Ap W3-8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Pangalan ______________________________Baitang at Seksyon:___________

Asignatura: ARPAN-5 Guro: _________________________________________


Aralin: Ikatlong Markahan, Ikatlong Linggo, LAS 1 SCORE:
Pamagat ng Gawain: Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng ______________
Kolonyalismong Espanyol
Layunin: Natutukoy ang impluwensya ng mga Espanyol sa
kultura ng mga Pilipino sa Pananamit at Palamuti.
Sanggunian: MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa 5, P. 198
Manunulat: Mary Jean B. Bayudan
Pananamit at Palamuti
Ipinakilala ng mga Espanyol ang pagsusuot ng camisa chino, pantalon, sumbrero,
tsinelas, ropilla, at sapatos para sa kalalakihan. Ito ang pumalit sa bahag at kanggan na
dating isinusuot ng mga katutubo.
Ang mga kababaihan naman ay patuloy na nagsuot ng baro’t saya na kalaunan ay
naging kimona. Nagsuot din sila ng mantilla o itim na balabal, at panuelo o malaking panyo
na ipinapatong sa balikat. Pati ang pagsusuot ng palamuti ng mga Pilipino ay na
impluwensya din ng mga Espanyol tulad ng pagsusuot ng peineta o paggayak na suklay
sa buhok, at iba’t ibang hugis at laki ng hikaw.

Gawain: Panuto: Isaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang salita na tinutukoy
na kasagutan. Isulat sa patlang ng bawat bilang.

____________1. APUNOLE - malaking panyo na ipinapatong sa balikat bilang palamuti


sa katawan
____________2. NEITAPE – panggayak na suklay sa buhok ng kababaihan bilang
palamuti
____________3. MACIAS ONHIC – suot ng kalalakihan na pares sa pantalon

____________4. TAMINLAL - ito ang itim na balabal na sinusuot ng mga kababaihan


___________5. INKAMO - sinuot ng kababaihan pamalit sa baro’t saya.
Insert QR
Code here
______________________________________________________________________
SCORE:
Aralin: Ikatlong Markahan, Ikatlong Linggo, LAS 2
______________
Pamagat ng Gawain: Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng
Kolonyalismong Espanyol
Layunin: Natutukoy ang impluwensya ng mga Espanyol sa
kultura ng mga Pilipino sa Musika, Sayaw, at mga Pagdiriwang.
Sanggunian: MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa 5, P. 199-200
Manunulat: Mary Jean B. Bayudan
Musika, Sayaw at Pagdiriwang
Sa paghahalo ng sinaunang tradisyon at mga bagong natutuhang musika mula sa
mga Espanyol ay sumibol ang mga tradisyon sa pabasa- pagbasa o pag-awit ng pasyon,
Flores de Mayo- prusisyon para kay Birheng Maria, Santacruzan- prusisyon na
nagsasadula sa pagkatuklas ni Reyna Helena sa tunay na cruz ni Hesus, panunuluyan-
pagsasadula sa pagsilang kay Hesukristo, at salubong- pagsasadula sa pagkikitang muli
ng nabuhay na si Kristo at Birheng Maria.
Napatanyag din ang harana na isang uri ng kundiman o awit ng pagsinta na inaawit
sa harap ng tahanan ng dalagang nililigawan.
Nahaluan din ng impluwensiyang Kanluranin ang mga katutubong sayaw ng mga
Pilipino. Sinayaw ang Itik- Itik at Tinikling( isang sayaw na gumagaya sa paggalaw ng
ibong tikling) sa indayog at tempo ng la jota at polka. Ang sayaw nilang fandango ay
kinilala sa bansa na pandango sa ilaw. Ang carinosa na sayaw ng panunuyo o panliligaw
at iba pang sayaw ng pag-ibig at pananampalataya sa mga santo ay hango sa waltz.
Gawain: Panuto: Piliin ang tinutukoy na sagot mula sa loob ng kahon. Isulat ito sa patlang
ng bawat bilang.
harana panunuluyan Flores de Mayo fandango tinikling carinosa

1. sayaw ng panunuyo o panliligaw ______________________


2. uri ng kundiman o awit ng pagsinta ______________________
3. prusisyon para kay Birheng Maria ______________________
4. sayaw ng mga Espanyol na kinilala
sa bansa na pandango sa ilaw ___________
5. pagsasdula sa pagsilang kay Hesukristo ___________
Aralin : Ikatlong Markahan, Ikatlong Linggo, LAS 3 SCORE:
Pamagat ng Gawain : Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng
Kolonyalismong Espanyol ______________
Layunin : Natutukoy ang impluwensya ng mga Espanyol sa
kultura ng mga Pilipino sa Wika at Sistema ng Pagsulat
Sanggunian : MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa 5, P. 202
Manunulat : Mary Jean B. Bayudan
Wika at Sistema ng Pagsulat
Inilimbag noong 1593 ang kauna-unahang aklat sa Pilipinas, ang Doctrina
Christiana--isang aklat- dasalan na nakasulat sa Spanish at may kasamang pagsasalin
nito sa wikang Tagalog—na para lamang sa mga prayleng Espanyol. Binigkas nila ng
paulit-ulit ang mga dasal sa wikang katutubo. Kalaunan ay nagdesisyon ang mga
misyonerong Espanyol na umupa ng mga katutubong gumagawa ng trabahong ito. Dito
nagsimula ang pagkatuto ng ilang katutubo na magsulat sa Spanish at katutubong wika.
Sila ay tinaguriang mga ladino. Si Gaspar Aquino de Belen ay isa sa pinakatanyag na
ladino, ang manunulat ng Mahal na Pasyon ni Hesukristo, isang patulang salaysay sa
pasyon, kamatayan at muling pagkabuhay.
Mula sa pagkatuto ng mga katutubo sa Spanish ay nabuo ang Chavacano—isang
wikang creole na nabuo sa pagsasama-sama ng Spanish at katutubong wika. Lumaganap
din ang mga babasahin sa wikang Spanish at katutubo. Hindi nagtagal, pormal nang
naging bahagi ng mga asignatura at kurso sa mga paaralan ang pagtuturo ng Spanish.
Samantala, ipinagbawal din ng mga Espanyol ang paggamit ng baybayin ( alpabeto ng
sinaunang Pilipino) sa pagsulat.
Gawain: Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B upang matukoy ang tamang
sagot. Isulat ang letra sa patlang ng bawat bilang.
HANAY A HANAY B
_____ 1. mga Pilipinong tagapagsalin ng mga A. Doctrina Christiana
aklat at iba pang babasahin sa wikang katutubo at Spanish
_____ 2. aklat ng mga dasal; unang nalimbag B. Gaspar Aquino de Belen
na aklat sa Pilipinas
_____ 3. pagsulat na ipinagbawal ng mga Espanyol C. Chavacano
_____ 4. isa sa pinakatanyag na ladino, sumulat D. baybayin
ng Mahal na Pasyon ni Hesukristo
_____ 5. wikang creole na nabuo E. ladino
sa pagsama-sama ng Spanish at katutubong wika
SCORE:
Aralin : Ikatlong Markahan, ikaapat na Linggo, LAS 1
______________
Pamagat ng Gawain : Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong
Espanyol.
Layunin : Natutukoy ang impluwensya ng kulturang Espanyol sa Panitikan
Ng mga Pilipino.
Sanggunian : MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa 5, P. 201
Manunulat : Jean Napila Balinong

Ang pagpapalaganap ng mga aral ng Kristyianismo ang nais ng mga Espanyol at


upang mapabilis ito ay dinala nila ang sistema ng palimbagan dito sa ating bansa. Sinunog
nila ang mga ilang nasulat na katutubong panitikan at pinalitan ng kuwento ng
pagpapakasakit ni Kristo at ang pangako niyang buhay na walang hanggan.

Ang Doctrina Christiana,ang unang aklat na nalimbag noong 1593sa Pilipinas na


naglalaman ng mga dasal.Isinalin ito sa wikang Tagalog. Ladino ang tawag sa
tagapagsalin na Filipino na siyang naging mga unang manunulat sa wikang Espanyol.

Ang dasal, nobena, talambuhay ng mga santo at santa ,mga awit, korido , tula
kuwento at sarsuwela ay ipinakilala rin ng mga Espanyol sa mga Filipino. Ang awit ay
tulang nagsasalaysay ng kabayanihan at pakikipagsapalaran at korido ay mga tulang may
temang panrelihiyon, Senakulo ang dula sa pagpapakasakit ni Kristo at sarsuwela ang
dulang may saliw ng musika at tungkol sa karaniwang paksang panlipunan at pampulitika..

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang dinala ng mga Espanyol upang mapabilis ang aral ng Kristiyanismo?
a. Komputer b. palimbagan c. cellphone d. pagsusulat
2. Ano ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas?
a. Korido b. Doctrina Christiana c. Tula d. Kuwento

3. Ito ang tagapagsalin na Filipino na siya ring unang manunulat sa wikang Espanyol.
a. Ladino b. Lodino c. nobena d. kwento
4. Ito ay isang tula na ang tema ay panrelihiyon.

a. Awit b. korido c. sarsuwela d. komedya

5. Ano ang tawag sa dulang may saliw na musika at tungkol sa mga karaniwang
paksang panlipunan at pampulitika?
a. komedya b. awit c. korido d. sarsuwela
SCORE:

______________

Aralin : Ikatlong Markahan, ikaapat na Linggo LAS 2


Pamagat ng Gawain: Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong
Espanyol.
Layunin : Nasusuri ang Pagbabagong ginawa ng mga Espanyol sa
Edukasyon ng mga Pilipino
Sanggunian : MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa 5, P. 203
Manunulat : Jean Napila Balinong

Ang sistema ng edukasyong pinairal ng mga Espanyol sa Pilipinas ay


pinangasiwaan ng mga pari. Layunin nitong turuan ang mga Filipino na mamuhay sa
pamamaraang Kristiyanismo at malaking bahagi ng edukasyon ng mga Filipino noon ay
Spanish. Naging paraan upang magtayo sila ng ibat-ibang paaralan. Ang unang paaralang
pamparokya itinayo at itinatag ng mga misyonerong Augustinian sa Cebu at ituro ang
asignaturang Spanish at panrelihiyon, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining at mga
kasanayang pangkabuhayan.

Nagtayo rin sila ng mga kolehiyo para sa kalalakihan kung saan ang mga wikang
Spanish, Greek, Latin, pilosopiya , matematika, agham, at sining ang ituturo. Mayroon ding
kolehiyo sa kababaihan na ang layunin ay ihanda ang mga kababaihan sa pag-aasawa o
pagpasok sa kumbento. Itinuturo din dito ang kagandahang asal, musika, pananahi at pag-
aayos ng tahanan. May mga paaralan ding magturo ng bokasyonal na layuning ituro dito
ang mga kasanayan tulad ng agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero at pagkukulay
ng tela.

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at M kung hindi.

1. Kolehiyo para sa kababaihan ang tawag sa paaralang ang layunin ay ihanda ang
mga kababaihan sa pag-aasawa o pagpasok sa kumbento.
2. Mga Guro ang nangangasiwa sa Sistema ng edukasyon na pinairal ng mga
Espanyol sa Pilipinas?
3. Layunin ng Spain na turuan ang mga Pilipino na mamuhay ayon sa pamamaraang
Kristiyanismo.
4. Paaralang pamparokya ang unang paaralang itinayo na nagtuturo ng mga
asignaturang Relihiyon, Spanish, pagbasa at iba pa?
5. Mga Augustinian sa Cebu ang nagtatag ng kauna-unahang paaralang
pamparokya?
SCORE:

______________

Aralin : Ikatlong Markahan, Ikaapat na Linggo, LAS 3

Pamagat ng Gawain: Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong

Espanyol.

Layunin : Natatalakay ang Iba’t-Ibang Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa

Sining at Arkitektura ng mga Pilipino.

Sanggunian : MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa 5, P. 202

Manunulat : Jean Napila Balinong

Ang mga bahay at mga simbahan noong simula ay yari sa kawayan, pawid at nipa
na pinangangabahan ng mga prayle na madaling masira kaya gumamit sila ng mas
matibay at matatag na materyales. Ang San Agustin Church at Manila Cathedral sa
Intramuros ay isa sa mga maraming simbahang katoliko na itinayo ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Ang mga estrukturang tulad ng simbahan, gusaling pampubliko at bahay na bato
ay ipinatayo noong panahon ng kolonyalismo ay batay sa estilong Antillean.

Dala rin ng impluwensiyang Kristiyano ay lumaganap at naging limitado sa temang


panrelihiyon ang mga pinta at eskultura ng bansa.Wangis sa mga santo, Birheng Maria,
ang Banal na Santatlo at mahahalagang tagpo sa Bibliya ang kalimitang ipinipinta at
inukit. Disenyo sa pintuan, haligi, sulok at pulpito ng simbahan , gayundin ang carroza o
sasakyan ng mga imahen ng santo tuwing prusisyon din ang inukit.Ang paglililok ng Anito
na naging imahen ng mga santo at retablo o altar ng simbahan ang kanilang ginawa gaya
ng retablo ng Simbahan ng San Agustin na inukit ni Juan de los Santos noong 1617.
Panuto: Punan ng tamang sagot.

1. Ang retablo sa San Agustin ay inukit ni _________________.


2. Temang ______________ ang likhang pinta at iskultura sa Pilipinas noong
panahon ng Kolonyalismo.
________3. Saan matatagpuan ang simbahang San Agustin Church at Manila
Cathedral?

4.Ang mga estrukturang tulad ng simbahan , gusaling pampubliko ay ipinatayo batay


sa estilong _____________?

5. Kalimitang ipininta at inukit ay wangis sa mga _________,

_________________,_______________.
SCORE:

______________

Leksyon : Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo, LAS 1


Pamagat : Mga Naunang Pag-aalsa Laban sa mga Espanyol
Layunin : Natutukoy ang mga pag-aalsang naganap sa panahon ng
kolonyalismo na naging sanhi ng pag-usbong ng kamalayang
pambansa sa Pilipinas
Sanggunian : MELC, Araling Panlipunan 5 LM pp.224-236
Manunulat : Richel B. Baste

Sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, hindi


masasabing nagsawalang-kibo at naging mapagtiis ang mga Pilipino. Mga naunang pag-
aalsa laban sa mga Espanyol ay ang pag-aalsang politikal, panrelihiyon at ekonomiko.
✔ Pag-aalsang Politikal - pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang
pinakamataas na pinuno sa pamayanan. Ang mga babaylan at katalonan ay tinanggalan
ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng aspektong espirituwal. Dahil dito, nagsagawa
ng mga pag-aalsa upang manumbalik ang kapangyarihang mamuno ng mga datu at
babaylan sa kanilang nasasakupan.
✔ Pag-aalsang panrelihiyon-paglaganap ng mga Espanyol sa Kristiyanismo, maraming
Pilipino ang tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga
Kristiyano. Binasag ang mga anito at dambana at paglahok sa katekismo.
✔ Pag-aalsang Ekonomiko - naging malupit ang patakaran sa pagbubuwis, sapilitang
paggawa, monopolyo at kalakalang galyon kaya ginawa ang maraming pag-aalsa.
Panuto: Ilagay kung anong pag-aalsa ang ginagawa sa bawat bilang. Isulat ang Politikal,
Panrelihiyon o Ekonomiko sa patlang.
_________1. Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng hilagang Luzon sa Kristiyanismo
alinsunod sa utos ni Gobernador Heneral Francisco de Tello de Guzman.
_________2. Ninais ng mga datu sa pangunguna nina Magat Salamat, Martin Pangan,
Juan Banal at Pedro Balingit na mababawing muli ang kanilang kalayaan at karangalan.
________3. Pagtutol ng mga Kapampangan sa sapilitang paggawa sa mga galyon at hindi
pagbabayad ng pamahalaan sa mga biniling palay mula sa magsasaka.
________4. Pagtutol ng mga boholano sa Kristiyanismo sa pamumuno ng dating babaylan
na si Tamblot at isinagawa ito sa unang araw ng pista ni St. Francis Xavier.
________5. Ang pag-aalsa ay nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng
kaukulang sahod sa libo-libong katutubong nagtatrabaho sa pagawaan ng
barko.
SCORE:

______________

Leksyon : Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo, LAS 2


Pamagat : Mga dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa
Layunin : Natatalakay ang mga dahilan ng pagkabigo sa pag-aalsa ng ng mga
Filipino sa pag-usbong ng Kamalayang Pambansa sa Pilipinas
Sanggunian : MELC, Araling Panlipunan 5 LM pp. 237-243
Manunulat : Richel B. Baste

Sa Kabuuan, nabigo ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga Filipino bunsod ng


iba’t ibang kadahilanan. Mga dahilan ng pagkabigo ng pag-aalsa;
1. Pagiging watak-watak ng Pilipinas - ang pag-aalsa ay mula sa magkakalayo at maliit
na mga lugar sa pilipinas. Mas madaling na sugpo ng mga Espanyol ang mga naunang
pag-aalsa dahil walang pagkakaisa sa pagkilos. 2. Kakulangan sa kahandaan at
kaalaman sa pakikidigma - kalimitan sa mga sandatang gamit ng mga Pilipino at yari sa
katutubong materyales samantalang baril at kanyon naman ang gamit ng mga Espanyol.
3. Kawalan ng maayos na komunikasyon - resulta din ng topograpiya ng Pilipinas, hindi
naging madali ang paghahatid ng mensahe tungkol sa mga pag-aalsang isasagawa mula
sa isang bayan patungong karatig bayan. 4. Pagkakaiba ng wika at diyalekto - isang
dahilan ng hindi pagkakaroon ng maayos ng komunikasyon ay ang iba-ibang wika . Hindi
naging madali ang manghikayat ng dagdag na lalahok sa planong pag-aaklas. 5.
Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo - dahil sa pananakot at mga
pangakong kayamanan at pribilehiyo mula sa Espanyol, may mga katutubong
makipagtulungan sa mga mananakop upang masupil o hindi matuloy ang pag-aalsa.
Panuto: Isulat kung tama o mali sa patlang. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M
naman kung mali.
________1. Naging mahirap para sa mga Espanyol ang pagsugpo sa mga pag-aalsang
isinagawa ng mga Filipino dahil may pagkakaisa ang bawat isa sa pagkilos.
________2. Hindi kayang makipagsabayan ng mga Pilipino sa sopistikado at
makabagong armas ng mga Espanyol.
________3. Ang paghahatid ng mensahe ang isa sa mga naging dahilan sa pagkabigo ng
karamihang pag-aaklas laban sa Espanyol.
________4. Naging madali ang komunikasyon sa pag-aalsa dahil iisa lang ang wika
ginagamit.
________5. Sa Kabuuan, nabigo ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga
Filipino laban sa Espanyol.

SCORE:

______________

Leksyon : Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo, LAS 3


Pamagat : Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino
Layunin : Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino
Sanggunian : MELC, Araling Panlipunan 5 LM
Manunulat : Richel B. Baste

Ang Nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal ng pagiging maka bansa na kung


saan may pagmamahal sa nasyong kinabibilangan na may kamalayan sa lahi na nag-
uugat sa pagkakaroon iisang wika, kultura at kasaysayan. May mga pangyayari sa loob
ng bansa na naging simula ng pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Una, ay ang
pagtutol sa monopolyo ng tabako dahil sa hindi makatarungang pagtrato ng mga Espanyol
sa mga katutubong magsasaka na nagpasiklab ng maraming rebelyon at protesta. Ikalawa
ay ang pag-aalsang agraryo noong 1745 dahil sa pangangamkam ng mga prayle ng lupa
mula sa mga katutubo. Ito ay isang pagkilos upang tubusin o bawiin sa mga prayle at mga
orden ang mga lupang pamana sa kanila ng kanilang mga ninuno o ancestral domain.
Pangatlo ay ang okupasyon ng mga British sa Maynila noong 1762, dahil sa pagbagsak
ng Maynila sa mga British ay lalong umigting ang mga pag-aalsa sa dulong Hilagang
bahagi ng Pilipinas. Ikaapat ay ang pag-aalsa ni Pule noong 1840-1841 na maituturing na
pinaka tanyag na pag-aalsang panrelihiyon sa pamumuno ni Apolinario de la Cruz dahil
sa tanging ang mga Espanyol ang nabibigyang ng pagkakataong maging paring regular
at ang mga Filipino o indio ay tapagsilbi lamang ng kumbento.
Suriin ang mga salita o konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa papel.

a. Pag-aalsa ni Pule d. Pag-aalsang agraryo


b. Okupasyon ng mga British sa Maynila e. Nasyonalismo
c. Pagtutol sa monopolyo ng tabako
___________1. Pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon.
___________2. Pagiging makabansa at pagmamahal sa nasyong kinabibilangan.
___________3. Pagmamalabis sa mga katutubong magsasaka.
___________4. Isang kilusan na ang layunin ay tubusin o bawiin ang minanang lupa na
kinamkam ng mga mananakop.
___________5. Mga pag-aalsa mula sa Hilagang bahagi ng Pilipinas.

SCORE:

______________

Leksyon : Ikatlong Markahan, Ikaanim na Linggo, LAS 1


Pamagat : Ang Pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga Kastila
Layunin : Natutukoy ang ilan sa mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Kastila
at ang kanilang pamamaraan.
Sanggunian : MELC, Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon pp. 114-121
Manunulat : Jirah R. Manguerra

Nakipaglaban ang mga Pilipino laban sa mga Kastila sa iba’t ibang paraan.

Pilipinong Paraan ng Pakikipaglaban


Nakipaglaban
Sultan Kudarat Pinanatili at pinatatag ang sultanato sa pamamagitan ng pagbuo
ng kompederasyon ng mga datu ng Maguindanao at Buayan.
Gregorio Sanciano Nagsulat ng aklat na “Ang Pag-unlad ng Pilipinas” kung saan
ipinakita niya rito ang di pantay-pantay na pagpapatupad ng batas
ng pamahalaang Kastila.
Dr. Jose P. Rizal Ginawa niya ang paglaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng
kanyang talino sa pagsulat ng mga nobelang “Noli Me Tangere” at
“El Filibusterismo”
Marcelo H. Del Pilar Ipinaglaban niyang mabigyan ng katarungan at karapatan ang mga
Pilipino na mabuhay nang malaya sa ilalim ng pamamahala ng
Espanya sa pamamagitan ng pamamahayag.
Andres Bonifacio Itinatag niya ang lihim na kilusan na tinatawag na Katipunan.
Sinikap niyang mapagbukod ang mga Pilipino at inudyukan ang
paghihimagsik upang matamo ang kalayaan.
Apolinario Mabini Tinaguriang “Utak ng Himagsikan Pilipino” dahil siya at ang
kanyang mga katangi-tanging kaisipan at payo tungkol sa
pakikipag-laban ang nagiging sandata upang maipakita ang
pagmamahal sa bayan.
Gawain
Pagtambalin ang mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Kastila at ang kanilang
pamamaraan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

SCORE:

______________

Leksyon : Ikatlong Markahan, Ikaanim na Linggo, LAS 2


Pamagat : Epekto ng Pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga Kastila
Layunin : Naipaliwanag ang naging epekto ng pakikipaglaban ng mga
Pilipino laban sa mga Kastila at naging kaugnayan nito sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino
Sanggunian : MELC, Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon pp. 114-121
Manunulat : Jirah R. Manguerra

Ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan ay pagpapatunay ng


pagmamahal nila sa bansa. Ang iba’t ibang pamamaraan nila sa pakikipaglaban ay
nagkaroon ng epekto sa sambayanang Pilipino. Ang mga aklat at nobelang sinulat ay
nagpapakita at naglalarawan ng mga kamaliang ginawa ng mga Kastila. Ang mga kilusan
at mga akda ay siyang dahilan upang umusbong ang nasyonalismong Pilipino. Nagising
ang isipan ng mga Pilipino upang lumaban alang-alang sa kalayaan.

Gawain
Ipaliwanag ang naging epekto ng pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga
Kastila at naging kaugnayan nito sa pag-usbong nga nasyonalismong Pilipino.
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

SCORE:

______________

Leksyon : Ikatlong Markahan, Ikaanim na Linggo, LAS 3


Pamagat : Mga Katagang may diwang makabansa na nagpa-usbong ng
nasyonalismong Pilipino
Layunin : Nakikilala ang ilan sa mga katagang may diwang makabansa na
nagpausbong sa nasyonalismong Pilipino.
Sanggunian : MELC, Ang Pilipinas sa Iba’t Ibang Panahon pp. 114-121
Manunulat : Jirah R. Manguerra
May mga katagang may diwang maka bansa na nagsisilbing inspirasyon ng mga
Pilipino upang lumaban. Ito rin ang pumukaw at nagpapasigla din ito sa kanilang
damdaming makabansa.
“Ang tagumpay ng himagsikang
“Iisa ang mga Pilipino anuman Pilipino ay hindi natatapos sa
ang kanilang paniniwala, larangan ng labanan..”
pinagmulan, o katayuan sa buhay.
Mahalaga ang pagkakabuklod- Apolinario Mabini
buklod sa pagtatatag ng isang
bansa.” “Ang batas ay para sa lahat.”
Sultan Kudarat Gregorio Sanciano

“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya “Nakalulungkot ang at hindi


sa pagkadalisay at pagkadakila gaya makatao ang ginagawang
ng pag-ibig sa sariling lupa?” pagsasanay sa mga katutubo.”
Andres Bonifacio Jose Rizal
Gawain
Tukuyin/ kilalanin ang Pilipinong nagsabi ng sumusunod. Piliin sa kahon ang sagot.
Apolinario Mabini Andres Bonifacio Jose Rizal
Sultan Kudarat Gregorio Saciano

1. “Ang batas ay para sa lahat.” _____________________________


2. “Ang tagumpay ng himagsikang Pilipino ay hindi natatapos sa larangan ng
labanan.” _________________________
3. “Nakalulungkot ang at hindi makatao ang ginagawang pagsasanay sa mga
katutubo.” _____________________________
4. Iisa ang mga Pilipino anuman ang kanilang paniniwala, pinagmulan, o katayuan sa
buhay. __________________________
5. “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig
sa sariling lupa?”____________________________
SCORE:

______________

Aralin : Ikatlong Markahan, Ikapitong Linggo, LAS 1


Pamagat ng Gawain : Mga Katutubong Pangkat na Hindi Napasailalim sa mga
Espanyol
Layunin : Naipaliwanag ang dahilan ng hindi naging matagumpay na
pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong pangkat.
Sanggunian : MELC (AP5KPK-IIIg-i6), AP 5 LM
Manunulat : Agnes Jean A. Cabunilas

Ginamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo at iba pang patakaran upang


masakop ang Pilipinas. Subalit hindi lahat ng pangkat etniko ay napagtagumpayan nilang
sakupin. Dahil sa heograpikal na katangian ng Pilipinas at katapangang ipinamalas ng
mga Igorot sa Cordillera at Muslim sa Mindanao ay hindi nasakop ng mga Espanyol sa
kabila ng maigting na pagtatangka ng mga ito na sakupin sila.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1.Anu-ano ang mga katutubong pangkat na hindi nagpasakop sa mga Espanyol?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________
2. Bakit hindi nagawang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubong
pangkat ng mga Pilipino?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Anu-ano ang katangian ng mga pangkat katutubo ang gusto mong tularan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Kung sakaling mayroong gustong umalipin at sumakop sa ating bansa,ano ang
gagawin mo?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________
SCORE:

______________
Aralin : Ikatlong Markahan, Ikapitong Linggo, LAS 2
Pamagat ng Gawain : Iba't-Ibang Reaksyon ng mga Katutubo sa Pananakop ng mga
Espanyol
Layunin : Nasusuri ang iba't-ibang reaksiyon ng mga katutubong
pangkat sa armadong paraan ng pananakop ng mga Espanyol.
Sanggunian : MELC (AP5KPK-IIIg-i6), AP 5 LM
Manunulat : Agnes Jean A. Cabunilas

Sa pananakop ng mga Kastila ay nagkaroon ng iba't ibang reaksiyon ang mga


katutubong Pilipino. Una, Pagtakas o Escape ilan sa mga Pilipino ay pinili na tumakas sa
ilalim ng pamamahala ng Espanyol sa kadahilanang hindi na nila matiis ang sobrang
pangongolekta ng buwis.Ikalawa,ang Pagtanggap o Acceptance sa mga ginagawa ng
Espanyol tulad ng sapilitang pagseserbisyo dahil takot sila sa kung anong pwede gawin
sa kanila ng mga Espanyol. Ikatlo,ang Paglaban o Resistance namulat ang mga
katutubong Pilipino sa masamang sistema ng pangangalakad ng Espanyol kaya
nagkaroon sila ng lakas ng loob na kalabanin ang mga ito.

Panuto: Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng iba't ibang reaksiyon ang
mga katutubong Pilipino sa armadong mananakop. Isulat ito sa loob ng kahon.

Reaksyon ng mga
katutubong Pilipino sa Dahilan ng pagkakaroon ng ganitong uri ng reaksyon
armadong Espanyol

1.Pagtakas o Escape

___________________________________________

2.Pagtanggap o Acceptance ___________________________________________


___________________________________________
___________________________________________

3.Paglaban o Resistance
SCORE:

______________

Aralin : Ikatlong Markahan, Ikapitong Linggo, LAS 3


Pamagat ng Gawain : Mga Sanhi at Bunga ng Pakikipaglaban ng mga Katutubong
Pangkat
Layunin : Natutukoy ang mga sanhi at bunga ng mga pakikipaglaban ng
mga katutubong pangkat at iba pang reaksiyon sa
kolonyalismong Espanyol.
Sanggunian : MELC (AP5KPK-IIIg-i6), AP 5 LM
Manunulat : Agnes Jean A. Cabunilas

Iba't iba ang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga katutubong Pilipino laban sa mga
Espanyol-may pulitikal, pangkabuhayan, paghahangad na bumalik sa lumang
pananampalataya, malupit na patakaran tulad ng polo, bandala, tributo, monopolyo at iba
pa. Bigo ang pag-aalsa bunga ng kakulangan ng pagkakaisa at estratehiyang divide-and-
rule ng mga Espanyol.

Panuto: Isulat sa patlang kung Sanhi o Bunga ang isinasaad sa pangungusap.


_________1. Nag-uugat sa paghahangad sa lupa.
_________2. Paghahangad na bumalik sa lumang pananampalataya.
_________3. Kulang sila sa pagkakaisa.
.________ 4. Walang maayos na plano at kulang sa armas.
_________5. Kulang ang kakayahan sa mga lider na namuno sa pag-aalsa.
_________6. Nagsimula sa mga personal na kadahilanan.
_________7. Gustong bumalik sa dating pananampalataya.
_________8. Estratehiyang divide-and –rule ng mga Espanyol.
_________9. Malupit na patakaran at pamamahala ng mga Espanyol.
_________10. Pagkawatak-watak ng mga katutubo.
SCORE:

______________

Leksyon : Ikatlong Markahan, Ikawalong Linggo, LAS 1


Pamagat : Mga Pananaw at Paniniwala ng Sultanato sa Pagpapanatili ng Kanilang
Kalayaan
Layunin : Natatalakay ang pananaw at mga paniniwala ng Sultanato sa
pagpapanatili ng kanilang kalayaan.
Sanggunian : MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp 215-26
Manunulat : Mary Ann V. Villagonzalo

May iba't-ibang Sultanato sa Mindanao. Ito ay ang Sultanato ng Sulu,


Maguindanao at Buayan. Ang pagpapanatili ng kalayaan, lalo na sa aspektong
pangrelihiyon ang pinaka mahalaga sa kanila. Gabay ng mga ito ang ilan sa kanilang mga
pananaw at paniniwala. Narito ang ilan sa mga ito: Para sa kanila ang Islam ay hindi
lamang relihiyon, kung hindi isa ring pamumuhay. Nangangamba silang ang kanilang
paniniwalang panrelihiyon ay nanganganib na mawala kapag sinakop sila ng mga
dayuhan. Naniniwala rin silang masasayang lamang ang kanilang kaunlaran at katatagan
sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Para sa kanila, higit na katanggap-tanggap
ang sultanato kaysa kolonyalismo dahil kinikilala ng sultanato ang pamumuno ng mga
dating Raja at datu. At, nakikita nilang sa ilalim ng kolonyalismo, magiging alipin sila at
sapilitang pagtatrabahuhin ng walang bayad.

Panuto: Punan ang kahon ng mga naging pananaw at paniniwala ng sultanato sa


pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Mga Pananaw at
Paniniwala ng Sultanato
sa Pagpapanatili ng
kanilang Kalayaan
SCORE:

______________

Leksyon : Ikatlong Markahan, Ikawalong Linggo, LAS 1


Pamagat : Epekto ng Kolonyalismong Espanyol sa Pagkabansa at
Pagkakakilanlan ng mga Pilipino
Layunin : Nasusuri ang epekto ng Kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa
at pagkakakilanlan ng mga Pilipino
Sanggunian : MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 217- 218
Manunulat : Mary Ann V. Villagonzalo

Malaki ang naging epekto ng Kolonyalismong Espanyol sa pagka bansa at


pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Dahil sa sapilitang pagsakop ng mga Espanyol
nagkaroon ito ng iba't-ibang epekto tulad ng: Naging daan ito upang magkaisa ang mga
magkakahiwalay na kaharian upang labanan ang mga Espanyol. Ginising nito ang
kanilang damdaming makabayan. Binago nito ang kultura at lipunan ng mga Pilipino. Ang
karapatan at kalayaang tinatamasa nila lalo na ng mga kababaihan ay nabawasan. At
nagkaroon ng pagbabago sa pananaw, pagkain, asal, paninirahan at iba pa.

Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng epekto ng
kolonyalismong Espanyol sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino at ekis naman kung hindi
_______ 1. pagbabago sa asal ng mga Pilipino
_______ 2. pagkakaisa ng mga magkakahiwalay na kaharian
_______ 3. matagumpay na pagsakop ng mga Espanyol sa bansa
_______ 4. paggising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
_______ 5. pagiging masaya sa pamumuno ng mga Espanyol

SCORE:

______________

Aralin : Ikatlong Markahan, Ikawalong Linggo, LAS 3


Pamagat ng Gawain: Mga Pangmatagalang Epekto ng Pakikipaglaban ng mga
Katutubo
Layunin : Nasasabi ang pangmatagalang epekto ng pakikipaglaban ng mga
katutubo na ating tinatamasa hanggang sa kasalukuyan
Sanggunian : MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa pp. 217-218
Manunulat : Mary Ann V. Villagonzalo
Masasabing di-gaanong matindi ang epekto ng pagpapalaganap ng kulturang
Espanyol sa bansa kung ihahambing sa karanasan ng iba pa nitong kolonya, dahil
nakamtan din natin ang ating kalayaan. Dahil dito, nabigyan tayo nga pagkakataong piliin
lamang ang impluwensiyang pang kultural at panlipunan na angkop sa kinagisnan nating
kultura. Nagbigay-daan ito upang matuklasan ng mga katutubo kung ano ang kaya nilang
gawin upang maipagtanggol ang karapatang mamuhay ng malaya, mapaigting ang
pagmamahal sa bayan, makaangkop sa pagbabagong dulot ng pananakop, at lalo pang
mapaunlad ang pagkakakilanlang Pilipino.

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang naging epekto ng pakikipaglaban ng mga katutubo
na atin pang nararanasan hanggang sa ngayon. Sumulat ng dalawa o tatlong
pangungusap tungkol dito.

You might also like