Thesis Sa Filipino
Thesis Sa Filipino
Thesis Sa Filipino
SHS-FILIPINO
February 27,2017
Dahon ng Pagpapatibay
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino,
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, ang pamanahong
papel na ito na pinamagatang EPEKTO NG MAAGANG PAGBUBUNTIS,
ay inihanda at iniharap ng mananaliksik na si;
JIMLYN Y. REMURTH
Guro
Maraming salamat po !!
Paghahandog
Para sa aking mga mahal sa buhay, buong Pagmamalaki naming
inihahandog sa kanila ang bunga ng aking pinaghirapan at pinagtiyagaang
pananaliksik. Ang aklat na itoy taos-puso ko pong inihahandog sa inyo !
Julieta Padernilla
Talaan ng Nilalaman
Abstrak ng Pag-aaral
Pamagat:
May Akda:
Institusyon:
Lugar:
Petsa ng Pagtatapos:
INTRODUKSYON
Kahalagahan ng pag-aaral
Sa mga mananaliksik.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, angmga mananaliksik ay makakalap
ng impormasyon namakakatulong sa aminat sa lahat kung paano makakaiwas sa
mga hindi magagandang epekto ngmaagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa
pagsasakatuparan ng mgamananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na
tumulong sa kapwa. Satulong ng mga impormasyon ay maaring makabuo ang
mananalisik ngrealisaysyon o aral na maari kong ipamahagi sa iba upang
mabawasan,kundi man, mapipigilan, ang paglalaganp ng maagang pagbubuntis.
Sa kabataan.
Ang pag- aaral na ito ay makatutulong sa pag mulat samata ng kabataan
ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ngpakikipagtalik ng walang
basbas ng kasal.
Sa mga magulang.
Ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong sa mga magulang sa
pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Makakapagbigayito ng mga ideyakung
papaano nila pangangaralan at didisiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang
hindi ito magrerebelde at gagawa ng mga dikanais-nais na
mga bagay at mabibigat sa kahihitnantnan.
Kabanata 1
Panimula:
Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong
malayo sa kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng
maraming kababaihan. Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang
mga kababaihan ay dinadala sa mga mumurahing hotel, ibinabalandra sa mga
malalaswang babasahin, at nininerbiyos na naghihintay sa kanilang prince
charming na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang halik sa mga marurumi
at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay inaabandona
matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at
kadalasan ay buntis.Di alintana na ang pakikipaglik, Ayon sa biolohikal na
kahulugan, ang pakikipagtalik ay isang paraan ng isang lalaki at babae upang
makabuo ng isang supling sa pamamagitan ng kanilang maseselang bahagi ng
katawan.Ayon naman sa bibliya,ginamit ang salitang nakilala,kung kaya't ang
pagtatalik ay pagkilala ng lalaki sa kanyang asawa,gayon din sa babae sa
kanyang esposo.Ito rin ay isang gawain na dapat ay ginagawa lamang ng
dalawang taong natamo ang sacramento ng kasal; kung kaya ito ay isang
sagradong gawain.Ito rin ang paraan ng pagmamahalan ng mag-asawa
lamang.Hindi ito dapat ginagawa ng minor de edad.Ngunit kadalasan ay
ginagawa pa rin ito ng mga kabataan dahil sa maling kaalaman sa
SAKLAW AT LIMITASYON:
Ang pag-aaral ay gagawin sa Tarlac na kung saan doon naninirahan
ang aming mapapagtanungan. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa
paghahanap ng epekto ng teenage pregnancy sa mga kabataan gulang 16
19 na kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para
makakuha ng mga impormasyon.
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
Ang bawat termino na mababanggit ay mapapaloob sa aming
sulatingpananaliksik. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa
mambabasa upangmaunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang
kanilang talasalitaan atupang mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling
ang mga salita sa mgadiksyunaryo, internet, atbp.
1. Teenage Pregnancy
ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang gulang.
2. Abortion
pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan.
3. STD (sexually transmitted disease)
mga sakit na napapasa sa isang tao patungo sa isa pang tao sa paraan
ng pakikipagtalik.
4. HIV (Human Immunodeficiency Virus)
- Ang HIV ay ang virus na siyang nagdudulot ng sakit na AIDS o Acquired
Immunodeficiency Syndrome na nakukuha sa hindi-ligtas na pakikipagtalik.
5. WHO (World Health Organization)
isang ahensya ng Nagkakaisang Bansa (UN) na tumutulong sa
pagpapabuti sa kalagayan ng kalusugan
6. Maternal
hinggil sa ina o paggiging ina.
7. POPCOM (Population Commission)
isang ahensya ng gobyeno na namamahala at tumutulong sa pagbuo ng
mga patakarang may kinalaman sa populasyon.
8. Social Stigma
ang tawag sa pagkakaroon ng tatak ng kahihiyan sa lipunan.
9. Gender role
bahaging ginagampanan o ang papel ng kasarian sa isang tao.
10. Nutritional deficiency
kakulangan ng karampatang kalusugan ng isang tao.
11. Menarche
unang buwanang dalaw ng isang babae.
12. Maternal Mortality Rate
ang bilang ng mga batang naipapanganak sa isang araw.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa mga researcher.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga researcher ay makakalap ng
impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa
mga hindi magagandang epekto ng maagang pagbubuntis. Makakatulong
rin ito sa pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang
tungkulin na tumulong sa kapwa. Sa tulong ng mga impormasyon ay
maaaring makabuo ang mga mananaliksik ng realisasyon o aral na
maaari nilang ipamahagi sa iba upang mabawasan, kundi man
mapigilan, ang paglaganap ng teenage pregnancy.
Sa kabataan.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmulat sa mata ng kabataan
ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ng pakikipagtalik ng
Paglalahad ng Suliranin:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon
ukol sa mga epekto ng teenage pregnancy sa mga kabataan na may
edad 16-19 sa Lungsod ng Tarlac. Ang mga impormasyong makakalap ay
gagamitin para makabuo ng mga kongkretong impormasyon para maging
aral na magmumulat sa mga mata ng kabataan sa mga hindi magagandang
resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal.
Ang mga nasabing epekto ng teenage pregnancy ay hahatiin sa aspekto
ng:
1. Pag-aaral
2. Kalagayang sosyal
3. Kinabukasan
4. Kalusugan
Kabanata II
Mga Kaugnay Na Pag-aaral at Literatura
Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados
Unidos ay nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang
tao. Samantala, Sa Britanya naman, may legal na depenasyon kung saan
ang isang babae ay sinasabing maagang nagbubuntis kung siya ay
nabuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan. Ang
terminolohiyang ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa
isang babae na wala pa sa legal na edad, na nagkaka-iba-iba sa ibat-ibang
parte ng mundo, na nabubuntis.
Ang mga anak na babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na
maging batang ina rin sa kanyang paglaki. Ang mga anak na lalaki naman ng
isang batang ina ay kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay
nakukulong pa.
Pananaw sa Kinabukasan.
Ang mga kabataan na nawawalan ng pag-asa sa kanilang kinabukasan ay
mas madalas na nabubuntis ng maaga kaysa sa mga kabataang naniniwala
sa kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay.
Kadalasan nilang itinatanong kung paano nila pakakainin ang bata, paano
palalakihin, kung dapat bang iluwal pa ito, at pananagutan ba ng ama ang bata? Sa
panahong ito, ang ina ay nangangailangan ng moral na suporta para maiwasan ang
mga maling desisyon. Mararanasan din ng mga ina ang matakot sa mga reaksyon
ng ibang tao, at ang pisikal na paghihirap na mararanasan nila sa panahon ng
pagpapaanak. Kalakip nito ang kanilang pagsisisi. Kadalasay nagagalit ang babae
sa kanyang sarili o sa ama ng bata. Dapat iwasan ito sapagkat ang stress na
dinaranas ng ina ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng sanggol sa
sinapupunan.
Kabanata III
Metodolohiya
Disenyo ng pananaliksik
Descriptive-status ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang
pamamaraang ito ng pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin
ang mga tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa
kasalukuyan at mga kasalukuyang kondisyon. Ito ay isang paraan ng
kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang mga umiiral na
kondisyon sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral.
Respondente
Ang naturang sarbey at ipamahagi sa 20 na mga tagatugon na
kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan:
a.) Mga kababaihan sa Lungsod ng Tarlac
b.)Nagbuntis o nagkaanak sa edad na 15-19.
Instrumento
Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing
datos sa pag-aaral ay isang sarbey kwestyuner. Ang mga babae ay
gagawing sabjek ng sarbey. Sila ay pasasagutin sa kwestyuner at
pagkatapos ay magkakaroon ng pakikipanayam tungkol sa kanilang buhayina.
B. MEAN
x=
Kung saan:
x= mean (katamtamang dami)
x= kabuuang dami mga babaeng sumagot sa particular na tanong.
n = kabuuang dami ng sagot
Pagtatalakay ng mga Datos
Talaan I: Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad
EDAD DALAS PORSYENT
O%
15 2 10%
16 6 30%
17 5 25%
18 4 20%
19 3 15%
Kabuuan 20 100%
Ang Talaan 1 ay nagpapakita na kadalasan sa maagang pagbubuntis
ay nasa edad 16 na siyang nakakuha ng pinakamalaking porsyento na 30.
Ang sumunod naman ay sa gulang 17 na may 25%. Samantalang ang
pinakamaliit na porsyento ay sa edad na 15% at edad 15 na 10%.Pinapakita lang
ng talaang nabanngit ay
Distribusyon ng mga Respodente Ayon sa
DALAS PORSYENT
Gradweyt ng Elementarya
Gradweyt ng Hayskul
Gradweyt ng Kolehiyo
magulang sa kanila (sa porsyentong 15%) samantala labing pito ang sumagot sa
poryentong 85% na aming napagtanungan ay hindi daw nagbago ang pagtingin na
kanilang pamilya bagkus silay nagging suportado na lang at silay tinutulungan
pa .Labingpito sa porsyentong 80% ang sumagot na hindi daw nagbago ang
kanilang na mga kaibigan samantala 20% lamang sumagot oo nagbago ang
kanilang kaibigan .Sa dalampung taong aming napagtanungan 70% ang sumagot
na hindi nawalan ang respeto ng ibang tao sa kanila at 30% ang sumagot Oo
nawalan ng respeto ang ibang tao sa kanila,di naman lingid sa kaalaman na
konserbatibong bansa tayo at sa dahilang iyon marami ang nangmamata o
nanglalait ng pagkatao kapag maagang nabuntis kaya sa mga napagtanungan
naming ay 30% ang sumagot na nakaranas sila ng diskriminsyon sa lipunan
kanilang ginagalawan.
Sa Talaan VI, Pinapakita ang kadalasang epekto ng maagang pagaasawa sa kanilang kalusugan.Sa lahat n gaming nagpagtanungan 100%
ang sumagot na maayos ang kanilang pagbubuntis hanggat ng silay
nanganak.95% ang nagsabi na kumakain pa sila ng sapat at 5% ang
nagsabing hindi na sila kumakain bukod sa pag-iisip na kanilang makakain
ay isa pa nilang iniisip ay paggatas ng bata na kung saan silay kinakapos.
100% naman ang ipinangak ang kanilang anak na malusog.75% ang
nakaranas ng komplikasyon habang sila nagbubunti at 25% lamang hindi
nakaranas ng komplikasyon.95% ang nagsabi makakaya nilang bigyan ng
sapat na sustansya ang bata samantala tanging 5 porsyento laman ang
nagsabing hindi nila kayang bigyan.