Mga Dahilan NG Maagang Pagbubuntis
Mga Dahilan NG Maagang Pagbubuntis
Mga Dahilan NG Maagang Pagbubuntis
Hindi kaila sa ating lahat na napakalaki ng epekto ng ating pamilya sa usaping ito.
Ang ating mga magulang na umaasa at nangangarap ng magandang bukas ay higit ang
sakit na nararamdaman kung sa isang iglap aymawawalaang pangarap na
iyon.Maiintindihan ba natin ang ating mga magulang kung sakaling itakwil nila tayo?
Nagtanong tanong ako upang maunawaan ko ng higit ang dahilan ng mga kabataang
babae kungbakit sila ay maagang naging ina. Hindi ko isanama ang mga batang
napagsamantalahan, hindi nila itoginusto, ngunit hinahangaan ko ang kanilang
katatagan kung bubuhayin nila ang bata, magiging sandatanila ito upang ipagpatuloy
ang laban.Ano ano nga ba ang mga salik na nagbubunsod sa maagangpagbubuntis?
y
Pamilya- ang pagkakatuto ng bata ay sa pamilya nagmumula. Kung mismo sa
pamilya ay maguloat walang direksyong sinusunod,sobrang higpit o luwag sa
pamamalakad, hindi pagbibigay ngkarapatan sa anak na mailabas ang kaniyang
saloobin. Kawalan ng suporta, oras at higit sa lahatng pagmamahal ay inaasahang
magdudulot sa anak ng pagrerebelde.
Kahirapan- sa isip ng bata, mas magiging maayos ang kaniyang buhay kung magaasawa na siya.Nang sa gayon ay matakasan niya ang kaniyang tanikalang hindi niya
ginusto..
Pagbabago ng panahon- bakit nga ba natin laging nililitanya na iba noon kesa
sangayon.Pansinin sa murang edad,kaya ng ipaliwanag ng paslit kung ano ang ibig
sabihin ng sex.Iba na ang pananaw nating mga Pinoy.Ang babaeng mahinhin at pino
anak nalang kaya paano na ?. Ang hirap sa ibang tao ay hindi nag-iisip, bago nila
gawin ang mga bagay na posible na makakayanan nila.
Sa pag-kakaagang pagbubuntis sa murang edad ay hindi biro, sa
mundong ito, saan ka kukuha ng pang-gagamot sa anak mo kapag , nagkasakit
ito, lalo na kapag ang iyong pamumuhay ay isa ka lamang na hamak na mahirap
paano na ang buhay ng anak mo paano na ang isang buhay na magiging
tungkulin ng iyong anak kapag ika'y nabuntis na maaga. Dapat ang isipin ng mga
tao ngayon ay paano ka mabubuhay, kapag ikaw na ang tatau sa iyong sariling
mga paa, dapat nating isipin muna ang kapakanan natin bago ang iba, bago
mag-disisyon at magkaroon ng asawa, at sa pagkakaroon ng anak.