Editoryal Tungkol Sa Fixed Marriage

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDITORYAL: Desisyon ng Magulang o Tibok ng puso?

Isa sa mga pribilehiyo ng isang tao ang makapagasawa o


maikasal. Ngunit paano kung ikaw ay nakalaan at
ipinagkasundo sa taong hindi mo mahal. At naitakdang ipakasal
sa taong hindi mo naman nais makasama habambuhay. Ito ang
tinatawag na ‘fixed marriage’ o ang pakikipagkasundo ng mga
kamag-anak o mismong mga magulang upang pumili ng
mapangasawa ng kanilang mga anak.
Sa Timog Asya, tinatayang 80 porsiyento ng lahat ng kasal ay
inayos ng mga magulang. Hindi pa man nila kilala ang isa’t isa ay
nakatakda na silang mgapkasal. Sa isa pang survey ng IPSOS
noong 2013, naisiwalat na 74 porsiyento ng mga batang
Indiyano, na may edad na 18-35 taon ang nagsabi na mas
pipiliin nila ang kanilang mga magulang na piliin ang kanilang
mga kasosyo sa buhay, kaysa sa pagpili ng kanilang sarili.
Siguradong, maaaring magkaroon ng kawalan ng tiwala sa
relasyon sa wakas dahil sa kawalan ng oras sa pag-uusap sa isa’t
isa bago ang naitakdang seremonya. Ang relasyon din na ito ang
talagang nagtanggal ng pribilehiyong makapegdesisyon at hindi
pa handa ang sarili upang makapag-asawa. At ang huli ay ang
konsepto ng pag-ibig na tunay itinakda para sa ikabubuti ng
pamilya na kung saan ikaw ay may ibang gustong marating sa
buhay ngunit iba ang prayoridad ng iyong pamilya.
Bilang isang mag-aaral, naniniwala akong hindi magiging
mabuting daan ang ‘fixed marriage’ dahil ito ay isang sumpaan
na ang kaakibat ay isang papel na napagkasunduan ngunit sa
likod nito ay ang pusong hindi masaya. Kahit sabihin man nila
na ‘parent knows best’, hindi pa rin ito makakabuti na
puwersahin ang iyong mga anak na ipakasal sa taong hindi
naman niya gusto. Dahil kapag hindi nagkasundo ang dalawang
tao ay maaaring maging miserable ang kanilang buhay at ang
kanilang mga anak ang mahirapan. Ang karamihan sa kanila ang
nagsasabi na puno sila ng pagsisisi at kung wala sanang taong
makasarili ay wala rin sanang taong nahihirapan na magiging
bunga ng isang fixed marriage. Siguradong walang maikabubuti
ang fixed marriage!!!

You might also like