Alamat NG Pinya

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ALAMAT NG PINYA

Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat. Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak. Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay maliit pa naman si Pina. Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin ka y Aling Osang. Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasay ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa. Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga na lamang. Naku! ang nanay ko, bakit ka nagkasakit? ang tanong ni Pina. Ewan ko nga ba, ang wika ng ina, sabay utos na kung puwedeng ipaglugay nito ang nanay. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito ni Pina, ngunit mamait-mait sapagkat itoy sunog. Ganun pa man ay natuwa na rin ang ina pagkat kahit papaano siyay napagsilbihan ng anak. Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina. Isang umaga, si Pinay nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. Saan kaya naroroon ang sandok? ang sambit nito. Hanapin mo, naririyan lamang yan, ang sagot ng ina. Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala! ang muling sabi ng anak. Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo! ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga, ang sabi naman ng ina. Marami naman kayong sinisermon pa ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog. Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita. Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya ng makita nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw-araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala nito ang sinabi niya sa kanyang anak. At bigla na lang nawala ang kanyang maal na anak ng mga sandaling iyon.

ANG ALAMAT NG SAGING


Noong unang panahon sa isang nayon ay may

magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging. Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran. Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao. Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran. Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging. "Ang punong iyan ay si Magmula noon ang Aging!" wika ni Juana. halamang iyon ay tinawag ito`y naging saging.

na "Aging" at sa katagalan

ANG ALAMAT NG ROSAS


Noong araw ay may isang magandang dalagang

nagngangalang Rosa, na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming

nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan. Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at itoy nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin. Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon diy siyay naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman. Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

ANG ALAMAT NG NIYOG


Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay gan ito: Sino na ang magapakain sa amin? tanong ng pinakamatandang anak. Sino na ang mag-aalaga sa amin? tanong ng ikalawang anak. Sino na ang maglalaba n gating damit? tanong ng ikatlong anak. Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siyay maganda at maputi. Huwag na kayong umiyak, sabi niya. Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.

Sumunod sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libing araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo. Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito. Marahil aakyatin ko na lamang itong puno, sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyak at pumitas ng bunga. Mga ulo ninyo, ang sigaw niyang babala sa itaas. Ibabagsak ko ito at buksan ninyo. Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.

ANG ALAMAT NG BUWAN AT MGA BITUIN


Noong unang panahon ang mga ulap ay nasa ibabaw pa ng lupa. Ang mga unang tao noon na sina Malakas at si Maganda ay labis na nagsisikap sa pagtatrabaho upang mabuhay. Sa umaga sila ay nasa bukid upang magsaka. Si Maganda ang naghahanda ng pagkain at si Malakas naman ang nagtatanim. Tuwing sisikat ang araw, ang mga ulap ay kusang tumataas upang mamasyal sa ibatibang panig ng mundo. Ang araw ang nagbibigay buhay sa kanila. Kaya nga sa tuwing sasapit ang gabi, nawawalan ng buhay ang mga ulap at bumababa sa lupa hanggang sumikat ulit ang araw. Ganito ang buhay ng mga ulap. Isang araw, habang nasa gubat si Malakas upang mangahoy, nakita niya ang isang makislap na bagay. Tila parang ginto ang bagay na kumikinang pero higit itong matingkad at makiwanag. Naisipan niyang gumawa ng isang sorpresa para kay Maganda at gawin itong isang magandang regalo. Dumaan ang ilang araw at nakagawa si Malakas ng isang magandang palamuti sa buhok, kwintas, pulseras at mga singsing para sa

kanyang asawa. Labis na natuwa si Maganda sa natanggap niya galing sa kanyang asawa. Lagi niya itong isinusuot araw man o gabi. Makalipas ang ilang linggo, ipinahatid ng isang lawin na mayroong bagyong paparating sa dakong kanilang tinitirahan. Ang bagyo ay nagdulot ng isang buwan na pag-ulan sa ibang dako na sinalanta nito sabi ng Lawin na hapong hapo sapagkat siya ay tinangay ng malakas na bagyo habang naghahanap ng pagkain kaya kailangan niyang lumipad ng mabilis upang maiwasan ito. Labis na nataranta sina Malakas at Maganda sa nabalitaan. Ilang araw pa ba bago dumating ang bagyo sa bayang ito? tanong ni Maganda. Sa loob ng tatlong araw, papatak ang napakalakas na ulan na dulot ng malakas na bagyo sagot ng Lawin. Dali-daling sinabihan ni Malakas si Maganda na maghanda para mag-ani ng kanilang mga pananim. Makalipas ang isang araw, naani na lahat ang mga tanim na palay. Ang mga ulap sa ibat ibang dako ay naipon sa bayan ng mag-asawa. Mabuti na lang at nakapag-ani na tayo, kundi at mahihirapan tayong itaboy ang makakapal na ulap sa ating lupain wika ni Maganda. Pagkaraan ng dalawang araw, naani na lahat nina Malakas at Maganda ang kanilang pananim na bungangkahoy sa kagubatan. Nakapag ipon na rin sila ng malinis na tubig sa batis na kanilang maiinom habang sinasalanta ng bagyo ang kanilang lugar. Naayos na rin ni Malakas ang kanilang bahay upang maging matibay laban sa mapaminsalang hangin. Kailangan nating bayuhin ang mga naaning palay mahal ko upang makain natin wika ni ni Malakas. Mayroon na lamang silang isang araw upang magbayo ng naaning palay para maging bigas. Inabot na sila ng dapit hapon at hindi pa sila natatapos. Bumaba na ang mga ulap sa lupa dahil wala na ang sikat ng araw na bumubuhay sa mga ito. Napapagod na rin si Maganda sapagkat ang mga kwintas, palamuti sa buhok at mga singsing ay mabibigat at nakakaabala sa kaniyang paggalaw. Kaya naisipan niya itong isabit sa mga ulap. Nakaramdam ng ginhawa si Maganda at nakapagtrabaho ito ng mabuti. Bago sumikat ang araw, natapos ng mag-asawa ang kanilang gawain, hanggang sa pumatak na ang tubig ulan na hudyat ng pagsisimula ng matinding bagyo. Agad na pumasok sa kanilang bahay sina Malakas at Maganda. Pagkasara ng pinto, umihip ang malakas na hangin at nooy naalala ni Maganda ang kaniyang mga alahas. Labis siyang nalungkot sa nangyari. Nilipad ng delubyo ang mga ulap sa lupa at tinangay sa kaitaasan ng daigdig. Lumipas ang isang buwan, at natapos ang malakas na bagyo. Ang buong daigdig ay natakpan ng makapal na ulap. Puno ng paghihinagpis ang mag-

asawa dahil sa nakitang pinsalang tinamo ng kanilang lugar. Wala silang magawa kundi pagmasdan ang iniwang bakas ng kalamidad. Hanggang nang sumapit ang gabi, habang si Maganda ay nasa bakuran ng bahay ay may nakita itong kumikislap sa kalangitan. Dali-dali nitong tinawag si Malakas at itinuro ang nga nakikitang kunikinang sa kadiliman ng kalangitan. Tignan mo mahal ko ang mga kumikislap sa kaitasan ng langit, di nga ba iyon ang mga iniregalo mo sa akin? sambit ni Maganda. Oo nga aking mahal, natutuwa ako at hindi pala nawala ang mga iyon, bagkus ang mga iyon ay makikita natin bilang simbolo ng ating pag-ibig at pag-asa kahit anong kalamidad pa ang dumating sa ating buhay. Mula noon, ang mga bituin at buwan y lagi ng makikita sa itaas ng kalangitan. Ang mga ito ay nag bibigay pag-asa sa mga tao na sa gitna ng kadilliman ng buhay, ay may pagasang kumikislap at nagpapatibay ng ating kalooban laban sa anumang pagsubok sa ating buhay.

ANG ALAMAT NG DURIAN


Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayoy naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagkat siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway. Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang batay pinangalanang Durian, na ang gusting sabihiy munting tinik. Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang. Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa

kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan. Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siyay namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad. Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol. Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa itoy namulaklak at namunga. Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong itoy ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya. Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Itoy si Sangkalan. Sa huliy siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos. Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang narinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian. Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan. Noon diy nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon diy itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari. Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman namay matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy. Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.

You might also like