Las Q4M2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Karapatang Pantao

1
CO_Q4_AP10_Module2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.

____ 1. Ano ang nakapaloob sa dokumentong Bill of Rights na ipinatupad noong


Disyembre 15, 1791?

A. Nagbibigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng


mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa. B.
Sumunod sa kapangyarihan ng hari.
C. Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
D. Pagtatag ng relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaismo,
Hinduismo, Kristyanismo, Buddhismo, Taoismo, Islam at iba pa.

____ 2. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag ng karapatang pantao?

A. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay


isilang.
B. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay
mamatay.
C. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay
ikakasal.
D. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay
matanda na.

____ 3. Alin sa sumusunod na dokumento na naglalahad ng ilang karapatan ng


mga taga- England noong 1215?

A. Bill of Rights
B. Petition of Right
C. Declaration of the Rights of Man D. Magna Carta

____ 4. Anong uri ng karapatang pantao na mabuhay at magkaroon ng sariling


ari-arian?

A. Natural Rights
B. Constitutional Rights
C. Statutory Rights
D. B at C

2
CO_Q4_AP10_Module2
____ 5. Noong 539 B.C.E ay may isang hari na sumakop sa Persia at naging
tahanan niya ang lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at
ipinahayag na maaari silang pumili ng isang relihiyon ayon sa kanilang
kagustuhan. Sino ang hari na ito?

A. Haring Cyrus
B. Haring Solomon
C. Haring Alexander
D. Haring Abraham

____ 6. Para kanino ang karapatang pantao?


A. Pulis
B. Lahat ng nilalang
C. Presidente
D. Guro

____ 7. Ito ang tinaguriang “World’s First Charter of Human Rights” noong 539
B.C.E na siyang sinakop ni Haring Cyrus ng Persia.

A. The First Geneva Convention


B. Cyrus Cylinder
C. Parliament
D. Syrus Cylinder

____ 8. Ano ang tinatamasang pribilehiyo ng isang tao mula sa kanyang


pagkasilang hanggang sa kanyang kamatayan?

A. Dignidad
B. Pagkatao
C. Karapatan
D. Pangangailangan

____ 9. Ito ay komisyon ng karapatang pantao na kung saan nilagdaan at


ipinatupad noon1948 na naglalayong protektahan ang isang nilalang?

A. Declaration of the Rights of Man


B. Human Rights Commission
C. Universal Declaration of Human Rights
D. The First Geneva Convention

____ 10. Isang uri ng karapatang pantao na kung saan ito ay binuong batas at
maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.

A. Natural Rights
B. Constitutional Rights
C. Statutory Rights
D. Lahat ng nabanggit

3
CO_Q4_AP10_Module2
____ 11. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatang pantao?

A. Kakambal ito ng ating tungkulin.


B. Kailangan nating tuparin ang konstitusyon.
C. Proteksyon natin ito laban sa mga pang-aabuso.
D. Sinisiguro nitong makapamuhay.

____ 12. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng karapatan na nakasulat sa


dokumento ng Magna Carta?

A. Hindi maaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anomang ari-arian ng


sinoman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito,
nalilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
B. Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
C. Pagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa. D.
Pagbibigay ng karapatan na makapili ng sariling relihiyon.

____ 13. Paano mailalarawan ang mga karapatang sibil?

A. Ito ay may kaugnayan sa ating pakikitungo sa ating kapwa.


B. Ito ay nagbibigay proteksyon kung tayo ay lumalabag sa batas.
C. Ito ay tungkol sa paghahanap natin ng mapagkakakitaan upang mabuhay.
D. Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya.

____ 14. Sa taong 1948, sino ang nasa likod sa pagkatatag ng Human Rights
Commission at sa pamamagitan nito nilagdaan at ipinatupad ang
dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights?

A. Eleanor Roosevelt
B. Haring Louis XVI
C. Haring Cyrus
D. Christine Roosevelt

____ 15. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng statutory rights?

A. Ang karapatan ni Adelyn na kilalaning anak ng kanyang tunay na mga


magulang.
B. Ang pagsapi ni Allen sa grupong Sakdalista.
C. Ang pagbibigay ng 20% pribilehiyo sa mga Senior Citizen at mga mag-aaral sa
lahat ng pampasaherong sasakyan.
D. Ang pagpili ni Ryan sa Iglesia Ni Kristo bilang kanyang relihiyon.

____ 16. Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong


bansa at ilang estado ng Amerika sa Geneva, Switzerland. Alin sa
sumusunod na pahayag ang layunin ng The First Geneva Convention?

4
CO_Q4_AP10_Module2
A. Sumunod sa paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the
Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
B. Isaalang-ala ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo.
C. Pagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan.
D. Pagbibigay pagkain sa mga nagugutom na bata.

____ 17. Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga


mamamayan?

A. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan.


B. Pinarurusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa
mamamayan.
C. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan
ng batas.
D. Tinatanggal nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag sa batas
ng estado.

____ 18. Paano tayo napagkalooban ng mga karapatan?

A. Ito ay itinakda ng mga batas.


B. Ito ay simbolo ng pamahalaan.
C. Ito ay pinagtibay ng ating mga Pangulo
D. Ito ay ipinaglalaban ng bawat mamamayan.

____ 19. Noong 1628 sa England, ano ang ipinasang batas kung saan ito’y
naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang
walang pahintulot ng Parliamento?

A. The Fist Geneva Convention


B. Petition of Rights
C. Bill of Rights
D. Cyrus Cylinder

____ 20. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon sa Karapatang Pantao?


A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon.
B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
C. Pinangangalagahan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
D. Sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao

Aralin

1 Karapatang Pantao

5
CO_Q4_AP10_Module2
Bawat tao sa mundo ay may mga karapatan na
dapat taglayin, alagaan, at protektahan. Upang
masiguradong naaalagaan ang kanyang dignidad bilang
kasapi sa lipunan, marapat lamang na siya ay mulat sa
mga karapatan at pananagutan na dapat niyang
matamo at balikatin nang sa gayon maibigay niya sa
kanyang kapwa ang mga bagay na dapat nitong gawin
nang matawag siyang kapaki-pakinabang na miyembro
ng lipunan. Ang karapatang pantao ay ang pangunahing
karapatan na dapat mabatid at angkinin ng bawat isa sa
atin, anuman ang ating pinagmulan, sino man tayo, at
kung ano pa man ang ating pananaw o paniniwala sa buhay.

Balikan

Sa nakaraang modyul, napag-usapan at napag-aralan mo ang tungkol sa


pagkamamamayan. Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal na nakabatay sa
pagtugon mo sa iyong mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng iyong mga
karapatan para sa kabutihang panlahat. Mangyari pa, tinitignan ng bawat
indibidwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao sa kanyang
paligid. Ang lahat ng mamamayan ay may karapatang pantao ngunit kaakibat ng
mga karapatang ito ay mga responsibilidad na makilahok sa mga gawaing
pampamayanan, pansibiko, at gawaing pampolitika.

Makikita sa tsart ang mga paksang nakabatay sa aralin na pagkamamamayan.

6
CO_Q4_AP10_Module2
Pagkamamamayan oCitizenship

Katuturan Katangian
Kasaysayan Batayang Legal na
ng na dapat
ng pagka- pagkamama pagkamama
pagkama- taglayain ng
mamamayan -mayan -mayan
mamayan mamamayan

Maalala mo pa ang mga ito? Tama ka! Ang mga ito ang nagbibigay liwanag
sa iyong pagkamamamayan. Kaakibat ng pagkamamamayan ay ang mga karapatan
mo bilang tao. Nararapat lamang na alamin mo kung ano ang mga ito.
Ipagpatuloy mo ang iyong pagkatuto! Basahin ang araling ito at suriin ang
kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon
sa mga isyu at hamong panlipunan. Alamin ang ugnayan nito sa araw-araw mong
buhay.

Tuklasin

A. Panuto: Isulat ang mga karapatang pantao sa ating lipunan gamit ang mga
kahon na nakapalibot sa imahe ng tao sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel.

7
CO_Q4_AP10_Module2
A. KWLS (Know, Want, Learned and Significance)

Panuto: Masdan ang K-W-L-S tsart. Magtala ng tatlong sagot sa bawat hanay.
Iwan munang blangko ang bahagi ng “Learned” sapagkat ito ay sasagutan lamang
sa sandaling matapos na ang aralin. Ilagay ang sagot sa iyong sariling sagutang
papel.

8
CO_Q4_AP10_Module2
(KNOW) (LEARNED)
(WANT)
Mga Natutuhan Ko
Mga Bagay Na Alam Ko Mga Gusto Kong
Na Malaman

(SIGNIFICANCE)

Kahalagahan

B. Sandaling Isipin: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at pagkatapos,


sagutin ito nang buong husay. Gamit ang iyong sagutang papel, isulat ang
sagot sa loob ng mind bubble.

9
CO_Q4_AP10_Module2
1. Paano kung isang araw, tatanggalan
ka ng karapatan bilang isang Pilipino,
ano ang gagawin mo?
2. Paano mo ito luluta sin nang walang
inaapakang ibang tao?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_____________________________________________________

______________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________

______________________________________________

10
CO_Q4_AP10_Module2
Suriin
Ang sumusunod na diyagram ay binubuo ng mga
kontekstong historikal ng pag-unlad ng konsepto ng karapatang pantao mula
sinaunang panahon hanggang sa pagkabuo ng Universal Declaration of Human
Rights ng United Nations noong 1948.
Ang Kasaysayan ng Karapatang Pantao: Dokumentong Naglalahad ng mga
Karapatang Pantao

11
CO_Q4_AP10_Module2
1215, sapilitang lumagda si John
539 B.C.E. – Sinakop ni I, Hari ng England, sa Magna
Haring Cyrus ng Persia at Carta, isang dokumentong
kanyang mga tauhan ang naglalahad ng ilang karapatan ng
lungsod ng Babylon. - mga taga-England.
Nakatala ito sa isang
bakedclay cylinder na tanyag -Karapatan ng mga balo (widow)
sa tawag na “Cyrus na magmay-ari at makapili na
Cylinder.” -Tinagurian ito hindi na muling mag-asawa.
bilang “world’s first charter of
human rights.” -Makatwirang proseso (due
process) sa pagdinig ng kaso at
pagkapantay-pantay sa mata ng
batas.

1628 sa England,
ipinasa ang
Ang Petisyon ng Petition of Rights
Karapatan - Sa na naglalaman ng
pangunguna ni mga karapatan
Edward Coke, tulad nang hindi
ipinadala ng pagpataw ng buwis
English nang walang
Parliament kay pahintulot ng
Haring Charles I Parliament,
ng England ang pagbawal sa
Petisyon ng pagkulong nang
Karapatan noong walang sapat na
1628. dahilan, at hindi
pagdeklara ng batas
militar sa panahon Ang Deklarasyon ng
ng kapayapaan. Kalayaan ng
Amerika (1776)
Isinulat ito ni
Thomas Jefferson. -
Nakapaloob dito ang
kalayaan ng 13
kolonya mula sa
British Empire. -
Pagbibigay karapatan
sa indibidwal at
karapatan sa
rebolusyon.
1787, inaprubahan ng 1789, nagtagumpay ang French
United States Congress Revolution na wakasan ang ganap
ang Saligang Batas ng na kapangyarihan ni Haring Louis
kanilang bansa. Sa XVI.
dokumentong ito, -Ang paglagda ng Declaration of the
nakapaloob ang Bill of Rights of Man and of the Citizen
Rights na ipinatupad na naglalaman ng mga karapatan ng
noong Disyembre 15, mamamayan.
1791.

Noong 1948, itinat ag


ng United Nations
Ang Unang ang Human Rights
Konbensyon sa Commission sa
Geneva pangunguna ni
1864, ang Eleanor Roosevelt ,
pagpupulong ng asawa ng yumaong
labing-anim na Pangulong Franklin
Europeong bansa at Roosevelt ng
ilang estado ng Amerika.
Amerika sa Geneva, Sa naturang
Switzerland. UNIVERSAL komisyon, nilagdaan
-Layunin nito na DECLARATION at ipinatupad ang
isaalang-alang ang dokumentong
OF HUMAN
pag-alaga sa mga tinawag na Universal
RIGHTS
nasugatan at may sakit Declaration of
na sundalo nang Human Rights.
walang anumang
diskrimi nasyon.

Malugod na tinanggap
ng UN General
Assembly ang UDHR
noong Disyembre 10,
1948 at binansagan ito
bilang “International
Magna Carta for all
Mankind.”
Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mga
mahahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat
indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Kabilang sa
mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural. (UDHR,
Department of Education. 2017. “Kontemporaryong Isyu”, Modyul ng mga Mag-
aaral. Pahina 374) Tunay na nagbibigay-tangi sa tao bilang nilalang na
nagtatamasa ng kalayaan at mga karapatang maghahatid sa kanya upang
makamit ang kanyang mga mithiin sa buhay at magkaroon ng mabuting
pamumuhay.

Narito ang mga ilang artikulo na nakapaloob sa UDHR, ang preamble:


Artikulo 1 nakalahad na lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay.
Artikulo 3 – 21 ay nakalahad ang karapatang pantao bilang isang mamamayan
sa aspekto ng politiko at sibil. Sa Artikulo 22 – 27 ay nakasaad na ang
karapatang pantao na may karapatan sa aspekto ng edukasyon, sining,
pansibiko, at pangkultura. At ang Artikulo 28 – 30 ay isinasaad na ang bawat
tao ay mayroong karapatan na itaguyod ang karapatan ng ibang tao.

Ang Kalipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng


Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang
karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan
ng mga indibidwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.

Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa


sandaling siya ay isilang. Ang pagkamit ng tao ng mga pangangailangan niya
tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay
nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan (Martinez, 2020).
Dahil sa karapatang pantao nagiging makabuluhan ang ating buhay sa
mundong ginagalawan natin. Nabubuhay tayo nang matiwasay at maayos sa
ating mga kalagayan dahil alam natin na bawat indibidwal ay maaaring
mabuhay nang mapayapa at nahuhubog nito ang kanyang katayuan bilang
isang tao sa lipunan.

Ayon sa aklat ni De Leon, et. al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng
bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa. Ang mga karapatang ito ay
nararapat na taglayin ng bawat indibiduwal dahil taglay nito ang dignidad ng
isang tao, anuman ang kanyang katayuan sa lipunan at kalagayang
pangekonomiko.

Pag-aralan at unawaing mabuti ang tsart sa ibaba upang higit pang


maunawaan ang konsepto ng Karapatang Pantao.
Karapatang Pantao

Natural Statutory

Constitutional
Rights
Karapatangkaloob ng
Mga karapatang taglay binuong batas at
ng bawat tao kahit maaaring alisin sa
hindi ipagkaloob ng pamamagitan ng
Estado. panibagong batas.

Halimbawa: Halimbawa:
karapatang mabuhay karapatang
Mga Karapatang
at magkaroon ng ari- makatanggap ng
ipinaloob at
arian pinangalagaan ng minimum wage
Estado

Karapatang Sibil Karapatang


akusado

Karapatang Karapatang Sosyo-


Politikal ekonomiks

Ang Constitutional Rights ay mga karapatang pantao na nakapaloob at


pinapangalagahan ng isang Estado.

Mga uri ng Constitutional Rights:

a. Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong


indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang
nais nang hindi lumalabag sa batas at pagsususulong ng kabuhayan at
disenteng pamumuhay.
b. Karapatang Politikal – kapangyarihan ng mamamayan na makilahok,
tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan tulad
ng pagboto sa mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito.

c. Karapatang Sosyo-ekonomiks – mga karapatan na sisiguro sa


katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga
indibiduwal gayon din ang lumahok sa buhay kultural ng pamayanan.

d. Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay proteksyon sa


indibidwal na inakusahan sa anumang uri ng krimen.

Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga


ginagawang batas sa Pilipinas at sa pandaigdigang kasunduan. Sapagkat mula
sa pagkasilang natin ay mayroong na tayong karapatan na dapat matamasa.
Kaya karapat dapat lamang na bigyang galang at respeto lahat ang nabubuhay
sa ating ginagalawang daigdig, sapagkat wala sa atin ang gustong mabastos
nang basta basta na lamang, kung kaya’t dapat lang na alamin natin kung ano
ano ang ating mga karapatan bilang isang tao sa lipunan (Martinez, 2020).

Pagyamanin

A. Panuto: Suriin ang talahanayan sa ibaba. Gamit ang iyong sagutang papel,
kumpletuhin ang tsart.

Mga Probisyon o Dokumento Mga Nakapaloob na Karapatang Pantao

Cyrus Cylinder
Petition of Right

Ang Deklarasyon ng Kalayaan ng


Estados Unidos (1776)

Declaration of the Rights of Man


and of the Citizen

The First Geneva Convention

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat kung anong
uri ng karapatan ang sumusunod. Gamit ang iyong sagutang papel, isulat
sa patlang kung ito’y natural rights, constitutional rights o statutory
rights.

1. Karapatang ipagtanggol ang sarili.

_________________________________________________

2. Karapatan sa malayang pagpapahayag.

_________________________________________________

3. Karapatang mabigyan ng pangalan.

_________________________________________________

4. Karapatang makapag-aral.

_________________________________________________

5. Karapatang tumangging maging saksi laban sa kapwa.

_________________________________________________

6. Karapatang magplano ng pamilya.

_________________________________________________

7. Karapatang makapagtrabaho.
_________________________________________________

8. Karapatang mabigyan ng mabilis at makatarungang paglilitis.

_________________________________________________

9. Karapatan magkaraoon ng sariling relihiyon.

_________________________________________________

10.Karapatang hindi makawala sa panganib ng kaparusahan sa anumang


paglabag sa batas.
_________________________________________________

C. Panuto: Iguhit sa patlang ang nakangiting mukha (😊) kung ang


pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Malungkot na mukha naman
(☹) kung ang pahayag ay walang katotohanan. Isulat ang sagot sa hiwalay
na papel.

_______1. Ang Karapatang Pantao ay ang pagtupad sa mga inaasam na


pangangailanagan ng tao.

_______2. Ang halimbawa ng natural rights ay ang karapatang umibig at


karapatang mamuhay.

_______3. Ang karapatang pantao ay para lamang sa mga nakatataas o may


kapangyarihan sa mamayan.

_______4. Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mga


mahahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao
at may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.

_______5. Ang kapangyarihan ng mamamayan na makilahok sa pamahalaan ay


isang uri ng karapatang sosyo-ekonomiko.

_______6. Nawawala ang pagkapantay-pantay ng tao kapag nasusupil o


nalalabag ang kanyang karapatan.

_______7. Sa pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliamento,


pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi
pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kaguluhan ay mga
karapatan na naisulat sa Petition of Rights.

_______8. Ang kalipunan ng mga karapatan o bill of rights ng Konstitusyon ng


ating bansa ay hindi listahan ng mga pinagsama-samang karapatan
ng bawat tao mula sa dating konstitusyon.
_______9. Ang Statutory Rights ay mga karapatan na binuong batas at maaring
alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.

_______10. Ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
na naglalaman ng mga karapatan ng bawat mamamayan.

Isaisip

A. Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pahayag o pangungusap upang


mas maunawaan mo pa ang araling natapos na. Gawin ito sa hiwalay na
papel.

Ang aralin ay tungkol sa ___________________________________________


natutuhan ko na _______________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________.

Mahalaga para sa akin ang araling ito sapagkat ________________________


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

_______.

Isagawa
A. Panuto: Isulat sa talahanayan ang mga bagay na maaaring makatulong sa
pagsulong ng pangangalaga sa karapatang pantao na siyang tutugon sa mga
isyu at hamong panlipunan. Gawin ito sa hiwalay na papel.

B. Panuto: Bigyan solusyon ang sumusunod na suliranin gamit ang mga


natutuhan sa araling ito. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Panlipunang Suliranin Solusyon

Biktima ng Diskriminasyon
Biktima ng Pambubugbog

Biktima ng Pang-aapi sa Kapwa

Biktima ng Sapilitang Paggawa

Biktima ng Karahasan sa
Kababaihan

Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Gawin mo ito sa
hiwalay na papel.

_____1. Aling dokumento ang ipinasa noong 1628 sa England na naglalaman ng


Karapatan na hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng
Parliamento?

A. The First Geneva Convention


B. Petition of Right
C. Bill of Rights D. Cyrus Cylinder

_____2. Likas sa bawat indibidwal ang kanyang karapatan. Paano tayo


napagkalooban ng mga karapatan?

A. Ito ay itinakda ng mga batas.


B. Ito ay simbolo ng pamahalaan.
C. Ito ay pinagtibay ng ating mga Pangulo.
D. Ito ay pinaglaban ng bawat mamamayan.

_____3. Ang UDHR (Universal Declaration of Human Rights) ay isang


mahalagang hakbang sa kasaysayan ng daigdig na kumikilala sa
karapatang pantao. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit
mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?

A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon.


B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
C. Pinangangalagahan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
D. Sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa mga karapatang
pantao.

_____4. Nagsagawa ng pagpupulong ang labing anim na Europeong bansa at


ilang estado sa Amerika sa Geneva at Switzerland noong 1864. Kinilala
ito na The First Geneva Convention. Ano ang pangunahing layunin ng
dokumentong ito?

A. Sumunod sa paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the


Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
B. Isinaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may mga sakit
na sundalo.
C. Pagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan D. Pagbibigay pagkain sa
mga nagugutom na bata. _____5. Alin sa sumusunod na sitwasyon
ang naglalarawan ng Statutory Rights?

A. Ang karapatan ni Adelyn na kilalaning anak ng kanyang tunay na


mga magulang.
B. Ang pagsapi ni Allen sa grupong Sakdalista.
C. Ang pagbibigay ng 20% pribilehiyo sa mga Senior Citizen at mga mag-
aaral sa lahat ng pampasaherong sasakyan.
D. Ang pagpili ni Ryan sa simbahang Iglesia Ni Kristo bilang kanyang
relihiyon.

_____6. Ano ang nakasaaad sa dokumentong Bill of Rights na ipinatupad noong


Disyembre 15, 1791?

A.Nagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng


mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa. B.
Sumusunod sa kapangyarihan ng hari.
C. Pagbabawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
D. Pagtatag ng relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng
Judaismo, Hinduismo, Kristyanismo, Buddhismo, Taoismo, Islam at
iba pa.

_____7. Ano ang tawag sa komisyong itinatag ang United Nations sa pamumuno
ni Eleanor Roosevelt noong 1948?

A. Declaration of the Rights of Man


B. Human Rights Commission
C. Universal Declaration of Human Rights
D. The First Geneva Convention

_____8. Kailan nagsisimula ang karapatan ng isang nilalang sa mundong


ibabaw?

A. Pagkasilang
B. Pagmamamatay
C. Pagkinasal
D. Kapag nagka-edad na

_____9. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng tamang paglalarawan


ng mga karapatang sibil?

A. Ito ay may kaugnayan sa ating pakikitungo sa ating kapwa.


B. Ito ay nagbibigay proteksyon kung tayo ay lumalabag sa batas.
C. Ito ay tungkol sa paghahanap ng mapagkakakitaan upang mabuhay.
D. Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at
malaya.

_____10. Sinong hari ng Persia ang sumakop sa lungsod ng Babylon at


nagdeklara ng pagkapantay-pantay ng lahi noong 539 B.C.E?

A. Haring Cyrus
B. Haring Solomon
C. Haring Alexander
D. Haring Abraham

_____11. Ano ang dokumentong pilit nilagdaan ni Haring John I ng England


noong 1215?

A. Bill of Rights
B. Petition of Right
C. Declaration of the Rights of Man
D. Magna Carta

_____12. Alin sa sumusunod ang tamang sagot sa pagpapahayag ng karapatang


pantao?
A. Ang karapatang pantao ay para sa mga sundalo lamang.
B. Ang karapatang pantao ay para sa lahat ng nilalang sa lipunan.
C. Ang karapatang pantao ay para sa manggagawa lamang.
D. Ang karapatang pantao ay para sa Presidente lamang.

_____13. Sino ang namuno upang itaguyod ang paglagda at pagpatupad sa


Universal Declaration of Human Rights ng Komisyon sa Karapatang
Pantao?

A. Eleanor Roosevelt
B. Haring Louis XVI
C. Haring Cyrus
D. Christine Roosevelt

_____14. Ito ay likas na karapatang pantao na kung saan ang isang indibidwal
ay may karapatang mabuhay at magkaroon ng sariling ari-arian.
Anong karapatan ang tinutukoy sa pahayag na ito?

A. Natural Rights
B. Constitutional Rights
C. Statutory Rights
D. B at C

_____15. Ang karapatang ito ay maaring aalisin at baguhin sa proseso ng


panibagong batas kung saan ito’y binuo itong para sa lahat ng mamamayan.

A. Natural Rights
B. Constitutional Rights
C. Statutory Rights
D. Lahat ng nabanggit

_____16. Ano ang tawag sa nakaukit sa isang baked clay na tinaguriang World
First Charter of Human Rights noong 539 B.C.E?

A. The First Geneva Convention


B. Cyrus Cylinder
C. Parliament
D. Syrus Cylinder

_____17. Ano ang dahilan sa pagkakaroon ng karapatan ng isang tao?

A. Kakambal ito ng ating tungkulin.


B. Kailangan nating tuparin ang konstitusyon.
C. Proteksyon natin ito laban sa mga pag-aabuso.
D. Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.

_____18. Alin sa sumusunod ang tinatamasa ng isang indibidwal mula


pagkasilang hanggang sa kanyang kamatayan?

A. Dignidad
B. Pagkatao
C. Karapatan
D. Pangangailangan

_____19. Alin sa sumusunod na halimbawa ng karapatan ang nakasaad sa


Magna Carta ng Inglatera?

A. Hindi maaaring dakpin, ipakulong at bawiin ang anumang ari-arian


ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong
ito, nililimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
B. Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan,
C.Pagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa. D.
Pagbibigay ng karapatan na makapili ng sariling relihiyon.

_____20. Ang karapatang pantao ay sadyang napakahalaga sa bawat indibidwal


na nabubuhay rito sa ating lipunan. Paano tinitiyak ng pamahalaan
na ang mga tao ay may pantay at makatarungang karapatan?

A. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan.


B. Pinarurusahan nito ang sinumang lumalabag sa karapatan ng kapwa
mamamayan.
C. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng batas.
B. Tinatanggal nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag
sa batas ng estado.

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Maaari mo nang balikan ngayon ang K-W-L-S Chart na sinagutan


mo sa simula ng araling ito. Isulat sa “Learned” ang iyong napag-aralan at
isulat sa “Significance” ang mga mahahalagang natutuhan.
(KNOW) (WANT) (LEARNED)
Mga Bagay Na Alam Ko Mga Gusto Kong Mga Natutuhan Ko
Na Malaman

You might also like