Q2 AP6 WK6 Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

6 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: [email protected]/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 2: Week 6
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: _____________________________Ikalawang Markahan- Ika-anim na Linggo


Baitang at Pangkat: _____________________ Petsa: ___________________________

ANG SISTEMA NG PAMAMAHALA AT RESULTA NG


PANANAKOP SA PANAHON NG HAPONES

Susing Konsepto

Ang pagdating at pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay lubhang nakaapekto sa


kabuhayan ng mga Pilipino. Itinatag ng mga Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinas
upang bigyan ng bagong pamahalaan ang mga Pilipino. Ngunit, kabaligtaran ang nangyari,
sapagkat ang mga militar ang nagpatakbo ng pamahalaan. Maraming nilabag na karapatang
pantao. Dahil dito, ang kabuhayan ng mga Pilipino ay hindi umunlad.

Balangkas ng Pamahalaang Pambansa ng mga Hapones

Samahan ng Pangasiwaang Sentral

Komisyong Tagapagpaganap

Sanggunian ng Estado

Panloob Pananalapi Katarungan Kalusugan, Agrikultura, Gawaing


Edukasyon Pangangalakal
Bayan

Tagapayong Tagapayong Tagapayong Tagapayong Tagapayong Tagapayong


Hapones Hapones Hapones Hapones Hapones Hapones

Itinatag ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas o Philippine Executive


Commission noong Enero 23, 1942. Hinirang si Jorge B. Vargas bilang Tagapangulo ng
komisyon. Dapat makipagtulungan at kilalanin ng mga Pilipino ang mga layunin ng Japan sa
pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Iniutos ni Punong Ministro Tojo sa
mga pinunong Pilipino na gumawa ng mga paghahanda tungo sa minimithing kalayaan.
Naitatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o KALIBAPI. Naging director-
general dito si Benigno Aquino Sr. Ang KALIBAPI ay ginamit din ng mga Hapones upang
himukin ang mga gerilya na sumuko. Inatasan ng Japan Military Administration ang
KALIBAPI na lumikha ng isang pangkat bilang bubuo ng konstitusyon sa magiging bagong
republika. Tinawag itong Preparatory Commission for Philippine Independence (PCPI).

2
Pinasinayaan ang Ikalawang Republika ng Pilipinas gayundin si Jose P. Laurel bilang
pangulo nito. Itinaguyod ang Programa ng Pamahalaan na tinawag na, “Ang Asya ay para
sa mga Asyano.”
Bagaman pinamunuan ng mga Pilipino ang republika, tinawag itong Republikang
Papet. Ang kagustuhan ng puwersang Hapones ang nanaig pa rin. Ang mga lider na Pilipino
ay sunud-sunuran sa mga idinidikta sa kanila ng mga Hapones. Noong Agosto 17, 1945,
binuwag ni Laurel ang Ikalawang Republika nang sumuko ang mga Hapones sa Allies.
MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA
a. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, ang mga sumusunod ay naitatag:
⮚ Philippine Prime Commodities Distribution Control Association – namahagi ng mga
pangunahing pangangailangan.
⮚ Kempeitai – isang hiwalay na pangkat ng mga pulis-sundalong Hapones upang
maghasik ng pananakot at sapilitang ipasunod ang mga layunin ng Japan
⮚ Comfort Homes – sapilitan pinagtatrabaho ng mga Hapones ang mga kababaihan
bilang comfort women.
b. Nagsagawa ang mga sundalong Hapones ng sona sa mga kalalakihan lalo na sa mga
lugar na maraming pinaghihinalaang gerilya.
c. Natutong magnegosyo ang maraming Pilipino sa pamamagitan ng buy and sell.
d. Ang tawag sa perang ginamit ng mga Pilipino sa panahon ng Hapones ay Mickey
Mouse Money. Salaping papel ito na gawa sa Japan na mukhang toy money dahil wala itong
serial number.
KAUTUSANG PANG-EDUKASYON
Isa sa mahahalagang bahagi ng patakarang binuo ng mga Hapones ay ang makuha
ang simpatiya at kooperasyon ng mga Pilipino at ang pagbubukas muli ng mga paaralan.
Ang lahat ng mga aklat na gamit sa paaralan ay dumaan sa sensura ng mga Hapones.
Nakasaad sa Kautusang Militar Blg.2 na binuo ng pamahalaang militar ang mga bagong
patakarang pang-edukasyon. Binalangkas ito noong Pebrero 17, 1942. Ilan sa mga
kautusang pang-edukasyon ng Japan ang:
❖ pagpapalaganap ng mga simulain ng Greater East Asia Co- Prosperity Sphere
❖ pagtuturo at pagpapalaganap ng Niponggo
❖ paghihiwalay ng edukasyong bokasyonal sa edukasyong pang-elementarya
❖ pagpapanumbalik-espiritwal ng mga Pilipino
❖ pagpapataas ng pagmamahal sa paggawa
❖ pagpapanatili ng kulturang Pilipino

RESULTA NG PANANAKOP NG MGA HAPONES


Nakaranas ang Pilipinas ng matinding paghihirap sa simula ng pananakop ng mga Hapones.
Maraming sinirang bukirin at pagawaan ang digmaan. Dahil dito, marami ang nawalan ng
pagkakakitaan.

3
Nagkaroon
ng Inflation o
pagtaas ng
presyo ng
mga bilihin.

Maraming
Naging laganap
pagawaan ang
ang malawakang RESULTA NG nagsara.
pagkagutom at PANANAKOP
sakit. NG MGA
HAPONES

Nawalan ng Nagkulang ang mga


trabaho ang pang-araw-araw na
maraming pangangailan dahil
manggagawa. lumiit ang
produksyon.

Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng


mga Hapones.
Mga Layunin:
1. Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal ng mga Hapones
2. Naipaliliwanag ang mga patakaran at batas pang-ekonomiya
3. Naiisa-isa ang naging resulta ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas

Pagsasanay 1
Panuto: Kahunan ang titk ng tamang sagot.
1. Sa pamamahala ng mga Hapones, nagtatag sila ng pambansang pamahalaan at tinawag
na_________.
A. Samahan ng Pangasiwaang Sentral
B. Sangguniang Bayan
C. Sanggunian ng Estado
D. Tagapayong Hapones
2. Ilang kagawaran ang binuo sa pamumuno ng Philippine Executive Commission?
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7
3. Sino ang nahalal na pangulo ng Komisyong Tagapagpaganap?
A. Claro M. Recto
B. Jorge B. Vargas
C. Jose P. Laurel
D.Quintin Paredes

4
4. Ang bawat Komisyonado ay may_________.
A. Tagapayong Amerikano
B. Tagapayong Espanyol
C. Tagapayong Hapones
D. Tagapayong Pilipino
5. Ito ang samahang itinatag at ginamit ng mga Hapones upang himukin ang mga gerilya na
sumuko.
A. HUKBALAHAP C. PCPI
B. KALIBAPI D. USAFFE
6. Lahat ng hakbang ng mga komisyonado ay dapat munang_________.
A. hatiin B. ipanalangin C. pagtibayin D. piliin
7. Ang Samahan ng Pangasiwaang Sentral ay bumuo ng magbibigay payo sa Komisyong
Tagapagpaganap. Ano ito?
A. Kapisanan sa Paglilingkod sa Bansa
B. Sangguniang Bayan
C. Sanggunian ng Estado
D. Tagapangulong Komisyon
8. Sino ang naging director-general ng KALIBAPI?
A. Benigno Aquino Sr. C. Jorge B. Vargas
B. Claro M. Recto D. Manuel Roxas
9. Ito ay naitatag bilang paghahanda sa pagkakaloob ng kalayaan at bubuo sa konstitusyon
ng magiging bagong republika.
A. Greater East Asia Co- Prosperity Sphere
B. Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas Japan Military Administration
C. Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
D. Preparatory Commission for Philippine Independence
10. Bakit tinawag na Puppet Republic ang Ikalawang Republika?
A. Dahil tayo ay naging sunud-sunuran sa gusto ng mga Hapones.
B. Dahil ang mga Hapones pa rin ang namahala sa atin.
C. Dahil kailangang may pagsang-ayon ang pamahalaang militar ng Japan sa lahat
ng mga kautusan at gawain ng Republika.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng bawat kaisipan ay tama, at isulat ang MALI
kung ito ay mali.
__________1. Namuhay sa takot ang mga Pilipino sa panahon ng Hapones.
__________2. Lumaganap ang mga sakit dahil sa hirap ng buhay at kakapusan sa
pagkain.
__________3. Pinalaganap ang wikang Amerikano sa pagtuturo sa mga paaralan.
__________4. Nakaranas ng inflation sa ekonomiya na nagdulot ng matinding kahirapan.
__________5. Naging masaya ang pagtanggap ng mga Pilipino sa bagong republika.
__________6. Nahalal na director-general ng KALIBAPI si Claro M. Recto.
__________7. Hindi naging ganap na nagsarili ang Ikalawang Republika.
__________ 8. Walang gaanong sigla ang muling pagbabalik-paaralan ng mga mag-aaral.
__________ 9. Nagtagal ang Ikalawang Republika.
__________ 10. Nagdulot ng pangamba at paghihirap ang pananakop ng mga Hapones.

5
Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa kahon.

1. Ito ang paraang ginamit ng mga Hapones upang madaling


makontrol ang mga Pilipino kung sila ang may gerilyang nakatago sa isang lugar.

2. Sila ang mga pulis-militar ng mga Hapones na nanguna sa


pagpapahirap sa mga Pilipinong kumakalaban sa pamahalaang Hapon.
3. Mga pera noong panahon ng Hapon na walang halaga.
4. Tawag sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
5. Paraang pagkita ng salapi sa pamamagitan ng pagbebentang
muli ng mga biniling produkto sa mas mataas na halaga.
Pagsasanay 4
Panuto: Magbigay ng mga paraan kung paano maipapakita ang pagpapahalaga sa
edukasyong tinatamasa mo ngayon. Isulat sa mga sanga ng puno ang sagot.

Mga Gabay na Tanong:


1. Batay sa araling binasa, ano ang naging epekto ng pamamahala ng mga Hapones sa
mga Pilipino?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6
2. Paano tinanggap ng mga Pilipino ang Ikalawang Republika sa ilalim ng Pamahalaang
Hapones?

Pagsasanay 5
Panuto: Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng mga naging resulta ng pananakop
sa atin ng mga Hapones. Idikit ang mga ito sa kahon.

Pangwakas:

Tayahin ang isinasaad ng bawat bilang batay sa iyong naunawaan. Lagyan ng


ang kaukulang hanay.

Di-
Aralin Napakahalaga Mahalaga gaanong
mahalaga
1.pagkakaroon ng sarili at matatag na
pamahalaan
2. pagkakaroon ng pambansang
kapayapaan
3.pagpapahalaga sa ginawa ng mga
Pilipino tungo sa pambansang kalayaan
4.pagpapahalaga sa uri ng edukasyong
tinatamasa mo ngayon
5. pangangalaga sa mga likas na yaman
ng bansa upang maiwasan ang
kakulangan sa pagkain

7
Sanggunian:

Lemi, Danilo V., Bigkis ng Lahi 5, 2012, Primebooks Publishing Corporation, 737 Burgos
Street Paliwas, Obando Bulacan

Pelingo, Lazelle Rose M., Sablaon, Ela Rose M., Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal
2011, Rex Book Store Inc., 856 Nicanor Reyes Sr, St., Sampaloc Manila

Andal, Erlinda F., Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan 2006, Book Wise Publishing
House Inc, 19 San Nicolas St., Saint Martin Village, Paranaque City

MGA GABAY NA TANONG: Magkakaiba-iba ng sagot ang mga mag-aaral


Magkakaiba-iba ng sagot ang mga mag-aaral

PAGSASANAY 4:
Buy & Sell
Inflation
Mickey Mouse Money
Kempeitai
Pagsosona
Pagsasanay 3:
10. TAMA
9. MALI
8. TAMA
7. TAMA
6. MALI
5. MALI
4. TAMA
3. MALI
2. TAMA
1. TAMA
Pagsasanay 2:

10. D 9. D 8. A 7.C 6. C 5.A 4. C 3. B 2. C 1.A

Pagsasanay 1:
Susi Sa Pagwawasto:

Inihanda ni:

MYRIAN D. DIOSO
Teacher III

You might also like