Maikling Kuwento - Filipino 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Depuno, Richard Vince Marfil (45227)

BS Accountancy – 1

Ang Nagbabagang Gabi ni Maria

Hi! Ako nga pala si Maria, isang kolehiyala. Nais kong ibahagi sa inyo ang kuwento
ko tungkol sa isang napakasarap na gabing hindi ko malilimutan.

Sanay na akong bumabangon sa kamang walang kahit na ano’ng saplot na suot.


Matagal-tagal na din nang umuwi ako dito sa probinsya namin sa Abra. Mga tatlong
linggo na siguro ang nakakalipas.

Ako lang mag-isa sa bahay nu’n kasi si Nanay ay nasa health center buong araw, at
si Tatay ay nasa abroad.

Natutuwa ako kapag dumadating siya at pinipiling samahan ako at pagaanin ang
pakiramdam ko sa aking pagtulog. Siya ay si Tasyo.

Ngunit madalas ay ‘di ko na siya inaabutan sa aking paggising. Isang gabi’y may
ginawa siya sa akin na labis kong ikinasaya. Mailalarawan kong sobrang init ng gabi
ko nu’n at iba ang epekto sa akin. At tama nga ang Nanay, masarap sa unang
tikim, mainit sa katawan at madulas. Masakit sa una pero gumiginhawa habang
tumatagal.

Laking pasasalamat ko at nagagawa niyang alisin ang sakit na nararamdaman ko


pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin. Sa bawat paghaplos at pagdampi ng
kamay niya ay ang bahagyang pag-init lalo ng pakiramdam ko mula ulo hanggang
paa. Ang pagtampal-tampal at paminsan-minsan niyang pagkurot, talaga namang
mapapabuntong-hininga ka na lang.

Tanghali na akong nagising, mga alas-9 na ata ng umaga nu’n. Napasarap ang
aking tulog at nakasaksi ng magandang panaginip. At gaya ng dati, hindi ko na
naman siya inabutan.

Sa aking pagbango’y nahagip ng aking mga mata ang isang kapirasong papel na
nakalagay sa aking paanan. Sigurado akong iyon na naman ang laman ng sulat
niya.

“Mamayang gabi uli ha. Paiinitin uli natin ang gabi mo”, wika ni Tasyo sa unang
talata.

Napangiti ako. At sabi niya sa huling talata, “Kukuha ako ngayon ng dahon ng
banaba sa bundok para mas madali ang paggaling ng pilay mo. Mabisa raw iyon
sabi ng kakilala kong manghihilot” – Tasyo

Akala niyo iba na ‘e. Hindi. Kababata ko si Tasyo, at anak-anakan ni Nanay. Dahil
nga nasa trabaho ang Nanay, siya ang nagbabantay sa akin.

Kung ano man ang iniisip niyo, manahimik na lang kayo, at ayaw kong
pinagtatapakan ang dignidad ko, kasi mahal ko pa ang buhay ko!
RICHARD VINCE MARFIL DEPUNO

Ang may-akda ay mas kilala sa tawag na “Arvee”. Siya ay kasalukuyang nag-aaral


sa Divine Word College of Calapan (DWCC) at kumukuha ng kursong Bachelor of
Science in Accountancy. Siya ay naging punong-patnugot ng ‘The Vicars’, ang
opisyal na pahayagan ng John Paul College, Odiong, Roxas, Oriental Mindoro mula
2016 hanggang 2018. Sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbing Junior Staff Writer ng
DWCC Gazette.

DISCLAIMER:
Ang inyo pong matutunghayang kuwento ay may mga tema at
lengguwaheng hindi angkop sa mga batang nasa edad 13 pababa.
Striktong patnubay ng mga magulang ay kinakailangan.

You might also like