Week 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Unang Markahan – Ikalimang Linggo Unang Araw

I.Layunin
1. Naiisa-isa ang mga ambag ni Andres Bonifacio sa pagbubuo ng Pilipinas bilang
isang bansa
II. Nilalaman A.
Paksa:
Ambag ni Andres Bonifacio sa Pagbubuo ng Pilipinas bilang Isang
Bansa
B. Sanggunian:
Curriculum Guide, BOW 2017, LM, AP6PMK-1e-7
C. Kagamitan: larawan, metacards, activity
worksheet, video clip
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Pangganyak
Pagpapakita ng larawan ni Andres Bonifacio.

www.google.com
Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang nalalaman tungkol kay Andres
Bonifacio.
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
1.1 Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang Gawain
1.2 Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
Bigyan ng tig-iisang enbelop ang bawat pangkat
Unang Pangkat
Basahin ang teksto tungkol kay Andres Bonifacio.
Sa pamamagitan ng piping palabas ipakita ang mga katangi-
tanging katangian ni Andres Bonifacio.
Ikalawang Pangkat
Basahin ang teksto tungkol kay Andres Bonifacio.
Tanong: 1.Bakit naisipan ni Andres Bonifacio na magtatag ng isang
mapaghimagsik na samahan?
2. Ano ang tawag sa samahang kanyang itinatag?
Isulat ang inyong sagot sa mga piraso ng meta cards.
Ikatlong Pangkat
Basahin ang teksto tungkol kay Andres Bonifacio.
Gamit ang Radio Broadcasting pagtalakayan kung sinu sino ang
nakasama ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng samahan
Ikaapat na Pangkat
Basahin ang teksto tungkol kay Andres Bonifacio.
Gamit ang graphic organizer itala ang mga ambag ni Andres Bonifacio sa
pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa. 2. Analisis
Pagtalakayan ang natapos na pangkatang gawain.
Mga Tanong:
1.Ano ano ang natatanging katangian ni Andres Bonifacio?
2.Bakit niya naisipang itatag ang isang mapanghimagsik na
samahan? Ano ang tawag sa samahang ito?
3.Sino-sino ang nakasama ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng
samahan?
4.Ano-ano ang naging ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng
Pilipinas bilang isang bansa?
5.Sa iyong palagay, nakatulong ba ang kanyang mga katangian
upang magkaroon siya ng ambag sa pagbuo ng Pilipinas bilang
isang bansa?
3. Abstraksyon
Pagpapanood ng video clips tungkol kay Andres Bonifacio at sa
kanyang mga naging ambag sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang
bansa.
https://www.youtube.com/watch?v=8PEtedHwN4Q
Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan si Andres Bonifacio bilang isang magiting na Pilipino.
2.Sa paanong paraan ipinaglaban ni Andres Bonifacio ang kalayaan ng
Pilipinas?
3.Magbigay ng ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng Pilipinas bilang
isang bansa.
4.Paano mo pahahalagahan ang mga naging ambag ni Andres Bonifacio sa
pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa? 4. Aplikasyon
Kung mabibigyan ka ng pagkakataong maging si Andres Bonifacio
gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa para sa ating bansa? Ipaliwanag
ang iyong kasagutan.
5. Paglalahat
Ano-ano ang naiambag ni Andres Bonifacio upang mabuo ang
Pilipinas bilang isang bansa?
1.Naging miyembro ng La Liga Filipina
2.Namuno sa pagtatatag ng Katipunan
3.Pinagkaisa ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbalangkas ng
“Dekalogo”.
4.Pinagsikapang paunlarin ang kalagayan at kabuuang loob ng mga
miyembro ng Katipunan.
5.Naging tagapamagitan sa pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga
katipunero
IV. Pagtataya
Isa-isahin ang mga naging ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng
Pilipinas bilang isang bansa. Piliin sa kahon ang iyong kasagutan. (1-5)

a. Namuno sa pagtatatag ng katipunan


b. Pinagsikapang paunlarin ang kalagayan at kabuuang loob ng
mga miyembro ng katipunan
c. Bumuo ng kartilya ng katipunan
d. Naging miyembro ng La Liga Filipina

e. Naging tagapamagitan sa pagkakaroon ng hidwaan sa pamamagitan ng mga


katipunero
f. Pinagkaisa ang mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagbalangkas ng Dekalogo ng Katipunan

V. Takda
Itala sa kwaderno ang mga ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng Pilipinas bilang
isang bansa. Gumamit ng graphic organizer.

Unang Markahan - Ikalimang Linggo Ikalawang Araw


I. Layunin
1. Natutukoy ang mga ambag ng Katipunan sa pagbubuo ng Pilipinas bilang
isang bansa.
2. Napahahalagahan ang mga naging ambag ng Katipunan sa pagbuo ng
Pilipinas II.
Nilalaman
A. Paksa:
Ambag ng Katipunan sa Pagbuo ng Pilipinas bilang Isang Bansa B.
Sanggunian:
LM, Curriculum Guide, BOW 2017, AP6M-Ie-7
C. Kagamitan: larawan, puzzle, metacards, video clips
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik- aral
Pagtukoy sa mga naging ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng bansa

Picture Puzzle Drill

Buuin ang larawan ni Andres Bonifacio batay sa kanyang mga naging ambag sa
kalayaan ng bansa

Namuno sa pagtatatag ng Pinaunlad ang kalagayan at


Katipunan kabuuang loob ng mga Pilipino

Pinagkaisa ang mga Pilipino Naging Miyembro ng LaLiga


Filipina

www.google.com
2. Pagganyak
Pilipinas, Ikaw ang Aking Bansa!
ni: Avon Adarna
Sa hitik na yaman nitong kalikasan, Ang mga dagat at kalaliman,
Hindi magugutom, hindi magkukulang, Saganang pagkai’t mga pangisdaan
Pilipinas na Ina ng mamamayan, Ang lalim ng tubig na asul sa kulay
Kumakandili nga sa buting kandungan. Ay siyang panlinis sa lupang katawan

Ang mga gubat na hitik sa bunga, Mahalin ang bayan saan man pumunta
Ipantawid-gutom sa kalam ng bituka, Ipagtanggol nga sa dayuhang bansa At
pati hayop sa dulong kabila, Ibiging mabuti at maging malaya
Nabubusog din at nagpapakasawa! Upang manatili ang Inang dakila!

Ang mga lupa sa luntiang bukid, Ang tula ay alay sa mahal na bansa
Ay pakikinabangan kapag pinilit, Pagkat ako’y kanyang inaaruga
Magtanim lamang ng palay o mais, Itong Pilipinas na bayan ko’t ina At
tiyak na kakain sa oras ng gipit! Mamahalin ko saan man magpunta! B.
Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Pagpapanood ng video clips tungkol sa katipunan. Alamin ang mga naitulong
nito sa pagkakamit ng kalayaan ng bansa.
https://www.youtube.com/watch?v=ahqrl1jHUss
2. Analisis
Sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos ang panonood.
a.Tungkol saan ang pinanood na video?
b.Ano ang Katipunan?
c.Bakit Itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK?
d.Paano nakatutulong ang Katipunan sa pagkakamit ng kalayaan ng bansa?
3. Abstraksyon
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat para sa gawain ng pagtatalakay sa ambag
ng Katipunan sa pagbuo ng bansa.
Pangkat 1 - Gamit ang metacards, itala ang mga bayaning bumuo ng
Katipunan.
Pangkat 2 - Itala sa graphic organizer, ang mga layunin ng pagkatatag ng
Katipunan
Pangkat 3 - Isulat sa isang talahanayan ang mga naging ambag ng Katipunan
sa pagbuo ng bansang Pilipinas Pamprosesong Tanong:
a. Sino-sino ang bayaning bumuo ng Katipunan?
b. Ano-ano ang mithiin ng Katipunan?
c. Ano-ano ang naging ambag ng pagkatatag ng Katipunan sa pagkakamit
ng kalayaan at pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa?
4. Aplikasyon
Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang mga naging
ambag ng Katipunan sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa?
5. Paglalahat
Ano-ano ang naging ambag ng Katipunan sa pagbuo ng Pilipinas bilang
isang bansa? IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng araw kung ang pahayag ay nagpapakita ng mga naging
ambag ng Katipunan sa pagkabuo ng bansa at lagyan naman ng bituin kung hindi.
1. Ang paglaya ng Pilipinas ang pangunahing layunin ng Kilusang Katipunan.
2.Nanguna ang Kilusang Katipunan sa pag-aalsa laban sa mga mananakop na
Espanyol.
3.Dahil sa kakulangan ng sandata at kahandaan ay maraming katipunero ang
nasawi.
4.Unang layunin ng katipunan ang labanan ang mga Espanyol sa paraang
rebolusyon upang matamo ang kalayaan.
5.Ang Katipunan ang samahang nagbuklod sa mga Pilipino upang labanan ang
mapang-aping Espanyol.
V. Takda
Magsulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pagkatatag ng Katipunan sa
pagkakamit ng kalayaan para sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang bansa.
Unang Markahan - Ikalimang Linggo Ikatlong Araw

I. Layunin
1.Naiisa-isa ang mga naging ambag ng himagsikang Pilipino ng 1896 sa
pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa.
II. Nilalaman A.
Paksa:
Ambag ng Himagsikang Pilipino ng 1896 sa Pagbubuo ng
Pilipinas Bilang Isang Bansa B.
Sanggunian:
LM, Curriculum Guide, BOW 2017, AP^M - Ie -7
C. Kagamitan:
larawan, concept map, data retrieval chart, video clips
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Pagpapakita ng larawan ng watawat ng KKK.

www.google.com
Ano ang unang sumasagi sa inyong isipan kapag nakikita ninyo ang sagisag
na ito?
2. Pagganyak
Buuin ang concept map. Ibigay ang mga salitang kaugnay nito.

HIMAGSIKAN

B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Panonood ng video clip tungkol sa Himagsikan ng Pilipinas ng 1896.
https://www.youtube.com/watch?v=FZqYeJKBPhA
2. Analisis
Sagutin ang mga pamprosesong tanong tungkol sa napanood na video clips.
a. Tungkol saan ang napanood ninyo?
b. Ano-ano ang mahahalagang pangyayaring naganap noong
himagsikan ng 1896?
c. Sa palagay ninyo, ano-ano ang posibleng naitulong ng
himagsikan ng 1896 sa pagkakamit ng kalayaan ng bansa?
3. Abstraksyon
Poster / Slogan Making
Gumawa ng poster/slogan tungkol sa mahahalagang pangyayaring
naganap noong himagsikan ng 1896. Sa baba ng poster/slogan, sumulat ng 5-10
impormasyon na naging ambag ng himagsikan sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang
bansa. 4. Aplikasyon
Kung mabibigyan kayo ng pagkakataon na balikan ang kaganapan noong
himagsikan ng 1896, ano ang maaari ninyong iambag bilang isang Pilipino upang
makamit ang kalayaan at mabuo ang bansa?
5. Paglalahat
Ano-ano ang mga naging ambag ng himagsikan ng 1896 sa pagkakamit ng
kalayaan at pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa? Isulat ito sa data retrieval
chart.
Ambag ng Himagsikan
ng 1896 sa Pagbuo ng
Pilipinas bilang Isang
Bansa

IV. Pagtataya
Isa-isahin ang mga naging ambag ng himagsikan ng 1896 sa pamamagitan ng
pagsulat ng maikling sanaysay.
Rubriks:

Raw Score Indicators


Maayos na naisulat ang sanaysay, may maganda at angkop na
5 nilalaman.

4 Maayos at maganda subalit kulang sa kalinisan.

May ilang kakulangan tulad ng gamit ng malaking titik, bantas,


3 indensyon at iba pa.
Hindi natapos ang gawain.
2

Halatang pinarisan lamang ang gawa ng iba.


1

V. Takda
Itala sa inyong kwaderno ang mga naging ambag ng himagsikan sa pagkakamit
ng kalayaan at pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa.
Unang Markahan – Ikalimang Linggo Ikaapat na Araw

I. Layunin
1.Nakikilala ang mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino
II. Nilalaman
A. Paksa:
Ang Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino
B. Sanggunian:
Curriculum Guide, BOW 2017, LM
C. Kagamitan:
PowerPoint presentation, activity worksheet, bola
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik-aral
Pass the ball. Magpapaikot at magpapasa ng isang bola sa mga
mag-aaral habang tumutugtog ang musika. Ang sinumang may hawak ng bola
kapag tumigil ang tugtog ay magbibigay ng ambag ng Himagsikan ng 1896 sa
pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.
B. Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
1.1 Sa pamamagitan ng Powerpoint Presentation, ilahad sa mga
bata ang mga kababaihang nakiisa sa rebolusyong Pilipino.
Pagkatapos isagawa ang pangkatang gawain.
1.2 Ipabigay ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng
pangkatang gawain
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat – Gayahin ang katauhan ng sumusunod na
kababaihan at ipakita ito sa klase:
Andrian Sangalang; Rosario Sangalang
Ikalawang Pangkat – Sa inyong malikhaing pamamaraan, tularin
ang katauhan nina:
Bernarda Tagalog; Gregoria De Jesus
Ikatlong Pangkat – Ipakilala sa pamamagitan ng inyong malikhaing
pamamaraan ang sumusunod na kababaihan:
Melchora Aquino; Teresa Magbanua
Ikaapat na Pangkat – Ipakilala sa harap ng klase ang katauhan
nina: Marina Dizon; Trinidad Tecson. Gamitin ang inyong
malikhaing pamamaraan sa pagpapakilala sa mga ito.
2. Analisis
Sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos ang pangkatang
gawain:
2.1 Paano ninyo isinagawa ang inyong pangkatang gawain?
2.2 Sino sino ang kababaihang nakiisa sa rebolusyong
Pilipino?
2.3 Magbigay ng pangalan ng kababaihang nakiisa sa rebolusyong
Pilipino at ibigay ang katangian nito.
2.4 Sa inyong palagay, taglay ba ng mga kababaihang ito ang
katangian / kakayahan upang sila ay makiisa sa
mapanghimagsik na gawain tulad ng rebolusyon?

3. Abstraksyon
Pangkatang Gawain:
1. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Nasa Hanay A ang
pangalan ng mga kababaihan ng rebolusyong Pilipino
at nasa Hanay B naman ang kanilang pagkakakilanlan.

Hanay A Hanay B
1. Andrian Sangalang a. Unang babaeng kasapi ng katipunan at tinagurian
ding lakambini ng katipunan
2. Rosario Villaruel b. Maagang naulila sa ina kaya lumaki siya sa
pangangalaga ng ama na isang mason
3. Bernarda Tagalog c. Naging malapit na kaibigan ni Jose Rizal, isang
mestisa na anak ng guardia sibil
4. Gregoria De Jesus d. Laging may dalang sako na puno ng tinapay para
sa mga sundalong Pilipino
5. Melchora Aquino e. Isa sa mga heneral ng samahan na nagpakita ng
katapatan at pagpapahalaga sa mga prinsipyo
ng katipunan
6. Teresa Magbanua f. Nagmamay-ari ng tindahan kung saan nakakarinig
siya ng mga balita tungkol sa pang-aaping
ginagawa ng mga Espanyol
7. Marina Dizon
g. Matapang na babae lalo na sa oras ng kagipitan,
naging mahusay na mambibigkas, mang-
aawit,gitarista at biyolinista
8. Trinidad Tecson h. Kilala bilang mahusay at mahigpit na guro
sa Pototan, Iloilo. Bata pa lamang ay
likas na siyang malakas at matapang

4. Aplikasyon
Bilang isang mag-aaral, dapat ba ninyong pahalagahan ang
mga kababaihan ng rebolusyong Pilipino? Paano ninyo sila
pahahalagahan?
5. Paglalahat
Ipasagot: Sino sino ang kababaihan ng rebolusyong Pilipino?
IV. Pagtataya
Panuto: Kilalanin ang mga kababaihan ng rebolusyong Pilipino. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.

1. Isa sa heneral ng samahan na nagpakita ng katapatan at pagpapahalaga sa


mga prinsipyo ng katipunan.
2. Matapang lalo na sa oras ng kagipitan, naging mahusay na mambibigkas,
mang-aawit, gitarista at biyolinista.
3. Sa tindahan niya siya nakakarinig ng mga balita tungkol sa ginagawang pang-
aapi ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
4. Tinaguriang lakambini ng katipunan, kauna-unahang babaeng kasapi ng
katipunan.
5. Naging malapit na kaibigan ni Jose Rizal, isang mestisa na anak ng guardia
sibil.
Trinidad Tecson Andrian Sangalang

Marina Dizon Rosario Villareal

Teresa Magbanua Bernarda Tagalog


Melchora Aquino Gregoria De Jesus

V. Takda
Magsaliksik tungkol sa mga nagging partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong
Pilipino

Unang Markahan - Ikalimang Linggo Ikalimang Araw

I. Layunin
1.Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino.
2.Napahahalagahan ang partisipasyong ginampanan ng mga kababaihan sa
rebolusyong Pilipino.
II. Nilalaman A.
Paksa:
Partisipasyon ng Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino B.
Sanggunian:
LM, Kayamanan 6, Lahing Dakila Text.Kayamanan
Curriculum Guide,BOW 2017, AP6PMK-Ie-8 C.
Kagamitan:
mga larawan,projector/telebisyon,laptop
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.Balik-aral
Maghahanda ang guro ng mga larawan. Ang mag-aaral na tatawagin ay pipili
ng isang larawan at magbibigay ng pangungusap tungkol dito.

www.google.com

B.Panlinang na Gawain
1. Aktibiti
Sa pamamagitan ng powerpoint presentation ipapanood
sa mga bata ang partisipasyon ng mga kababaihan sa
rebolusyong Pilipino.
2. Analisis
Sagutin ang mga tanong matapos mapanood ang powerpoint
presentation.
1.Tungkol saan ang napanood na presentasyon?
2.Sino-sino ang kababaihang malaki ang naitulong sa
rebolusyon?
3.Ano-ano ang ginawa ng mga kababaihan para sa rebolusyon?
4.Paano nakatulong ang mga kababaihan sa rebolusyon?
5.Mahalaga ba ang partisipasyon ng mga kababaihan sa
rebolusyong Pilipino?Bakit?
3. Abstraksyon
Hatiin ang klase sa 3 pangkat at isagawa ang sumusunod.
Unang Pangkat – Sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan
ipakita ang ginawang partisipasyon ng mga kababaihan
sa rebolusyong Pilipino.
Ikalawang Pangkat- Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng
partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong
Pilipino.Ipaliwanag ito.
Ikatlong Pangkat- Gumawa ng isang “rap” tungkol sa
partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong
Pilipino.
4. Aplikasyon
Kung ikaw ay nabubuhay noong panahon ng
rebolusyon,tutulong ka rin ba sa mga Pilipino?
Sa paanong paraan ka tutulong?Bakit?
5. Paglalahat
Anu-ano ang partisipasyong ginawa ng mga kababaihan
sa rebolusyong Pilipino?
Tandaan Natin
May mga babaeng nagpakabayani sa panahon ng
rebolusyon.Karamihan sa kanila ay nakatulong sa pag-aalaga,at
pagpapakain ng mga Katipunero.Naggamot sa mga maysakit at
nagpatuloy sa kanilang tahanan.Mayroong sumayaw,umawit at nagsaya
upang iligaw ang pansin ng kalaban.Ang iba ay namuno sa
isang batalyong rebolusyonaryo.
IV.Pagtataya
Panuto: Lagyan ng ( ) ang bilang na nagpapakita ng partisipasyon ng
mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino.
_____1.Nagtago ng mga mahahalagang lihim na dokumento ng Katipunan.
_____2.Sumulat ng mga lathalain laban sa mga Espanyol.
_____3.Kinalinga ang mga matatanda,pinakain at pinatuloy sa tahanan.
_____4.Nagsasayawan,nagkakantahan at nagsasaya upang hindi mahalata
ng mga guwardiya sibil.
_____5.Ang mga kababaihan ay nakipag-usap sa mga dayuhan upang matigil
na ang labanan.
V.Takda
Gumawa ng isang liham pasasalamat para sa mga kababaihan na nagkaroon ng
partisipasyon sa rebolusyong Pilipino.

You might also like