Maagang Pagbubuntis

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAAGANG PAGBUBUNTIS

( teenage pregnancy)

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit paano kung sila na ang banta sa kinabukasan ?"

Ayon sa ulat ng ABS CBN news na inilimbag noong Oktubre 03 taong 2017 na pinamagatang
paglobo ng bilang ng mga batang ina, pabigat sa ekonomiya sinasabing patuloy na dumarami ang
bilang ng mga batang ina sa ating bansa na dumadagdag sa pasanin sa ekonomiya. Dahil din daw sa
kasong ito lumalala rin ang bilang ng kahirapan sa ating bansa bunsod ng mga nabanggit na
magulang na hindi kayang tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang anak dahil sa hindi
nakapagtapos ng pag-aaral. Ayon din dito sa ang datos na nakalap ng Philippine Statistics Authority
mula noong 2011 hanggang 2015 pumalo sa 200,000 Kabataan ang nabubuntis taon taon at kung
pagsasamahin umaabot ng isang milyon kada limang taon. Nakakalungkot mang isipin ngunit ang
ating bansa ay lugmok parin sa kahirapan dahil dito. Ayon sa pag-aaral ang ibang karatig bansa ay
bumaba na ang bilang ng maagang pagbubuntis at sa pilipinas nalang ang patuloy na dumarami ang
bilang nito kaya lubos na nabahala ang pamahalaan sa nangyari. Dahil dito agarang nag hanap ng
sulusyon ang mga ito at di naglaon ay isinulong nila ang batas sa pagresulba kung papaano
tutugunan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng batang Ina at papaano makakatulong sa mga ito.
Nakapaloob sa batas na ito na ipaalam sa mga kabataan kung ano ang epekto ng maagang
pagbubuntis at ang pagtulong sa kinabukasan ng mga batang ina. Ayon dito tutulungang makapag -
aral ulit ang mga batang ina o di kayay tulungang makapagsimula ng negosyo.

Pagdating sa pagpapaalam sa kabataan kung ano ang epekto ng maagang pagbubuntis ay


mahalagang maunawan ng mga ito ang kahalagahan ng buhay sapagkat ang maagang pagbubuntis
ay hindi lang nakaaapekto sa ekonomiya kundi sa kalusugan ng batang ina. Dahil sa araw na ang
bata ay nakapasok sa ganitong uri ng suliranin na walang gabay ay hindi nila alam ang gagawin at
kadalasang itinatago nila ito at humahantong sa pagdedesisyon magpapalaglag o aborsyon na
maaring ikamatay ng Ina at ng kanyang dinadala. Ngunit hindi nangangahulugan na kung ang batang
Ina ay hindi nagpalaglag ay magiging ligtas sa maaaring dulot ng maagang pagbubuntis sapagkat
ang kanilang katawan ay hindi pa handa sa pag bubuntis maaring malagay sa piligro ang buhay ng
dalawang buhay. Ayon sa Commission on population umabot sa 168 maternal death ang naitala
noong 2011. Kayay ganoon nalamang kahalaga na maunawaan ng mga kbataan ang halaga ng
buhay.

Pinuna naman ng pamahalaan ang kapabayaan ng magulang ang dahilan kung bakit
nangyayari ang kasong ito, dahil umano sa kawalan ng oras sa kanilang mga anak na nagiging
epekto ng kapabayaan sa sarili at isa na dito ang pagbubuntis sa di tamang edad. Kabilang sa mga
ugat ng maagang pag bubuntis dahil sa kapabayaan ng magulang ay ang kawalan ng
pananampalataya sa diyos at hindi pag aaral ng maayos, kaakibat nito ang maling kabarkada o
maling impluwensya at ang maagang pakikipag relasyon. Isa naman sa na ngungunang dahilan nang
maagang pagbubuntis ang maagang pakikipag relasyon na nauuwi sa pag tatalik ng hindi alam ang
kanilang pinapasok at hindi inaalam na magiging epekto ng kanilang desesyon. Kaya ganoon
nalamang kahalaga na mabigyan ng oras ng mga magulang ang kanilang mga anak upang
magabayan ito sa tamang landas.

Ano nga ba ang maagang pag bubuntis? Bakit mataas ang bilang ng populasyon ng mga babae na
nakaranas ng maagang pag bubuntis? Ano-ano ang mga dahilan kung bakit marami ang maagang
nabubuntis? Ano ang epekto nito sa buhay ng mga nakakaranas nito?
Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae kung saan ay wala pa
siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Masama ito sa mata ng diyos sapagkat ang pakikipagtalik ng
hindi pa dumadaan sa sakramento ng kasal ay matatawag na isang kasalanan. Sa aking nakikita,
marami na sa aking mga kamag-aral at kaibigan noon ay nakaranas na ng maagang pagbubuntis.
Karamihan sa kanila ay nasa edad pa lamang na 17, 18 hanggang 21 taong gulang pa lamang.
Sa aking pag susuri isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang bilang ng mga maagang
nabubuntis ay dahil sa hiwalay na pamilya. Uhaw sila sa atensiyon at pagmamahal na dapat ang mga
magulang at mga kapatid nila ang nag papadama. Nakukuha nila ang atensiyon at pag mamahal na
yun sa kanilang kasintahan at bilang sukli ibinibigay nila ang lahat ng bagay kahit na hindi naman
dapat ibigay. Na kalaunan ay nagiging sanhi ng maagang pag bubuntis.
Sa kabilang dako, isa sa mga matinding dahilan ng maagang pag bubuntis ay ang kuryosidad.
Nang dahil sa kuryosidad nagagawa nilang makipag talik sa kanilang kasintahan sapagkat gusto
lamang nilang sumabay sa uso at dahil binabalot sila ng kanilang kuryosidad na malaman ang
pakiramdam ng pakikipagtalik. Ngunit isa sa mga nakakalungkot na dahilan ng maagang pag
bubuntis ay ang "RAPE". Ang iba sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa ng walang awang
mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na magkaroon ng anak sa murang edad pa lamang.
Mayroon ding epekto ang maagang pagbubuntis sa buhay ng tao. Isa dito ay nahihinto sila sa
pag-aaral sa kadahilanang kailangan nila kumayod para sa pambili ng mga pangangailangan ng
kanilang anak. Isa pang epekto nito ay ang hindi mapapalaki ng maayos ang bata sapagkat wala
pang sapat na kaalaman ang mga magulang sa pagpapalaki ng tama. Maaring lumaking payat at
hindi malusog ang pangangatawan ng bata. At ang huling epekto ay hindi mabigay na
pangangailangan ng bata kapag ito ay lumaki sapagkat walang magandang trabaho ang mga
magulang. Maaring wala silang makuhaan ng pera na panggastos at pambili ng pangangailangan ng
bata. Makikita natin na maraming masamang epekto ang maagang pag bubuntis.
Ang maagang pagbubuntis ay isang komplikadong sitwasyon sapagkat nakasalalay dito ang
kinabukasan mo at ng magiging anak mo. Mahalaga na isipin muna ang kahihinatnan ng lahat bago
sumubok ng isang bagay sapagkat sabi nga nila matangkad ang pag sisisi kaya lagi itong nasa huli.

"Hindi masamang pumasok sa isang relasyon.

Ang masama ay sumuway sa inyong limitasyon"

You might also like