Esp6 Adm Q4 M4 Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Patunay ng Pananalig sa Diyos
Edukasyong Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 4: Patunay ng Pananalig sa Diyos

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alvin Z. Aguilar at Felve P. Chua
Editor: Teresita Z. Olasiman
Tagasuri: Teresita Z. Olasiman
Tagaguhit:
Tagalapat: Alvin Z. Aguilar at Felve P. Chua
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed. D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan – Modyul 4:
Patunay ng Pananalig sa Diyos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Patunay ng Pananalig sa Diyos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Patunay na Nagpapaunlad ng Pagkatao ang Ispiritwalidad.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutunan sa nasabing baitang. Nakapaloob dito kung
paano napaunlad ang pagkatao ng isang indibidwal dahil sa aspetong
ispiritwal.
MELC: Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
Hal. Pagpapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting
pagkatao anuman ang paniniwala; pagkakaroon ng positibong
pananaw

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Mga Layunin:

Kaalaman: Matutukoy kung paano maisabubuhay ang pananalig sa Diyos

Saykomotor: Maipaliliwanag kung paano napapaunlad ng pagkatao ang


ispiritwalidad

Apektiv: Maisasabuhay ang positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa


Diyos sa pamamagitan ng pakikipagkapwa tao upang mapaunlad ang
ispiritwalidad.
Subukin

A. Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) sa mga pahayag na


nagpapatunay ng pag-unlad ng pagkatao ang ispiritwalidad at malungkot na
mukha ( ) kung hindi.

______1. Lihim na pinagtatawanan ang kaklaseng nakasuot ng mahahabang saya


habang nagsisimba.
______2. Palagiang magdasal sa araw-araw.
______3. Makilahok sa mga programa para sa pagsulong ng malinis na kapaligiran.
______4. Hayaang tawagin ng paulit-ulit sa pagtulong sa gawaing-bahay.
______5. Makilahok sa pagbibigay ng mga relief goods dahil alam mong ikaw ay
iinterbyuhin pagkatapos.
______6. Maglaan ng oras sa pagtatanim ng mga puno sa paligid.
______7. I-post sa kahit na anomang social media ang mga gawaing nakatulong sa
kapwa.
______8. Pagsamba sa Poong Maykapal na walang kapantay.
______9. Pagsasabi ng totoo dahil naniniwala ka sa pagsasabi ng katotohanan ikaw
ay pinagpala ng Maykapal.
______10. Maging mabait sa kapwa at ipagdasal ang nakakabuti ng nakararami.

1
Balikan

Lagyan ng kaukulang tsek (/ ) ang mga pahayag na nagpapatunay ng pag-unlad ng


pagkatao ang ispiritwalidad. Gawin ito sa iyong kwaderno

Mga Pahayag Tama Mali


1. Ginugugol ang libreng oras sa pagtulong sa mga
magulang sa gawaing bahay.
2. Tinatawanan ang mga pulubing nanghihingi ng pera
malapit sa simbahan ng Quiapo.
3. Binibisita ang kapatid na nagkasakit sa ospital at
ipinagdarasal ang agarang paggaling nito.
4. Tinutulungan ang matandang babae sa pagtawid sa
kalsada.
5. Kinukupitan ang mga bulag na umaawit sa kalye.

2
Tuklasin
Basahin at unawain nang mabuti ang maikling kuwento.

Alas-singko ng hapon. Uwian na ng mga mag-aaral .Habang naglalakad ang


magkakaibigang Jane, Bianca at Lucy papunta sa tindahan ni Mang Oscar na malapit
sa simbahan. Palagi nilang napapansin ang batang si Ton-Ton na sa tuwina’y
nanunuod sa kalapit na upuan na tingin nang tingin sa mga tinda ni Mang Oscar. Pero
sa hapong iyon ay hawak nito ang kanyang tiyan. Nagtataka agad na nagwika si Lucy,
“Tingnan ninyo si Ton-Ton, parang gutom.” “Oo nga “, sang-ayon naman ang dalawa.”
Tara, lapitan natin” saad ni Bianca.

Nagpasya ang magkakaibigan na huminto at bumili ng isang supot ng tinapay at isang


plastik ng buko juice.”Ton-Ton, ito oh, para sa iyo”, wika ni Jane. Nahihiyang tinanggap
ni Ton-ton ang pagkain at nagpasalamat sa magkakaibigan at nakangiting tumakbo
papasok sa simbahan.

Nagtataka man ay nakangiting Mang Oscar ang nagwikang “kay babait na mga bata,
nawa’y pagpalain kayo ng Maykapal sa inyong ginawa kay Ton-Ton”.” Maraming
salamat po, Mang Oscar.” sabay na wika ng magkakaibigan.

Simula ng araw na iyon, binabati na sila ni Ton-ton bago ito uuwi sa kanilang bahay.

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kwento. Isulat ang inyong sagot sa
kwaderno.

1.Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


___________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

2.Ano ang nakita nila isang hapon?


___________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

3.Bakit nila tinulungan si Ton-Ton?


___________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

4.Bakit sa tingin mo pumasok sa simbahan si Ton-Ton pagkatapos niyang mabigyan


ng pagkain?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________________.

5.Kung ikaw sina Jane, Lucy at Bianca, gagawin mo rin ba ang ginawa
nila?Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

PAGYAMANIN

an
Suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng ( / ) ang iyong pinaniniwalaang
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Palagi Paminsan Hindi ko


-minsan ginagawa

1. Nakikilahok sa mga gawain sa inyong


simbahan.
2. Naiisip na dapat isa lamang ang relihiyon ng
lahat ng tao sa mundo.
3. Nakikipag-usap sa ibang tao kahit iba ang
pinaniniwalaang panrelihiyon.
4. Nagbabasa ng mga verses sa bibliya bago
matulog.
5. Nag-iisip ng ikakaunlad ng pagkatao at
paniniwala sa Diyos.
6. Ginagalang ang relihiyon o ispiritwalidad ng
bawat taong nakakahalubilo.
7. Tumutulong sa mga maysakit.

8. Pagsisimba sa araw ng Linggo.

9. Pagbibigay ng kaunting halaga sa mga


nasalanta ng bagyo kahit iba pa ang kanilang
paniniwala.
10. Makinig sa pangaral ng pinuno nginyong
simbahan kahit napakahaba na ng kanyang
sermon sa misa.

ISAISIP
Ang ispiritwalidad at pananalig sa Diyos ng bawat tao ay may malaking bahagi na
ginagampanan sa paghubog ng mabuting pagkatao. Dahil sa taimtim na paniniwala
sa Diyos at sa mga salita ng Diyos na mababasa natin sa Kanyang Banal na aklat na
Bibliya. Napapaloob dito ang paghubog sa ating pagmamahal sa Kaniya at nalinang
natin ang paghahangad na magkaroon ng mabuting pagkatao
.
Ito’y nag-uugat sa mabuting pakikipagrelasyon natin sa Diyos. Habang tayo ay
lalapit sa Kaniya, mas lalo tayong napapalapit sa kabutihan. Ayon sa kasabihan sa
Ingles, “Goodliness is next to Godliness o ang kabutihan ay ang kabanalan”.

Ang pagiging mabuting tao ay wala itong pinipiling kasarian, estado sa buhay,
katalinuhan, katanyagan, kulay ng balat at higit sa lahat sa iyong relihiyon, nawalang
hinihinging kapalit at handang magsakripisyo makagawa lamang ng ikabubuti para sa
kanilang kapwa. Ito ay nasa puso ng bawat isa na hinubog ng pagmamahal sa kapwa
at walang kapantay na pagmamahal sa ating Poong Maykapal.

ISAGAWA
Panuto: Pumili ng isa sa mga nakalarawan sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng
malaking hugis krus ang iyong sagot sa katanungan na “Paano mailalarawan ang
pag-unlad ng pagkatao dahil sa pananalig sa Diyos?”

Pagtulong sa nangangailangan
Pagsisimba
Pag-aalaga sa may sakit

TAYAHIN
Basahin at unawain ang mga pangungusap. Bilugan ang bilang na nagpapahayag
ng may pananalig sa Diyos. Gawin ito sa iyong kwaderno

_____1. Pagtulong sa mga kakababayan na walang hinihinging kapalit.


.
_____2. Pagsasawalang kibo sa kaklase mong hindi mo gusto.

_____3. Pagdadasal bago at pagkatapos kumain.

_____4. Kawalang galang sa mga nakakatanda sa iyo.

_____5. Kawalang malasakit sa pilay na nadapa sa kalsada.

_____6. Pagkilos ng bukal sa loob sa gawaing pinapagawa ng mga magulang.

______7. Pagdarasal sa simbahan sa oras ng pagdasal.

_____8. Hindi pagpansin sa mga kaklaseng may ibang pananalampalataya.

_____9. Magkakaroon ng mahinahon na pananalita sa mga kasambahay habang


nag-uutos.
.
_____10. Huwag pagtuunan ng pansin ang mga mabuting aral na iyong narinig.

KARAGDAGANG GAWAIN
PANUTO: Sagutin ang katanungan na ito.

1._______________________________________________________________________________
Paano mapanatag ang iyong paniniwala sa Diyos sa problemang ating
_______________________________________________________________________________
kinakaharap ngayon?Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______

SUSI SA PAGWAWASTO

1,3,6,7,9
Answer may vary 5.
Answer may vary 4. Mga bilang na may bilog
Answer may vary 3.
Answer may vary 2. Tayahin
Answer may vary 1.
/ 5.

Answer may vary / 4.

Pagyamanin / 3.

/ 2.

/ 1.

M T

Balikan

SANGGUNIAN
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pahina 132-137
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like