Week 3 Q1 Day 1-5
Week 3 Q1 Day 1-5
Week 3 Q1 Day 1-5
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
QUEZON CITY
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
www.depedqc.ph
I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay simula isilang hanggang sa kasalukuyang
edad gamit ang mga larawan
2. Naisasalaysay ang mga mahalagang pangyayari sa buhay ng isang mag-aaral mula pagsilang
hanggang tatlong taon gulang.
3. Nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay simula isilang hanggang sa kasalukuyang
edad.
II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balik – aral
Ano-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng bata?
2. Pagganyak
Awit: “Hello,hello” https://www.youtube.com/watch?v=gghDRJVxFxU
B. Activity
Pakinggan ang kuwento ko. Sundan ang mga larawan sa bawat kahon.
“ Si Noel at Si Ana”
Magkasabay na isinilang sina Noel at Ana. Masayahin ang kambal. Lagi silang nakangiti.
Tuwang-tuwa ang mga magulang ng kambal sa kanilang mga anak. Kinukunan nila ng larawan ang
kambal. Ginawa nila ito hanggang sa paglaki ng mga bata.
Noong sila ay isang taong gulang, marunong na silang gumapang, nagpupumilit na rin silang
tumayo. Noong sila ay dalawang taong gulang, kaya na nilang tumayo. Kaya na nilang humakbang at
maglakad habang inaalalayan sila ng kanilang mga magulang.
Noong sila ay tatlong taong gulang, kaya na nilang tumakbo at maglaro.
C. Analysis
Sino-sino ang kambal sa kuwento?
Ano ang katangian ng magkambal?
Ano ang kaya nilang gawin noong sila ay isang taong gulang pa lamang?
Ano ang kaya nilang gawin noong sila ay dalawang taong gulang na?
Ano-ano naman ang kaya na nilang gawin ng sila ay tatlong taong gulang na?
Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng kambal?
Nakaranas ka rin ba lahat ng bata ng mga pagbabagong ito?
D. Abstraction
Tandaan:
May mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao na may kinalaman sa kaniyang paglaki,
simula isilang hanggang sa kasalukuyang edad.
E. Application
Piliin ang wastong larawan.
1. Si Jane ay isang taong gulang pa lamang. Alin ang kaya niyang gawin?
F. Assessment
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring nagaganap sa isang bata mula pagsilang hanggang
tatlong taong gulang. Lagyan ng bilang 1-5.
IV. ASSIGNMENT
Idikit sa kuwaderno ang iyong mga larawan na nagpapakita ng mga pagbabagong naganap sa
iyong buhay mula isilang hanggang tatlong taong gulang.
I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay simula isilang hanggang sa kasalukuyang
edad gamit ang mga larawan
2. Naisasalaysay ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang mag-aaral mula apat na taong
gulang hanggang ikalimang taong gulang.
3. Nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay simula isilang hanggang sa kasalukuyang
edad.
II. PAMAMARAAN
B. Awareness
3. Balik – aral
Ano ang kayang gawin ng tatlong taong gulang na bata? Naranasan mo rin ba ang mga
pagbabago sa iyong sarili?
4. Pagganyak
Awit: “Hello,hello” https://www.youtube.com/watch?v=gghDRJVxFxU
B. Activity
Muli nating balikan ang kuwento natin kahapon. Alamin natin kung ano susunod na
mangyayari sa Kambal na sina Noel at Ana.
Pakinggan ang kuwento. Sundan ang mga larawan sa bawat kahon.
C. Analysis
Sino-sino ang kambal sa kuwento?
Ano ang katangian ng magkambal?
Ano ang kaya nilang gawin noong sila ay apat na taong gulang na sila?
Ano ang kaya nilang gawin noong sila ay limang taong gulang na?
Ano-ano naman ang kaya na nilang gawin ng sila ay anim na taong gulang na?
Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng kambal?
Nakaranas ka rin ba lahat ng bata ng mga pagbabagong ito?
D. Abstraction
Tandaan:
May mahahalagang pangyayari sa buhay ng tao na may kinalaman sa kaniyang paglaki,
simula isilang hanggang sa kasalukuyang edad.
E. Application
Kumuha ng kapareha. Pag-usapan ang mahahalagang pangyayari sa inyong buhay na may kinalaman
sa inyong paglaki. Ibahagi sa klase
F. Assessment
Tingnan ang mga larawan. Pagtambalin ng guhit ang mga larawan sa bilang ng taong gulang sa
nasa kaliwa.
1 taong gulang
2 taong gulang
3 taong gulang
4 na taong gulang
5 taong gulang
6 na taong gulang
IV. ASSIGNMENT
Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa bawat gulang? Punan ng paglalarawan ang tala ng
taon sa ibaba. Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa kuwaderno.
1. _____________________ Nakakagapang na
2. _____________________ Natuto nang maglakad
3. _____________________ Pumapasok sa paaralang elementarya
4. _____________________ Nagsisimula sa kindergarten
5. _____________________ Nakapaglalaro na
6. _____________________ Nakagagawa ng ng munting gawain
V. MGA TALA (Remarks)
I. LAYUNIN
1. Nailalarawan ang mga personal na gamit tulad ng laruan, damit at iba pa mula pa noong sanggol
hanggang sa kasalukuyang edad.
2. Nasasabi ang kahulugan ng pagpapatuloy at pagbabago sa pamamagitan ng halimbawang larawan
nito.
3. Naibabahagi sa mga kamag-aral ang mga pagbabagong naganap sa sariling buhay mula pa noong
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad.
II. PAMAMARAAN
C. Awareness
5. Balik – aral
Ano-ano ang mga pagbabagong naranasan mo sa iyong sarili noong ikaw ay
kindergarten pa at ngayong nasa unang baitang ka na?
6. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng pagbabagong naganap sa buhay ng paru-paru.
A. Activity
“Pangkatang Gawain”
Tingnan ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Bilugan ang mga pansariling
kagamitan para sa sanggol at ikahon naman ang mga pansariling kagamitan sa ginagamit
mo sa kasalukuyan
C. Analysis
Ano ang masasabi mo sa mga
pansariling kagamitan?
May nagbago ba sa mga kagamitan na ginagamit mo noon at ngayon?
Ang mga kagamitan mo ba noon ay maaari pang gamitin ngayon? Bakit?
Ano-anong mga gawain ang nagbago at nananatili sa iyo?
D. Abstraction
Tandaan:
Patuloy ang paglaki ng bata. Habang lumalaki ang bata, maraming pagbabago ang
nagaganap sa kanyang buhay. Pagbabago ang tawag sa mga pagkakaibang mga nagaganap sa
buhay. Mananatili ang pangalan at petsa ng kapanganakan.
E. Application
Magalaro ng pahulaan. Isakilos at pahulaan sa mga kamag-aral ang mga gawaing natutuhang
isagawa ng bata nang mag-isa habang siya ay lumalaki.
F. Assessment
Sagutin: Tama o Mali
___Nagbabago ang anyo ng tao habang siya ay lumalaki.
___Nagbabago rin ang kanyang mga hilig o gusto.
___Ang bawat tao ay nakakaranas ng pagbabago sa pisikal na anyo.
___Pagbabago ang tawag sa mga pagkakaibang mga nagaganap sa buhay.
___Nagbabago din ang pangalan at petsa ng kapanganakan.
IV. ASSIGNMENT
Magdala ng mga larawan ng mga paborito mong laruan sa kasalukuyan.
I. LAYUNIN
1. Nailalarawan ang mga personal na gamit tulad ng laruan, damit at iba pa mula pa noong sanggol
hanggang sa kasalukuyang edad.
2. Naipakikita ang mga pagbabago sa buhay at sa personal na gamit (tulad ng laruan) mula noong
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad.
3. Naibabahagi sa mga kamag-aral ang mga pagbabagong naganap sa sariling buhay mula pa noong
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad.
II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balik – aral
Ano ang tawag sa mga pagkakaibang mga nagaganapsa buhay? (Pagbabago)
2. Pagganyak
Awit: “Kumusta Ka”
B. Activity
Magpakita ng mga larawan ng isang bata mula ng siya ay sanggol, isang taon, dalawang
taon hanggang sa edad na anim.
Ipakita rin ang mga gamit tulad ng sapatos, medyas, laruan, atbp.
Hayaang paghambingin ng mga bata ang mga gamit.
Ipatukoy ang mga naganap na pagbabago.
C. Analysis
Ano ang naranasang pagbabago sa katangiang pisikal bawat bata?
May pagbabago ba sa mga gamitan ng ginagami ng mga bata?
Nagagamit mo pa ba ang mga bagay noong sanggol ka pa lamang? Bakit?
Ano-ano ang mga bagay na ginagamit mo sa kasalukuyan?
D. Abstraction
Tandaan:
Ang bawat tao ay nakararanas ng pagbabago hindi lang sa anilang pisikal na anyo. May mga
pagbabago din sa mga gamit ng bata habang siya ay lumalaki. Ang gamit mo noong sanggol ka pa ay
hindi mo na maaaring gamitin ngayong malaki ka na. Nagbabago rin ang iyong pangangailangan.
E. Application
Kumuha ng isang larawan mula sa paskilan at sabihin ang pagbabagong naganap dito sa buhay
ng isang bata.
F. Assessment
Iguhit ang mga bagay sa bawat kahon.
IV. ASSIGNMENT
Magdala ng damit na gamit mo nang maliit ka pa at ngayong nalaki ka na.
I. LAYUNIN
1. Nailalarawan ang mga personal na gamit tulad ng laruan, damit at iba pa mula pa noong sanggol
hanggang sa kasalukuyang edad.
2. Naiisa-isa ang mga personal na damit/kasuotan simula noong sanggol hanggang kasalukuyan.
3. Naibabahagi sa mga kamag-aral ang mga pagbabagong naganap sa sariling buhay mula pa noong
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad.
II. PAMAMARAAN
A. Awareness
1. Balik – aral
Tingnan ang mga larawan,alin ang mga bagay na ginamit mo noong sanggol ka pa
lamang at alin ang bagay na ginagamit mo sa kasalukuyan?(magpakita ng mga larawan)
2. Pagganyak
Ang mga damit mo ba noong maliit ka pa ay nasusuot pa rin hanggang sa kaslukuyan?
B. Activity
Tingnan ang mga larawan.
A B
C. Analysis
Aling letra o pangkat ng mga damit o kasuatan ang iyong ginagamit sa kasalukuyan?
Sino na man ang maaring sumuot ng mga kasuotan na nasa pangkat A?
Maaari mo bang gamitan ang nasa pangkat A? Bakit?
Maari rin bang gamitin ng mga sanggol ang nasa pangkat B na mga kasuotan? Bakit?
D. Abstraction
Tandaan:
Patuloy ang paglaki ng bata.Habang lumalaki ang bata, maraming pagbabago ang naganap sa
kaniyang buhay. Pagbabago ang tawag sa mga pagkakaibang mga nagaganap sa buhay. Mananatili
lamang ang pangalan at petsa ng kapanganakan.
E. Application
“Pangkatang Gawain”
Gawin ang mga sumusunod:
1. Magpangkat sa lima.
2. Pumunta sa sampayang ginawa ng guro.
3. Isampay ang mga damit simula noong sanggol hanggang sa kasalukuyan. Lagyan ito ng
sipit.
F. Assessment
Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang MALI kung di-wasto
ang pangungusap.
_______1. Nag-iiba ang sukat ng damit habang lumalaki ang mga bata.
_______2. Habang lumalaki ang bata hindi nagbabago ang kaniyang Gawain.
_______3. Patuloy na nadaragdagan ang mga Gawain na kayang gawing mag-isa ng bata habang siya
ay lumalaki.
_______4. Pagbabago ang tawag sa pagkakaiba ng mga nagaganap sa buhay ng isang bata.
_______5. Hindi nagpapatuloy ang mga pagbabago sa buhay ng bata.
IV. ASSIGNMENT
Magtala ng limang pagbabagong naganap sa iyong buhay habang ikaw ay patuloy na lumalaki.
Isulat ito sa iyong kuwaderno.