Math 1 - Q3 - Week 6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

1

MATHEMATICS
Ikatlong Markahan-Modyul 6:
Pagguhit ng mga Hugis at Pagbuo
ng Hugis na may 3-Dimensyon

1
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Mathematics – Unang Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagguhit ng mga Hugis at Pagbuo ng Hugis na
may 3-Dimensyon
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA
OIC, Office of the Regional Director: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
OIC, Office of the Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vilma V. Pilar


Editor: Leomelyn Q. Reynoso/ Estrella P. Penaredonda
Tagasuri: Mariam B. Rivamonte /Jay P. Penia
Queicy Rossvee Cortuna/ Melody Jane De Lara
Tagaguhit: Devin Christian Rey /Melanie Malagotnot
Louie J Cortez/ Jefferson Repizo
Tagalapat: Maria Hazel M. Esplana
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Danilo C. Padilla
Elsie T. Barrios
Felix M. Famaran
Lany M. Semilla
Mariam B. Rivamonte
Jay P. Pena

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City
Telefax: (02) 6314070
E-mail Address: [email protected]

2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

3
Mathematics 1 Aralin 1:

Ikatlong Markahan
Iguhit Mo ang Hugis Ko
Ikaanim na Linggo

MELC / Layunin:
Draws the four basic shapes. M1GEIIIf-3

Subukin Natin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin ang hugis tatsulok?

A. B. C.
2. Anong hugis ang may 4 na sulok at 4 na
magkakapareho ang sukat ng gilid?
A. bilog B. parihaba C. parisukat

3. Alin sa mga larawan ang may parihabang hugis?

A. B. C.

4. Kung guguhit ka ng bilog, ilan ang sulok nito?


A. 1 B. 0 C. 2

5. Anong hugis mayroon ang holen?


A. parisukat B. bilog C. tatsulok

4
Ating Alamin at Tuklasin

May tugma akong inihanda para sa iyo. Basahin ito


sa tulong ng iyong magulang o tagapagturo.

Ang mga Hugis


Ang lahat ng bagay ay may mga hugis
Mayroong tatsulok, mayroon ding bilog,
May mga parisukat, pareho ang sukat
At ang parihaba, dal’wang gilid parehas.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong nang


pasalita.
1. Tungkol saan ang tugma?
2. Ano-anong hugis ang nabanggit?
3. Anong hugis ang may pareho ang sukat?
4. Ano namang hugis ang magkaparehas ang
dalawang gilid?
5. Kaya mo bang iguhit ang mga ito?
6. Paano magiging maganda ang iyong guhit?

5
Ang mga nabanggit sa tugma ay ang apat (4) na
pangunahing hugis. Maaari silang makita sa mga bagay
na may 2 dimensyon (flat) o sa may 3 dimensyon
(solid/buo). Tingnan sa ibaba ang halimbawa.

Dalawang (2)- Tatlong (3)- Hugis


Dimensiyon Dimensiyon

bilog

tatsulok

parisukat

parihaba

Maaari nating iguhit ang mga hugis ng bawat bagay.

6
-

Tayo’y Magsanay

Gawain 1:
Panuto: Itambal ng linya ang hugis na nakaguhit sa
hanay B sa bagay na may katulad na hugis sa Hanay A.

A B

1.

2.

3.

4.

7
Gawain 2:
Panuto: Iguhit sa katabing puso ang hugis ng mga
bagay sa ibaba. Pumili mula sa kahon.

1.

2.

3.

4.

8
Ating Pagyamanin

Gawain 1:
Panuto: Bakatin ng lapis ang hugis na nakasulat sa
unahan.

1. parisukat

2. bilog

3. tatsulok

4. parihaba

Gawain 2:
Panuto: Gumuhit ng imahe ng tao sa isang malinis na
papel gamit ang apat (4) na pangunahing hugis na nasa
ibaba.

9
Ang Aking Natutuhan

Panuto:
• :
Bilugan ang tamang sagot upang mabuo ang
bawat kaisipan.

1. Kapag gumuhit ka ng hugis na walang sulok at gilid,


ang tawag dito ay (parisukat, bilog).

2. Ang parihaba ay iguguhit natin na may 4 na sulok


at (4, 2) magkaparehong gilid.

3. Gumuhit ako ng hugis na may tatlong sulok at 3 gilid.


Ang iginuhit ko ay (tatsulok, bilog).

4. Ang mga ( bilang, hugis) ay maaari nating iguhit.

5. “Iguhit ang parisukat”, sabi ng guro. Alin ang makikita


sa papel ni Lita? ( , )

10
Ating Tayahin

Panuto: Iguhit sa patlang ang mga hugis na hinihingi sa


bawat bilang.

1. parisukat - ____________

2. bilog - ____________

3. tatsulok - ____________

4. parihaba - ____________

5. hugis ng kama - ____________

11
Gabay sa Pagwawasto

Subukin Natin

1. B 2. C 3. A 4. B 5.B

Tayo’y Magsanay

Gawain 1: Gawain 2:

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

Ating Pagyamanin

Gawain 1:

1.

2.

3.

4.

12
Ang Aking Natutuhan Ating Tayahin
1. bilog 1.
2. 2 2.
3. tatsulok 3.
4. hugis 4.
5. 5.

Sanggunian

MELC sa Mathematics 1, Q3 Wk6

Kagamitan ng Mag-aaral sa Mathematics 1,

p. 202-204, 207-209

Division Memorandum No. 30, s. 2020

13
Aralin 2:
Mathematics 1
Pagbuo ng mga Hugis
Ikatlong Markahan
Ikaanim na Linggo
na may Tatlong Dimensyon o 3-D

MELC / Layunin:
Constructs three dimensional objects (solid) using
manipulative materials. M1GEIIIf-4

Subukin Natin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin ang may hugis kono o apa ?
A. bote B. bundok C. lata

2. Ang kahon, aklat at bote ay may ___ figure?


A. 2-D B. 3-D C. 4-D

3. Alin sa mga larawan ang may hugis na ?

A. B. C.

4. Ano ang hugis ng torotot?

A. B. C.

14
5. Upang makabuo ng parihabang kahon, aling
pattern ang kailangan?

A. B. C.

Ating Alamin at Tuklasin

May awit akong inihanda para sa iyo. Basahin at


awitin ito sa tulong ng iyong magulang o tagapagturo.
Mga Hugis ng Bagay
Himig: Tutubi-tutubi

Ang bola ay bilog, payong ay tatsulok


Kahon ay parisukat, parihaba ang aklat,
Ano man ang hugis nitong mga bagay
Dapat ay ingatan, at pahalagahan.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong nang pasalita.


1. Tungkol saan ang awit?
2. Ano ang hugis ng bola? ng payong?

15
3. Anong bagay sa awit ang hugis parisukat?
parihaba?
4. Pare-pareho ba ang hugis ng mga bagay? Bakit?
5. Sino kaya ang lumikha sa mga ito?
6. Ano ang dapat nating gawin sa mga bagay na
ito?
7. Paano natin iingatan o pahahalagahan ang mga
bagay sa ating paligid?

Ang mga nabanggit sa awit ay ang apat (4) na


pangunahing hugis sa mga bagay na may 3 dimensyon
(solid/buo) o 3-D (solid figures). Maaari natin silang buoin
gamit ang pattern ng bawat isa. Tingnan sa ibaba ang
halimbawa.

Bagay na may 3-D /


Tatlong (3)- Solid Figure Pangalan Pattern
Dimensiyon

16
.
-

Tayo’y Magsanay

Gawain 1:
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng 3-D o solid figure
ng hugis na mabubuo sa mga bagay na nasa unang
hahay.

______ 1. A.

______ 2. B.

17
______ 3. C.

______ 4. D.

Gawain 2:
Panuto: Kulayan ang 3-D na ipinapakita ng bawat
larawan.

1. -

2. -

3. -

18
4. -

Ating Pagyamanin
Gawain 1:
Panuto: Pag-ugnayin ng guhit ang bawat 3-D at
pattern na bumubuo nito.

3-D Pattern

1. ● ●

2. ● ●

3. ● ●

4. ● ●

19
Gawain 2:
Panuto: Pumili ng isa sa mga hugis na may tatlong
dimensyon (3-D) at pattern nito (nasa pahina kasunod ng
Ating Tayahin). Sundin ang pattern sa pagbuo gamit ang
karton o makapal na papel. Gamiting gabay ang
Pamantayan sa Pagmamarka sa hulihan.

Marka: ______

Ang Aking Natutuhan

Panuto:
• Piliin sa kahon ang tamang sagot na bumubuo
ng kaisipan. Isulat ito sa patlang.

solid figure 3 Cube balon


pattern bundok Cylinder 2

1. Ang cube, cone, cylinder at rectangular prism ay


mga hugis na may ____ dimensyon.
2. Ang 3-D ay tinatawag ding ________________.
3. ______________ ang solid figure ng lata.
4. Hugis kono o apa ang ______________
5. Ang mga hugis na may 3-D ay maaaring buoin gamit
ang ___________.

20
Ating Tayahin

Panuto: Pumili ng isa pang hugis sa ibaba na may 3-


dimensyon na hindi pa nagawa sa Gawain 2 ng Ating
Pagyamanin. Buoin ito gamit ang pattern sa hulihan.

Gamiting gabay ang Pamantayan sa pagmamarka


sa ibaba.

Marka : _________

Pamantayan sa Pagmamarka ng mga Gawain

5 Nakagawa nang maganda at maayos sa sariling


kakayahan.

4 Nakagawa nang maayos at maganda sa gabay


ng magulang

3 Nakagawa nang maayos sa gabay ng magulang

2 Nakagawa sa gabay ng magulang

1 Nakagawa ngunit hindi natapos

21
Cube o
parisukat na kahon

Rectangular Prism o
parisukat na kahon

22
Cylinder o
bilog na kahon

Cone o
kono / apa

23
Gabay sa Pagwawasto

Paunang Pagsubok
1. B 2. B 3. A 4. C 5.B

Tayo’y Magsanay

Gawain 1 Gawain 2
1. C
2. D 1.
3. A 2.
4. B
3.

4.

Ating Pagyamanin Ang Aking Natutuhan


Gawain 1 1. 3
1. 2. solid figure
2. 3. Cylinder
4. bundok
3.
5. pattern
4.

Gawain 2 Ating Tayahin


Maaaring bumuo ng alin man sa sumusunod na solid figure:

24
Sanggunian

MELC sa Mathematics 1, Q3 Wk6

Kagamitan ng Mag-aaral sa Mathematics 1,


p. 205-206, 210-215

Division Memorandum No. 30, s. 2020

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: [email protected]

26

You might also like