Pabula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Luha ng Buaya

Noong unang panahon may


isang buwayang nagngangalang Lacoste ang naninnirahan sa isang pampang ng Ilog
Luha. Mabagsik, malakas kumain at ubod ng sama ng ugali ang buwaya. Kahit sinong
hayop ang makita niya, ay kaniyang kinakain kung kayat hindi makalapit ang mga ito.
Isang araw habang nagpapahinga ang buwaya, may dalawang kambing na
nagngangalang Kiko at Miyo, ang naligaw malapit sa Ilog Luha. Gutom na gutom at
uhaw na uhaw ang mga ito.
Miyo, nasaan na tayo? Mukhang naligaw tayo? sabi ni Kiko.
Oo nga Kiko. Hindi ito ang daan pauwi sa ating tirahan, Gutom na gutom at
uhaw na uhaw na ko. sagot ni Miyo.
Ako din Miyo. May Ilog akong natatanaw. Halika puntahan natin. sabi ni Kiko.
Agad na nagpunta ang dalawa sa may Ilog. Uminom ng maraming tubig ang
dalawa hanggang sa mapawi ang kanilang uhaw. Maya-mayas lumabas at lumapit ang
buwaya.
Sino kayo? Anong ginagawa niyo sa teritoryo ko? Wala kayong karapatan
pumunta at uminom dito., galit na isinigaw ng buwaya.
Pasensiya ka na buwaya, hindi namin nais guluhin ka. Kami ay naligaw. Nais
lang namin uminom ng tubig dahil kanina pa kaming uhaw na uhaw. Maaari bang
makahingi kahit kakaunting pagkain lamang?, pagmamakaawa ng dalawang kambing.
Hindi maaari. Umalis na kayo kung ayaw niyong kainin ko kayo! sigaw ng
buwaya.
Maawa ka na buwaya, gutom at uhaw na kami. Sabi ni Kiko.

Hindi tinulungan ng buwaya ang dalawang kambing bagkus silay kaniyang


kinain. Kahit na dalawang kambing na ang kaniyang nakain, tila itoy gutom pa rin.
Noong araw din iyon , may isang ibong nagngangalang Sina ang napadpad sa
Ilog Luha. Lingid sa kaalaman ni Lacoste, na nakita pala ni Sina ang kaniyang ginawa.
Awang-awa ang ibon sa dalawang kambing.
Dahil sa takot ng ibon na siya ay kainin, kinausap niya ito habang siya ay nasa
itaas.
Ikaw na buwaya, bakit mo kinain ang dalawang kambing? Hindi mo ba alam na
masama ang iyong ginawa? Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng kapwa-hayop?
Isusumbong kita sa kina-uukulan para ikaw ay maparusahan!, sigaw ng ibon.
Naku, ibong Sina, maawa ka sa akin. Ipinapangako ko, hindi ko na uulitin.
Nagsisisi na ako sa aking ginawa. Simula ngayon ay magpapakabait na ko. Hindi na
ako magiging mabagsik at malupit sa kahit na sino, pagsusumamo ng buwaya na may
kasamang pag-iyak.
Ano ang kailangan kong gawin para ikaw ay maniwala? dagdag ni Lacoste.
Tamang tamang Lacoste, ako ay napagod sa paglipad. Kung totoong nagsisisi
ka, bigyan mo ako ng pagkain at hayaan mo akong makainom ng tubig. Wika ng ibon.
Halika, heto ang pagkain at tubig. Sabi ng buwaya.
Ngunit hindi alam ng ibon na nagkukunwari lang ang buwaya. Sinabi lang niya ito
para lumapit ang ibon at itoy kaniyang makain. Agad lumapit ang ibon sa pag-aakalang
totoo ang sinasabi ng buwaya.
Nang lumapit ang ibon ay muntik na siyang makain. Mabilis na nakalipad ang
ibon at itoy nagsumbong sa kinauukulan. Pinarusahan ang buwaya sa kaniyang
ginawa. Simula noon ay nagpakabait na ang buwaya at totoong nagsisisi sa kaniyang
mga nagawa.

Aral:
Huwag basta basta magtitiwala sa kapwa lalong lalo na kung ibabatay sa
panlabas na kaanyuan ng isang tao. Ang panloloko at ang pagiging sakim ay kasalanan
sa Diyos kayat huwag g gawin ito kung ayaw mong magsisi sa bandang huli. Matuto

tayong magbigay sa kapwa at laging tandaan na ang kasalanan na pinagsisihan ay may


kaakibat na kaparusahan.

You might also like