Mga Trivia NG Relihiyon
Mga Trivia NG Relihiyon
Mga Trivia NG Relihiyon
Ang Kristiyanismo ay ang relihiyong may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo. Ayon sa datos na
inilabas noong 2015, ang mga Christian o Kristiyano sa buong mundo ay umaabot na sa 2.3 bilyon ang
bilang. Ito ay 31.2 porsiyento ng kabuuang populasyon ng mundo. Ang Kristiyanismo ay sinasabing
pinasimulan mismo ng Bugtong na Anak na si Hesu Kristo. Ang kaniyang mga turo nang nasa lupa pa ay
naipon sa banal na kasulatan at hanggang sa kasalukuyan ay itinuturo sa buong mundo bilang gabay sa
araw-araw na pamumuhay at pagpapataas ng moralidad ng mga mamamayan. Sinasabing ang
Kristiyanismo ay laganap sa Amerika, Europe, at ilang bahagi ng Africa at Asia.
ISLAM
o ng relihiyong Islam ay pinasimulan noong unang bahagi ng ikapitong siglo A.D. ng isang
lalaki na nagngangalang Muhammad. Inaangkin niya na dinalaw siya ni Anghel Gabriel.
Ang mga pagdalaw na ito ay nagpatuloy sa loob ng 23 taon hangang sa kamatayan ni
Muhammad. Ipinahayag umano ni Anghel Gabriel kay Muhammad ang mga Salita ng
Diyos (na tinatawag na "Allah" sa salitang Arabo ng mga Muslim). Ang mga idiniktang
kapahayagan ng anghel kay Muhamad ang nilalaman ng Koran, ang banal na aklat ng
Islam. Itinuturo ng Islam na ang Koran ang pinakamataas na awtoridad ng
pananampalataya at ang huling kapahayagan ni Allah.
Naniniwala ang mga Muslim, ang mga tagasunod ng Islam na walang hanggan at
perpekto ang mga salita ni Allah. Tinatanggihan nila ang salin ng Koran sa ibang mga
lenguwahe. Walang ibang salin ang tinatanggap kundi ang salin sa wikang Arabo.
Bagama't ang Koran ang pangunahing Banal na Aklat ng Islam, itinuturing nila ang
Sunnah bilang isa ring banal na Aklat na pinagmumulan ng katuruan ng kanilang
relihiyon. Ang Sunnah ay isinulat ng mga kasama ni Muhammad tungkol sa kanyang
mga sinabi, ginaw, ipinagbawal at pinahintulutan.
Si Allah ang nagiisang Diyos at si Muhammad ang propeta ni Allah, ang susing
paniniwala ng Islam. Sa pamamagitan ng simpleng pagbigkas sa mga salitang ito, ang
isang tao ay maaari ng maging isang miyembro ng relihiyong Islam. Ang salitang
"Muslim" ay nangangahulugan na "isang taong nagpapasakop kay Allah." Inaangkin ng
Islam na ito ang nagiisang tunay na relihiyon kung saan nanggaling ang lahat ng mga
relihiyon (kasama ang Judaismo at Kristiyanismo).
HINDUISMO
Ang Hinduismo (Hinduism) ay isa sa pinakamatandang organisadong relihiyon sa mundo. Ang
mga kasulatan ng Hinduismo ay nasulat mula pa noong 1400 - 1500 B.C. Ito rin ang isa sa mga
kakaiba at pnakakumplikado dahil sa mayroon itong milyon milyung diyos. Ang mga Hindu ay
may napakaraming katuruan na makikita sa iba't ibang sekta nito. Bagama't ito ang ikatlo sa
pinakamalaking relihiyon sa mundo, matatagpuan sa mga bansang India at Nepal ang kalakhang
porsiyento ng mga Hindus.
BUDISMO
Ang Budismo (Buddhism) ay isa sa mga nangungunang relihiyon ngayon sa daigdig pagdating sa
dami ng taga-sunod, pamamahagi sa heograpiya, at impluwensiya sa lipunan at kultura. Habang
ito ay isang malaking relihiyon sa silangan, ito ay nagiging kilala at maimpluwensya rin sa
mundong kanluranin. Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitong karapatan, bagaman
marami itong pagkakahalintulad sa Hinduismo na parehong nagtuturo ng Karma (tuntunin ng
sanhi-epekto), Maya (ang ilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling
pagkakatawang-tao). Ang mga Budista (Buddhist) ay naniniwala na ang pinaka-layunin sa buhay
ay ang makamit ang tinatawag nilang "enlightenment" o Nirvana.
NON-RELIGIOUS
Ang ateismo ay isang espesyal na paraan ng pamumuhay, na batay sa katotohanan na walang
supernatural sa mundo: Diyos, diyablo, mga anghel at mga espiritu. Samakatuwid, ang isang ateista ay
isang taong ganap na sumusuporta sa pilosopikal na konseptong ito.
Sa kanyang paniniwala, itinatanggi niya ang anumang pagpapakita ng mga banal na puwersa, kabilang
ang paglikha ng mundo sa pamamagitan ng kalooban ng makapangyarihang Panginoon. Itinatanggi
din niya na ang isang tao ay may kaluluwa, kahit man lang sa anyo kung saan ito inihaharap ng
simbahan.
Ang ateista at ang mananampalataya ay dalawang magkasalungat na panig na lumitaw sa parehong
sandali. Pagkatapos ng lahat, palaging may mga taong nagtatanong sa mga salita ng isang pinuno o
pari, na nakikita sa kanila ang mga makasariling pag-iisip at pagkauhaw sa kapangyarihan. Para sa
mas tumpak na impormasyon, ang unang nakasulat na katibayan ng ateismo ay isang kanta ng alpa na
nakasulat sa sinaunang Egyptian. Inilalarawan nito ang mga pagdududa ng makata tungkol sa kabilang
buhay.
Ang mga sumusunod na palatandaan ng ateismo ay makikita sa mga sinulat ng sinaunang pilosopong
Griyego na si Diagoras, na nabuhay noong panahon ni Plato. Ang parehong opinyon ay ibinahagi ng
Romanong pilosopo na si Titus Lucretius Car, ipinanganak noong 99 BC.
Iglesia ni Cristo
Pinaniniwalalaan nila sa iisang Diyos, and Ama at hindi sila naniniwala sa Trinidad.
Pinaniniwallan nila na ang Iglesia na natatag noong unang siglo at natalikod. Ito ang
kilala sa marami ngayon sa pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.
Seventh-day Adventist
Jehovah's Witnesses