Buod

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bullying

Ang “Bullying o Pangungutya” ay isa sa mga problema na hinahrap ng mga


kabataan sa panahong ito. Mapa Asya man o Europa ay hindi maiiwasan ang
ganitong pangyayari. Walang pinipiling kasarian ang bullying, mapa babae man o
mapa lalaki. Kadalsan sa kinukutya ay ang mga matataba, mapapayat, bakla,
tomboy, at iba pa. Hnding hindi natin masisisi ang mga taong nangungutya pero
pwede natin itong maiwasan. Bakit nga ba may mg bully? Ano nga ba ang
pwedeng gawin para hindi maapektuhan?

Sa mga pelikula sa telebisyon, madalas nating nakikita ang pang-aapi ng


karakter ng kontrabida sa kawawang bida upang mas lalong mahikayat ang mga
manonood ngunit sa bandang huli, magtatagumpay ang biktima ng pang-aapi at
malalagay sa kaawa-awang sitwasyon ang nang-api. Ngunit hindi isang pelikula
lamang ang nangyayaring ito ngayon sa loob at labas ng paaralan at nakalulungkot
isipin na hindi rin pala ligtas ang mga bata kahit pa nasa loob ng paaralan dahil
maaring maging biktima sila ng bullying.

Nag kakaroon ng bully sa isang lugar particular ang paaralan dahil may
nakikita sila sa isang tao na hindi kaaya-aya. Halimbawa, matabang babae, payat
na lalake, malaking ngipin, maliit ang tenga, at iba pa. Pwede ring may nalaman
ang bully tungkol sa problema ng kanilang pamilya. Halimbawa walang tatay,
walang nanay, ampon ang bata, at iba pa. Nang bu-bully ang isang tao dahilsa
wala silang magawa sa kanilang buhay. Ang gusto lamang nila ay gawing
miserable ang buhay ng isang tao o ng isang mag-aaral.

Para sa akin, ang pinakamagandang paraan para hindi ka nila maapektuhan


ay huwag pansinin. Pero may mga oras na kahit anong iwas mo sa kanila ay hindi
ka nila tatantanan. Ang pinakamagandang gawin ay isumbong ito sa iyong mga
magulang, teacher, guidance counsellor, at sa ibang nkakatanda sayo. Huwag
magpaapekto o gumanti sa mga taong ito. Ang pag kitil ng iyong buhay ay isang
paraan na pinakita mo sa kanila na nanalo sila. Mahalaga ang buhay na ibinigay sa
atin ng Diyoskay mag purige tayo sa ating pag-aaral at ipakita natin sa kanila na
kaya nating bumangon sa madilim na kahapon.

You might also like