Ang Langgam at Ang Kalapati
Ang Langgam at Ang Kalapati
Ang Langgam at Ang Kalapati
Nagtungo sa pampang ng ilog ang isang langgam upang pawiin ang kanyang uhaw nang
tangayin siya ng rumaragasang agos. Malunodlunod siya nang mapansin ito ng isang
kalapati na nakadapo sa may punong nakalukob sa ilogan. Agad na pumitas ng dahon ang
kalapati at inilaglag sa tubigang malapit lamang. Sumampa ang langgam doon at ligtas
siyang nagpalutang-lutang tungong pampang. Saglit lang matapos nito, may dumating na
isang manghuhuli ng ibon at tumayo sa liliman ng puno. Naglatag ito ng sa ibong bitag na
nasa sanga. Nahalata iyo ng langgam at kinagat nito ang paa ng tao. Sa sakit, naihagis niya
ang mga siit at nagawang makalipad ng kalapati sa ingay na likha noon.
May Lakad kami ni Tatay