Heograpiya at Kasaysayan NG Pilipinas

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Heograpiya at

Kasaysayan ng Pilipinas

1
Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 17 Pagtatalakay ng Partisipasyon ng
Katipunan at Sekularisasyon sa Pagsulong ng Kamalayang Pambansa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rose Impuwesto, Bernadette C. Graspela at Veda Anne Chavez
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Araling
Panlipunan 5
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 17
Partisipasyon ng Katipunan at Sekularisasyon
sa Pagsulong ng Kamalayang Pambansa

3
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakatatalakay ng partisipasyon ng Katipunan at Sekularisasyon sa
pagsulong ng kamalayang pambansa.

PAUNANG PAGSUBOK
Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong A.P. notebook.

“Ano at Sino Ako”. Pagtukoy ng mahahalagang tauhan at detalye tungkol sa


Katipunan at Sekularisasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ako ang kinilalang Supremo ng Katipunan. Sino ako?
A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal
B. Marcelo H. del Pilar D. Graciano Lopez Jaena
2. Ako ang opisyal na pahayagan ng KKK. Ano ako?
A. Himagsikan C. Kalayaan
B. Katipunan D. Sedisyon
3. Ako ang Utak ng Katipunan. Sino ako?
A. Emilio Jacinto C. Andres Bonifacio
B. Marcelo H. del Pilar D. Emilio Aguinaldo
4. Ako ang kinapapalooban ng mga aral at katuruan ng Katipunan. Ano
Ako?
A. Kartilya ng Katipunan C. La Solidaridad
B. Sedisyon D. Rebolusyon
5. Ako ang tawag sa pagtatalaga ng mga Paring Sekular sa mga parokya.
Ano ako?
A. Kolonisasyon C. Partisipasyon
B. Sekularisasyon D. Gombursanisasyon

4
BALIK ARAL

Ano ang kahalagahan ng partisipasyon ng La Liga Filipina at La Solidaridad


sa pagsulong ng kamalayang pambansa.

ARALIN

Ang Partisipasyon ng Katipunan at Sekularisasyon sa


Pagsulong ng Kamalayang Pambansa
A. Kilusang Sekularisasyon

Sekularisasyon tawag sa pagtatalaga ng mga Paring Sekular na nangasiwa


ng mga parokya.

Uri ng Pari sa bansa sa panahon ng Espanyol:

1. Paring Regular tawag sa mga paring


Espanyol at miyembro ng mga ordeng
relehiyoso tulad ng Agustino,
Pransiskano, Recolito, Heswita at
Dominikano na ang layunin ay magtatag
ng mga misyon at magpalaganap ng
relihiyong katoliko at may karapatang https://live.staticflickr.com/282/18439891972_7efe2a8e78_n.jpg

humawak ng mga parokya.

2. Pareng Sekular tawag sa mga paring Pilipino na


nag-aral at nagsanay sa bansa at hinirang sa
parokya upang mapangalagaan ang ispiritual na
kapakanan ng mga tao. Obispo at Arsobispo ang
nanunumo sa kanila katulong lamang sila ng mga
Paring Regular.

 Dahil sa mabilis na pagdami ng katoliko sa bansa


inutos ni Papa Pio na pahawakin ang mga Paring
Secular ng mga parokya na hindi nagustuhan ng
mga Pareng Regular dahil wala daw ang mga ito https://upload.wikimedia.org/wikipedi
a/commons/6/6c/Gomburza.jpg

5
ng kasanayan sa pamamahala kaya sa bisa ng Atas noong 1776
ipinalabas ng Hari ng Espanya na ibalik sa mga Regular o Prayle ang
pamamahala ng mga parokya na sobrang nagmalabis sa kanilang
kapangyarihan na tinutulan ng mga paring Pilipino dahil ito daw ay
isang diskriminasyon sa mga pari.

 Noong Nobyembre 9, 1874 nagpalabas ng Atas ang Hari ng Espanya


na nag-uutos sa sekularisasyon ng mga parokya at sinanay nang
mabuti ang mga Paring Sekular.

 Mahigpit namang tinutulan ito ng mga Paring Regular at sinabing ang


mga Paring Sekular ang namuno sa mga pag-aalsa sa Cavite o Cavite
Mutiny na ang sangkot dito ay si Lamadrid isang sarhentong Pilipino
at mga manggagawa sa arsenal ng Cavite na ang layunin ay
pabagsakin ang mga Espanyol. Muling nagpalabas ng Atas noong
1861 na ibigay ang mga Parokya sa mga Heswita, ang Parokya sa
Mindanao at sa Paring Rekolito, ang mga Parokya sa Mindanao.

Mga Dahilan ng Pakikipaglaban ng mga Paring Sekular o Paring


Pilipino:
1. Diskriminasyon sa mga pari
2. Pagtanggal sa mga Paring Pilipino sa 2 pinakamayamang parokya
sa Pilipinas sa mga Prayle.
a. Parokya ng Antipolo
b. Parokya ng San Rafael sa Bulacan.

Mga Paring Pilipinong Kabilang sa Kilusang Nagtaguyod ng


Kanilang
Karapatan:

1. Padre Pelaez
2. Mariano Gomez
3. Jose Burgos
4. Jacinto Zamora

 Si Gobernador Heneral Izquierdo ang


humatol ng kamatayan sa 3 Pari sa
pamamagitan ng garrote sa Bagumbayan
(Luneta Park) noong Pebrero 17,1872 at
humiling na tanggalin ng 3 pari ang kanilang
abito bago sila patayin pero ito ay
tinanggihan ni Arsobispo Martinez at sa halip
https://desdesdr.eu/wp-
content/uploads/2016/01/tumblr_inline_o1fgsbTG8l1
r3nqgy_540.png

6
pinatugtog ang Plegaria ng Kampana ng mga simbahan sa Maynila
bilang simbolo ng pakikipagdalamhati sa 3 paring martir na sina
Mariano Gomez, Jose Burgos,Jacinto Zamora.

 Ang pagkamatay ng 3 paring martir ang dahilan ng pagkagising ng


diwang makabansa ng mga Pilipino.

B. Kilusang Katipunan
 Ang Kataas-taasang, Kagalang-
galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan mas kilala
bilang Katipunan at KKK ay
isang lihim na samahan na
itinatag sa Pilipinas ni Andres
Bonifacio na may layuning
palayain ang bansa sa ilalim na
ng mga mananakop na Espanyol https://mgabayani.ph/wp-
sa pamamagitan ng dahas o content/uploads/2019/06/kkk.png
rebolusyon.
 Hulyo 7, 1892 ng itatag ang Katipunan o KKK dahil sa pagkabigo ng
Kilusang Propaganda, pagpatapon kay Rizal sa Dapitan at paghatol ng
kamatayan sa 3 paring martir.
 Kasama sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz at Jose
 Dizon, itinatag nila ang KKK sa bahay ni Deodato Arellano sa
#72 kalye Azcarraga sa Tondo, Maynila

Mga Halal na Pinuno ng Katipunan:


Deodato Arellano - Pangulo o supremo
Andres Bonifacio - Tagapamahala
Ladilao Diwa - Piskal
Valentin Diaz - Ingat –yaman
Teodoro Plata - Kalihim

Mga Alyas na Ginamit ng mga Katipuneros:


Magdiwang –Andres Bonifacio
Magdalo – Emilio Aguinaldo
Vibora – Antonio Ricarte
Pingkian – Emilio Jacinto

7
 Ang mga Katipunero o kasapi ng Katipunan ay nagmula sa iba’t ibang
sector ng lipunan tulad ng mga manggagawa, mga guro o mga
negosyante.

Kartilya ng Katipunan – tawag sa katipunan ng mga aral ng


Katipunan na binubuo ng 13 utos at ito ay sinulat ni Emilio Jacinto
na tinaguriang Utak ng Katipunan.

Dekalogo ng Katipunan – nakapaloob ang 10 alituntunin na mahigpit


ipinapatupad sa mga kasapi at ito ay sinulat ng Ama ng Katipunan na si
Andres Bonifacio.

Kalayaan – tawag sa pahayagan ng Katipunan na si Emilio Jacinto ang


naging patnugot pero upang iligaw ang mga Kastila si Marcelo H.
Del Pilar ang inilagay at ang pook palimbagan ay Yokohama, Japan
na nagkaroon ng malaking ambag sa paglaganap ng Katipunan.
 

Emilio Jacinto
o Kinilalang Utak ng Katipunan at
Himagsikan si Emilo Jacinto sapagkat
siya ang naghanda at sumulat ng mga
aral na dapat sundin ng mga kasapi sa
katipunan, Ang Kartilya ng Katipunan.
o Siya rin ang pangunahing sanggunian ni
Andres Bonifacio
o Ang mga mungkahi niya ay lubos
https://www.google.com/search?
napinahahalagahan ni Bonifacio. q=Emilio+Jacinto&tbm=isch&ved=2ahUKEwivmeaKm
_zrAhVL25QKHbYTCwMQ2-
cCegQIABAA&oq=Emilio+Jacinto&gs_lcp
 Nabunyag ang lihim ng samahan dahil sa
pangungumpisa ni Teodoro Patino kay Padre Mariano Gil nang sila ay
magkaroon ng hidwaan ni Apolonio dela cruz.
 Noong ika-23 ng Agosto 1896 ipinatawag ni Bonifacio ang mga pinuno
ng Katipunan at napagkasunduang simulan ang paghihimagsik.
 Si Emilio Aguinaldo ang namuno sa mga Katipunero sa Cavite.
 Sa kumbensiyon sa Tejeros ay itinatag ang isang Rebolusyonaryong
Pamahalaan noong Marso 22, 1897.
 Napakalaki ng ginampanan ng kababaihan noong panahon ng
himagsikan tulad nina Melchora Aquino, Gregoria Montoya, Agueda
Kahabagan, at iba pa.
 Lumaganap ang himagsikan sa pagitan ng mga Katipunero at
Espanyol sa iba’t ibang panig ng bansa.

8
 Hindi nagtagumpay ang mga katipunero dahil sa hindi pagkaka
unawaan ng bawat isa sa samahan.

Mga Pagsasanay

A. TAMA O MALI. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay


nagpapahayag ng katotohanan at Mali kung hindi.

_______1. Napakalaki ng papel na ginampanan ng kababaihan noong


Panahon ng himagsikan.
_______2 Ang Katupunan ay isang lihim na samahan na naglalayong
makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng dahas
_______3.Nakatulong ang pagpatay kina Bonifacio at Procofio sa
Himagsikang Pilipino.
______ 4. Kasama sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz at Jose
Dizon, itinatag nila ang KKK sa bahay ni Deodato Arellano sa
#72 kalye Azcarraga sa Tondo, Maynila
______5. Hindi nagtagumpay ang mga Katipunero dahil sa hindi pagkaka-
unawaan ng bawat kasapi nito.

B. Punan ang patlang. Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan


ng pagtukoy sa tamang salita. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Kinilalang Utak ng Katipunan at Himagsikan si
___________________________sapagkat siya ang naghanda at sumulat
ng mga aral na dapat sundin ng mga kasapi sa katipunan, Ang
Kartilya ng Katipunan.
2. Ang _______________ ay isang lihim na samahan na itinatag
sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa
sa ilalim ng mga mananakop na Espanyol sa pamamagitan ng dahas
o rebolusyon
3. Ang pagtatalaga ng mga Paring Sekular na nangasiwa ng mga parokya
ay tinatawag na _________________.
4. Sila ang mga paring Pilipino na nag-aral at nagsanay sa bansa at
hinirang sa parokya upang mapangalagaan ang ispiritual na
kapakanan ng mga tao. Sila ay tinatawag na ________________________
5. Ang mga __________________________ay nagmula sa iba’t ibang sektor
ng lipunan tulad ng mga manggagawa, mga guro o mga negosyante.

9
1. Basahin at suriin ang mga letrang nakatala sa bawat kahon sa ibaba.
Bilugan ang salita o pariralang may kaugnayan sa sekularisasyon.

S E K U L A R A P M
S D S N I L I K A A
E T P R A Y L E R R
P D T Y I R G H O T
A S G H E Y R T K I
R E G G F Y O T Y R
I T F G G G R S A T
N B A R K Y D F Y G
G R E G E L A R C D
R G E D E N D F G G

PAGLALAHAT

Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ang konsepto o diwang


ipinahahayag.

Ang Kilusang Sekularisasyon ay ___________________________________________

__________________________________________________________________________.

Ang Katipunan ay ________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga Katipunero, gagawin mo rin ba ang
paraan ng pakikipaglaban ng mga Katipunero? Bakit?

10
= PANAPOS NA PAGSUSULIT

I. Suriing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Ano ang nagbunsad sa Katipunan upang gumamit ng dahas sa


paghihimagsik laban sa mga Espanyol?
a. Sapagkat likas na magaling sa pakikipaglaban ang mga
pinunong nagtatag nito.
b. Sapagkat may sapat na kakayahan at armas na ang mga
Pilipino noon kaya’t kayang-kaya nilang makipagsabayan sa
mga Espanyol.
c. Sapagkat nakita nilang hindi naging matagumpay ang
dalawang nauang samahang gumamit ng mapayapang
paraan sa paghingi ng mga reporma.
d. Lahat ng sagot ay tama.
2. Anong katangian ang ipinakita ni Teodoro Patino ng ibinunysg niya
ang lihim ng Katipunan sa isang pari?
a. Magagalitin at mapaghiganti sa maling nagawa ng kapwa
b. Matapat at masunuring kasapi ng samahan
c. Mapagkumbaba at malawak ang pag-iisip
d. Mapagmahal sa samahan
3. Ito ay lihim na samahan na itinatag ng mga Katipunero na may
hangaring makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng dahas.
A. Sekularisasyon C. Katipunan
B. Propaganda D. GOMBURZA
4. Ano ang naging bunga ng pagpatay kay Andres Bonifacio?
A. Humina ang kilusan at nagkawatak-watak ang mga miyembro
nito
B. Nagalit ang maraming rebolusyonaryo kay Aguinaldo
C. Higit na nagkaisa ang mga rebolusyonaryo
D. Ang pagkapatay ni Bonifacio ay nagdulot ng tagumpay sa
samahan upang labanan ang mga Kastila.
5. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pakikipaglaban ng mga
Paring Sekular o Paring Pilipino?
A. Diskriminasyon sa mga pari
B. Pagtatanggal ng karapatan sa mga paring Pilipino na mabuhay
ng marangal
C. Pagpatay sa tatlong Paring Martir
D. Sapilitang pagpatrabaho sa mga Paring Sekular

11
TAMANG SAGOT

I. Paunang Pagsubok III. Panapos na Pagsusulit


1. A 1. C
2. C 2. A
3. A 3. C
4. A 4. A
5. B 5. A
II. Pagsasanay
A. 1. Tama B. 1. Emilio Jacinto
2. Tama 2. Katipunan
3. Mali 3.Sekularisasyon
4. Tama 4. Paring Sekular
5. Tama 5. Katipunan
C.
1. Sekular 4. Prayle
2. Paring Regular 5. Martir
3. Parokya

S A N G G U N I A N
Gabuat, Maria Annalyn P, etal (2016) Araling Panlipunan 5, FEP
Printing Corporation, Philippines, pp. 50-59
https://www.slideshare.net/romelynreyes/teoryang-pinagmulan-ng-lahing-
pilipino-77702245?fbclid=IwAR2gPLykBXg1iMEDcu-
49j8i6O5fCBnKMIDRFp_zyzUb7lYYj9I8P15g7Bs

12

You might also like