Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Masusing Banghay sa Pagtuturo sa Filipino

Sa Ikalawang Baitang

I- Layunin: Bago matapo ang araling ito, ang mga bata ay inaasahang:

a. natatalakay ang pandiwa sa aspektong pang nagdaan: at


b. natutukoyang pandiwa sa aspektong pang nagdaan sa pangungusap.

II- Paksang Aralin


a. Topic: Pandiwa
b. Sanggunian: Ang Bagong Batang Pinoy- Filipino
k. Mga kagamitan: Cartolina, larawan at Manila paper

III- Pamamaraan: Pasaklaw


Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
a. Paghahanda
Magsitayo ang lahat
Magandang umaga mga bata Magandang umaga Ginang Hasanah T.
Gadi! Magandang umaga sa lahat!

Bago kayong maupo nais ko muna ating


awitin ang ating kanta na “kung ikaw ay masaya”. Opo!

Maari na kayong maupo! Salamat po!

Pagtiyak kung sino ang lumiban sa klase.


Mga bata may lumiban ba? Wala po!

b. Balik aral
Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin
ay magkakaroon muna tayo ng pagbabalik aral.
Ano ang ating nakaraan tinalakay? Ang ating nakaraang tinalakay ay
tungkol sa Pandiwang pangkasalukuyan.
Magbigay ng halimbawa. Tumatakbo
Kumakain
Kumakanta at iba pa.
Mahusay!

k. Pagganyak
Ngayong dadako na tayo sa ating panibagong aralin.
Pero bago ang lahat ay nais ko munang tingnan ninyo
ang mga larawan na ito. Ano ang nakikita nyo?

Mahusay!
Lahat ng inyong sagot ay may kaugnayan sa ating
tatalakayin ngayong umaga.

D. Pagpapaliwanag ng tuntunin
Ngayong umaga ay ating tatalakayin ay tungkol
sa pandiwang pangnagdaan.
Pandiwa- ay nagsasaad ng kilos o galaw sa loob
ng pangungusap. Ang mga salitang kilos na naganap o
tapos na ay nasa aspektong pangnagdaan.
Halimbawa
1. Ang bata ay bumili ng pagkain sa palengke kanina. bumili
2. Nagbigay ng pagkain si Rosa sa mga batang lansangan. nagbigay
3. Sina Rita at Jose ay umalis ng manlinigan nila ang putok. umalis
4. Si Maria ay sumigaw kahapon ng Makita niya si Raulo. sumigaw

Ngayon ay magkakaroon kayo ng pagsasanay.

E. Paggamit
Panuto: Salungguhitan ang Pandiwang pangnagdaan
sa bawat hanay.

1. Umawit, umaawit, aawit umawit


2. Gumagapang, gumapang, gagapang gumapang
3. Kakain, kumain, kumakain kumain
4. Kumanta, kakanta, kumakanta kumanta
5. Sumasayaw, sumayaw, sasayaw sumayaw
6. Lumipad, lumilipad, lilipad lumipad
7. Tatawag, tumawag, tumatawag tumawag
8. Aalis, umalis, umaalis umalis
9. Tatakbo, tumakbo, tumatakbo tumakbo
10. Magbigay, nagbigay, magbibigay nagbigay

F. Paglalahat
Naintindihan ba mga bata? Opo!
Ano ang pandiwa? Ang pandiwa ay nagsasaad ng
kilos o galaw.
Magbigay ng halimbawa. Tumakbo
Ginupit
Sumayaw
kumanta
IV- Pagsubok
Panuto: Piliin ang wastong pandiwa na angkop
sa pangungusap.

1.(Binili, bumili) ko Marikina ang aking sapatos noong sabado. Binili


2. Marami akong (ginawa, gagawin) kanina. Ginawa
3. Si Paulo ay (pinagsabihan, pinagsasabihan) ng kanyang
ama noong isang araw. Pinagsabihan
4. (Pupunta, Pumunta) ako sa Marikina. Pumunta
5. (Umulan,Umuulan) kagabi. Umulan
6. (Umawit, Aawit) si Ana kahapon. Umawit
7. (Tumakbo,Tatakbo) si Riza ng Makita niya ang ahas. Tumakbo
8. Si Ana ay mahusay (sumayaw,sumasayaw). Sumayaw
9. Ang bata ay (kumanta,kakanta) ng makita niya ang dalaga. Kumanta
10. Si Rita ay (bumili,bibili) ng karneng baka sa palengke. Bumili
V- Takdang Aralin
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita.
1. tumakbo
2. ginawa
3. sumayaw
4. kumanta
5. huminga
6. ginupit
7. kinuha
8. naglinis
9. nagluto
10. tumayo

You might also like