Iskrip Sa Radyo Drama

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Minsan Pa Sa Isang Pangarap

Music Teaser 

Isabel: Ano ka ba naman, Emil... kabutihan ang patutunguhan ko doon sa


Japan at hindi kapahamakan... 
Emil: /worriedly/... Isabel, mahirap na sa ibang bansa sa ngayon...
maraming mga babae na ang napahamak dahil sa kasamaan ng ibang
hapon... baka... 
Isabel: /taray/ hay naku...kapag ganyan na marami kang kinakatakutan...
hindi talaga malayo na kapag mag-asawa na tayo... mamatay tayong
nakadilat ang mga mata....hmp! ... dyan ka na nga... 
Emil: /calling/ Isabel!... sandali lang...gusto pa kitang makausap...
Isabel!... 
Isabel: /atsom/ kausapin mo ang lelang mong panot!... 

Music/Standard Intro 
Commercial Break 

Music Bridge 

Lyla: O, Isabel... ano na?... Nilakad mo na ba ang mga papeles mo?...


Naku... baka mahuli ka na nyan... sige ka... hindi ka na mabibigyan pa ng
isang pagkakataon... 
Isabel: /sighs deeply/...ewan ko ba, Lyla... nahihirapan akong magdesisyon
eh... 
Lyla: Bakit naman?... 
Isabel: Ayaw ni Emil e... 
Lyla: Emil?!... naku... ano ba ang magagawa ni Emil?... eh hindi pa naman
kayo kasal, di ba?... eh isa rin yung isang kahit, isang tuka.../sighs/...
Isabel... maniwala ka sa akin... maganda na itong offer sa atin... wala nang
mas hihigit pa sa kikitain natin dito... 
Isabel: /sighs/... Ewan ko ba... titingnan ko... kaya lang, hindi ako
makakapangako saiyo... 
Lyla: /sighs/... well, ikaw ang bahala... pero, ang masasabi ko lang... hindi
makakain ang pag-ibig lamang habang kumakalam naman ang tiyan mo... 
Isabel: Lyla... 
Lyla: O, sige... aalis na ako... pero, pag-isipan mong mabuti...

Music Bridge 

Emil: Sino?... si Lyla?!... ang alembong na yun?...naku, huwag kang


maniwala sa kaniya, Isabel... ipapahamak ka lang... 
Isabel: Ang sakit mo namang magsalita... kaibigan ko siya... at hindi niya
ako pababayaan... at saka..., maganda naman yung offer sa amin eh...
para tagapitas ng mansanas... at saka, naroroon ang auntie niya... walang
mangyayari sa amin... 
Emil: /firmly/ Alam mo... mula lang ng maging kaibigan mo ang alembong
na Lyla na yan, binago na niya ang takbo ng mga plano natin...sinisira niya
ang magaganda nating mga pangarap... 
Isabel: /sighs/ Hindi naman... talagang mabait lang siya sa akin... 
Emil: Oo... mabait nga siya saiyo... pero, hindi mo naisip na puwedeng
ipapahamak ka niya?... ha?... 
Isabel: /firmly/ Nais lang ni Lyla na tulungan akong makapunta sa Japan
para magtrabaho... at saka, magkasama kaming dalawa sa
pagtatrabahuan namin... 
Emil: At paano mo maseseguro na ligtas ka nga sa kapahamakan?...
aber?! 
Isabel: Hay naku, Emil... hahaba lang ang pag-uusap nating ito na walang
kabuluhan ang kahihinatnan... ang mabuti pa... umuwi na lang tayo... ihatid
mo na lang ako sa amin... pagod ako sa kapapasyal natin eh... 
Emil: /suya/ Ihahatid lang kita sa paradahan ng jeep... hindi na ako sasama
sainyo... 
Isabel: Emil... g-galit ka ba?... 
Emil: Hindi... o, sige tayo na... baka abutin pa tayo ng dilim... pagagalitan
ka na naman ng inay mo... 

Music Bridge 

Lyla: Hoy, Emil... kahit kailan... galit ka sa akin... bakit?... inaano ba kita at


ganyan na lamang ang galit mo sa akin?... ha?... 
Emil: /galit/ Ikaw kasi... bakit mo isasama pa si Isabel sa pagpunta mo sa
Japan gayong alam mo naman na magsyota kami... ha?!... 
Lyla: Aba, ewan ko saiyo... tanungin mo ang sarili mo... 
Emil: /grabbing/... halika nga rito... 
Lyla: /reacting/Emil... ano ka ba?!... nasasaktan ako... b-bitiwan mo ang
kamay ko... ano ba?!... 
Emil: /galit/ Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi mo tatantanan si Isabel sa
kakayakag mo sa kaniya... at ito ang tandaan mo... kapag may nangyaring
masama sa kaniya... ikaw ang mananagot sa akin... naintindihan mo?!... 
Lyla: Bitiwan mo ako... um!... 
Emil: /reacts/... a-ha?... 
Lyla: /nagtaray/...at ito rin ang tatandaan mo...kapag napangasawa mo na
ang kaibigan ko... at naghirap siya sa piling mo... yayakagin ko pa rin
siyang pumunta sa Japan... at isasama ko talaga siya... dyan ka na
nga!.../fades out/... 
Emil: /calling/... Lyla!... bumalik ka rito... Lyla!... 
Music Bridge 

Estela: /fading in/ O, Isabel... bakit ka ba nagmumukmok dyan?... 


Isabel: Inay... ikaw pala... /sighs/... wala ho, inay... medyo nalulungkot lang
ho ako eh... 
Estela: Bakit naman?... anong dahilan ng kalungkutan mo?...
Isabel: K-kasi ho... si Emil... 
Estela: O eh ano naman si Emil?... 
Isabel: Ayaw niya hong pumunta ako sa Japan at sasama kay Lyla... 
Estela: Ano?!... aba... bakit mo siya susundin?...mapapakain niya ba tayo
ng kanyang pag-ibig?!... hah!... yung ngang sarili niya, hindi nya kayang
pakainin eh... 
Isabel: Inay naman... mahal ko naman ang tao eh... 
Estela: Hay naku, Isabel... maging praktikal ka nga... nakikita mo naman
yung iba mong kaibigan dyan... nag-asawa dahil umibig... hayan...
naghihirap... 
Isabel: Inay... masipag naman ho si Emil eh... 
Estela: Hay naku, Isabel... kapag sinunod mo ang tibog ng puso mo... hindi
lang yan ang mararanasan mo... mas hihigit pa seguro... makaalis na
nga... 
Isabel: Inay... saan ho ba ang punta nyo?... 
Estela: Dun kina Mareng Iska... may konsiyerto kami... bahala ka na
dyan... 
Isabel: Opo..../sighs/... ang inay talaga.. kahit kailan hindi na mahinto-hinto
sa kasusugal.../sighs/... ano ba ito?... nalilito na ako... nalilito na ako... 

Music Bridge 

Emil: /galit/ Ano?... tutuloy ka pa ring sasama kay Lyla?!... Isabel... h-hindi


kita maintindihan eh... bakit?... 
Isabel: /firmly/ buo na ang pasiya ko, Emil... 
Emil: Isabel... 
Isabel: /cuts in/ Tama na, Emil... hindi kaya ng pag-ibig ang mga
pangangailangan ng sikmura... 
Emil: Isabel... bigyan mo ako ng isang pagkakataon na patunayan ko saiyo
na kaya kong buhayin ang pamilya natin... please... huwag ka nang
umalis... dito ka lang sa atin... 
Isabel: /sighs/ I’m sorry, Emil... inayos ko na ang lahat ng kinakailangan
kong mga papeles... 
Emil: /worriedly/ Isabel... naniniwala ka ba sa mga sinasabi saiyo ni Lyla? 
Isabel: Oo... at kahit kailan hindi na mapagbago pa ang aking pasiya... 
Emil: Isabel?... 
Music Bridge 

Emil: /galit/ Walanghiya ka!... 


Lyla: /palaban/...Hoy!... Hoy!... wag na wag mo akong sasaktan... akala mo
ba hindi kita papatulan?!... hindi ko kasalanan kung bakit nagpasiya si
Isabel na sasama sa akin... eh ano naman ba talaga ang magagawa
mo?!... at saka, hindi pa kayo kasal... 
Emil: /firmly/ kahit na... mahal ko si Isabel... mahal ko siya!... 
Lyla: Eh anong magagawako... inayos ko na ang kaniyang mga papeles... 
Emil: Eto ang tandaan mo, Lyla... kapag may nangyaring masama sa
kaniya... 
Lyla: /cuts in/ Oo... alam ko na yan... ang kulit mo naman... umalis ka na
nga... baka ipabugbog pa kita dito sa aking mga kaibigang siga... 
Emil: /galit/ Subukan mo!... sige, subukan mo... kung hindi maghahalo ang
balat sa tinalupan!... 

Music Bridge 

Isabel: /taka/ Ano?!... pinuntahan ka dito ni emil at sinabi yan saiyo?!... 


Lyla: Oo nga eh... pero, hindi niya ako kaya... alam mo naman... baka
balian ko pa yun, eh... 
Isabel: /apologetically/... pagpasensiyahan mo na siya, Lyla...
Lyla: Eh ano pa ba ang magagawa ko..o, heto... mga visa t passport mo
yan... aalis na tayo sa makalawa... kaya, ihanda mo na yang sarili mo... 
Isabel: /happily/... Salamat, Lyla... maraming salamat... 

Music Bridge 
Sfx: Airport Effects 

Estela: /crying/... Anak... hiwag mong pababayaan yang sarili mo, ha?... 


Lyla: O, sige... aalis na kami Aling Estela... 
Isabel: /crying/ Inay... isang taon lang naman ang kontrata namin ni Lyla
eh... kaya wag ho kayong mag-aalala... hindi ho ako pababayaan ni Lyla.. 
Lyla: Siyanga po, Aling Estela... 
Isabel: /worriedly/ Inay... pakisabi na lang kay Emil na... 
Estela: /sniffs/cuts in/... huwag mo na ngang intindihin yun...walang
kuwenta ang lalaking yun... 
Isabel: Inay.... 
Lyla: O, tayo na, Isabel... hayun o, nagsisimula nang magsipag-akyatan
ang mga pasahero sa eroplano... 
Isabel: Sige ho, inay... 
Lyla: /smiles/ byeee.... Aling Estela... see youuu..../giggles while fading
out/... 
Music Bridge 

Emil: Talagang tinutoo niya ang kanyang pag-alis... /sighs deeply/...


Isabel.... sana magtagumpay ka sa iyong mga minimithi... sana... 
Estela: /fading in/... O, naririto ka pala... 
Emil: Aling Estela... magandang hapon po... 
Estela: Hay naku... may pinapasabi saiyo ang anak ko... 
Emil: Ho?!... ano ho yun?... 
Estela: Huwag mo na raw siyang hintayin pa... dahil balak niyang mag-
asawa na lang ng isang hapon sa Japan... 
Emil: Ho?!... sinabi niya yun?... 
Estela: Oo... bakit?... Duda ka ba sa mga sinasabi ko?... 
Emil: Aling Estela?..../sighs/... h-hindi... hindi ho.... 
Estela: O, sige... dyan ka na.. /fades out/... 
Emil: /self/ Hindi... hindi totoong sinabi yun ni Isabel... /sobbing/... hindi
totoo ito... hindi.../crying/... 

Music Bridge 

Susan: /fading in/... Emil... bakit naririto ka pa sa labas ng bahay?... may


problema ka ba?... 
Emil: Susan... halika... umupo ka dito... may pag-uusapan tayo... 
Susan: /smiles/... ikaw talaga... ano na naman ba yang pag-uusapan
natin?...si Isabel na naman ba?... 
Emil: Hindi... ang tungkol sa atin at sa ating mga anak... 
Susan: Asus, eto naman... nakikita mo naman na masisigla sila... at saka...
naintindihan ko naman ang tungkol sa kaniya eh... 
Emil: Ssssshhhhh.... please.... iwasan na nating pag-uusapan pa si
Isabel... ikaw na ang mahal ko... nakalimutan ko na siya... alam mo yan, di
ba?.. 
Susan: Hmmm.... ewan ko... hindi ko naseseguro... basta ako... maligaya
ako sa piling mo...O, tayo na... papasok na tayo... umaambon na eh... 
Emil: /smiles/ mabuti pa nga seguro... tayo na... 

Music Bridge 

Emil: /may nakabangga/... Hups!... I’m sorry, miss... hindi ko sinasadya... 


Isabel: /reacts/.... Ah!... n-naku.... s-sorry, hindi ko rin sinasadya
eh.../mangha/... E-emil?... ikaw nga ba?!... 
Emil: A-anong..?!...I-isabel?... ikaw ba?... 
Isabel: /smiles/... Oo, ako nga... kumusta ka na, ha?...anong ginagawa mo
dito?... 
Emil: W-wala... namamasyal lang ako at ang aking pamilya... hayun sila
o... 
Isabel: /nabigla/.... A-ha?... S-sila ba?... 
Emil: Oo... siya si Susan... at ang dalawa naming anak... Ikaw?... kumusta
na ang pamilya mo?... 
Isabel: Naroroon sila sa Japan... ako lang ang naririto... dinalaw ko ang
inay at siyempre yung iba pa nating mga kaibigan... 
Emil: /smiles/ Well... tinatawag na ako ng aking pamilya... sige... aalis na
muna ako... 
Isabel: S-sige... bye... ingat ka... 
Emil: /fading out/ Salamat... ikaw rin... 
Isabel: /smiles/ Thanks... 

Music Bridge 

Lyla: Nagkita kayong dalawa ni Emil?... Kumusta na siya?... 


Isabel: /crying/,,, m-may pamilya na pala siya, Lyla... at masaya ang
kaniyang pamilya... 
Lyla: /sighs/... hindi siya naghintay saiyo...marupok ang pag-ibig niya
saiyo... 
Isabel: /sniffs/... bukas, makikipagkita ako sa kanya... gusto ko siyang
sumbatan at kausapin... 
Lyla: Naku, Isabel... eh di sana... sinumbatan mo na siya kanina nang
magkita kayo... 
Isabel: /sniffs/... hindi ko nagawa eh... naroroon ang kanyang asawa at
mga anak... 
Lyla: So... hindi mo na siya dapat pang sumbatan... pabayaan mo na
lamang siya sa kaniyang pamilya... para ano pa ang sumbatan mo siya?... 
Isabel: /sniffs/...Lyla, kung alam ko lang... na ganito ang mangyayari sa
akin.... hindi na sana ako lumayo pa... 
Lyla: Isabel... huwag mo nang sisisihin pa ang pangyayari saiyo... kasi...
nakalipas na yun eh... ang mabuti pa nyan, asikasuhin mo na ulit ang
papeles mo at nang makabalik na tayo sa Japan... naghihintay na roon ang
pamilya mo... mahal ka naman ni yubosiko di ba?... ikaw lang naman itong
nagpipilit na umuwi para makita lang si Emil... 
Isabel: /sniffs/ Lyla, gusto ko pa siyang makausap kahit sa huling
pagkakataon eh... nais kong malaman kung maligaya isya sa asawa niya... 
Lyla: Para ano pa?... para magbakasakali?... naku, Isabel... huwag na... 
Isabel: Pleasee.../sniffs/... 
Lyla: /sighs/....O, siya sige... pero, ipangako mong ito na ang huli...
pagagalitan ako ng asawa mo... ako pa naman ang nangako sa kaniya na
dalhin kita ulit pabalik... 
Isabel: /smiles/sniffs/...Oo, Lyla... oo... 

Music Bridge 
Lyla: O paano yan... iiwan ko na muna kayo dito... 
Isabel: No... dito ka lang, Lyla... gusto kong ikaw mismo ang makarinig sa
pag-uusap namaing dalawa... 
Lyla: /smiles/ No... hindi na kailangan, Isabel... labas na ako dyan...
sige....Emil... ikaw na ang bahala sa kaibigan ko... eheste... amo pala...
okey? 
Emil: /smiles/ O sige, Lyla... puwede mo na siyang iwanan... 
Lyla: Sige.../fades out/... 

Music Bridge 

Isabel: Gusto kong magkaliwanagan tayo... bago pa man ako babalik sa


Japan... nasa akin ang pamimili... kung babalik pa ako doon o hindi na... 
Emil: /smiles/ Isabel... nakita mo naman di ba?... maligaya na ako sa aking
asawa... siya ang nagpuno ng lahat ng pagkukulang mo sa akin noong
iwan mo ako at sinunod mo ang iyong pangarap... alam ko, mayaman ang
asawa mo dahiul sinabi sa akin ito ni Lyla... 
Isabel Emil... alam mong ikaw ang minahal ko ng lubos... 
Emil: No... minahal mo ang iyong pangarap... masyado kang nagpadala sa
kataasan nito... pero, sa bandang huli... tama ka rin... tama ang sundin mo
ang nais ng iyong puso... at alam kong pinatawag mo ako dito dahil gusto
mong humingi ng patawad sa akin.../smiles/ Isabel... nakalipas na yun... 
Isabel: /sniffs/... Emil... 
Emil: No... huwag mong hawakan ang kamay ko... ayaw ko nang bumalik
sa kahapon... at kung ang nais mo’y kalayaan.../smiles/... matagal na
kitang pinalaya sa tanikalang sumpaan natin noon... kaya, malaya ka na... 
Isabel: /sniffs/smiles/ T-talaga?... s-salamat naman kung ganun, Emil...
maraming salamat... /sniffs/.... sa pagkakataong ito, lubusan ko nang
naramdaman na sadyang hindi tayo para sa isa’t-isa... 
Emil: Isabel... alam kong liligaya ka sa asawa mong milyonaryo... sinabi sa
akin ni Lyla na mahal na mahal ka raw ng asawa mo... 
Isabel: Oo... mahal na mahal ako ng asawa ko... at nais kong suklian ng
pagmamahal ang pag-ibig niya sa akin... subalit... p-parang may hinahanap
akong isang pangako na hindi ko natupad dito sa Pilipinas... 
Emil: /smiles/ Heto... eto ang hinahanap mo... ang bigkis ng ating
sumpaan... 
Isabel: A-ha?... ang singsing?... 
Emil: Oo... ito yung binigay mo sa akin bago ka umalis... isang pangako na
hinding-hindi mo makakalimutan...heto, tanggapin mo... matagal ko nang
hindi nasusuot yan... mula lang ng mag-asawa ako... inalis ko na yan sa
aking daliri at pinagka-ingatan para ibigay saiyo muli... sige, kunin mo na... 
Isabel: /sniffs/happily?... Emil... napakabuti mo.../smiles/ Salamat...
maraming salamat at pinakawalan mo ako sa tanikalang pangako ko
saiyo.... maraming salamat..../smiles/.... 
Emil: /smiles/... walang anuman, Isabel... walang anuman.... 

Music Extro 

END 

You might also like