Mga Pabula GEC 12

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Mga Pabula

Presented by:
Pacalundo Sangcad at
Maurel Actub.
Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga
tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing,
lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging
kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong
nagbibigay-aral
Mga halimbawa ng Eco-Fables
- Ang karera ni Pagong at Talangka.
- Ang Lobo at ang Kambing.
- Si Paruparo at si Alitaptap.
- Si Tipaklong at Langgam.
- Ang Alakdan at ang Palaka.
- Ang Kuneho at ang Pagong.
Ang karera ni Pagong at
Talangka
Isang araw nagkita sina Pagong at Talangka sa may
baybay dagat. Nang makita ni Pagong si Talangka,
inumpisahan niya itong tuksuhin.

Hoy!
Mas
Ambagal mo
mabagal ka
naman.
kaya kaysa
sa kin!
Ano kare
ra
tayo
bukas?! Sige ba!
Bukas!
Nang gabing iyon, nagtipon-tipon
ang mga Talangka at nagmiting
dahil kinabukasan ay magkakarera
sina Pagong at Talangka. Sinabi ni
abi
Talangka, " Ngayong g
ag si kal at kayo
m
sa daan na
g d ad a a n an
amin
m in g
bukas sa a
karera.
Dumating na ang araw ng karera. Ang buong bansa ay sinabihan para
sila'y magsidalo sa karera. Hanggat sa nagsimula na ang karera.

Talangka??,
nasaaan ka
na ?!! Narito!
Nauuna sa yo
!!
Hindi alam ni Pagong na dinaya siya ni Talangka, dahil napakaraming Talangka.
Ang kalahok ni Pagong ay hindi umalis sa pinag-umpisahan ng karera. Ang
Talangka na sumasagot ay ang mga kasamahan ni Talangka na kanyang kalahok
sa karera.

Kaya nanalo si Talangka. Walang magagawa si


Pagong dahil napakaraming talangka ang nakakalat
sa daan.
Ang Lobo at ang
Kambing
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon
upang maka-ahong palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang
kinahulugan.
Noo’y dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon
at narining ang tinig ng lobo.
“Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo,
napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon.
At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo.
“Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong
naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.”
Papaano?”
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna
ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita hahatakin palabas,”
pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong
pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng
malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang
kambing na magpapaloko.”
At malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.
Si Paruparo at
si
Alitaptap
May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki.
 Iniwan niya itong nakabaligtad at kakawag-kawag sa lupa.
Paruparo : Saklolo!  Tulungan ninyo ako!  (Dumaan si Langgam
at narinig ang sigaw ni Paruparo)
Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako.
 Maganda ang sikat ng araw at maghahanap pa
ako ng pagkain.  (Umalis si Langgam at iniwan ang kaawaawang
Paruparo)
Paruparo : Saklolo!  Maawa kayo sa akin.  Tulungan ninyo
ako.  (Dumating si Gagamba.  Lumapit siya kay Paru-paro)
Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang
aking bahay.  Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si
Gagamba)
Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako.  Didilim na at magsisitulog na ang
kasama kong kulisap.  Wala nang sa akin ay makakakita.  (Pagod at gutom na si
Paruparo.  Napaiyak siya.  Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may
napansin siyang papalapit na pakislap-kislap na liwanag)
Alitaptap : Naku, bakit ka nandiyan?  Napaano ka at kawag ka nang kawag?
Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli
ako ng isang batang lalaki.  Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong
nakabaligtad dito.  Hindi ko kayang tumindig na mag-isa upang lumipad.
 Maaari bang tulungan mo ako?
Alitaptap : Aba, oo.  Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko.  (Ilan pang
sandali ay dumating ang maraming alitaptap).
Paruparo : Maraming salamat sa inyo.  Kayo ang sagot ni Bathala sa aking
dalangin.  Kaybuti ng inyong kalooban...
Alitaptap : Walang anuman, kaibigang Paruparo.  O sige, aalis na kami.
Paruparo : Aalis na rin ako.  Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak.
 Salamat na muli.
Si Langgam at
Tipaklong
• Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising
na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng
dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito
at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong. 
• "Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong
dala. Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"
• "Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon," sagot ni
Langgam.
• "Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang
panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."

Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin
para ako ay may makain pag sumama ang panahon."
• Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at
sa gabi umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas ang
hangin kasabay ang pagbuhos ngmalakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang
kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahanang kaibigang si Langgam. Paglipas ng
bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
• "Tok! Tok! Tok!" 

• Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang aking kaibigan," wika ni
Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."
• Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng pagkain.
Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.
• "Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo.
Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang panahat nang may makain pagdating
ng tag-gutom."
• Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama nasiya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa lahat
natuto siyang mag-impok.
Ang Alakdan at
ang Palaka
• Isang araw, may isang alakdan na lumilibot sa bundok upang makahanap ng lilipatan. Nilakbay niya ang
mga gubat, burol... Umakyat sa mga batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya sa isang ilog. Malawak
at mahaba ang ilog kaya huminto siya at nagplano. Walang paraan para siya ay makatawid kaya't siya ay
naglibot paakyat-pababa sa paligid ng ilog hanggang sa siya'y napaisip na bumalik na lamang. Mula sa isang
tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa ilog. Naisip niyang humingi ng tulong dito.

• "Magandang Umaga Ginoong Palaka!" tawag ng alakdan. "Maaari mo ba kong isakay sa iyong likod para
makatawid sa ilog?" 

• "Ayoko nga, paano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?" tanong nang nangangambang palaka. 

• "Dahil," sagot ng alakdan. "Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong lumangoy!“

• Mula doon ay napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan... Nguni't para makasiguro ay
tinanong niya ito ulit. 

• "Paano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo pa rin akong patayin tapos ay ikaw na lang ang uusad
sa gilid ng ilog."

• "Totoo," sumang-ayon ang alakdan, "Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang dulo ng ilog."


"O sige... paano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong kabilang dulo bago mo ko patayin." sabi ni
palaka.
Ahhh... dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang
na loob sa iyo kaya't hindi ko magagawang patayin ka, diba?" sagot ng alakdan.

Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa


kinaroroonan nito at isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa
ilog na kasama ang alakdan... Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na
di malulunod ang kanyang pasahero. Nguni't sa kalagitnaan ng kanilang
paglalakbay, naramdaman ng palaka na may tumusok sa kanyang likuran. Nang
napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang pasahero ang nakatusok na
buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhid ang kanyang laman-loob
hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan.

"Loko-loko!" sambi't ng palaka, "Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo


ginawa yon?"

Nagkipit-balikat ang alakdan at sinabing, "Wala akong magawa, natural na sa


akin ang ganoon." At sabay silang nalunod sa malalim na ilog.
Ang Kuneho at ang
Pagong
• Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa
makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. 
• "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating
niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. 
• Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito
ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. 
• Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako
matatalo."  Lalo lamang siyang pinagtawanan. 
• "Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. 

• "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon."


Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. 
• Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong.
Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong
libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.  Nakapaligid sa
kanila ang mga kaibigang hayop. Si Matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng
paligsahan. 
• Handa na ba kayo". 

• Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". 

• "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni Matsing.

• Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan.


Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay
naroroon na siya sa paanan ng bundok.  Nang lumingon siya ay nakita niyang
malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.  Patuloy sa kanyang mabagal na
paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop.
Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang
lingun-lingon. 
• Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si Pagong sa
kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni
pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan
tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa
kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. 
Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa
marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na
mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy
siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.
Nang magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit
hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng
bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon
na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya.

You might also like