Ang Pagsasalaysayanyo NG Diskurso
Ang Pagsasalaysayanyo NG Diskurso
Ang Pagsasalaysayanyo NG Diskurso
PAGSASALAYSAY(ANYO NG
DISKURSO)
PAGSASALAYSAY
❖ Ito ay isang diskurso na binubuo ng mga talatang nagpapahayag ng
mga kawing-kawing na pangyayari. Ibinibilang itong
pinakamatandang uri ng pagpapahayag. Nagsimula ito sa alamat,
epiko at kuwentong bayan.
1. Sariling karanasan
Bawat tao ay may karanasang ikukuwento. Sa buhay natin
ay may karanasang dinanas at napaglabanan. Maaaring ang mga
ito’y karanasang di malimutan na hanggang ngayon ay
nagpapaalala sa isang kahapon, malungkot o masaya man ito.
2. Napakinggan at narining
Mula sa bibig ng isang tao o ng iba pang tao, sinusulat natin
at isinasalaysay ang kuwento ng iba. Kung minsan ang ano
mang narinig sa radio ay ating ginagawan ng kwento.
3. Nabasa
Anumang nabasa ay maaari ring isalaysay. Maaaring
bahagi lamang ng nabasa ang gawan ng kwento.
4. Likhang-isip
Lahat ng bunga ng imahinasyon ng tao ay maaaring ding
gawan ng kwento. Anumang kaniyang inisip ay hinuhulma at
binibigyan ng hugis sa pamamagitan ng pluma at bibig.
KATANGIAN NG ISANG EPEKTIBO AT MAHUSAY
NA PAGSASALAYSAY
1. Maikling kuwento
- ang pinakapalasak sa lahat ng pagsasalaysay.
2. Tulang pagsasalaysay o epiko
- tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari.
3. Dulang pandulaan
- nagpapakita ng galaw at kilos ng pangyayari sa tanghalan.
4. Nobela
- binubuo ng mga kabanata at hitik sa mga pangyayari.
5. Anekdota
- isang masayang pangyayari sa buhay ng tao.
6. Alamat
- ang kuwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
7. Talambuhay
- ang kuwento ng buhay ng isang tao.
8. Kasaysayan
-ang historikal na kuwento ng isang mahalagang
pangyayari.
9. Tala ng paglalakbay
- isang kronolohikal na pagsasalaysay ng isang
paglalakbay.
ANG MAIKLING KATHA/KUWENTO
1. Pangkatauhan
-pinakamahalagang nangingibabaw sa katha ang katauhan.
2. Makabanghay
-ang mahalaga’y ang pagkakabuo ng mga pangyayari.
3. Pangkapaligiran
-ang paligid o isang namumukod na damdamin ang namamayani.
4. Pangkatutubong kulay
-ang pamumuhay at kalakaran sa isang pook ang binibigyan ng
diin.
5. Pangkaisipan
- ang paksa, diwa o isipan ng isang katha ang pinakamahalaga.
MAHALAGANG SANGKAP NG MAIKLING KATHA O
KUWENTO:
1. Paksa
- Dapat higit nating maunawaan ang buhay matapos itong
matunghayan ang paksa sa isang kuwento.
2. Banghay
- Ito ang nagtataglay ng pagkakabuhol-buhol ng mga pangyayari
na kinakailangang lutasin ng mga tauhan.
3. Mga tauhan
- Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa
kuwento. Kailangang ang bawat tauhan ay nagpapamalas ng buong
katauhan ng tauhan na gustong ilarawan ng may-akda at kailangang
sila’y larawan ng mga tunay na tao sa tunay na buhay.
4. Tagpuan
-Ito ang lugar at panahong pinagyahiran ng kuwento. Sa
pamamagitan ng tagpuan ay nagiging makatotohanan ang
kuwento.
5. Simbolismo
-Ito’y isang salita, parirala yugto o pangyayari na
tumutukoy sa isang bagay subalit nagpapahiwatig ng isang
kaisipan.
6. Ang Dayalog o Usapan
-Sa isang kuwento, kailangan ng dayalog o usapan sa isang
kuwento upang magkakaroon ito ng buhay.
7. Tungalian
-Ito ang labanan sa kuwento. Maging ito ay tao laban sa
sarili, tao laban sa kapwa tao o kaya ay tao laban sa kalikasan.
8. Mga Imahen
Ang kwento ay gumagamit ng mga pahiwatig sa
pamamagitan ng mga imahe na lalong nagbibigay ng kahiwagaan
ng kwento. Sa pamamagitan ng imahen ay napapaigting ang interes
sa kwento. Halimbawa ng imahen ay bundok para sa kadakilaan,
kuwintas para sa alaala ng isang ina, o kaya naman ang buwan na
nagtatakda ng kapalaran.
ANG PAG-UWI
NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE