Buod NG Unang Eksena
Buod NG Unang Eksena
Buod NG Unang Eksena
niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita
kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo ay may mga letra ng
kanyang pangalan (Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle
(Among Na Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni Julia
na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang
dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni
Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga
rebelde. Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene II) Ang mga pamilya at kaibigan ng mga
inaresto ay naghandang bumisita at magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa
tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan Luis Marcelo na
paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw- buhay
na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong. Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III )
Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin
niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan na ang
iba pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating duon. Ipapapatay
niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino. Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang
pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na
maghiganti! Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene IV) Pinili ni Tenyong na sumali sa mga
rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan ito. Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay kay
Tenyong ang kanyang medalyon/agimat. Nagsumpaan muli sila na mamahalin ang isa’t-isa
habang-buhay. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene I ) Sinabi ng ina ni Julia na
ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng
kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa kabilang banda, nagsimulang
magkarelasyon ang mga alalay nina Julia at Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas. Buod
ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene II/III ) Sumunod na linggo, dumating sina Miguel, ang
kanyang ama, at isang pari sa bahay nina Julia upang ayusin ang pag-iisang-dibdib nina
Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama ang kanyang panliligaw kay Julia.
Naiba ang usapin ng kasalan nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema
tungkol sa mga Pilipinong hindi na nagsisimba. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene
III ) Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na may bitbit na sulat para
kay Tenyong na galing kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at
ikakasal na si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong sa
kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula ang labanan. Buod ng Ikatlong
Eksena (ACT III - Scene I) Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay
Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang
kasalan. Nagkunwari si Julia na masakit ang ulo upang iwasan si Miguel. Buod ng Ikatlong
Eksena (ACT III – Scene II / III) Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na
rin si Julia na pumayag, sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi
mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang
buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita
na si Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa
pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni
Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa
pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang
matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni
Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal,
biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang sugat! Walang
sugat!”.