Panitikan NG Pilipinas

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

ahulugan ng Panitikan at mga Uri

nito
Ano ang Panitikan?

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo
na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang
unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana
nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga


karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Uri ng Panitikan

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.


http://image.slidesharecdn.com/akdangpatula-140625020840-phpapp01/95/akdang-patula-2-
638.jpg?cb=1403680202

Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino


1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman
ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na
nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling
sa iba’t ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay
upang maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito
ay mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura
ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.  Tayo higit kanino man ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.

Mga Akdang Pampanitikan


Mga akdang tuluyan 
· Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga baga
y-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa t
unay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat 
ng mga mito at kuwentong-bayan. 

Halimbawa ng Alamat
https://youtu.be/X5FP_Ll2OhA
· Anekdota -  isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayar
ing naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata
-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa m
ga ginagawa ng mga tao.

Halimbawa:

Ang Munting Gamu-Gamo--- Ina, Anak, Ilawan


Ang Inang gamu-gamo

Ang mapagmahal na Inang gamu-gamo

Hahabiin ang tama

Pagmamahal sa kanyang anak

Ang anak na gamu-gamo

Ang masayahing gamu-gamo

Hahanapin ang kalayaan

Gigisingin ang kamalayan

Ang lumang ilawan

Ang matanglang na lumang ilawan

Kariktang nagliliwanag

Kariktang napakainit

Halika anak ko
Lulan ng pagkabalisa

Pakinggan mo ang payo ko

Dito ka lang sa kandili ko

Huwag subukang sumuway

Pakinggan mo ang payo ko

Nagliliwanag na ilawan

Sa paglapit, dulot ay kapahamakan

Sa pag kandili mo Inay

Ligayang anung ibinibigay

Nakikinig ako sa payo mo

Lagi lamang ako'y sa tabi mo

Naliligid ng panganib

Liwanag na kay rikit

Lumapit ka sa akin

Sa kandili ko'y mas maligaya

Buksan ang mga mata


Walang panganib na nakikita

Panganib bang matuturing,

Kagandahang aking hinahain?

Sa palagay ko ilawan

Walang halong pagbubulaan

Hindi siguro mapapahamak

Lalapit ako sa'yo

Ngayon ay heto ka

Tupukin ang pakpak!

Tupukin ang katawan!

Tupukin ang paggasa!

· Nobela - o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang 
kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, 
naging istilo nito ang lumang pag ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary 
genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming 
tiyak na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pin
aghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay an
g pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -
isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkaka
ugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pa
gbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -
binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit 
pang tauhan.
· Pabula - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan 
mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad 
ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mah
ahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga bata
ng mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
· Parabula- o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mul
a sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na mali
mit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan 
ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok 
na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nags
asalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nag
papakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga 
talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano a
ng katangian ng Kaharian ng Diyos.

· Maikling kwento - isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinas
asangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong 
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realida
d, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring nag
anap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng M
aikling Kuwento."

· Dula - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na m
araming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entabl
ado.

http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935

· Sanaysay-  isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.

http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-
pormal-na-sanaysay

· Talambuhay-  isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao h
ango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Halimbawa:

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya


ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang
mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula
ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo
de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan.
Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad
ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa
matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto
rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin
at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at
Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”
naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at
mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal.


Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang
layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod
ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon


sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa
Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya
ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito
sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi
bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa
Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort
Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan


sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban
sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo
Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang
henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan


(na ngayon ay Luneta).

· Talumpati- isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan 
ng 
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng 
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyon

pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

· Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

· Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga ta
uhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang ma
runong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alama
t at mga mito.

Mga akdang patula 
Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, an
g kagitingan at kabayanihan ng tauhan. 

· Awit at Korido - Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong magand
a kung gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang aw
iting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal an
g mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika (maliban 
sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga sal
ita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang 
mga salita ay ang liriko.

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin s
a impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may a
pat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagp
apahayag ng mga tula.

· Epiko- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang t
ao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuan
g makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno 
ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipa
gmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandi
wa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titi
k a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

· Balad - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

· Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga 
tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
· Salawikain - Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksin
g pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pan
g-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

· Bugtong - Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may 
doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palai
sipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagam
an tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora 
o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-
nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa d
ulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na 
buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong na
ging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

· Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar


sa bansa.

· Tanaga- Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-
aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataa
n.
May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

PANITIKANG PILIPINO

Partido State University


Goa, Camarines Sur
A/Y 2012-2013
ESTEFANIO RHEA A. BSED 2B
([email protected])

HOW TO PREPARED HANDOUTS

PANITIKANG PILIPINO

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga


damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak
na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang
unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin
na litterana nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga
karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.

         Mga teoryang pampanitikan

KLASISMO Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga


halimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE BOX,
POSPORO.

Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng


Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng
HUMANISMO lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa
kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa
pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga
taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura.

 Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal,


eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga
IMAHISMO
ideya

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan


kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at
REALISMO lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal
kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang


pinaghanguan ng kwento o tula.
KULTURAL

ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga


akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat
        BAYOGRAPIKAL ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa
magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay
tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang
sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga
pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda
upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang
sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may
akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw
patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga
mambabasa.

ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-


unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan.
Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa
paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa
HISTORICAL kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong
nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga
pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya,
edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating
pananampalataya

 inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan.


Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga
        MARKSISMO
naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas,
matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at
mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at
kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa
nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang
naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang
nangaaping lakas.

ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe


noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon.
Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang
higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang
damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang
ROMANTISISMO romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa
kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay
na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at
hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa
dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na
kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng
nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian,
inspirasyon at kagandahan.

ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin


ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga
DEKONSTRAKSYON
tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga
namatay na sa akda!

hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng


personalidad ng tao at binibigyan halaga ang
EKSESTINSYALISMO
kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran
Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay
ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin
   SOSYOLOHIKAL sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa
lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat
ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan.
ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na
mababang uri.

ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging


layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na
         FORMALISM katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang
formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy
ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng
pagkakasulat ng akda..

ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa


kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.
         FEMINISMO

Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay


ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
        ARKITAYP
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta
masusuri ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam…

Dalawang Uri ang Panitikan

1.   Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong


salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng
mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.  Kabilang ditto ang
mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at
patnigan.
2.   Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-
sama ng mga salita sa mga pangungusap.  Hindi limitado o pigil ang paggamit
ng mga pangungusap ng may-akda.  Kabilang ditto ang mga
sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay,
sanaysay, balita  ateditoryal.
                   
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
1.   Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman
ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
2.   Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na
nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang
nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
3.   Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay
upang maiwasto ang mga ito.
4.   Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapaunlad.
5.   Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura
ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.  Tayo higit kanino man ang
dapat magpahalaga sa sariling atin.
·         
          Uri ng Panitikan

1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa


kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento,
nobela at iba pa. 
2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari
katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang
pangkasaysayan. 

=Halimbawa ng Panitikan
1.) Alamat                                           
2.) Bugtong
3.) Salawikain o Sawikain
4.) Epiko
5.) Pasyon
6.) Talumpati
7.) Tula
8.) Tayutay
9.) Parabula
10.) Palaisipan 

 ALAMAT     
     
 Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga
ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook,at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-
bayan.Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.
ALAMAT NG IBON
  BUGTONG  
 Ang bugtong, pahulaan o patuturan ayisang pangungusap o tanong na may
doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding
enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na
nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga
palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa
sagot.  
 Ako'y may tapat na kaibigan, Saan man ako magpunta kasama ko kahit
saan.

SAGOT; ANINO
 SAWIKAIN
Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa;
 idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
       
       moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga
tao.
       salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
   
 SALAWIKAIN
  
 Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na
karaniwang naghahayag ng mga gintong aral. 
 Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga
ninuno na patuloy na nagpasalin-salin hanggang makarating sa ating
makabagong     henerasyon. 
 Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga ninuno na may
makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa
mga kabataan upang maiwasto ang mga pamantayan ng pamumuhay. 
 Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim sa kaisipan ng mga
kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao,
maging sa paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa
kaniyang mga nilalang.
   PARABULA  
 Ang  Parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable
na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing
sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo
tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap
sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
 EPIKO  
 Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
 TALUMPATI  
 Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid
sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa
isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati
(extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at
malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda
ang talumpati. Tinatawag na impromptu sawikang Ingles ang talumpating walang paghahanda
kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa.  
 Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang
talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa
harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin
sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang
binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.
 TAYUTAY
 
 Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin
ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit
ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin
ang kanyang saloobin.

You might also like