Araling Panlipunan 8: Kagawaran NG Edukasyon

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 8
Ideolohiya, Cold War, at Neokolonyalismo
Ikaapat na Markahan – Ikapitong Linggo

Olivia L. Unay
Manunulat

Ma. Martha R. Ullero


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Bibigyang-pansin sa araling ang mga impluwensiyang naidulot ng mga
ideolohiya, mga pangyayaring naganap sa Cold War at Neokolonyalismo sa mga
bansang hindi pa maunlad at papaunlad pa lamang.

Sakop ng Modyul na ito ang araling patungkol sa Mga epekto ng mga


ideolohiya, ng Cold War at ng Neokolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig.
Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan mong mataya ang epekto ng
mga ideolohiya, ng Cold War at ng Neokolonyalismo sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig.

I. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay idelohiya kung saan ang mamamayan sa isang bansa ay
nagkakaroon ng pagkakataon na magamit ang kanilang karapatang
pumili ng nais nilang maging kinatawan at pinuno ng kanilang bansa.
a. Kapitalismo b. Demokrasya c. Totalitaryanismo d. Sosyalismo
2. Sa ideolohiyang ito ay nagkaroon ng hindi pagkakapantay-pantay ng
tao sa lipunan
a. Sosyalismo b. Dmokrasya c. Kapitalismo d. Totalitaryanismo
3. Ito ay naghahangad ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na
disribusyon ng produksyon ng bansa.
a. Demokrasya c. Sosyalismo
b. Totalitaryanismo d. Awtoritayanismo
4. Ito ang ideolohiyang ipinatupad sa pamahalaan ni Hitler sa Germany
at ni Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
a. Kapitalismo c. Totalitaryanismo
b. Demokrasya d. Awtoritaryanismo
5. Ito ay binuo upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa
mundo.
a. International Bank for Rehabilitation and Reconstruction (IBRR)
b. International Monetary Fund (IMF)
c. World Bank
d. Wala sa nabanggit
6. Ito ang mga bansang nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang
ideolohiya.
a. Amerika at Espanya
b. Japan at Estados Unidos
c. Estados Unidos at Unyong Sobyet
d. Lahat ng nabanggit

2
7. Siya ang nagsulong ng glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sa
pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa
ekonomiya
a. Mikhail Gorbachev c. Stalin
b. Khrushchev d. Ronald Reagan
8. Siya ang unang cosmonaut na lumigid sa mundo
a. Khrushchev c. Ronald Reagan
b. Yuri Gagarin d. Mikhail Gorbachev
9. Ito ang isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at
magaling,
a. Over Dependence c. Continued Enslavement
b. Loss of Pride d. Wala sa nabanggit
10. Ang epekto ng neokolonyalismo kung saan ay umaasa nang labis ang mga
tao sa mayayamang bansa
a. Over Dependence c. Continued Enslavement
b. Loss of Pride d. Wala sa nabanggit
II. Isulat kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag.
1. Ang pagiging demokrasya ay nagiging diktadura kapag ang inatasan ng mga
tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapangyarihan at
isawalang bahala ang kagustuhan ng mga tao. Tama
2. Sa ideolohiyang demokrasya, ang mamamayan ay may limitadong
karapatan sa malayang pagkilos, pagsasalita at pagtutol sa pamahalaan.
Mali
3. Ang mga epekto ng neokolonyalismo ay over dependence, loss of pride
at continued eslavement. Tama
4. Sa ideolohiyang awtoritaryanismo, isang grupo lamang ang nagtatakda sa
pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng
produksyon. Mali
5. Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang-
militar, at kalakalan ng mga bansa. Tama

Gawain 1: Bilog-Sulat-Salita
Panuto : Hanapin at bilugan ang mga salitang natalakay sa nakalipas na aralin.
Tukuyin ang isinasaaad sa bawat pahayag gamit ang mga salitang binilugan sa
loob ng puzzle. Isulat ang sagot sa patlang.

R T Y E F D I A B C F Y T E R D
I E F Q C I D E O L O H I Y A E
Y R T A A O K L R O R L G D M M
K A P I T A L I S M O P F X I O
I Y M R R L E D C N Y O T C T K
F H N R T H P U W M N T B O Y R
N E O K O L O N Y A L I S M O A
T K H T K I R M N R R Y Y T N S
E L G O Y A H O E T R A A E G Y
R P F K R O N N D Y W R N R H A

3
_______________________1. Ito ang tawag sa hindi tuwirang labanan sa pagitan ng
Estados Unidos at Unyong Sobyet.
_______________________2. Ito ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan
na naglalayong magpaliwaag tungkol sa daigdig at sa mga
pagbabag o nito.
______________________3. Ito ang ideolohiya na kung saan ang kapangyarihan ng
pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
______________________4. Ito ang tawag sa patuloy na impluwensiyang pang-
ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa
mga bansang dati nilang kolonya, bagamat wala
silang tuwirang militar o pulitikal na kontrol sa mga
ito.
__________________5. Ito ay tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayan kung
saan ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay
kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.

Ang mga uri ng ideolohiya, mga naganap sa Cold War sa pagitan ng United
States at USSR, at Neokolonyalismo ay may mga epekto sa gawaing
pangkabuhayan, pampolitika at panlipunan ng isang bansa. Ang mga ito ay
maaring mabuti o di- mabuti ang naging dulot sa mga bansang mahirap at
papaunlad pa lamang. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.

Mga Epekto ng Iba’t ibang Uri ng Ideolohiya


1. Kapitalismo – Sa ideolohiyang ito maliit na lamang ang papel ng
pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan. Ang mga pribadong
mangangalakal ay nagkakaroon ng pagkakataon na magtakda ng mas
mataas na presyo ng kanilang mga produkto dahil kontrolado nila ang
produksiyon, distribusyon, at kalakalan. Kadalasan ang nagiging
apektado sa ganitong uri ng pang-aabuso ay ang mga bansang
papaunlad pa lamang.

2. Demokrasya – sa aspekto ng pamamahala, ito ay may mabuting


epketo kung saan ang mamamayan sa isang bansa ay nagkakaroon
ng pagkakataon na magamit ang kanilang karapatang pumili ng nais
nilang maging kinatawan at pinuno ng kanilang bansa. Subalit, sa
kabilang banda ito ay nagiging diktadura kapag ang inatasan ng mga
tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapangyarihan
at isawalang bahala ang kagustuhan ng mga tao.

3. Awtoritaryanismo - sa aspekto ng pamamahala, ito ay may di-


mabuting epekto dahil ang lubos na kapangyarihan ay nasa
namumuno ng isang bansa, ang mga mamamayan ay walang
karapatan kundi ang sumunod lamang sa kagustuhan at batas na
ipapatupad ng pinuno ng bansa.

4
4. Totalitayanismo – sa ideolohiyang ito ang mamamayan ay may
limitadong karapatan sa malayang pagkilos, pagsasalita at pagtutol sa
pamahalaan, at ang lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at
kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o ng diktador. Dahil
dito ay nagkaroon ng hindi pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan
katulad ng naganap sa pamahalaan ni Hitler sa Germany at ni
Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

5. Sosyalismo – Sa ideolohiyang ito, isang grupo lamang ang


nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at
mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga
kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa
kamay din ng pamahalaan. Ito ay naghahangad ng perpektong
lipunan sa pamamagitan ng pantay na disribusyon ng produksyon ng
bansa.

Mabuting Epekto ng Cold War

Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang nagpasikat sa pagpapalaganap


ng kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng Estados
Unidos na maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang
kapitalista. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy
ng malayang kalakalan sa mundo. Kasabay ring inayos ang International Bank for
Rehabilitation and Reconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa
gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon. Samantala, pagkamatay ni Stalin ng
USSR ay hiniling ni Khrushchev ang Peaceful Co- existence o Mapayapang
Pakikipamuhay sa halip na makipaglaban pa sa digmaan. Isinulong ni Mikhail
Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sa pamayanan at
perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina
Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang
Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng
nakararami. Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig: ang
pagpapalipad ng Sputnik I ng USSR, at Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang
cosmonaut na lumigid sa mundo. Ang US naman ang nagpalipad ng Friendship 7,
Apollo 11, at mga puwersang nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi
pati na sa medisina at komunikasyon.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang-


militar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng
Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa
matinding sigalot bunga ng Cold War, iginigit ng dalawang puwersa ang kanilang
pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa. Nagkaroon pa ng banta ng
digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng North
Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact,
at ikatlong pwersa o kilusang non-aligned.

5
Epekto ng Neokolonyalismo

Maraming epekto ang neo-kolonyalismo sa mga bansang sinakop at


pinagsamantalahan nito.
1. “Over Dependence” o labis na pagdepende sa iba-: Malinaw na
umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na
sa may kaugnayan sa United States.

2. “Loss of Pride” o Kawalan ng Karangalan- Sanhi ng impluwensiya ng mga


dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay
mabuti at magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng
interes sa sariling kultura at mga produkto.
3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin- Totoo ngang ang
umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan
ng salitang kalayaan, ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa
malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran. Ang lahat ng
aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran.

GAWAIN 2: Epekto ng Ideolohiya

PANUTO :Tukuyin ang mga ideolohiya ayon sa mga epektong nakasaad sa bawat
bilang.

Mga Epekto Ideolohiya

1. Ang mamamayan sa isang bansa ay


nagkakaroon ng pagkakataon na magamit
ang kanilang karapatang pumili ng nais
nilang maging kinatawan at pinuno ng
kanilang bansa.
2. Ang mga industriya at lahat ng mga
kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng
mga mamamayan ay nasa kamay ng
pamahalaan.
3. Ang mga mamamayan ay walang karapatan
kundi ang sumunod lamang sa kagustuhan
at batas na ipapatupad ng pinuno ng bansa.
4. Ang mamamayan ay may limitadong
karapatan dahil dito ay nagkaroon ng hindi
pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan
5. Ang mga pribadong mangangalakal ang
nagtatakda ng mas mataas na presyo ng
kanilang mga produkto dahil kontrolado nila
ang produksiyon, distribusyon, at
kalakalan.

6
GAWAIN 3: Magpangkat Tayo!
Mula sa nabasang teksto, pangkatin ang mga naging epekto ng Cold War at
Neokolonyalismo. Isulat ang mga ito sa talahanayan.

COLD WAR NEOKOLONYALISMO

Ang mga ideolohiyang nabuo at niyakap ng mga lider ng bansa sa


daigdig, gayundin ang mga pangyayaring naganap sa Cold War at pati na
rin sa pag-usbong ng Neokolonyalismo ay nagdulot ng malaking epekto sa
iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig. Mahalagang
matutunan natin na ang mga mabuti at di- mabuting naging epekto ng mga
ito ay makakatulong pa rin upang mapabuti at mapaunlad ang mga bansa
sa daigdig lalo na sa mga bansang papaunlad pa lamang.

Dugtungan ang sumusunod na pangungusap tungkol sa paksang tinalakay.

• Sa araling ito, natutunan kong ang mga ideolohiya ay may epekto sa


mga bansa katulad ng
_____________________________________________________________________

7
• Natutunan ko rin na ang Cold War ay may mabuting epekto katulad
ng ______________________________________________________, Gayundin
din, ito ay may di-mabuting epekto katulad ng
_________________________________________________.

• Ang neokolonyalismo ay may iba’t ibang epekto katulad ng mga


sumusunod: ______________________________________________,
________________________________, __________________________________.

• Mahalaga ang mga ito upang


__________________________________________________.

Tukuyin ang mga salitang inilalarawan ng mga pangungusap. Piliin ang kasagutan
sa loob ng kahon.

Demokrasya Sosyalismo Loss of Pride


Totalitaryanismo World Bank International Monetary Fund
Over Dependence Continued Enslavement Awtoritaryanismo

1. Ito ay naghahangad ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng


pantay na disribusyon ng produksyon ng bansa.

2. Ito ang isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at


magaling,

3. Sa ideolohiyang ito ay nagkaroon ng hindi pagkakapantay-pantay ng


tao sa lipunan.

4. Ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at


makakapitalistang interes ng kanluran.

5. Ito ay ang labis na pag-asa ng mga tao sa mayayamang bansa lalo na


sa United States.

8
6. Ito ay idelohiya kung saan ang mamamayan sa isang bansa ay
nagkakaroon ng pagkakataon na magamit ang kanilang karapatang
pumili ng nais nilang maging kinatawan at pinuno ng kanilang bansa.

7. Ito ay binuo upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa


mundo.

8. Ang mga mamamayan ay walang karapatan kundi ang sumunod


lamang sa kagustuhan at batas na ipapatupad ng pinuno ng bansa.

II. Isulat sa patlang kung ang mga sumusunod na epekto ay MABUTI o Di-
MABUTI.
_______________________1. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang
ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo.
_______________________2. Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald
Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race upang
maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan
ng nakararami.
_______________________3. Ang mga mamamayan ay walang karapatan kundi ang
sumunod lamang sa kagustuhan at batas na
ipapatupad ng pinuno ng bansa.
_______________________4. Maraming imbensiyon ang naisagawa at mga puwersang
nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi pati
na sa medisina at komunikasyon.
_______________________5. Ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa
malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran.
_______________________6. Ang mamamayan sa isang bansa ay nagkakaroon ng
pagkakataon na magamit ang kanilang karapatang
pumili ng nais nilang maging kinatawan at pinuno ng
kanilang bansa.
________________________7. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong
Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang-
ekonomiya.

9
Sanggunian

A. Aklat
- Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al, 338-343
- Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, 273-280
- Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 348-355
- Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, 281-284
- Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 358-361.

B. Module
- Halaw sa PROJECT EASE MODULE 18- pg. 13
- Halaw sa PROJECT EASE Modyul 19- pg. 5-6
- Halaw sa PROJECT EASE MODULE 20- pg. 5,9,10,13 14.

Susi sa Pagwawasto

Pahina8-9
Pahina 3-4 Pahina 6-7
5. Tama
7. Di-Mabuti
4. Mali
6 Mabuti
3. Tama
5 Di-Mabuti
2. Mali Kapitalismo 5. 4 Mabuti
1.Tama Totalitaryanismo 4. 3 Di-Mabuti
Awtoritaryanismo 3. 2 Mabuti
II.
Sosyalismo 2. 1Mabuti
10.a Demokrasya 1. II.
9. b 8. Awtoritaryanismo
8. b Fund
7. a 7. International Monetary
6. c 6. Demokrasya
5. b 5. Over Dependence
4. c 4. Continued Enslavement
3. c 3. Totalitaryanismo
2. d 2. Lost of Pride
1. b 1. Sosyalismoa
I.
I.
Gawain 1 Tayahin
Subukin

10

You might also like