Kabanata 1
Kabanata 1
Kabanata 1
Pulis lang ba ang may malaking tiyan? Ang sagot ay hindi. Maliban sa pulis, buntis na nanay, o
kaya͛y batang may bulate sa tiyan, laganap na rin sa panahon ngayon ang mga kabataang may
mabigat na responsibilidad na pasan-pasan. Ito ay ang maagang pagbubuntis.
Isa ito sa mga problema ng ating bansa. Dahil dito, hindi na mapigil ang patuloy na pagtaas ng
populasyon sa Pilipinas. Napuputol din ang pangarap ng mga kabataang ito at mas lalo pa silang
naghihirap. Maaga din silang huminto sa pag-aaral kaya wala silang mapasukang trabaho dahil
sa kanilang edad. Saan sila kukuha ng ipapakain sa anak? Saan sila kukuha ng ipangtutustos sa
kanilang pamilya?
Malaki rin ang pagkukulang ng kanilang paaralan at ng kanilang magulang. Kung tinuturo lng
sana ang sex education sa mga kabataang ito, hindi sana humantong sa mahirap na sitwasyon
ang mga kawawang kabataang ito. Dapat din ay ang magulang na mismo ang magturo sa kanila
ng sex education kung hindi ito itinuturo sa paaralan. Marami ding pabayang magulang ang
nagkalat, kaya ang kanilang mga anak ay malayang nakagagawa ng kanilang gustuhin mabuti
man ito o hindi. Malaki din ang papel ng midya sa problemang ito. Ang mga malaswang palabas,
babasahin at telebisyon ay nakapagdudulot ng sekswal na gawain sa mga kabataang may
murang edad na nagreresulta sa pagbubuntis. Sa ngayon, ang batas na maaari sanang
magpatupad ng solusyon sa maagang pagbubuntis ng kabataan at di mapigilang pagbubuntis sa
bansa na Reproductive Health Bill ay hindi pa rin naipapasa sa senado dahil sa pagtutol dito ng
mga prayle.
Kaya naman ang pamanahong papel na ito ay magbibigay satin ng impromasyon tungkol sa
maagang pagbubuntis. Ang pag-aaral na ito ay para sa kamalayan ng mga Pilipino sa Pilipinas at
maging sa buong mundo.
0 Ê
mayunin ng aming grupo sa pag-aaral na ito na buksan ang mga mata ng gobyerno para sa
kalagayan o sitwasyon ng bawat mamamayan.
Buksan at isaisip ang epekto ng maagang pagbubuntis at kung ano ang pwede nilang
kahinatnan.
Ang epekto nito sa kanilang kalusugan, pag-aaral at relasyon sa kanilang mga magulang.
Sasaliksikin din namin dito kung dumami ba ang porsyento ng mga kababaihang maagang
nagbuntis.
mayunin din naming sa pag-aaral na ito ang pag-aralan ang epekto at dahilan nito upang
magbigay babala sa mga mamamayan para sa kanilang kalusugan at pigilan ang paglaganap
ng mga sitwasyong ito.
^ Ê
Marami ngayon na kabataan ang maagang nagkakaroon ng pamilya, dahil sa mura pa nilang
edad at kaisipan, hindi pa sila handa sa mga suliranin at mga problema na kanilang
haharapin sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Kaya ang ibang nagiging epekto nito ay ang
pagkasira ng kanilang pamilya, kailangan nilang tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na
lamang para may ipangtustos sa kanilang anak.
Kaya mahalaga ang maipaalam sa mga kabataan kabilang ang kanilang mga magulang ang
dahilan at epekto ng maagang pagbubuntis para maintindihan nila at maging handa sa mga
pwedeng mangyaro at idudulot ng maagang pagbubuntis o pagkakaroon ng anak.
u Ê
Sa pagtatanong ay may limitasyon din. Kailangan din ilagay sa tamang oras at lugar ang
pagtatanong. Dapat humingi ng pahintulot sa taong pagkukuhanan at paggagawan ng
impormasyon. Kailangang siguraduhin na tama ang sulat ng sagot ng tao dahil maaaring
maiba ang kanilang nais sabihin
º Ê