Kasaysayan NG Pilipinas
Kasaysayan NG Pilipinas
Kasaysayan NG Pilipinas
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Modyul
para sa araling Ambag ng Kilusang Propaganda sa Pagpukaw ng Damdaming
Makabayan!
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Ang mga bagay na narito ay sarilinang pag-aaral sa Araling Panlipunan
6. Ang lahat ng mga pagsasanay at gawain nakalakip dito ay makatutulong
sa iyo upang ikaw ay umunlad at matuto ng tungkol sa: Ambag ng Kilusang
Propaganda sa Pagpukaw ng Damdaming Makabayan ng mga Pilipino
PAUNANG PAGSUBOK
BALIK-ARAL
Pinag-aralan natin ang tungkol sa Sekularisasyon at Cavite Mutiny
noong 1872.
Ang naging dahilan sa pagbitay sa garote sa tatlong paring martir na
sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora, o mas kilala bilang
GomBurZa ay dahil daw sa pagtanggal ng pribilehiyo ng mga nagtatrabaho
sa arsenal ng Cavite sa hindi pagbabayad ng tributo o buwis at sa hindi
paglahok sa sapilitang paggawa. Nabigo ang pag-aalsa.
Ang mga tunay na utak ng pag-aalsa ay hindi ang tatlong paring
martir na binitay kundi ang mga mason na sina Máximo Inocencio, Crisanto
de los Reyes, at Enrique Paraíso na kasama sa mga ipinatapon lamang.
Nang dahil sa maling paratang ay nahatulan ng kamatayan ang tatlong
Paring Martir. Lalong sumidhi ang galit ng mga Pilipino lalo na ang nasa
panggitnang-uri.
ARALIN
Kilala mo ba sila?
Source:https://www.google.com/search?q=image+ng+propagandista&sxsrf=ALeKk03bVKVlNH03y44
UwIbqe9u9Np0S6Q:1592134806178&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=O5Xl809GwqZShM%2
KILUSANG PROPAGANDA
Ang mga Pilipinong iskolar na sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Jose Maria Panganiban, Juan Luna, Antonio Luna at Graciano Lopez-Jaena
at mga Pilipinong ipinatapon sa Hongkong, London, Madrid, at Barcelona ay
nagtipon-tipon upang itatag ang Kilusan.
Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusang naghimagsik sa tahimik
na pamamaraan.
Ang talas ng isipan, kahusayan sa panulat, pagbigkas o pananalumpati,
galing sa sining at pamamahayag ay ginamit na kasangkapan upang
gisingin ang natutulog na kamalayan ng mga Pilipino sa kung ano ang
tunay na kalalagayan ng bansa sa panahon ng kolonyalismo.
Pagkatapos ng pagbitay kina GOMBURZA, sumidhi ang diwang
makabansa ng mga Filipino. Naghangad sila ng mga repormang
panlipunan.
Pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda na bigyan ng
kalutasan ang mga kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa
Pilipinas sa paraang panulat.
Iba Pang Layunin
LA SOLIDARIDAD
Google.com/search?q=image+ng+la+solidaridad&tbm=isch&ved=2ahUKEwjcrraunIHqAhUID
LAYUNIN NG LA SOLIDARIDAD
• Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran
• Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan
• Ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng
mga hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito
NOLI ME TANGERE (1887)
EL FILIBUSTERISMO (1891)
Source:https://www.google.com/search?q=image+ng+Noli+Me+Tangere&tbm=isch&ved=2ahUKEwjJgZjznIHqAhWOzYsBH
UABDoMQ2-cCegQIABAA&oq=image+ng+Noli+Me+Tangere&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoECAAQGDoGCAA
LA LIGA FILIPINA
• Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas
• Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa paghingi
ng reporma sa mapayapang paraan
• Tumagal lamang ng 3 araw ang samahang ito dahil ipinadakip na si
Rizal noong Hulyo 7, 1892.
Source:https://www.google.com/search?q=image+ng+La+Liga+Filipina&tbm=isch&ved=2ahUKEwj94KeRnYHqAhVBAqYKHT
IxDXMQ2-cCegQIABAA&oq=image+ng+La+Liga+Filipina&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoGCAAQCBA
Pagsasanay# 1
Sino o ano ang tinutukoy? Isulat ang iyong sagot sa patlang sa hulihan
ng bawat isang pangungusap.
1. Ang kilusang itinatag ng mga Ilustrado o Repormista sa Espanya._____
2. Ang ginamit na opisyal na pahayagan ng mga manunulat ng kilusang
Propaganda ____________
3. Siya ang unang patnugot ng pahayagang La Solidaridad. _____________
4. Inilahad sa mga akdang aklat na ito ang kalupitan, kasamaan at
kabulukan ng sistema ng mga prayle at mga pinunong Espanyol
______________________________
5. Samahang itinatag ni Rizal nang makabalik sa Pilipinas.______________
Pagsasanay # 2
PAGPAPAHALAGA
PANAPOS NA PAGSUSULIT
2. D 2. 2.La Solidaridad 2. C
1. B 1. Kilusang Propaganda 1. 1. A
Sanggunian
A. Book
Vivar, Teofista L., et. al,1998 Pilipinas Heograpiya, Kasaysayan at
Pamahalaan, Gregorio Araneta Avenue, cor. Maria Clara St. Quezon City,
Vibal Publishing House, Inc.
B. Digitized (Google Chrome)
Galindo, Ana Amelia P., MT II, 2017 Kilusang Propaganda,PPT. Presentation,
Calamba Central School, Calamba, Misamis Occidental,
C. Digitized Images
Author /Contributor
Miranda, Leo, et.al, Noli Me Tangere, Comics,Anvil, Publishing Inc. 2006
https://www.google.com/search?q=image+ng+propagandista&sxsrf=ALeKk03bVKV
lNH03y44
UwIbqe9u9Np0S6Q:1592134806178&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=O5Xl809G
wqZShM%2