Posisyong Papel

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA TEENAGE PREGNANCY O MAAGANG PAGBUBUNTIS

Ang teenage pregnancy o maagang pag bubuntis ng mga babae sae dad ng 15 hanggang 19 ay isa sa mga
isyung kinakaharap ng pilipinas at ng buong mundo. Ayon sa Philippine statistics authority (PSA) 1 sa 10
batang babae ang may edad na 15-19 ang nag sisimula nang mag dalang tao at 8 porsyento naman ang
magulang na at ang 2 porsyento ang nagdadalang tao sa kanilang unang anak ayon sa resulta ng 2013
natonal demographic and health survey (NOHS). Ayon sa world health organization (WHO) mahigit
kumulang 16 milyong babae na edad 15 hanggang 19 at 2.5 milyong babae bababa sa 16 na taon ang
nag dadalang tao bawat taon. At ang komplikasyon habang nagbubuntis ay ang nagiging dahil kung bakit
namamatay ang bata na dinadala ng mga babae na mayroong edad na 15 hanggang 19 at every year
ilan sa 3.9 milyong babae na may edad na 15 hanggang 19 ay sumasailalim sa pag papalaglag ng bata.

Sa kasalukuyan parami na ng parami ang nagiging bilang ng na bibiktima nito. At ayon sa Marami ang
posibleng epekto ng paglaganap nito sa bawat parte ng mundo una dito ang kahirapan, kuryusidad alam
naman natin na sa mga kabataan ay likas satin ang pagiging “curious” sa mga bagay-bagay na ating
naririnig o nakikita at dahil sa kagustuhan nating malaman ang mga bagay na ito ang iba sa atin
nagagawang mag search, manood at marami pang paraan, dahil dito ay ang iba sinusubukan na ito dahil
sa walang humpay na kuryusidad. Maaarin maraming dahil ang mga ito ngunit ngayon na nakakaya pa
nating pugilan ang ating kuryusidad ay iwasan na natin ito hanggat maaga pa sabi nila “think before you
click” ngunit sa usaping ito ay “ think before you do” isipin mo muna ang mga bagay na ninanais mong
gawin.

Ngunit sa paanong paraan natin ito maiiwasan kung ang karamihan sa mga kabataan ay hindi na
marunong maghintay at maagang nagiging batang ina sa kanilang mga murang edad at dahil dito
maraming kabataan ang walang kahandaan ay maraming opurtunidad ang nawawala sa kanila. At isa
ako sa mga babae na hindi sumasang-ayon dito. ang unang naaapektuhan nito ay ang babae na hindi
nakapag handa dahil una sa dahil sa pag dadalang tao ng hindi handa ang iba ay hindi na nakakapag aral
ayon kay nikita mankani (2017) ang pagiging magulang ang pinaka rason kkung bakit ang mga batang
babae ay na droup out sa eskuwelahan humigit 50 batang ina ang hindi nakakatapos ng pag aaral. At
hindi lang ang babae ang naapektuhan kundi pati na rin ang bata sa kanyang sinapupunan sa maraming
paraan iilan na lang dito ang kalusugan ng bata dahil sa maagang pag dadalang tao ay kulang sa nutrient
ang nakukuha ng bata sa kanyang ina. Pinansyal, tulad nga nang mga naririnig o nababasa natin na ang
maagang pag dadalang tao ay epekto ng kahirapan, at sa marami pang iba ng naapektuha kasama na rito
ang kanilang pamilya at marami pang aspeto ang naapektuhan dahil sa kanilang kapapabayaan.

Kailangan mapigil na ang pagdami ng mga biktima nito. Tayo ay dapat nang magising na ang labis na
kuryusidad ay nakakasama dahil maraming responsibilidad ang nag aabang sa mga bawat galaw na
ating gagawin. Kaya kung maiiswasan ay iwasan dahil wala itong madudulot na maganda at itoy
nakakasira n gating kinabukasan at maraming magiging sanggol ang maapektuhan at maghihirap dahil sa
ating mga kapabayaan.

You might also like