpasya. Sa argumentong ito, dapat, manaig ang karapatan kaysa sa sobrang
reaksyon ng mga ultra-konserbatibong sector ng ating lipunan na nagnanais supilin
ang ating mga dinanas na panunupil sa ilalim ng rehimeng Marcos. Huwag na nating
papanumbalikin ang madilim na kahapong iyon sa ating kasaysayan. Magtiwala tayo
sa talino ng mga mamamayan. Napatunayan na natin ito sa pelikulang Schindler’s
List na tinangka ring pigilan noon dahil umano sa labis na karahasang inilarawan
niyon. Ngunit nang hindi magtagumpayan ang gayong pagtatangka, napatunayang
tama lamang ang pagpapalabas ng pelikulang iyon dahil lalo iyong nagsilbing
pangmulat s amga Pilipino sa nakatatakot na senaryo ng digmaan. Sa madaling sabi,
walang malinaw na banta sa ating interes at moralidad upang pigilan ang Da Vinci
Code, maliban siguro sa bantang bunga ng malikot na guniguni ng mga ultra-
konserbatibong moralista na nagkukubli sa likod ng hipokrisi!