NEWLESSON14 Anekdota

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

Pagsulat ng mga

Kontemporanyong
anyo ng Sulatin
FIL201
3 uri ng Kontemporanyong
Sulatin

ANEKDOTA. SALAYSAY MAIKLING


KWENTO
ANEKDOTA Isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o
kakatuwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao.
Isang kuwento ng isang
nakawiwili at nakatutuwang
pangyayari sa buhay ng isang
tao.
ANEKDOTA Ang pagsasalaysay ay
karaniwang maikli ang mga
pangyayari at maaaring totoong
nangyari sa buhay ng tao o
maaari ring mga likhang-isip
lamang subalit halos nahahawig
sa katotohanan.
LAYON NG ANEKDOTA
Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa
lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat
pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.
Dapat na ang panimulang pangungusap ay
kapana-panabik. Ang isang magandang
panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang
pagbasa ng anekdota
MGA KATANGIAN NG ANEKDOTA
1. May isang paksang tinatalakay.
- Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota.
Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa
ideyang nais ilahad.
MGA KATANGIAN NG ANEKDOTA
2. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na
pagkaunawa sa kaisipan nitong hatid sa mga mambabasa.
- Hindi dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan
na may susunod pang mangyayari.
2 URI NG ANEKDOTA
LIKHANG-ISIP o
HANGO SA TUNAY NA
KATAKA-TAKA
BUHAY

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA-NC


This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND
Ito’y may paksang madalas na
Kataka-taka o
katatawanan subalit may taglay na
Likhang-isip
mensaheng kapupulutan ng aral ng
mga tagapakinig o mambabasa.
Ang anekdotang hango sa tunay na
Hango sa Tunay
buhay ng isang tao ay nagbibigay ng
na Buhay
pagkakataon upang lalo pang
makilala ng mga mambabasa o
tagapakinig ang totoong pagkatao o
ang personal na buhay ng taong
pinatutungkulan nito.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND


Ilang paalala sa pagsulat ng sariling
anekdota

1. Alamin mo ang layunin o paksang paggagamitan mo ng


personal na anekdota. Mula rito’y piliin mo ang isang
pangyayari sa iyong buhay na angkop na angkop para sa iyong
layunin o paksa.
2. Pakaisiping mabuti ang mga detalye sa pangyayaring
ilalahad mo bilang personal na anekdota. Itala ang lahat ng
naalala o natatandaan mo kaugnay ng anekdota.
Ilang paalala sa pagsulat ng sariling
anekdota

3. Sa pagsasalaysay nito’y huwag agad sasabihin ang kasukdulan


dahil mawawala ang pananabik ng mambabasa o tagapakinig sa
kabuuan nito.
Sa halip na simulan sa “Isasalaysay ko sa inyo ang pagkawa ng
pinakamamahal kong Cellphone,” maaari mong sabihing “Mayroon
akong Cellphone na ibinigay ng aking Ama pagkatapos ng halos
isang taon kong paglalambing sa kaniya. Sa wakas ay naibili na
niya ako ng paboritong kong Cellphone. Subalit, isang araw….”
Ilang paalala sa pagsulat ng sariling
anekdota

4. Iwasang gumamit ng mabibigat na salitang hindi agad


mauunawaan ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang
pagsasalaysay ng anekdota ay para ka lang
nakikipagkuwentuhan sa isang kaibigan tungkol sa isang hindi
pangkaraniwang pangyayari sa iyong maghapon kaya gumamit
ng mga payak na salitang madaling maunawaan.
Ilang paalala sa pagsulat ng sariling
anekdota

5. Kung gagamitin mo ang anekdota sa pagtatalumpati o


pagsasalita ay mahalagang makapag-ensayo ka upang mailahad
ito nang mabisa.
6. Bilang pagwawakas ay bigyang-diin ang dahilan kung bakit
mo inilahad ang anekdotang ito. Dito nila mauunawaan at
mapahahalagahan kung bakit mo isinama ang anekdota sa
iyong paglalahad.
Mga Elemento ng Anekdota

Tauhan Tagpua Sulirani


n n
Mga Elemento ng Anekdota

Banghay Tunggalian Kasukdulan


at
Wakas
Kalimitan ang pangunahing tauhan
ay isang kilalang tao. Siya ay
Tauhan
maaaring bayani o isang
pangkaraniwang taong nakagawa ng
di inaasahang gawain na nagbibigay
pangalan sa kaniya.
Lugar na pinangyarihan.
Tagpuan Simple at kalimitan ay nagaganap
lamang ito sa isang lugar.
Anumang problema na kailangang
lutasin.
Suliranin
Ang pangunahing tauhan ang
madalas na magkaroon ng suliranin
sa kuwento. Bago magwakas ang
isang akda ay kinakailangang
malutas na ang suliranin.
Tinatawag din itong Outline.
Banghay Malinaw ito at maikli. Bukod dito,
ang pinakasentro sa pangyayari ay
ang makaaliw, nakapagbibigay-aliw
sa mga mambabasa o tagapakinig.
Sa banghay matatagpuan ang
panimula, nilalaman at wakas.
Ito ay pakikipagsapalaran o
pakikipagtunggali ng mga sentrong
Tunggalian
tauhan laban sa mga hamon na
kanyang kinakaharap. Minsan ito ay
mga problema sa kaniyang sarili, sa
kapwa o sa mga nakapalibot sa
kanya.
Ito ay nagtataglay ng tunggalian ng
tauhan laban sa kaniyang sarili, sa
kaniyang kapuwa at sa kaniyang
paligid. Ito’y nakapaloob sa banghay.
Kasukdulan Tinatawag ito sa Ingles na Climax.
Ito ang pinakamataas at kapana-
panabik na bahagi sa anekdota.
Kadalasan sa bahaging ito natutukoy
nang mambabasa ang magiging
wakas ng kuwento.
Ito’y nakapaloob din sa banghay.
Sa bahaging ito ay nailalahad ang
Wakas
sulosyon sa problema ng
pangunahing tauhan. Katulad sa
pabula, may aral sa anekdota na sa
wakas lamang ng kuwento
mailalahad.
Kailan ginagamit ang Anekdota?
1. SA PAGSULAT

- Kapag may isang bagay na nais bigyang-diin ang manunulat kung saan angkop na
angkop ang mensahe ng anekdota.

2. SA PAGTATALUMPATI

- Ginagamit ito sa pagsisimula o pagwawakas o kung may punto na nais bigyang-diin


ang tagapagsalita.

Nagagamit din ito upang makapagbigay-aliw, makapagturo o makapagbigay-aral


tungkol sa isang paksa.
Halimbawa ng Anekdota
Buhay ni Jose Rizal
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-
aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang
taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang
matutong bumasa ng abakada. Datapuwa’t ang tugon
ni Ina’y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang
upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe’y
nagpumilit kaya’t sandali munang ipinakilala sa
kaniya ni Ina ang bawat titik. Hindi siya tumigil sa
pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay
nangangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng
mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay
natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid,
pati ng aming mga magulang ay labis na namangha
sa gayong katalinuhan ni Pepe.
PAGLALAPAT ANG MGA ELEMENTO NG ANEKDOTA

TAUHAN:

TAGPUAN:

SULIRANIN:

TUNGGALIAN:

KASUKDULAN:

WAKAS:

Aral:
Ang Tsinelas ni Pepe
Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa
Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang
sigwa. Ang tubig sa wawa ay napaliligiran ng mga
kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan
ng hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang
mga paruparong puti na naghahabulan. Ang bangka ay
karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na
kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay
may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang
kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag
ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa
aming lalawigan, ito ay ginagamit namin sa
paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat.
Ang Tsinelas ni Pepe
Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng
karetela. Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming
nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong
tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok
at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na
gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para
kunin. Nalungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang
aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa
dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na
tsinelas.
Ang Tsinelas ni Pepe
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong
sa akin ng kasamahan ko sa bangka. “Isang tsinelas ang
nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang
tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung
sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay
magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan
niya ang isang batang katulad ko.
PAGLALAPAT ANG MGA ELEMENTO NG ANEKDOTA

TAUHAN:

TAGPUAN:

SULIRANIN:

TUNGGALIAN:

KASUKDULAN:

WAKAS:

Aral:
Repleksyon o Nakatakdang
Gawain
1. Bawat isa ay gagawa o susulat ng isang sariling
akdang anekdota na hango sa sariling karanasan na
maaaring nangyari ngayon, kahapon o noong
nakaraan lamang. Ibigay ang bawat elemento ng
Anekdota, ang aral na makukuha at,
2. Ihanda ito upang inyong basahin/Patalumpati sa
susunod sa pagkaklase.
MAGANDANG
ARAW SA INYONG
LAHAT

You might also like