Mapeh W4 Q4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Quarter: 4 Week: 4 Learning Area: MAPEH 5 (HEALTH)

May 22,23,24, 2023 - Modular Distance Learning


Day 1
Home-Based Activities
HEALTH 5

Ang pangunang lunas ay napakahalaga upang mapatagal ang buhay ng isang tao. Ito ay ang pangmadaliang
pagkalinga o paglalapat ng tulong panlunas sa mga taong napinsala ng
sakuna o karamdaman. Sa pagbibigay ng pangunang lunas sa mga nasugatan, nakagat ng insekto o hayop,
napaso, nagtamo ng sunog sa katawan, o nalason ng kinaing pagkain, naiibsan ang kirot o sakit na nararamdaman
habang hinihintay ang medikong atensyon mula sa mga doctor.
Ang mga may malay na mga tao ay makapagpapanatili ng pagkakabukas ng sarili nilang daanan ng hininga subalit
ang mga taong walang malay ay walang kakayahang panatilihing bukas ang daanan ng hangin dahil dito, nararapat
lamang na walang balakid o hadlang sa daanan ng hininga kung saan makapapasok ang hangin sa pamamagitan ng
bibig o ilong.

Sa bawat paglapat ng pangunang lunas para mapatagal ang buhay ng isang tao, kailangang maisaalang-alang kung
ligtas at hindi makalalala ito sa kalagayan ng taong napinsala. Sa kabilang banda, mahalaga rin na masigurong ligtas
sa kapahamakan ang taong maglalapat ng pangunahing lunas. Magiging epektibo lamang sa kaniyang gagawin kung
maayos at ligtas ang kaniyang kalagayan. (Gatchalian, et al., 2016)
Ang mga Layunin ng Pangunang Lunas
• mapatagal o mapanatili ang buhay ng tao
• mabawasan o maibsan ang kirot na nararamdaman
• maiwasan ang paglala ng pinsala o karamdaman

Mga Panuntunan ng Pangunang Lunas

1. Tiyakin kung ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala o karamdaman.
Mahalagang maging mapanuri bago lapitan ang biktima at umpisahang bigyan ng pangunang lunas. Magmasid sa
paligid at siguraduhing ligtas na lapitan ang biktima at hindi ka mismo mapapahamak sa paglapit. Alamin muna kung
ano ang karamdaman ng pasyente. Kapag ito ay mga karaniwang pinsala kagaya ng sugat, kagat ng insekto o paso,
kaagad itong lapatan ng pangunang lunas. Subalit kung ang biktima ay nabalian ng buto o napilayan, hindi ito
maaaring alisin sa kinalalagyan o ilipat ng puwesto ang katawan. Hintayin ang mga bihasa sa gawaing ito ang
maglapat ng pangunang lunas.
2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng napinsala. Laging isaalang-alang ang kapakanan ng biktima ng sakuna sa
lahat ng pagkakataon at dapat alamin ang pangyayaring nagaganap. Alisin kaagad sa katawan ng biktima ang
anumang bagay na mabigat na nakadagan o nakapatong sa kaniyang katawan. Sa mga tao naman na biktima ng
kuryente kapag kasalukuyan itong nangyayari, patayin kaagad ang pinagmulan ng kuryente at ilipat sa ligtas na lugar
ang biktima.
3. Magsasagawa ng pangunang pagsusuri. Kailangan suriin muna ang biktima bago lapatan ng pangunang lunas.
Unahin munang suriin ang mga may kaugnayan sa daanan ng hininga, dapat isunod na suriin ang pinsala na may
kaugnayan sa sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan. Dapat din alamin kung kailangan ng biktima ng
resusitasyong kardyopulmonaryo o CPR (Cardiopulmonary Resuscitation).
4. Isagawa ang madaling aksiyon o kilos. Unahin ang dapat unahin. Upang makapagligtas ng buhay ng tao, kumilos
kaagad at unahin ang nararapat gawin. Dapat tandan ng mga tagapagbigay ng pangunahing tulong o panlunas ang
ABC o mga hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip ng buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng
iba pang paglalapat ng pangunang lunas.
A - Airway o Daanan ng Hangin
Suriin ang bibig at ilong bilang daanan ng hangin. Ang mga may malay na tao ay makapagpapanatili ng pagkabukas
ng sariling daanan ng hininga. Sublait kung walang malay ang biktima, wala itong kakayahang panatilihing bukas ang
daanan ng hangin. Maaaring hindi gumagana ang bahagi ng utak na likas at kusang nangangasiwa sa gawaing ito.
B - Breathing o Paghinga
Pakinggan, tingnan, at damhin ang mga senyales o palatandaan ng paghinga. Kapag ang biktima ay hindi humihinga
o nahihirapang huminga, luwagan ang kanyang kasuotan, siguraduhing walang nakabara sa kaniyang ilong, bibig, at
lalamunan at bigyan ng artipisyal na respiration.
C - Circulation o Pagdaloy ng Dugo sa Katawan
Hanapin ang pulso sa galanggalangan (wrist) o sa leeg. Kung walang makapang pulso, magsimula na sa chest
compression.
Kapag naiayos at napainam na ang ABC, maaari ng magbigay ng iba pang gawaing-panlunas kung kinakailangan.
Ito ang 3B o mga gawaing panlunas, nangangahulugan ito na dapat na suriin muna at lutasin ng taga-bigay lunas
ang anumang suliraning kaugnay sa buga ng paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay sa
balong ng dugo mula sa katawan ng pasyente, at mga baling buto.
1. Breathing o Buga ng Hangin
2. Bleeding o Balong ng Dugo
3. Broken Bones o Baling Buto

GAWAIN 1
Panuto: Iguhit ang puso kung tama ang isinasaad ng pangungusap at buwan
naman kung ito ay mali.
1. Ang paunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.
2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas.
3. Ang pangunang lunas ay maaari ding ibigay sa mga hayop.
4. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadagdagan ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala.
5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng paunang lunas ay upang maisalba ang buhay.

Day 2
Home-Based Activities
HEALTH 5

GAWAIN 2
Panuto: Hanapin sa word search puzzle ang sampung (10) salita na mayroong kinalaman sa paglalapat ng
pangunang lunas o first aid.

Day 3
Home-Based Activities
HEALTH 5

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi wasto.
1. Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat nakapagpapanatili o nakapagpapatagal ito ng buhay ng isang
tao.
2. Naiiwasan ng pangunahing lunas ang paglala ng mga pinsalang natamo o nararamdaman.
3. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong
napinsala.
4. Ang pangunang lunas ay hindi nakapagpapatagal ng buhay ng isang tao.
5. Ang mga taong magbibigay ng pangunang lunas ay may sapat na kaalaman at kasanayan.

May 25,26, 2023 - Face to Face


Day 4-5
I. LAYUNIN

A. CONTENT STANDARDS: demonstrates understanding of basic first aid principles and procedures for
common injuries.

B. PERFORMANCE STANDARDS: practices appropriate first aid principles and procedures for common
injuries.
C. MELC: explains the nature and objectives of first Aid

II. NILALAMAN
PAKSA: explains the nature and objectives of first Aid
CODE: H5IS-Iva-34
III. KAGAMITANG PANTURO:
References: MELC Grade V p.342, PIVOT 4A BOW p.245
Materials: laptop, ppt, kuwaderno, ballpen
Classroom-Based Activities
A. Preliminary Activities
A.1. Prayer
A.2. Reminder of classroom health and safety protocols
A.3. Checking of Attendance

B. Activity

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi wasto.
1. Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat nakapagpapanatili o nakapagpapatagal ito ng buhay ng isang
tao.
2. Naiiwasan ng pangunahing lunas ang paglala ng mga pinsalang natamo o nararamdaman.
3. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadadagdagan ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong
napinsala.
4. Ang pangunang lunas ay hindi nakapagpapatagal ng buhay ng isang tao.
5. Ang mga taong magbibigay ng pangunang lunas ay may sapat na kaalaman at kasanayan.

C. Analysis

Ang paunang tulong-panlunas o pangunang lunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunang tulong at
pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman habang hinihintay ang pagdating ng doktor. Ito rin
ay pampakalma at pampabawas sa kirot na nararamdaman sa pinsalang natamo ng isang tao.

D. Abstraction

Ang pangunang lunas ay napakahalaga upang mapatagal ang buhay ng isang tao. Ito ay ang pangmadaliang
pagkalinga o paglalapat ng tulong panlunas sa mga taong napinsala ng
sakuna o karamdaman. Sa pagbibigay ng pangunang lunas sa mga nasugatan, nakagat ng insekto o hayop,
napaso, nagtamo ng sunog sa katawan, o nalason ng kinaing pagkain, naiibsan ang kirot o sakit na nararamdaman
habang hinihintay ang medikong atensyon mula sa mga doctor.
Ang mga may malay na mga tao ay makapagpapanatili ng pagkakabukas ng sarili nilang daanan ng hininga subalit
ang mga taong walang malay ay walang kakayahang panatilihing bukas ang daanan ng hangin dahil dito, nararapat
lamang na walang balakid o hadlang sa daanan ng hininga kung saan makapapasok ang hangin sa pamamagitan ng
bibig o ilong.

Sa bawat paglapat ng pangunang lunas para mapatagal ang buhay ng isang tao, kailangang maisaalang-alang kung
ligtas at hindi makalalala ito sa kalagayan ng taong napinsala. Sa kabilang banda, mahalaga rin na masigurong ligtas
sa kapahamakan ang taong maglalapat ng pangunahing lunas. Magiging epektibo lamang sa kaniyang gagawin kung
maayos at ligtas ang kaniyang kalagayan. (Gatchalian, et al., 2016)

Ang mga Layunin ng Pangunang Lunas


• mapatagal o mapanatili ang buhay ng tao
• mabawasan o maibsan ang kirot na nararamdaman
• maiwasan ang paglala ng pinsala o karamdaman

Mga Panuntunan ng Pangunang Lunas


1. Tiyakin kung ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala o karamdaman.
Mahalagang maging mapanuri bago lapitan ang biktima at umpisahang bigyan ng pangunang lunas. Magmasid sa
paligid at siguraduhing ligtas na lapitan ang biktima at hindi ka mismo mapapahamak sa paglapit. Alamin muna kung
ano ang karamdaman ng pasyente. Kapag ito ay mga karaniwang pinsala kagaya ng sugat, kagat ng insekto o paso,
kaagad itong lapatan ng pangunang lunas. Subalit kung ang biktima ay nabalian ng buto o napilayan, hindi ito
maaaring alisin sa kinalalagyan o ilipat ng puwesto ang katawan. Hintayin ang mga bihasa sa gawaing ito ang
maglapat ng pangunang lunas.

2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng napinsala. Laging isaalang-alang ang kapakanan ng biktima ng sakuna sa
lahat ng pagkakataon at dapat alamin ang pangyayaring nagaganap. Alisin kaagad sa katawan ng biktima ang
anumang bagay na mabigat na nakadagan o nakapatong sa kaniyang katawan. Sa mga tao naman na biktima ng
kuryente kapag kasalukuyan itong nangyayari, patayin kaagad ang pinagmulan ng kuryente at ilipat sa ligtas na lugar
ang biktima.

3. Magsasagawa ng pangunang pagsusuri. Kailangan suriin muna ang biktima bago lapatan ng pangunang lunas.
Unahin munang suriin ang mga may kaugnayan sa daanan ng hininga, dapat isunod na suriin ang pinsala na may
kaugnayan sa sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan. Dapat din alamin kung kailangan ng biktima ng
resusitasyong kardyopulmonaryo o CPR (Cardiopulmonary Resuscitation).

4. Isagawa ang madaling aksiyon o kilos. Unahin ang dapat unahin. Upang makapagligtas ng buhay ng tao, kumilos
kaagad at unahin ang nararapat gawin. Dapat tandan ng mga tagapagbigay ng pangunahing tulong o panlunas ang
ABC o mga hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip ng buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng
iba pang paglalapat ng pangunang lunas.

A - Airway o Daanan ng Hangin


Suriin ang bibig at ilong bilang daanan ng hangin. Ang mga may malay na tao ay makapagpapanatili ng pagkabukas
ng sariling daanan ng hininga. Sublait kung walang malay ang biktima, wala itong kakayahang panatilihing bukas ang
daanan ng hangin. Maaaring hindi gumagana ang bahagi ng utak na likas at kusang nangangasiwa sa gawaing ito.

B - Breathing o Paghinga
Pakinggan, tingnan, at damhin ang mga senyales o palatandaan ng paghinga. Kapag ang biktima ay hindi humihinga
o nahihirapang huminga, luwagan ang kanyang kasuotan, siguraduhing walang nakabara sa kaniyang ilong, bibig, at
lalamunan at bigyan ng artipisyal na respiration.

C - Circulation o Pagdaloy ng Dugo sa Katawan


Hanapin ang pulso sa galanggalangan (wrist) o sa leeg. Kung walang makapang pulso, magsimula na sa chest
compression.

Kapag naiayos at napainam na ang ABC, maaari ng magbigay ng iba pang gawaing-panlunas kung kinakailangan.
Ito ang 3B o mga gawaing panlunas, nangangahulugan ito na dapat na suriin muna at lutasin ng taga-bigay lunas
ang anumang suliraning kaugnay sa buga ng paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay sa
balong ng dugo mula sa katawan ng pasyente, at mga baling buto.

1. Breathing o Buga ng Hangin


2. Bleeding o Balong ng Dugo
3. Broken Bones o Baling Buto

E. Application

GAWAIN 1
Panuto: Iguhit ang puso kung tama ang isinasaad ng pangungusap at buwan
naman kung ito ay mali.
1. Ang paunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.
2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas.
3. Ang pangunang lunas ay maaari ding ibigay sa mga hayop.
4. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadagdagan ang kirot o sakit na nararamdaman ng taong napinsala.
5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng paunang lunas ay upang maisalba ang buhay.

IV. Evaluation

Panuto: Hanapin sa word search puzzle ang sampung (10) salita na mayroong kinalaman sa paglalapat ng
pangunang lunas o first aid.

PROFICIENCY LEVEL

You might also like